CHAPTER 14
don't forget to vote and comment your thoughts below!:)
_____________
Chapter 14
Maximilian Arthur's POV
I just met Zyrho's family, at sa totoo lang, madali akong napalapit sa kanila lalo na kay Zen dahil sobrang gaan nilang kasama. Well, except pala kay Zhuri na parang ayaw sa akin o baka nag-ooverthink lang ako. Siguro ganoon naman talaga, hindi naman kailangan na pakisamahan nila ako dahil dala-dala ko ang anak ni Zyrho.
Kumain kami ngayon kasama ang pamilya ko. Si Dad ay inaasikaso si Zyrho at pinagmamalaki ang luto niya pero sa totoo lang mas magaling magluto si Mama Kai. Nonetheless, si Mama Kai naman ay nakataas lang ang kilay kay Zyrho, tila binabantayan niya ang kilos nito.
Napanguso ako, si Mama Kai talaga hindi man lang nakipag-plastikan kay Zyrho! Kung sabagay, hindi na siya magiging Makaio Lacsamana kung hindi siya attitude.
Nabaling ang titig ko kay Zyrho. He is really ruthlessly handsome from every angle. He looks dangerous, yet at the same time, he can also pull off a kind face. Mas nakikita ko ang tangos ng ilong ni Zyrho kapag sumasagot siya kay Dad na kanyang katabi kumain, at ang maliliit niyang ngiti ay nagdadala ng kakaibang kiliti sa tiyan ko. I guess, gutom lang ito.
Ang kanyang malaking balikat at braso ay hinuhulma naman ng suot niyang itim na long sleeves na naka-rolyo hanggang sa kanyang siko. Zyrho made some gestures while talking to Dad, as if emphasizing something, which is why I was able to get a good view of his expensive watch on his wrist.
Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan ni Dad at Zyrho pero mukhang nagkakasundo sila. 'Di ko rin kasi marinig ang pinag-uusapan nila dahil mahina lang ang boses nila.
"You want something?" si Zyrho nang mapabaling siya sa gawi ko at nahuli akong nakatitig sa kanya.
Kaagad akong umiling pero tumayo siya.
"You some avocado shake? I can make you one." Presenta niya.
"Naglilihi ka sa abukado, anak?" tanong naman ni Mama.
Tumango ako.
"Yes, Madame. Arth loves avocado." ani naman ni Zyrho kaso inirapan ni Mama.
Umingos pa si Mama.
"Nasa kusina, may abukado sa ref kung gusto mong gawan si Arth." si Mama.
"No, mag-uutos na lang tayo ng—"
"Hayaan mo siya, Priam." Mama interrupted, cutting off Dad.
Magpo-protesta rin sana ako kay Zyrho na hindi naman kailangan kaso tinuro na ng kasambahay namin kay Zyrho ang aming kusina.
Dad was engaged in conversation with Mama when my brother began to speak. "Swerte mo sa magiging bayaw ko, Kuya! Sobrang attentive sa'yo!" Eksaherada naman ng aking kapatid na si Archi sa tabi ko.
Siniko ko ito. Isa pa itong lalaking ito! Hindi man lang inaawat si Mama sa kasungitan nito kay Zyrho! Halata talaga rito na nagpapalapad ng papel niya kay Mama. Mukhang may pinaplano!
"Swerte rin iyon sa akin!" Bara ko sa kanya.
Tumawa si Archi, may pa takip-takip pa siya sa kanyang bibig.
"Sa aling banda sinuwerte si Kuya Zyrho sa'yo, Kuya? Sa kasungitan at katarayan mo?"
Sinimangutan ko si Archi bago ko ito kinurot sa tagiliran.
"A-aray!" Reklamo niya.
"Tch!" Asik ko rito.
Napapailing si Archi.
Nang bumalik si Zyrho ay dala na niya ang shake ko at straw.
Kita ko sa mukha ni Dad na proud kay Zyrho kaso si Mama naman ay napapairap lang siya.
"I find Zyrho's attention to me gentle and sweet; however, I think Mama Kai finds it disgusting the way his face crumpled upon watching Zyrho and me.
After our meal, Zyrho and I decided to go back home."
"Hindi ka ba talaga rito natutulog, Arth?" tanong ni Mama nang ihatid nila kami ni Zyrho sa labas ng bahay.
Kanina, I considered staying here because I miss them so much, but after receiving Zen's message earlier, I was eager to go home and talk to him. Even though it was only a short message from Zen, I could sense the nervousness coming from his message.
"Sa susunod na lang, 'ma, dito ako matutulog."
"Basta kapag inaapi ka sa bahay ni... ni Zyrho, huwag kang magdadalawang isip na umuwi rito, anak." si Mama.
"Babe, malaki na ang anak natin. And I trust, Zyrho na hindi niya hahayaan na mangyari ang sinasabi mo sa anak natin." Awat naman ni Dad. I'm happy that at least, Dad was taking Zyrho's side.
"Ingatan mo ang anak namin." si Mama kay Zyrho.
"I will, Madame."
"It's Tita or Mama for you, Zyrho." Singit naman ni Dad.
Tumango at ngumiti si Zyrho. Lumaki lang ang butas ng ilong ni Mama sa sinabi ni Dad.
"We will go now, Tito, Tita."
Tumango si Mama at si Dad naman ay tumapik sa balikat ni Zyrho.
"Ingat kayo, bayaw!"
Pinanlakihan ko sa aking mga mata si Archi. Minsan talaga ang sarap busalan ng bibig ng kapatid kong ito.
---
"Is there something wrong, Arth?" usisa ni Zyrho sa akin habang nasa byahe kami pauwi sa bahay niya.
"I shook my head.
"You've been glancing at your phone since you climbed into the car. Do you want to be with your family?"
Bumuntong hininga ako. It was Zen's message that I was waiting for. Kanina nagreply ako sa kanya na tumungo siya sa bahay kung gusto niya ng makakausap pero hindi siya nagreply. I'm just worried.
"Wala, Zyrho. Tiningnan ko lang kung hindi mo ba ako nililigaw." I kidded.
Tinaasan niya lang ako sa kanyang isang kilay, like he wasn't satisfied with my response.
Inabot ko ang kanyang kamay na naka hawak sa gear ng kotse. Hinimas ko ito.
"Wala nga. I'm just... just waiting for Zen's reply. Nag-text ako sa kanya na dalawin ako sa bahay."
He gently shifted his hand to cover mine, intertwining our fingers. Zyrho then gave my hand a gentle squeeze.
"I'll text him then."
Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko mas takot si Zen kay Zyrho kaysa kay Tito Tyson. Kahit na isang beses ko palang nakikita si Tito Tyson, aaminin kung istrikto rin itong tao at mukhang malupit. Nakakapagtaka na mas takot yata si Zen kay Zyrho.
I shoo the thoughts away from my mind, mas pinoproblema ko pa ang sitwasyon ngayon ni Zen kumpara sa sitwasyon ko rati nang malaman kong buntis ako.
When we arrived, sinalubong si Zyrho ng kanyang tauhan kahit kakapasok lang namin sa bahay. In my peripheral vision, I saw Zen stand when he spotted us.
"We have an emergency at the headquarter... I mean in the office, boss."
Tumingin ako kay Zen bago kay Zyrho.
"S-sige na, pumunta ka na sa office mo. Nandito naman si Zen." sabi ko kay Zyrho.
Umusli ang buto sa panga ni Zyrho. He clamped his hand on my neck and bring his lips into my forehead.
"I'll be right back." He softly said against my forehead.
"S-sige lang. Mag-ingat ka."
Halos itulak ko na rin paalis si Zyrho dahil sabik na rin akong makausap si Zen. At nang mawala si Zyrho ay kaagad akong lumapit kay Zen.
I hugged him.
"Hindi mo naman ako tini-trip lang sa message mo sa akin kanina, 'di ba, Zen?" ani ko nang makakalas sa aming yakapan.
He gently wipe his wet cheeks. Nakukulay rosas na ang pisngi niya, kilay at ilong.
"Sana trip or prank nga lang ito." aniya, may kinuha siya sa kanyang Bottega Veneta handbag, then he handed me the pregnancy tests.
Tiningnan ko ang tatlong PT na may parehong resulta, positive ang mga iyon.
"Kailan pa?"
He shrugged. "Lately, naging obsessed ako sa candies especially lollipops tapos panay ang tulog ko, nahihilo rin ako at nagsusuka."
"Walang ibang nakakaalam?"
Umiling siya.
"Ikaw lang." aniya
"Hindi ba nakahalata sina Tita at Tito?" Tukoy ko kina Tito Tyson at Tita Cass.
Muli ay umiling si Zen.
"Sinabi ko lang na nilalagnat ako. Pinapainom nga ako ng gamot pero niluluwa ko lang din dahil may kutob na ako ever since someone took me."
"Hindi ba kayo gumamit ng proteksyon?"
Umirap si Zen sa akin.
"Pareho ninyo ni Kuya Zy, Arth hindi rin."
Napangiwi ako roon, natamaan sa kanyang sinabi.
"Anyway, sino ba ang ama? Kilala mo? Tanda mo ang mukha? Ang pangalan nakuha mo ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"All of the above, Arth."
Nagtagpo ang kilay ko. "Huh?"
"Kilala ko kung sino siya, kilala kong ama nang nakabuntis sa akin, tanda ko ang mukha niya, at alam ko kahit ang buong pangalan niya."
"Then tell him." I suggested.
Zen moistened his lips, then forcefully crossed his arms over his chest. With a heavy sigh, he slumped into the soft embrace of the sofa's headrest.
"I will never."
"Why? Itatago mo ang anak mo?"
"I don't like him, Arth."
"I don't like Zyrho too." Punto ko dahil pareho kami ng dinanas. Nabuntis ng mga timawang hindi naman namin gusto.
He side-eyed me. "But you're here with Kuya."
"I like him now. I fell in his little trap." Pairap kong anas.
Zen's mouth hanged open. "Oh, so romantic." I don't know if his being sarcastic or what.
Kinuha ko ang dalawang kamay ni Zen. "Tell me, sinong ama, Zen?"
Tumitig si Zen sa akin.
"I won't tell you, Arth. I'm so sorry."
Pinakawalan ko ang kamay niya. I understand him. I've been in his shoes before, but I just hope that whoever that fucker is who impregnated him will know that Zen is pregnant. Huwag lang sana gumaya kay Zyrho na kikidnapin niya si Zen dahil talagang magugulo ang mga Maranzano, rainbow princess pa naman ito ng mga Maranzano basi sa aking naririnig.
"Sorry talaga, Arth, for now ayaw kong sabihin kung sino ang father nitong magiging baby ko. Ngayon masaya lang ako na may masasabihan ako about this."
Pumikit ako. Sasakit din talaga ulo ko rito kay Zen.
"Pero hindi mo iyan matatago forever, Zen, especially sa pamilyang meron ka. Eventually, they will find out about this. At saka isipin mo rin magiging baby mo." Payo ko kay Zen na nakatingin lang sa mataas na ceiling ng bahay at bakas sa mga mata niya ang lungkot.
Alam ko sa pagtataong ito ay naguguluhan pa si Zen, takot, at nangangamba kaso aabot din siya sa puntong maiisip niya ang magiging baby niya. Alam ko na kagaya ko ay kayang-kaya rin ni Zen na buhayin ang magiging anak niya kaso... iba pa rin kapag may karamay sa lahat. That's the thing I've realized now that I'm with Zyrho. Hindi lang pera ang iisipin mo sa ganitong sitwasyon, eh. The physical and emotional support of someone is highly needed too.
"My family will hate me if they learn who impregnated me." Zen whispered, puffing through the air, accompanied by the weight of his exhaled breath, as he gently released it through his nose.
"They will understand, Zen."
Zen only gave me a wry smile.
Dala-dala ng isipan ko ang kalagayan ni Zen hanggang sa sumunod na araw. I promised him that I will zip my mouth about his situation that is why no matter how much I want to open my mouth to Zyrho, I keep it myself.
"Are you okay?" Zyrho asked one night, as he handed me the glass of milk.
Tinanggap ko iyon at umiling sa kanya. Sumandal ako sa headboard ng aking kama at inunat ang aking binti. Nangangalay kasi iyon.
Walang anu-ano'y kinuha ni Zyrho ang bote ng herbal oil. Binuhat niya ang binti ko at ipinatong sa kanyang kandungan.
"You don't have to, Zyrho. Magpahinga ka na lang." Awat ko dahil narinig ko kanina mula sa mga tauhan niya na busy siya sa trabaho.
"It's fine." he said, smiling. At sinimulan na niya ang paghilot sa akong binti.
Hindi pa siya nakakabihis galing sa kanyang mahabang oras na pagtatrabaho tapos uuwi siya rito at ako na naman ang tinatrabaho. Sometimes, napapaisip na lang ako na sobra-sobra na itong ginagawa ni Zyrho.
Zyrho likes me and I feel the same way but, really, I don't know what is our real score. Sumasabay lang ako sa agos ng buhay ko ngayon.
When the next morning came, I was taken aback when Tita Cass and Tito Tyson visited with two unfamiliar people with them.
"Papa Pike? Tita Sean?" si Zyrho na kasabay kong bumaba ng hagdanan.
"Arth! How are you, dear?" Salubong ni Tita Cass sa akin.
"M-mabuti naman po, Tita Cass." sagot ko at panay ang sulyap sa mga bagohg mukha.
Nagkamustahan kami ni Tita Cass at pati na ni Tito Tyson.
"By the way, Arth nandirito si Pike at Sean, sila ang magulang ni Keira— ang kumupkop kay Keira." ani Tita Cass at isa-isang tinuro ang mga bagong mukha sa aking paningin.
"Hello Arth," si Tito Pike.
"H-hello po."
"Arth," si Tita Sean naman.
Napanguso ako. Ang gwapo rin nitong ni Tito Pike para siyang si Toto Wolf ng Mercedez. Tapos si Tita Sean naman ay gandang-ganda rin. Mukhang mahinhin kaso mukhang may pagkatuso.
Umupo kami sa sofa sa aming salas.
"Arth nandito kami ng asawa ko," tumingin si Tito Pike kay Tita Sean, "dahil gusto naming humingi ng paumanhin sa ginawa ng anak naming si Keira sa'yo."
Tumango naman si Tita Sean. "Hindi namin alam kung bakit iyon nagawa ng anak namin, Arth pero pangako na pagsasabihan namin siya. Lalo na't buntis ka pa naman."
"Napalayo na kasi siya sa amin simula noong bumukod na siya, hindi namin alam kung ano ang nagtulak sa kanya na magsinungaling sa'yo. Pasensya na talaga, Arth." si Tito Pike.
"N-naku... huwag niyo na po iyong isipin. Ang importante po sa akin ngayon ay ang kaligtasan po ng baby namin." At sana hindi na lumapit pa ang Keira'ng iyon sa amin ni Zyrho. Nais ko sana iyong sabihin ngunit mas pinili ko na lang na sarilihin ang bagay na iyon. Wala pa naman kaming maayos na label ngayon ni Zyrho.
"Papaano nila nalaman?" Bulong ko kay Zyrho na siyang katabi ko sa aking kinauupuan.
"I told Papa Pike about what happened para mapagsabihan nila si Keira at kay Zen naman nalaman nina Papadad ang nangyari sa'yo." Zyrho explained.
"Mabuti pa siguro kung magbakasyon muna kayo ni Arth sa Farmhouse natin sa Sagada o sa resort natin sa Palawan, Zy." Suhestiyon ni Tita Cass mayamaya.
"Hmm, I think mas mabuti na magliwaliw muna kayo ni Arth, son. At para na rin makapagrelax minsan si Arth." Sang-ayon naman ni Tito Tyson.
Tumingin si Zyrho sa akin, tumango. "I think... that's a good idea, dad."
"Huh? Eh, papaano si Zen?" Nanlalaki ang mga mata ko at napatakip sa akin bibig.
Shit! Shit! Shit!
***
Thank you for reading, Engels!
꧁A | E꧂
-— what are your thoughts so far sa story ni zyrho at arth? comment 'em below!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top