41- BLESSING
Kinuha niya ang libro niya sa lamesa ng matapos na ang klase nila. Tatlong buwan na rin siyang pumapasok muli sa university ni Emmet. Bs psychology ang course niya dahil iyon daw muna bago siya makapasok sa medical school para mag-aral muli ng 4 years. 12 years pa para maging isang ganap siya na psychiatrist gaya ng gusto niya.
Marami pa siyang pagdadaanan pero kakayanin niya iyon para sa pangarap niya. Napahinto siya ng makita ang street food cart sa banda sa field. Natawa siya dahil alam niya kung bakit nagkaroon ng gano'n sa loob ng university ni Emmet.
Wala kasing nagtitinda ng mga street foods sa cafeteria sa university. Masiyadong sosyal ang mga pagkain na parang pang buffet sa hotel na ang sine-serve roon. Dahil siya ang boss ni Draze at nag-c-crave ang anak nila sa manggang hilaw na sa chili garlic salt sinasawsaw ay nag hire ito ng street vendor.
Actually, hindi nga normal na street vendor at cart ang nakikita niya. Isa iyong food cart at may dalawang certified chef na nagluluto. Pero gaya nga ng request niya, puro street foods ang niluluto nito.
Marami rin natuwang estudyante at namamangha dahil may street food na sa loob ng university. Libre iyon lahat sa estudyante dahil si Draze naman ang may pakana nito.
"Madam! Mangga po ulit?" tanong sa kaniya ng isang chef.
"Opo, tiyaka ito pong fish cake pero hindi maanghang. Gusto ko po sana isawsaw sa sauce ng fish ball. Ano 'yan kuya?" Bumaling siya sa niluluto nitong noodles pero pini-prito.
"Fried noodles madam."
"Isa rin po, pakiramihan ng garlic." Kumilos ang isang chef at nilatag ang folding table at upuan sa tabi ng food truck kung saan naka-ready na ang open tent para hindi siya mainitan.
Hindi na nga nagtataka ang mga estudyante pag nakikita siya rito at kung bakit nagkaroon ng food truck sa university. Noong nalaman ba naman na buntis siya at saktong nasa school siya ay sumugod si Draze kasama ang barkada at nagsisigaw sa loob ng room.
Walang nagawa 'yong professor nila noong oras na 'yon dahil si Emmet ang pinaka-maingay sa lahat.
Sino ba naman ang papalag sa isang principal at owner ng school 'di ba?
"Pwede maki-join?"
"Jun!" bati niya rito nang makitang papalapit. Kasama nito ang iilan na ka-grupo sa soccer at binati naman siya.
"Kumusta ang buntis?" tanong nito at umupo sa isang bakanteng upuan.
"Ito laging gutom, parang doble na nga ang kain ko... ay hindi parang triple na nga!" natatawang ani niya.
"Dalawang buwan na ang tiyan mo 'di ba?" tanong nito sa kaniya. Kinuha nito ang isang tinidor na malinis at nakitusok ng mangga na nasa paper plate.
"Oh my god, it's weird," sambit nito habang hindi maipinta ang mukha. "Parang hindi bagay ang garlic sa mangga."
"Masarap kaya!"
"Because you're pregnant."
"Mag-request ka na ng pagkain kila chef oh! May fried noodles sila, hinihintay ko— ay ayan na pala!" Halos mapatalon siya sa tuwa habang nakatingin sa paper bowl na may lamang fried noodle with extra garlic.
"More garlic for buntis," he chuckled when he saw the garlic toppings.
Nagkwentuhan sila ni Jun habang kumakain. Nakisalo na rin ang mga kaibigan nito sa kanila. Mabuti na lang ay may extra chairs pa. Dahil wala na si Zyldian ay madalas niya makausap si Jun. Hindi na rin siya pinag-iinitan ng mga kababaihan sa school dahil alam ng mga ito na may asawa na siya at si Draze Moretti pa.
Pagkatapos nila kumain ay nagpaalam na rin sila Jun dahil may next class pa ito. Siya naman ay pupunta pa sa library para manghiram ng libro. Bibilhan pa sana siya ni Draze ng medical book pero humindi muna siya dahil gusto niyang sulitin ang tuition niya.
Maraming medical books ang hindi nagagamit at nakatambak lang sa library ng university. Halos lahat kasi ng estudyante ay online na ang gusto kaya hindi nagagalaw ang iba.
Tatlo ang hihiramin niyang libro at madali lang din naman makahiram.
Pagkapasok niya sa loob ng library ay tinungo niya agad ang section ng mga psychology books. Nang makita ang hanap niya ay kinuha niya kaagad iyon. Babalik na sana siya nang may marinig na umiiyak.
Dahan dahan siyang naglakad papunta sa dulo at sinilip ang kabilang aisle. Nagulat siya nang makita ang lalaki na kino-corner ang isang babae na nangagatog na dahil sa takot. Nilabas niya ang cellphone at vinideohan ito saglit pero halos mandilim ang paningin niya nang hawakan nito ang dibdib ng babae.
"Walang hiya ka!" sigaw niya at hinatak ito papalayo sa babae.
"Fuckshit!" Napahawak ito sa labi dahil sinapak niya ito sa mukha. Nalaglag tuloy ang librong hihiramin niya. Nilapitan niya ang babae at inayos ang uniform nito.
"Okay ka—" Natigilan siya nang hatakin siya ng lalaki at malakas na sinampal sa mukha.
Sinenyasan niya ang babae na tumakbo at umalis doon. May iilang estudyante ang sumilip pero umalis din. Nasa dulong bahagi kasi sila at sobrang laki ng library para mapansin ng iba kung hindi ka rin naroroon banda.
"Sinampal mo ako?" hindi makapaniwalang bulalas niya at natawa pa. Tumawa siya ng ilang segundo pero bigla rin siyang nanahimik at seryosong tiningnan ito. Mukhang hindi naman nito ine-expect ang pagbabago ng mood niya kaagad.
"Did you fucking hit my face bitch! Do you know I'm a model?"
"Wow! Oo nga, mukha kang model kasi ang pogi mo— 'yon ba ang gusto mong sabihin ko?" she mocked.
"You bitch." Hinablot nito kwelyo ng uniform niya kaya napatingkayad siya dahil matangkad ito kaysa sa kaniya.
"Pag bilang ko ng tatlo at hindi mo pa rin tinanggal 'yang kamay mo sa akin, pasensiyahan tayo." Matalim niya itong tiningnan. Ngumisi naman ito sa kaniya na parang hindi naniniwala sa sinasabi niya.
At least binalaan niya ito 'di ba?
"Isa... dalawa..." Blanko niya itong tiningnan at bibilang na sana ng pangatlo nang bigla itong nagsalita na halos ikasabog ng ulo niya.
"I guess your breast is bigger than her," ani nito at nakangising nakatingin sa nakaawang niyang uniform dahil hatak hatak nito.
"I guess you will be dead... today." Mariin niyang hinawakan ang kamay nito at pinilipit. Binitawan niya ito kaya napaatras, hindi pa ito nakakatayo ng maayos nang sinipa nya ang dibdib nito ng malakas dahilan para tumalsik ito at makalabas sila ng aisle.
Ngayon ay marami ng estudyante ang lumapit sa kanila.
'Omg, ang angas niya!'
'Shocks, buntis siya 'di ba? siya 'yong asawa ni Mr. Moretti.'
'Oy gagi! nandiyan 'yong principal at ang D.O'
Inapakan niya ang dibdib nito para hindi na makabangon pa.
"Ac! tama na 'yan," ani sa kaniya ni Emmet.
"Minanyak niya 'yang estudyante pati na rin ako!" sigaw niya rito dahil mainit ang ulo niya. Napalunok naman ito at sinita ang mga estudyante.
"Bumalik na kayo sa mga klase niyo," anunsyo nito. "Balik na!"
Lumuhod siya at sinuntok muli ang mukha nito. Wala siyang pakialam kung nakikita siya ngayon ng mga estudyante at discpline officer.
"Mr. Emmet, anak po siya ni Mayor Buscal," rinig niyang sambit ng D.O kay Emmet.
"Anak ako ng mayor! Hindi ko to papalagpasin— ahh!" Kinwelyuhan niya ito para makabangon.
"Hanapin mo pakialam ko."
"Aba't—"
"Tama na 'yan, Ac!" saway ulit sa kaniya ni Emmet at nilapitan na siya. Kinuha nito ang kamay niya para makatayo ng maayos.
"Pero sir! sinampal po niyang gago na 'yan si ate Ac! at sobrang lakas pa po," malakas na sambit ng babaeng tinulungan niya.
"Tama ka na, Ac..." Sinenyasan siya ni Emmet na lumayo na sa lalaki. "Anak pala 'to ng mayor eh," ani pa nito at tinulungan makatayo ang lalaki.
"Yes! at idedemanda ko ang—" hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin nang bigla itong tumalsik. Nagsigawan ang lahat dahil umubo ito ng dugo dahil sa suntok at sipa ni Emmet sa lalaki.
"Eh tangina mo pala eh! Anong gagawin ko kung anak ka ng mayor? Sinampal mo? Sinampal mo ang asawa ng kaibigan ko?"
Bigla siyang natakot kay emmet nang itinaas nito ang longsleeve na suot.
"Labas!" malakas na sigaw niya. Iba ang tono ng boses nito ngayon kaya nagsitakbuhan ang mga estudyante paalis doon.
"Si-sige na labas na! Balik na sa klase!" anunsyo ng D.O na halata sa boses ang kaba.
"A-ate... okay ka lang po ba?" Napalingon siya sa babaeng tinulungan niya. Base sa I.D lace nito ay first year din ito katulad niya.
"Okay lang. Ngayon lang ba 'to nangyari?" sinuklay niya ang magulo nitong buhok.
Napunta ang tingin niya sa leeg nito na may dalawang pula.
"H-hindi po... personal driver niya po si papa at ang sabi niya ipapakita niya raw po ang mga hubad kong larawan pag nagsumbong po ako," nanginginig ang boses nito at tuluyan ng umiyak.
"W-wag mong sabihin na..."
Tumingala ito at humagulhol sa kaniya. Sunod sunod ang pagtango nito.
"Ma'am, pakidala po muna siya sa D.O," pakiusap niya sa disciplinary officer na nandoon pa rin. Mukhang narinig naman nito ang usapan nila kaya mabilis itong tumango sa kaniya at inalalayan ang babae
Huminga siya ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili habang naglalakad patungo sa lalaking hawak ni Emmet.
"Emmet-"
"Ako na ang bahala rito, Ac."
"Tabi." Nang lumingon si Emmet sa kaniya ay nabitawan nito ang lalaki.
Marahil nagulat ito sa blanko niyang mukha.
"A-ac... b-balak ko lang siya bugbugin... w-wag mong p-papatayin ah?"
Binalingan niya ito ng tingin.
"Namumutla ka."
"Putangina paano ako hindi mamumutla eh para kang si Draze umasta ngayon pag galit na galit. Kalmado 'yong boses tapos blanko 'yong mukha."
Hindi niya na ito pinansin at binaling na ang tingin sa lalaking halos mahihimatay na.
Hinablot niya ang kwelyo nito para mapatingin ito sa kaniya.
"Cellphone mo." Sinunod naman siya kaagad nito at binigay kaagad sa kaniya ang cellphone. Nanginginig pa ang kamay nito habang inaabot sa kaniya.
"Bakit hindi ka makatingin?" Malamlam ang boses niya at kalmado lang.
"A-ayoko na po... tama na po..."
"Buksan mo." Binitawan niya ito nang mabuksan ang cellphone. Lumuhod siya para makaharap ito.
"Did you rape her?"
Humigpit ang paghawak niya sa cellphone nito nang makita ang mga larawan pati na rin ang video.
Dinelete niya ang pictures pero ang video kung saan kitang kita ito na minamaltrato ang babae at hinahalay ay sinend niya sa cellphone niya bago i-delete sa cellphone ng lalaki.
Sisiguraduhin niyang mabubulok ito sa kulungan.
"Sagot." Binato niya sa sahig ang cellphone nito at halos magutay gutay iyon sa sobrang lakas.
"Ac..."
"Huwag kang makisali dito Emmet."
"Pucha! Ako 'yong principal dito! Ano ba naman kayong mag-asawa! Ako pa rin mas matanda sainyo, pero sige tatahimik na ako."
"O-oo... h-hindi ko sinasadiya, patawarin niyo na ako."
"Aamin ka sa pulis at lahat ng ginawa mo ay sasabihin mo kung hindi... puputulin ko 'yan at idi-display ko katabi ng picture mo." Tumayo siya at sinipa ito sa pinagkakaingatan kaya napahiga ang lalaki habang namimilipit sa sakit.
"Damn... ang sakit no'n pero deserve." Tiningnan niya si Emmet.
"Huwag mong sasabihin kay Draze ang ginawa-"
"Alam niya na at papunta na rin siya."
Napahawak siya sa noo at dali-daling lumabas doon.
"Ipahuli mo na 'yan o kaya itago mo muna sa locker or bodega. Huwag mong hayaan na makita ni-"
Napahinto siya nang makasalubong si Draze. Dumagundong ang puso niya nang makitang nakasuot ito ng knuckles.
Hinarangan niya kaagad ito at niyakap pero inalis lang siya nito.
"Ahhhhh! D-draze ang tiyan ko," pag iinarte niya.
"Damn it. I'll kill that bastard," ani nito nang balikan siya.
"Binugbog na namin siya ni Emmet kaya 'wag ka na makisali! Okay lang ako." Muli siyang yumakap sa asawa at nagpabuhat para wala na itong kawala.
Alam niya kasing mapapatay nito ang lalaki.
"He slapped you? I'll slap his face too, at sisiguraduhin kong tatalsik ang ulo niya."
Natawa siya sa sinabi nito.
"We're fine. Malakas ata ako pati ang baby natin," hagikgik niya. Nag iba na naman ang mood niya dahil nandito na si Draze.
"I love you, wife. So, please! Don't do anything that can harm you and our baby." Hinalikan siya nito sa noo bago ibaba sa pasenger seat ng kotse.
"I know. I love you too. Kiss ko!" Ngumuso siya rito at hinalikan naman siya kaagad ng asawa.
They have a new blessing now. Lahat ng prayers niya ay natupad, at labis ang saya niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top