EPILOGUE
~~ After 15 years...
Kinuha niya ang cake nang ma-i-deliver ito sa kanila. Nilagay niya muna iyon sa refrigerator dahil wala pa anak niya na si Drazz. 14th birthday kasi nito at naghanda lang sila sa bahay dahil ayaw na ayaw nito ang mga sosyal na birthday party.
"Mommy! I perfect all the quizzes today," pagmamalaki ng pangalawa nilang anak na si Atassha. 10 years old na ito at masasabi niyang nagmana ito sa kaniya ng talino pero sa mga hilig? kay Draze.
"So... Can you buy me a bigbike?"
"Atassha, you are only 10 years old!" pagpapaalala niya rito.
"Mom, I can drive a car at this age so I can easily drive a motorcycle!"
"Yes you can drive a car because your dad is with you when you are driving," ani niya pa. Nilapag niya ang ibang putahe sa mahabang lamesa. Malapit na rin matapos ang niluluto ng chef nila sa bahay.
She missed Gabo and Dynna but the two already have their own family. Gabo met a foreigner boyfriend and they married at Denmark. Mayroon na nga itong adopted daughter at ninang siya. Si Dynna rin ay may asawa na at nasa probinsiya na nakatira.
They have new chefs inside the house.
"But mom!"
"Wait until you turn 18 years old, Attasha Dei!" Ngumuso ito sa kaniya at nanlalambing na yumakap.
"Promise me you'll going to buy me a big bike when I turn 18 ha?" Hinarap niya ito at niyakap.
"Opo! at bibilhan din kita ng set of knifes." Nangningning ang mata nito nang marinig iyon. Atassha loves knife so much. Drazz and Atassha knows about Knights Mafia. Simula pa lang bata ang mga ito ay nahilig na sa martial arts. Masasabi niyang magaling si Atassha sa hand to hand combat lalo na pag may knife na hawak.
Maski siya ay kinikilabutan, parang napakabilis lumaki ng mga anak nila. Si Drazz naman, ang panganay nila ay mahilig sa baril. Ninenerbyos siya noong malaman niya ang hilig nito. Si Drazz ang pinaka nagmana kay Draze dahil bata pa lang ito ay hindi na iyakin. Simula noong tumungtong ito ng 2 years old ay hindi na nila narinig umiyak ang anak. Laging blanko ang expression ng mukha nito at napakahirap basahin, tanging si Draze lang ang nakakabasa sa anak marahil magkapareho ito ng ugali.
"Okay! I'll wait. Kahit hindi na ako mag debut basta may big bike and knifes," she giggled.
Pinalo niya ang pwet nito ng pabiro. "Go, change your clothes."
"By the way mom, I saw kuya Drazz. Hmm, 2 hours ago, I think? Nasa labas siya ng university at may kausap na girl!"
"Hayaan mo na ang kuya mo, malaki na 'yon. Magbihis ka na at tulungan mo akong mag-ayos. Ibaba mo na rin ang gift mo sa kuya mo at ilalagay natin sa isang lamesa."
"Okay. I'll change na!" Mabilis itong umakyat sa taas patungo sa kwarto nito para magpalit ng damit.
Tinawagan naman niya si Draze dahil nakita niyang alas-tres na ng hapon.
"Tapos na meeting mo?" bungad niya rito nang sagutin ang video call niya.
"Yes, wife. Nasa parking lot na ako, kasama ko si Gunner." Pinakita nito si Gunner na katabi. She waved her hand.
"Nakauwi na si Atassha. She got perfect scores again in all her quizzes. Nanghihingi ng big bike sa akin," pagke-kwento niya. Nakita niyang sumakay ito sa passenger seat at si Gunner naman ay sa driver seat.
"Then let's buy, she deserves it."
"Baka nakakalimutan mong 10 years old pa lang ang anak mo?" tinaasan niya ito ng kilay. Napatingin siya nang ilagay ng isang kasambahay ang tray ng potato croquettes. Kumuha siya roon kahit mainit init pa.
"Fine. Ikaw naman ang boss."
"Pag 18 years old na siya at gusto niya pa rin tiyaka natin bibilhan."
"Fine, fine. May kulang pa ba sa handa? Do you think that's enough? It's too simple." Pinakita niya ang lahat ng pagkain sa lamesa. Hindi pa iyon kompleto dahil dadating pa ang lechon mamayang 5pm para sa dinner. May mga niluluto pa rin.
"It's enough for Drazz. Ayaw niya ngang magparegalo sa atin 'di ba? Never humingi sa atin 'yan ng sariling gusto, puro sa pag-aaral ang hinihingi."
Drazz doesn't like material thing. Hindi ito maluho at hindi ito palahingi. Pagtinatanong nila kung may gusto ba ito ang ipapabili lang ay medical books. Gusto kasi nitong maging surgeon kaya kasundo nito si Mikael.
Nabasa na nga nito ang mga psychology books niya. She's a certified psychiatrist and she owned now a medical clinic with her hard earned money and Draze help.
She achieved her dreams because of Draze. Lahat ng suporta na kailangan niya ay binibigay nito.
Mayamaya ay dumating na sila Draze. Sinalubong niya ito ng yakap at halik sa labi.
"Kumusta? Nangungulila ka pa rin ba kay Jennie?" asar niya kay Gunner. Yes, Jennie and Gunner are now married with 1 kid. Nasa Los Angeles kasi si Jennie dahil may work ito kasama ang NBI. Ang anak naman nila Gunner ay nasa magulang ni Jennie dahil hiniram muna ng mga ito. 12 years old na ang babae nilang anak.
"One month pa bago siya makauwi." Umupo ito sa sofa at sumandal.
"Ninong Gunner!" Attasha run and hugged Gunner.
"How's our princess?"
"I'm fine, ninong. I perfect all the quizzes and mommy promise me to buy a big bike and a set of knifes when I turn 18!" masayang sambit nito.
"That's good!" Gunner patted Atasshas head.
"What's up, what's up!" Napaikot ang mata niya nang makita si Emmet pero napangiti siya nang kasama nito si Emillia.
"Saan si Wendy?" tanong niya kay Emmet habang niyayakap ang inaanak niya.
"Important mission. Susunod 'yon mamaya." Wendy is his wife and Emillia's mother. Dati ay tinatawag lang nitong manang dahil boyish nga pero tingnan mo nga naman at nagkatuluyan talaga. Arrange marriage lang pero natuluyan ang puso.
"Ate Emi!" bati ni Atassha. "Sayang wala si Ate Jeia! Alam ko mayroon siyang crush na kapitbahay ng parents ni tita Jennie eh, kaya gusto niya rin doon tumambay!"
Nakita niya si Gunner na nakikinig nang marinig ang pangalan ng anak.
"Huwag ka ng makisali! Normal lang ang magka-crush!" pigil niya agad dito. Ramdam niya kasing makiki-chismiss ito sa mga bata.
"It's normal but I should know who is he." Napailing na lang siya.
"Hello! Wala pa ang birthday boy?" bungad ni Conrad nang dumating. Kasama na rin nito si Mikael.
Hindi kasama ni Mikael ang asawa dahil nasa Switzerland ito at may big operation na naka schedule. Ang presidente daw kasi ng bansa ang ooperahan kaya hindi na ito makakasunod. Ang anak naman nito ay busy sa school at hindi na sumama pauwi ng pilipinas.
Ang asawa naman ni Conrad ay nasa France at may fashion show. Isang linggo lang ito doon. Kausap niya nga kagabi at sinabing babawi na lang daw kay Drazz. Walang anak sila Conrad dahil hindi kaya magkaroon ng anak ni Farrah.
Farrah consulted at her because of her worries about that. Labis na nag-alala ito dati noong makilala niya ito. Nasa medical school palang siya noon. Naiintindihan niya ito dahil hindi ito magkakaroon ng anak kay Conrad.
Bilib din naman siya kay Conrad dahil nakita niya kung paano nito alagaan si Farrah. Pinaramdam nito na kahit hindi sila magka-anak ay okay lang.
May group chat silang mga asawa. Sila sila ang nag uusap pag hindi ma-contact ang mga asawa lalo na pag may trabaho sa underground world.
Si Wendy ang maraming alam dahil assasin ito at nagtatrabaho talaga doon. Kaya marami na rin siyang informations na alam kahit hindi tanungin ang asawa.
"Parating na 'yon mayamaya si Drazz. 5pm kasi matatapos ang klase–"
Napahinto siya nang makita ang anak. Lahat napahinto at napalingon dito.
"What happened to your face? Who punched you?" Napatayo si Draze at lalapit sana pero napatigil din nang may sumulpot na babae at tumabi kay Drazz. Madumi na ang suot nito at nahihiyang nakayuko lang.
"Her step dad is abusing her. Her mom was insane and a drug addict. She wants to sell Miracle for 1 million pesos! Let's buy her."
Bumagsak ang panga niya dahil sa narinig. Wala ni isang nagsasalita dahil sa gulat. Ngayon lang ito nagsalita ng hindi tipid.
"W-wait... you want to buy her?" Mikael was confused.
"Yes, ninong. I punched her step dad multiple times. I grab her hand so she's now my responsible."
Napatayo siya dahil hindi pumapasok sa isip niya ang mga sinasabi ng anak.
"If she's abused, we can tell the police so they can make an action, okay?"
"Yes, we can do that mom. But I still need to buy her so she can escape to her mom. You can actually adopt her tito Conrad. We already talked about it."
Tinignan nila si Conrad nang tumawa ito ng malakas.
"Ako lang ba? Ang hindi naglo-loading ang utak sa nangyayari?" he awkwardly laughed and stare at her. Parang nagtatanong ang mata nito sa kaniya kung anong nangyayari sa anak niya.
"Drazz, can we celebrate your birthday first? and talk about this tomorrow?"
"No. The time is running mom."
Sinuntok niya si Emmet nang marinig itong pigil na pigil ang tawa. Nasa tabi niya kasi ito at parang mauutot na sa pagpipigil.
"Just talk after we change her clothes, okay?" ani niya sa anak at hinawakan ang kamay ng babaeng tinawag ng anak na Miracle. Lumapit siya kay Draze at binulungan ito. "Talk to your son, is he insane?"
"You're psychologist, wife." Nailing na lang siya at sinama si Miracle sa kwarto ni Attasha.
"Kasing katawan mo naman si Attasha, kasiya 'to sa'yo. Magpalit ka muna," nakangiting ani niya rito.
"A-aampunin po kaya ako ni sir Conrad?" marahan na tanong nito sa kaniya. "Sabi po ni Drazz ay mabait po siya at matutulungan daw po ako. Ayoko po sa orphanage, makukuha pa rin po ako ni mama at ng ka-live in niya. Promise po pag inampon po ako kahit maging katulong din po ako." Lumambot naman ang puso niya dahil sa sinasabi ni Miracle. Halata rito ang takot sa nangyayari.
"Paano ba kayo nagkakilala ng anak ko?" tanong niya rito. Nacu-curious kasi siya dahil walang dinalang kaibigan ang anak simula ng mag-aral ito. Ang tanging kaibigan lang nito ay ang mga anak ng tito at ninong nito.
"Lagi po siyang bumibili sa akin ng yema at pastillas. Nagbebenta po kasi ako sa harapan ng university at lagi po siyang dumadaan sa akin. Two months na po kami magkakilala."
kailan pa naging mahilig sa matamis si Drazz.
Hindi niya maisip na kumakain ito ng matatamis. Hindi kasi ito mahilig sa matamis, kung kumain man ng chocolate ay isa lang at dark chocolate pa. Napatitig siya sa mukha ni Miracle, maamo at inosente ito tumingin. Para itong anghel dahil maganda ito at maputi ang kutis.
"Sige na, magbihis ka muna at pag-uusapan natin 'yan sa baba, okay? hihintayin kita dito." Tumango ito at pumasok sa banyo ng kwarto ni Atassha.
Napahawak siya sa sintido niya dahil sa biglaang pangyayari.
Umupo si Draze sa harapan ng anak. Nakaabang din ang iba pang kasama niya sa sala dahil sigurado siya lahat ay interesado.
"Just lend me a 1 million pesos, dad."
"I don't care about the money. I can give you a million but are you sure what you are saying son?"
"Yes. I am sure. tito Conrad, please adopt her. You want a daughter, right? she's kind, sweet and..."
"And?" pagsisingit ni Conrad dahil tumigil sa pagsasalita ang anak. "And? pretty? and beautiful— damn! bakit ka nanununtok Draze?"
He glared at him.
"She's caring ang lovely person so I'm sure tita Farrah will like her too." Hindi sila makapaniwalang tumingin kay Drazz.
"Also, I'll marry her if she turns 18 years old. I'm the one who responsible with her." Napatayo siya dahil sa narinig.
"Are you kidding me—"
"I'm not dad."
Hindi siya makapagsalita. Sumakit na rin ang ulo niya. Hindi siya makapaniwalang nagdedesisyon na ito para future.
"I can't believe this," Conrad chuckled. "Fine, I'll tell Farrah about this." Tiningnan niya si Conrad kung nagsasabi ba ito ng totoo o sadiyang sinabi lang iyon para tumigil na si Drazz.
Pero nakita niyang sumeryoso ito at tumango sa kaniya.
"Just adopt her for 6 years and if we got married, I'll do the rest. I'm going to work." Tumayo ito at tinalikuran sila. Umakyat ito at alam niyang dederetso ito sa kwarto kaya sinundan niya.
"Do you like her?" tanong niya sa kay Drazz nang makapasok sa kwarto nito. Hindi naman ito nagsalita kaagad. "You want to help her, that's it, right?" Hinarap siya nito at bumuntong hininga.
"Do I like her? I don't know... I just know that I don't want to see her crying almost everyday while working but still got bruise because she can't give money to her insane mother and step-dad."
He let out a breath. This is the first time he saw his son that saying what he feels.
Tinapik niya lang ito sa braso at lumabas ng kwarto. Nakita niya naman si Aurelia na kausap si Atassha at mukhang pinapasamahan nito si Miracle.
"Wife... he already decided. She wants to marry her when she turns 18 because he said Miracle is his responsible." Pumasok sila sa kanilang kwarto para mag-usap.
"He said that? Marry her? Oh my god. Sinasapian ba ang anak natin? bata pa sila!"
"He's too matured..."
"Naaawa rin ako kay Miracle. Halata sa kaniya na ayaw niya na talagang umuwi sa kanila. Gusto niya pa ngang magpa-ampon kaysa pumunta sa orphanage."
"Conrad will talk to Farrah about that."
"Talaga?"
"Yes." Niyakap niya ang asawa at hinalikan sa noo. "Do you think our children are growing too fast?" he asked. Parang kailan lang kasi ay maliliit pa talaga ito. Drazz is too matured for his age while Attasha is not that matured but she's calm when she decide.
"Oo... ang bilis nila lumaki. Nami-miss ko na 'yong panahon na nabubuhat ko pa sila," ani ng asawa habang ngumingiti.
"Should we make another one?" he joked. Nag family planning na sila at okay na ang dalawa para sa kanila.
"Ikaw talaga! Kung gusto mo lang makaisa, sabihin mo lang!"
"I want... so bad," he pouted his lips.
"Hoy! Noong isang araw nga pinuyat mo ako!" singhal nito sa kaniya at hinampas ang dibdib.
"I'm just kidding, wife. I love you."
"I love you too." He kissed her and hugged her tightly.
"Hay nako! I-enjoy muna natin ang birthday ni Drazz. Bahala na bukas sa mangyayari kay Miracle. Basta i-report natin sa police at kung ia-adopt nga si Miracle ni Conrad at Farrah ay mabuti. Ang importante muna ay matulungan natin ang bata."
"Yes, boss. I'll pull some string so we can get Miracle safe far from her parents." Hinalikan niya ulit ito sa labi bago sila lumabas ng kwarto.
Naabutan nilang nasa sala na rin si Drazz at inaasikaso si Miracle para kumain. Manghang mangha namn sila Conrad, Emmet, Gunner at Mikael sa nangyayari.
"Inaanak ko ata 'yan," sambit sa kaniya ni Mikael at nakipag-cheers sa kaniya.
Draze looked at his family and friends. Since he married Aurelia, his life became more colorful and alive. Lalo na ng nagkaroon sila ng dalawang anak. Araw-araw ay nagpapasalamat siya dahil nagigising siya at nakakasama niya ang pamilya niya.
May mga problema pa rin na dumadating at hindi maiiwasang pagtatalo pero hindi nila iyon pinapatagal. He loves Aurelia so much. He loves his children so much. Wala na siyang hihilingin pa na kahit ano.
He's very contented in his life now.
He knows this is not the end, marami pang mangyayari sa buhay nila at kahit anong pagsubok ang dumating ay alam niyang malalagpasan nila dahil magkakasama sila.
Aurelia Celeste-Moretti and Draze Moretti are signing off.
Thank you for reading our story!
--THE END--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top