CHAPTER 21
Chapter 21
Maximilian Arthur's POV
Nang maputol ang tawag ay bagsak ang balikat ni Zyrho. Humulma ang kanyang mga panga at dumaan ang galit sa kanyang mga mata.
I had already seen Zyrho when he was serious, playful, silly, and perverted. But right now, my nerves were shaking upon seeing how dark and gloomy his expressions were. His knuckles were red as he tightened his grasp on his phone. Nag-aalala tuloy ako doon sa telepono niya dahil baka mabasag iyon ng wala sa oras.
"Z-Zyrho." Subok kong tawag sa kanya pero tila wala itong narinig mula sa akin. Nakatingin lang siya sa kawalan at kumuyom pa lalo ang panga.
"Zyrho," tawag ko ulit at sa pagkakataong iyon ay inabot ko na ang kanyang kamay. Pinisil ko ito.
"Baby," a harsh breath escaped his mouth.
I want to ask him sa mga pinag-usapan nila ni Tito Tyson kaso natatakot ako kay Zyrho. I have known him for being so patient, calm, and gentle. Pero nawawala talaga siya sa kanyang katinuan kapag tungkol na sa kanyang pamilya.
"Zen," he uttered pero hindi niya natutuloy ang anumang gusto niyang sabihin.
"Are we going home?" Mahinahon kong tanong sa kanya. I don't want to ask further about Zen dahil alam ko na naman.
Zen is the family's most precious princess pero... putangina kasi! Sino ba ang bumuntis doon? Gago! Malilintikan talaga ang nakabuntis sa prinsesa ng mga Maranzano. Talagang dadaan sa kamay ni Tito Tyson at ni Zyrho.
"I don't wanna go home. I still want to spend days here with you, baby." ani Zyrho at dinala ang aking kamay sa kanyang mga labi upang hagkan.
Pumikit siya ng mariin habang nakahalik siya sa likod ng aking palad. Kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang balikat, wari'y kinakalma ang sarili.
Without thinking too much, I closed the small gap between us and wound my free arm around his huge frame.
Sinalakay naman kaagad ng panlalaking pabango ni Zyrho ang aking ilong at parang dinuyan no'n ang aking sistema sa ulap.
"It's fine. B-baka kailangan ka ng pamilya mo ngayon. Pwede naman tayong bumalik dito anytime."
Gumanti ng yakap si Zyrho sa akin at pinatakan ng isang halik ang aking ulo. "Right."
The whole ride going back to the city was nerve wracking for me. Salubong lang ang kilay ni Zyrho habang nakatuon sa daan ang mga mata. Mahigpit ang pagkakakapit niya doon sa steering wheel ng kotse at malayo ang iniisip.
Tsk! Ganito rin siguro ang nararamdaman ni Archi at ni Dad nang malaman nilang nabuntis na lang din ako bigla. Pati rin pala si Mama Kai. Nanggagalaiti pa nga iyon sa galit.
Gustong-gusto ko nang sumbatan ngayon si Zyrho sa ginawa niya sa akin, but I choose to zip my mouth because I really don't remember what happened that night.
Shit! What if pala ako ang nagtapon ng sarili ko kay Zyrho dahil sa kalasingan ko? What if ako ang nagpumilit? What if ako talaga ang may gusto no'n tapos naging generous lang si Zyrho? Tanginang generosity!
Tumigil saglit si Zyrho sa isang gas station upang magpa-gas at bumaba na rin ito para makabili ng makakain namin sa malapit lang din na convenience store. Nais kong sumama sa kanya kaso ayaw niya ako palabasin ng kotse. Mainit daw kasi at baka nakakasama sa akin ang amoy ng gasoline.
"Here," ani Zyrho sabay abot sa akin ng isang paper bag.
"Hindi ka kakain?" tanong ko sa kanya.
"I'm not hungry, Arth. Kumain ka na lang d'yan dahil baka nagugutom ka na."
Umiling ako.
"Kumain ka rin." Pagmamatigas ko.
"I'm driving, baby."
Pinakain na niya ako bago kami umalis nang farmhouse kaya 'di ako nagugutom pero siya hindi kumain. Tapos siya pa ang nagda-drive.
"Ito oh!" Anas ko sabay subo ng isang biskwit sa kanya.
Humina ang pagpapatakbo niya sa kotse. He glanced once more at the road before looking at me, then to the biscuit.
"Ayaw mo?"
"No!" Kaagad niyang sangga sa akin at hinawakan ang aking palapulsuhan at saka kumagat doon sa biskwit.
Gustong-gusto na talaga ni Zyrho na makauwi at kung kaya niya lang paliparin itong kotse niya ay baka ginawa na niya. At malamang kung hindi lang ako kasama nito ay baka mas matulin pa itong pagpapatakbo niya sa kotse.
Kaya naman kahit nagc-cringe ako sa subo-subo na ito ay wala akong magagawa. Minsan lang mag-inarte si Zyrho kaya pagbibigyan ko na.
"Thank you, baby." Ngising saad nito matapos siyang painumin nong lemon juice na kanya ring binili.
Tumango lang ako at saka umayos sa akong kinauupuan. Tila kiniliti ng mga ngisi ni Zyrho ang aking mga bulate sa t'yan. Pagkuway tumingin ako sa labas at kusang sumugat ang ngiti sa aking mga labi sa hindi ko malaman na dahilan. 'Baka dahil lang ito sa magandang tanawin sa labas!' Kutos ko sa sarili.
Nakatulog ako sa byahe namin ni Zyrho at sa muling pagmulat ko ay nasa mansion na kami ng mga Maranzano.
"Baby?" Zyrho mint breath fanned my face. Nakababa na siya ng kotse at tila ginigising ako.
"Oh, nakarating na pala tayo." ani ko. "Kanina pa?"
He shook his head.
"Just a few minutes ago."
"Dapat ginising mo kaagad ako."
"You sleep soundly, Arth. Seeing you sleep comfortably beside me calms me down a bit," he confessed.
Hindi ako sumagot nang maramdaman ko na naman ang kakaibang kikiti sa aking kaibuturan.
"You want me to carry you inside?" Alok nito.
Umiling ako kay Zyrho at bumaba ng kotse.
As much as I want him to carry me pero ayaw ko namang makita kami ng mga magulang niya sa ganoong sitwasyon. I know na mahaba-haba talaga ang diskusyong mangyayari mayamaya. Lintik kasi si Zen, eh. 'Di rin nag-iingat!
He closed the car door before wrapping one arm around my waist and guiding me inside their house.
Halos hindi na ako humihinga habang papasok kami ng bahay. Nararamdaman ko na kasi ang tensyon kahit na hindi pa namin kaharap si Zen.
"Kuya!" It was Esther. "Kuya Arth." anito nang bumaling sa akin.
I only gave her a curt smile.
God! Hindi ko kinakaya ang mga Maranzano, there's always a thick aura hanging around them pero hindi ko inakala na may ilalala pa iyon. Iba na kapag seryoso na sila.
"Si Zen, where's Zen?" Bungad naman ni Zyrho sa kapatid.
Hindi pa kami nakakaupo ni Zyrho ay nagsidatingan naman sina Evren at Ehann mula sa ikalawang palapag ng bahay. Tito Tyson and tita Cass weren't around.
"Nasa taas, Kuya. They're trying to talk to Zen, nagkukulong kasi sa kwarto at umiiyak. Ayaw buksan ang pinto." si Evren.
Ramdam ko ang pagnginig ng kamay ni Zyrho sa aking baywang.
"Baby," awtomatik akong tumingala kay Zyrho. "Stay here. "I will try to speak with Zen."
Pipi naman akong tumango kay Zyrho.
Pinaupo ako ni Esther sa kanilang sala at tiningnan namin sina Zyrho na paakyat sa taas. Naiwan kasi si Esther kasama ako.
"Ilang oras nang nagkukulong si Zen, Esther?" tanong ko rito na panay ang sulyap sa taas.
"Simula nang makita ni Papadad ang PT sa room niya. All of us were about to go to work pero hindi na natuloy dahil sa nalaman namin."
"Wala ba kayong extra key sa room niya?"
Bumuntong hininga si Esther. "We have, pero may lock din kasi sa loob ng room ni Zen. We can't enter. Binantaan din niya kami kapag nagpumilit kaming pumasok."
Matapos ang pag-uusap naming iyon ni Esther ay natahimik na kami. I was about to ask about Zhuri since hindi ko ito nakita nang may marinig akong tunog mula sa paparating na motor.
Kapwa kami napatayo ni Esther dahil doon at sumulyap sa malaki nilang bintana. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita kong si Zhuri ang paparating. Hindi ko man kita ang mukha nito dahil nakahelmet pero kilala ko kasi ang motor ni Zhuri at ang tindig nito.
Swabe ang galaw ni Zhuri sa kabila ng pagmamadali nitong bumaba sa motor. Matapos hubarin ni Zhuri ang helmet ay b-in-un nito ang kanyang mahabang buhok at pumasok sa loob.
"Zen?" tanong nito sa amin ni Esther.
Itinuro ni Esther ang taas.
"Wala kang duty, Ate?"
"Kakatapos lang ng operation ko sa isa kong pasyente." Walang ka-emo-emosyong sagot ni Zhuri at umakyat sa taas kaso napatigil din ito at nilingon kami ni Esther.
"Bakit hindi kayo umaakyat?"
"Pina-stay ni kuya Zy si kuya Arth dito, ate."
Kumunot ang noo ni Zhuri. "You're friends with Zen, right, Arth?"
Tango ang naging sagot ko kay Zhuri. Nakakatakot naman ang babaeng ito. Parang babaeng bersyon ni Zyrho.
Umakyat na rin kami ni Esther kasama si Zhuri at nadatnan namin sina tito Tyson na naka-abang sa labas ng kwarto ni Zen habang si Zyrho ay kumakatok sa pintuan.
"Zen, please! We're not mad, okay? Let us talk." Pakiusap ni Zyrho.
Bruskong naglakad si Zhuri at walang habas na pinatid ang pintuan ng room ni Zen. Sabay lagapak sa malaking palad nito sa pintuan.
Napatalon si tita Cass doon habang napapikit naman si Tito Tyson na tila alam niyang gagawin iyon ni Zhuri. Ang mga kapatid ni Zhuri ay umiling lang.
"Zhuri mas lalong hindi tayo pagbubuksan ni Zen dahil sa ginawa mo." Pagalit na untag ni Zyrho.
Zhuri scoffed.
"Anak, Zhuri." si Tita Cass.
"Siya ang may kasalanan dito, Papadad, pero siya ang nagmumukmok sa loob. We need an explanation kung papaanong nabuntis siya pero nagkukulong siya d'yan." Anang ni Zhuri at muling bumaling sa pintuan at sinampal ito. Napatalon ako. "May rounds pa ako later, Zen!"
"Zhuri!" si Zyrho.
"I don't want to talk to all of you!"
"Fuck, Zen! Sinong gago ang gumawa nito sa'yo? Pinilit ka ba? Tell me the name, ako ang tatapos kung sino--"
"No! No, Zhuri! Gusto kong mapag-isa! Umalis kayo!" Alm naman ni Zen mula sa loob ng kanyang silid.
Tiningnan ko ang mga Maranzano at kita ko sa mga mukha nila ang frustrations.
Dinaluhan ni Esther si Tita Cass na nagsisimula nang umiyak. Nang makita ito ni tito Tyson ay kaagad namang niyakap si tita.
"Zen, Papadad is crying." Kumukuyom ang pangang wika ni Zyrho.
Lumapit ako sa kanila.
"I will... try." Lahat ng mga mata ay napunta sa akin. "Susubukan kong kausapin siya."
"Zen?" anas ko.
"Arth?!" si Zen.
"Can I come in? Let's talk."
"Nand'yan sila..."
Tiningnan ko sila Zyrho and motioned them to distance themselves from Zen's room.
"Palabasin mo siya sa room niya, Arth. Please!" si tita Cass bago inakay ni tito Tyson pababa.
"Thanks, baby." si Zyrho at humalik sa noo ko.
"Wala na sila, Zen." ako nang makaalis na sila.
Ilang sandali ay bumukas na rin ang pintuan at dumungaw doon si Zen na namumugto ang mga mata.
Pinapasok niya ako sa kanyang room at umupo kami sa kanyang kama. Halos sumakit ng mata ko sa kulay pink niyang room.
"Bakit hindi ka lumalabas? Zen, you need to talk to them." Mataman kong untag sa kanya.
Zen's shoulder starts to rock.
"Zen,"
"I don't want to see their faces of disappointment." iyak niya.
"They're not, Zen. Worried lang sila."
"They're not sa ngayon, hindi sila disappointed but once malaman nila kung sino ang nakabuntis sa akin... they will, Arth."
"Hindi naman judgemental ang pamilya mo, Zen. Alam mo 'yan."
Mariin siyang pumikit.
"I know pero hindi kasi ganoon, Arth. I got pregnant... b-by the son of our... o-our enemy."
"Enemy?" Gulo kong sambit.
Umiling si Zen. "Family rival, Arth."
"Hindi mababaw ang pamilya mo, Zen. They will understand. Kaya nga mag-uusap kayo. Talk to them, Zen. Si tita Cass umiiyak."
"Natatakot din ako, Arth. Kuya... kuya will get mad, I'm sure of that. I disappointed them."
"No, Zen. Sa lahat si Zyrho ang makakaintindi sa'yo kasi... kasi pareho tayo ng pinagdaanan."
Malungkot itong ngumiti sa akin.
"Zen," kinuha ko ang kamay ni Zen at saka ko iyon pinisil.
"Mahal ka kasi ni Kuya from the beginning, Arth. Ako... laro-laro lang naman. Asshole pa ang nakabuntis sa akin."
"Zen, you are Maranzano's princess. They love you, and I know they will understand. Sige, ipalagay natin na ma-dissapoint sila kagaya ng sinasabi mo at kinakatakutan mo, pero eventually, matatanggap din naman nila ito. Napapangunahan ka lang ng kaba mo, Zen. Saka, hindi ka nag-iisa okay? Nandito ako. Hmm?"
After half an hour of talking and convincing Zen, finally kasama ko na itong bumaba. Napatayo ang mga Maranzano nang makita si Zen na nakakapit sa aking braso.
"Zen my princess!" Tito Tyson at mabilid na sinugod ng yakap ang anak, sumunod naman si Tita Cass.
Kita ko ang pagpapakawala ng mabibigat na hininga ng mga anak ni tita Cass.
Nilapitan ako ni Zyrho.
"Thank you so much, baby." Bulong ni Zyrho sa akin.
Nginitian ko lang siya. "Please, be gentle to Zen. Natatakot lang siya."
Zyrho nodded and took a sniff of my head.
Umupo kaming lahat sa sala at hinihintay na magkwento si Zen. Parang nanonood lang kami ng movie at nasa kaabang-abang na part na kami. Tila lahat kami nagpipigil na sa hininga.
"We're not serious..." Panimula ni Zen. "Ako... kaming dalawa... alam naming walang seryosong namamagitan sa amin. We're just having fun until this happens."
"You mean your fuck buddy impregnated you?" Gusot ang mukhang tanong ni Zhuri.
Yumuko lang si Zen.
"That's not important anymore. We just wanna know who... who is he, Zen? Come, on, princess." Tito Tyson urges Zen.
"Dad," Nanginig ang labi ni Zen.
"Please, Zen." Gatong ni Zyrho. "Hindi ako makakatulog nito, Zen. Knowing you are pregnant with whoever that motherf*cker—"
Binatukan ko si Zyrho kaya siya naputol.
"Baby," ungol nito.
"I said, be gentle to him, okay?"
Humingang malalim si Zyrho and was about to say something when Zen answered.
"Brixx Ezequil."
"Brixx Ezequil... Zen," it was Ehann.
"Shit!" Evren cursed.
"Suldua, Zen?" ani Zhuri.
Tumango naman si Zen habang nakayuko pa rin.
"Brixx Ezequil Suldua! Fuck! Kaya ba pinasok na rin no'n ang negosyo natin kasi... alam na niya ito?" si Zhuri.
"No! Wala siyang alam, Zhuri. Matagal na ang huli naming communication." Agap ni Zen.
"Why, Zen? Bakit hindi mo sinabi sa Suldua na iyon ito?" si Zyrho.
"He is getting married, kuya! Can you hear yourself?!" sagot ni Zen kay Zyrho.
"Right. Narinig ko rin iyan." si Evren.
"That bastard! Ginawa ka niyang pampalipas oras? Fuck! Ako ang tatapos sa batang iyan!" Nanggagalaiting untag ni tito Tyson.
"Love, please!" si Tita Cass.
"Love you don't understand. Our princess, si Zen..."
Niyakap ni tita Cass si tito Tyson. "I know, love. I know. I'm mad as well pero for Zen. Let's all calm down."
"Ayaw ko nang makita si Brixx. Wala siyang pakialam, kaya bakit ko sasabihin sa kanya itong baby ko? I want peace. Sinabi na niya rin naman na ayaw niya ng bata." Matabang na wika ni Zen.
It was amazing how tita Cass manage to ease the raging temper of Maranzanos. Zyrho, Zhuri, and tito Tyson was already too much pero nakakamangha na kapag si tita Cass ang nagsasalita sumusunod sila.
"We will talk about the other matters some time. Ngayon ang importante alam na natin kung sino ang nakabuntis kay Zen. Isa pa... kung concern o may pag-aalala ang Brixx Ezequil na iyon kay Zen. He must be here right now. He must be fighting for Zen. Pero wala siya and is getting married. We will respect whatever Zen's decision this time." si Tita Cass.
Ilang oras ng lumipas ay bumalik din si Zhuri sa trabaho na galit. Ehann, Esther and Evren didn't leave Zen's side.
"Arth pwede ba kitang makausap?" ani tita Cass habang nasa circle ako nina Esther at sinusubukan namin si Zen na pasiglahin.
Si Zyrho kasi at tito Tyson ay nag-uusap din ng sila lang sa 'di kalayuan. Sumulyap ako kay Zyrho na nakatutok sa akin kahit na ang ama nito ang kausap.
"Sige po!" Pagpapaunlak ko kay tita Cass.
I excuse myself at dinala ako ni tita Cass sa kusina. Ginawan ako ni tita Cass ng makakain at umupo kami sa kanilang dining area.
"Maraming salamat, Arth kung hindi dahil sa'yo baka hindi pa lumalabas hanggang ngayon si Zen sa kanyang kwarto. Thank you so much, Arth."
"Wala po iyon, tita Cass. Masaya po ako na nakatulong sa inyo kahit papaano."
Hinaplos ni tita Cass ang pisngi ko.
"Can't wait na maging Maranzano ka na rin, Arth."
Hilaw akong napangiti doon.
"By the way, kumusta ang pagbubuntis mo? At iyong vacation ninyo ni Zyrho sa farm, how was it?"
"Masaya po at ang ganda po ng lupain ninyo sa Sagada."
"Mabuti naman. Sayang napaaga ang uwi ninyo ni Zyrho dito dahil kay Zen."
Umiling ako. "Wala po iyon, tita."
At dahil napag-usapan namin ni tita Cass ang tungkol sa Sagada, muling pumasok sa isipan ko ang mga sinabi ni Zyrho sa akin doon. Alam kong wala ako sa posisyon upang manghimasok sa buhay nila kaso hindi ko mapigilang hindi sabihin kay tita Cass ang mga hinanaing ni Zyrho.
"Tita si Zyrho po..."
"Yes, Arth?"
"I think kailangan n'yo ring pong kausapin si Zyrho, Tita. Kayo po ni Tito Tyson, I think you need to talk to him as well." ani ko.
"What do you mean, Arth?"
"Sinabi po ni Zyrho sa akin ang... ang family history n'yo po. Mula noong bata sila, iyong wala si tito Tyson hanggang sa dumating si tito sa buhay nila. Tita, Zyrho has been carrying too much pain since his childhood. It's a painful... too painful wound, tita, that only you and Tito Tyson can mend."
Tita Cass gasped and covered his mouth with both palms. Tears flowed like a river down his cheeks.
Para kaming namatayan ni Tita Cass sa kusina habang nag-uusap. Binahagi rin ni Tita Cass sa akin pagkabata ni Zyrho at kung gaano ito kabuting anak sa kanya.
"Arth, si Zyrho... hindi niya naramdaman noon ang pagmamahal ng isang ama kasi... kasi wala si Tyson nang lumaki sila. Hindi man sabihin ni Zyrho pero alam ko noon na ngungulila din siya sa pagmamahal ng isang ama. Pero disappointed lang siya kasi noon nalaman din nila na gusto silang ipakuha ni Tyson sa sinapupunan ko. Nagalit sila kay Tyson, kinamuhian nila si Tyson, but eventually tinanggap din naman nila. Bumawi rin kasi si Tyson. At sa kanilang tatlo si Zyrho ang pinakamatigas. Pero alam ko rin naman na sa mga panahon na iyon, isa lang ang hinihintay ni Zyrho na marinig mula kay Tyson. Gusto lang din niyang marinig na mahal sila ni Tyson at ang pagsisi nito. Zyrho just wants words of affirmation from their dad. Importante kasi iyon sa kanya."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top