CHAPTER 10

Chapter 10

Maximilian Arthur's POV

Mabibigat ang hakbang ko tungo sa kama, umakyat ako sa malaki kong kama at umupo bago sumandal sa headboard at humalukipkip. Napag-isip isip ko ang aking ginawa kanina. Tsk! That was too childish! Why did I walk out? Why did I walk away when I saw them there?

I hugged a pillow and buried my face in it. Should I go back? Nah! I already lost my appetite!

I don't know! Even I, myself, don't understand why I acted that way earlier. What does it matter to me if Zyrho was talking to that woman? What does it matter to me if he's happily conversing or talking to someone animatedly? Like I care?!

I clutched my heart. Why do I feel like there's an inexplicable pit in there? This feeling... is so foreign to me. I didn't feel this way before until now. A sense of something missing, something wrong, something going on inside my chest that I couldn't fathom at all.

The image of Zyrho jubilantly chatting with someone makes me feel bitter. I taste the bitterness under my tongue just thinking of him comfortably talking to anyone. Hindi ko namalayan ang paghigpit ng mga braso ko sa pagkakayakap ko sa unan. My knuckles were already red due to too much pressure.

I shook my head rigorously to shoo away the thoughts coming in and out of my mind. As much as I don't want to entertain them, they're too much to resist. They willfully invaded my mind without my knowing, and I hate it.

"Arth?"

Muntik na akong mapa-tumbling nang marinig ko ang boses ni Zyrho sa labas ng aking pintuan. Natataranta akong humiga at pinikit ang mga mata. Nagwawala ang puso ko sa sobrang gulat at idagdag pasang aking kaba.

Anong ginagawa ni Zyrho dito? Tapos na ba siyang makipag-usap doon sa babae? Umalis na ba ang babae?

Mas humarantado ang hataw ng puso ko nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng aking pintuan. I almost forgot how to breathe as Zyrho's footsteps got closer.

I tightly closed my eyes. My hands, under the thick covers, were already clutching the bedsheets firmly as Zyrho's footsteps got closer.

Nang umuga ang kama, hudyat na ito ay umupo sa aking kinahihigaan, halos hindi na ako humihinga.

"Baby?"

I pressed my lips together and ignored him.

Kumuyom ang mga daliri ko sa paa nang maramdaman ko ang palad ni Zyrho sa aking noo, sinisipat niya ang aking noo!

"You didn't eat your lunch. Nagiging maantukin ka na," wika ni Zyrho habang ako ay nagpapanggap pa ring tulog.

Muntik ko na siyang masuway sa kanyang sinasabi, mabuti na lang naalala kong nagtulog-tulogan pala ako rito.

Nang dumapo ang kamay ni Zyrho sa tiyan ko ay nahigit ko ang aking hininga.

Shit!

"I have some work to do, baby. Be good and don't give your Mommy Arth, a headache, alright? Daddy will be back as soon as possible." Pagkakausap ni Zyrho sa baby ko— namin na wala pa amang kamalay-malay.

Akala ko ay aalis na ang timawa nang maramdaman ko na lang ang kanyang labi sa bandang tiyan ko. At akala ko ro'n na ito matapos kaso humalik ito sa aking noo.

"Get some rest, baby. Take care of yourself." Habilin pa nito.

Napabalikwas ako sa mula sa aking pagkakahiga nang makalabas si Zyrho. Tinampal ko ang aking dibdib at huminga ng malalim bago mararahas na bumuga ng hangin galing sa aking bibig. Pakiramdam ko tumaas ang dugo ko sa aking pisngi at sa aking batok! Ano 'to? Highblood?

"Kumalma ka!" Paggalit kong anang sa puso ko na parang galing sa marathon! Nababaliw na ako sa pintig ng puso ko!

"Aishh!" Inis kong sambit at pinatid ang kumot at pinagsusuntok ko ang unan sa aking tabi!

Nakakailang halik na ba ang feelingerong iyon sa akin? At saka bakit ba hindi ko man ito namamalayan na humahalik sa akin? Shit naman nito! Nakakabanas!

"Sir!" Ang tawag ni Seiven sa akin nang makita akong pababa ng hagdanan.

Dahil na-badtrip na ako, nawalan na akong gana sa lahat!

"Ipapainit ko ba ang pagkain mo, Sir Arth hindi ka kasi kumain kaninang lunch." Daldal ni Seiven habang nakasabay sa akin tungo sa dining area. Tanging si Seiven lang ang nakakalapit sa akin at kaibigan ko rito sa bahay ni Zyrho.

Ewan ko rin ba kasi, parang may sari-sariling mundo ang mga tao sa bahay na ito. O baka hindi lang talaga ako sanay na madami ang tao sa bahay.

Panay ang linga ko sa aking paligid para tingnan kung nandirito pa ba ang babaeng kausap ni Zyrho kanina ngunit hanggang sa makarating kami ni Seiven sa dining area ay wala naman.

"Hinahanap mo si Boss, sir Arth?"

Napalundag ako at halos mapukpok ang ulo ni Seiven sa hawak kong kutsara nang bigla itong bumulong sa akin.

My face contorted as I turned to look at Seiven.

"Hindi!"

Ngumuso si Seiven at napakamot sa kanyang batok.

"Kanina pa umalis si Boss, sir Arth kasama si Ma'am Keira."

Tamad kong binalingan si Seiven na mukhang manhid at hindi makaramdam na ayaw kong pag-usapan ang alin man sa mga binanggit niya. Kaso nakuryoso naman ako roon sa Keira. During my two-week stay here, it's my first time hearing that name.

"Keira?"

Tumango si Seiven.

"Opo, sir."

Tulad ng pagtaas ng kuryoso ko, tumaas din ang isang kilay ko.

"Who is she?"

"Kababata ni Boss, Sir Arth, anak ng kaibigan ni Boss Tyson, si Sir Pike po." sagot naman ni Seiven sa akin. Ito ang gusto ko kay Seiven, lahat ng tanong ko sinasagot niya. Wala siyang tinitirang impormasyon!

Kilala ko si Tito Tyson pero iyong isa niyang binanggit ay hindi ko na kilala. His name doesn't ring a bell.

"Okay, upo ka na kain na tayo." Aya ko kay Seiven.

Ngumisi naman sa akin si Seiven at maganang tumango.

"Alam mo bang pinagsabihan na ako ni Ate Sienna, Sir Arth na huwag na raw po akong sumabay sa inyo kumain. Nakakahiya daw po!" Sumbong nito sa akin at kumuha ng kanin.

"Huwag mo isipin si Sienna, kakausapin ko siya. At saka ako naman nag-aaya sa'yo at 'di ba favorite kita!" anang ko.

Magana kaming kumain ni Seiven at 'di naman ako nagsawa sa mga kwento niyang ang hirap paniwalaan. Sinasabi niya kasi sa akin na nakasama na raw siya sa isang bakbakan, iyong parang nangyayari sa action movies. Kaso hindi naman masyadong nadala sa mga kwento niya. Wala lang kasi talaga akong mapaglilibangan kung hindi ang mga kwento ni Seiven sa akin.

Patapos na kaming kumain ni Seiven nang biglang dumating si Zyrho!

"Good evening, boss!" Tumayo si Seiven at kaagad na tumabi matapos uminom sa pineapple juice niya.

"You may now leave." saad ni Zyrho kay Seiven.

Hindi ko pinansin si Zyrho. Hindi ko ito feel na pansinin ngayon. Naaalibadbaran ako sa kanya.

"Gawan mo ako ng avocado shake, Seiven. Please!" Wika ko bago makaalis si Seiven. 

"No, ako na gagawa ng shake mo, Arth. Seiven, you can now rest."

"Seiven, please!" Giit ko.

"Baby,"

Hindi ko pa rin inimik ni Zyrho.

Bakas sa mukha ni Seiven ang gulo kung sino ang susundin niya sa amin ni Zyrho pero nang tumango si Zyrho ay umalis rin ito para gawan ako ng shake.

Umupo si Zyrho sa tabi ko.

"How are you?" Banayad nitong tanong sa aking tabi pero uminom lang ako ng tubig. Kunwari ay hindi ko ito narinig.

"I heard you skip your lunch. It's not good, Arth. Hindi lang ikaw ng umaasa sa katawan mo ngayon. You are pregnant, baby." Sunod nitong wika pero tahimik pa rin ako, narinig ko kaya siya kanina na sinabi iyon. Tsk! Oo nga pala, tulog-tulogan ako kanina.

"By the way, pinadaan ako ni Papadad sa bahay kanina dahil baka kailangan mo raw ito." Tapos ay may inilagay siya sa mesa na nakasilid na isang maliit na paper bag.

I glance at it without looking at him. It was herbal oil.

"Papadad said that leg cramps can be challenging for pregnant, and he mentioned that this can help." Patuloy niya pero 'di talaga ako umimik.

Bumuntong hininga siya. Akala ko aalis siya kaso tumitig lang ito sa akin.

"Did I do something wrong—"

"Sir Arth ito na ang shake ninyo!" Nasapawan ng boses ni Seiven si Zyrho kung kaya't natahimik ito.

Ngiting-ngiti kong tinanggap ang shake na gawa ni Seiven nang makita kong wala itong drinking straw.

"Straw!" saad ko sabay tingin kay Seiven.

"Ah!" Napapitik pa si Seiven sa kanyang kamay sa ere. "Sige kukuha lang ako—"

"No," ani Zyrho sabay tayo. "Ako na ang kukuha ng straw for you, Arth." Pinal nitong wika kaso hindi ko siya binalingan.

"Seiven," ako habang nakatingin pa rin kay Seiven.

Kita ko ang pagkuyom ang mga kamay ni Zyrho at nandidilim ang mga matang tumingin kay Seiven. Napapalunok naman si Seiven habang nakatingin sa kanyang amo!

Sa huli dinismisa rin ni Zyrho si Seiven upang kunan ako ng straw.

I successfully drank my avocado shake without caring about Zyhro's sharp gazes at me. From his stares, I could feel that he wanted to shower me with questions, but he opted not to. Parang hindi na stares iyon, parang glares na.

Kung si Zyrho man ay naguguluhan sa inasal ko ngayon, lalo naman ako. All of this was foreign to me. I've never been this irritated with someone to the point where I want to jump on Zyrho and punch his face! I want to ask him questions that are out of bounds. I want to confront him about the girl earlier, yet I couldn't bring myself to.

If I ask Zyrho about the things that have been bothering me since then, I know I will only break the invisible walls I've built for us. This feeling shouldn't be. These emotions couldn't be real. Dang! I started to get scared of this damn thing! This is not my thing at all!

"Your milk," Zyrho said as he placed the glass of milk on my bedside table.

"May nagawa ba akong mali?" He carefully asked, as he's been walking on eggshells ever since he came home.

The organ inside my chest knotted as guilt slowly carved its way inside me. Zyrho didn't do anything wrong. Whatever his relationship with the girl earlier, it doesn't have to do with me— with us. Kasi sa una palang alam kong binuntis niya lang ako at gusto niyang akuin ang resposibilidad.

Umiling ako, hindi ito ang oras para mag-inarte ako.

"W-wala naman." See? I really had bad mood swings! All of this should be blamed on my pregnancy. As the day passed by, I became more sensitive than ever.

"Arth, I know you hate me. I acknowledge that I can be a little stubborn sometimes. I act silly in front of you, behaving like a child. Just tell me if I'm already doing too much that can affect you. I may lack some self-awareness and become insensitive too. I'm sorry, Arth," Zyrho sincerely stated.

"No, Zyrho. Maybe I'm also overreacting some things but rest assured... I'm fine. Siguro dala lang ng hormones itong nangyayari sa akin ngayon."

Tumango siya. "That's why. Dapat naging mas sensitibo ako dahil buntis ka. Papadad already warned me about this pero naging pabaya ako at some point."

Umiling ako.

"Hindi nga, Zyrho. You are already doing everything para sa baby natin. Iyon naman talaga ang responsibilidad mo at concern mo, 'di ba?"

Umuwang ang kanyang mga labi tila may sasabihin ngunit itinikom niyang muli ang bibig.

"Ikaw at ang bata, Arth."

"Zyrho,"

"Here's your milk." Lumapit siya sa akin kaya naman nalanghap ko ang kanyang amoy. At bago ko pa man mapigilan ang aming sarili, inilapit ko na ang aking mukha sa kanyang leeg upang amoyin ng kanyang bango.

God!

What's happening to me? Bakit gustong-gusto ko na ang amoy ni Zyrho? Bakit gusto kong yakapin ito at amoyin siya hanggang sa magsawa ako?

"Ay!" Tili ko nang tumalsik sa damit ni Zyrho ang konting gatas dahil sa pagka-clumsy ko.

My breath caught in my throat.

"S-sorry, hubarin mo na lang." ani ko nang may maisip.

"No, it's okay, baby." Dismisa naman sa akin ni Zyrho.

"Hindi nga! Hubarin mo na, ako na maglalaba n'yan." Giit ko.

"Baby," pagod niyang untag habang nag-iisang linya ang kanyang kilay. Ilang saglit ay huminga ito ng malalim bago magsalita, "Fine." Suko niya na kinangiti ko naman.

To my astonishment, he nonchalantly began undoing his buttons right in front of my drink! I felt a rush of warmth surging to my cheeks, creating an explosion of embarrassment across my face.

Zyrho's fluid movements showcased the graceful flexing of his muscles. His broad shoulders, expansive chest, and taut, veined arms welcomed my gaze. Otherworldly thoughts began to invade my mind, but thankfully, I managed to banish them before they could take root.

What truly mesmerized me, however, was the tattoo adorning his sides, just below his left arm. The word 'Maranzano' was elegantly inked in capital letters, adding an extra layer of allure. May tattoo rin siya sa kanyang isang dibdib na hindi ko maintindihan.

Napalagok tuloy ako sa aking gatas ng walang sa oras.

"Here." Bigay ni Zyrho sa hinubad niyang long sleeves.

Ngumuso ako at tinanggap ang long sleeves niya.

"Alis ka na. Pahinga ka na." Pagtaboy ko sa kanya at binigay rito ang baso ng gatas.

Gulo man ay lumabas si Zyhro sa aking silid na walang pantaas.

Hinintay kong makaalis si Zyrho at masara niya ang pinto bago ko dahan-dahan na dinala sa aking ilong ang long sleeve nito. And for some reason, it calms my shaking nerves. I smiled triumphantly.

Nilabhan ko ang parte ng long sleeves ni Zyrho na natalsikan ng gatas bago ko ito tinabi sa aking pagtulog.

The next morning, I was interrupted in my deep slumber when someone rudely knocked on my door!

"Zen!?" Gulat kong sambit.

Maarteng tinakpan ni Zen ang ilong at bibig.

"Gurl! Hindi ka pa ba nag-toothbrush?" anito.

Sinamaan ko ito ng tingin.

"Anong ginagawa mo rito, Zen? Ang aga mo naman." Bagot kong wika.

I didn't invite Zen into my room; however, being Zen, he invited himself in and occupied a chair in one corner. He sat with his legs crossed and arms folded against his chest.

"For your more information, Arth alas nueve na. And I am here because Kuya Zy told me so."

"Huh?" Akala ko kukunin na niya si Ken.

"Tumawag si Kuya sa akin last night na dalawin daw kita rito. He said you seem down lately, kaya dumalaw ako para guluhin ang araw mo." Inporma niya.

Bumuntong hininga ako.

"Sorry, Zen pero hindi naman kailangan. Ayos naman ako rito."

Zen grinned and waved his hand.

"It's fine. Anyways, get ready, nagdala ako ng bulalo for you. Pinagluto ka ni Papadad dahil request din iyon ni Kuya. Dinamihan din iyon ng mais ni Papadad."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Zen. Ang thoughtful naman ni Tita Cass.

Pagkatapos kong maligo ay sabay na kami ni Zen na bumaba at kumain. Hindi ako nagkamali na ang gaan kasama ni Zen. Mabilis ko rin itong nakasundo sa mga bagay-bagay. At syempre pinakilala ko siya kay Seiven kaso sinungitan niya lang ang paborito kong bodyguard. This spoiled brat!

"Let's go shopping! Ipags-shopping kita." Mayamaya ay saad ni Zen sa akin nang maglakad-lakad kami sa hardin.

"Hindi ako nakapagpaalam kay Zyrho." ani ko.

Nakalolokong ngumisi sa akin si Zen.

"Huwag kang ano d'yan. M-may usapan lang kami." Agap ko kay Zen dahil baka kung anong isipin nito! Mahirap na!

Ngumuso lang ito. "Wala naman akong sinasabi pero sabi mo, eh. Anyways, ako na magpapaalam sa'yo kay Kuya."

Walang gusto si Zen na hindi niya nakukuha o natutupad kaya naman nakapag-mall kami, of course, kasama namin ang mga bodyguards.

"Should we buy things for the baby na ba?" tanong niya nang makalabas kami sa Dior store na may bitbit na sampung paper bags! Kaya pala hindi siya nagreklamo nang makita ang sampung bodyguard na kasama namin kasi gagawin niya pala itong mga taga bitbit.

"H-huwag muna, Zen. Masyado pang maaga at saka... hindi pa namin alam kung ano ang gender ng bata, e." ani ko na may slight na pag-aalala dahil walang pikit mata kung magsunog ng pera si Zen.

"Zen, ano pala natapos mo?" usisa ko rito. "Kung okay lang malaman, huh." Pahabol ko.

"Hmm, nurse dahil gusto kong maging doctor noon pero napagod kasi ako in the middle of studying med. Kaya naging tambay na lang sa bahay namin, hehehe." Tawang sagot niya. 'Di talaga nito siniseryoso ang mga sinasabi ko!

"Tambay ka pero..."

"I have businesses too." He said and winked at me.

May itatanong pa sana ako rito nang iangkla niya ang braso sa akin.

"Doon tayo sa Tiffany and Co." At hinila na niya ako roon.

Aaminin kong mayaman din naman kami, we have money to burn to our hearts content pero hindi ko kinakaya itong kay Zen.

Walang angal naman akong sumunod dito dahil hindi naman pera ko ang mababawasan. Pero parang barya lang naman para kay Zen ang mga milyon naming nabili ngayon.

"I really wanted to buy some bracelets and necklaces, so help me pick, Arth." Satsat ni Zen.

"Hmm!" Tango ko.

Papasok na kami ni Zen sa store ng Tiffany and Co, walang masyadong tao sa store kung kaya't kitang-kita namin ang mga tao sa loob ng store.

Kusang napatigil ng paa ko sa sahig na parang pinako doon habang ang aking mga mata ay nakapukos sa dalawang tao na nasa loob ng store at namimili ng alahas.

"Arth?"

Kaya ba wala siya sa bahay niya kanina dahil kasama niya ang Keira'ng iyon? Kaya ba hindi ko siya naabutan sa bahay kasi ito ang tinatrabaho niya?

Suddenly, a wave of bitterness engulfed my mood.

"I'm not feeling well, Zen. Ikaw na lang mamili ng alahas mo. Uuwi na ako." Paalam ko kay Zen na ngayon ay hindi na maguhit ang mukha sa taka.

"Sasamahan na kita."

"No, I'm fine." Pigil ko sa balak niya at mabilis na nilisan ang lugar.

***
Thank you for reading, Engels!
꧁A | E꧂

- dont forget to vote and leave your thoughts and reactions in the comment section. ur votes and comments are highly appreciated and will motivate the author to update as soon as possible:)

- what are your thoughts so far sa first 10 chapter ng story? Comment them below and gladly read 'em!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top