39- BEGINNING


Hinatid lang siya ni Draze sa mall, kung saan niya kikitain si Zyldian. May importanteng meetings kasi ito ngayong araw at hindi talaga pwede maurong.

May nakabantay naman sa kaniya na dalawang bodyguard. Ayaw niya man pero hinayaan niya na dahil ayaw niyang nag-aalala ang binata.

"Text me if you are going home." He kissed her forehead and her lips.

"Okay. Ingat sa pagda-drive."

"I love you."

"I love you too, hubby!"

Hinawakan nito ang kamay niya nang tawagin niya itong hubby.

"Damn... you are melting my heart, wife."

Natawa siya rito. Hindi na ata normal ang kilig na nararamdaman niya pag pinapakita ni Draze ang nararamdaman nito sa kaniya.

Gano'n pa rin naman ito, authoritive ang datingan pero pag sa kaniya? Ayaw niya na lang magsalita.

He's very different if she's with him.

Pumasok siya sa mall at nakita niya kaagad ang kaibigan.

She wave her hands while smiling at Zyldian.

Naglakad siya papalapit dito. Simple lang ang ayos nito, iyong tipong kaswal lang at estudyante ang datingan.

Inabot nito sa kaniya ang isang arcade card.

"Let's have a friendly date, Ac." Nakangiti ng malawak ang kaibigan sa kaniya.

She smiled.

She's happy. No awkwardness.

"Tara! Arcade 'to 'diba? Hindi ko pa nararanasan maglaro sa gano'n." Napanood niya lang ang mga gano'n sa isang romance series nang wala siyang magawa sa bahay ni Draze.

"Then, let's go!" She giggled with excitement. Doon ang deretso nila sa arcade. Maraming load ang card kaya mas lalo siyang natuwa.

Mabuti na lang at simple lang din ang suot niya. Tshirt, jeans at rubbershoes. Malaya siyang nakakagalaw.

Una nilang nilaro 'yong barilan. Tawang tawa siya nang hindi makatama ng zombie si Zyldian.

"Sigurado ka bang ngayon ka lang naglaro nito? Parang ang galing mo bumaril?" Humagikgik siya.

Naalala niya noong tine-train siya ni Draze. Dalawang beses ata siya nito tinuruan sa pag baril.

"Gano'n talaga. Talent ko ata 'to!" tawa niya.

Sunod nila ang jazz dance. Hiyang hiya siya sa sarili niya dahil may mga nanonood pero nanamangha naman siya kay Zyldian dahil magaling pala ito sumayaw.

"Madaya! Famous ka na oh," ani niya rito at sinulyapan ang mga babaeng nanonood na kay Zyldian.

"Siyempre, pogi ata 'to." Nag pogi sign pa ito at kumindat sa kaniya kaya nailing siya.

Kung ano ano ang mga nilaro nila roon. Nakakuha siya ng couple teddy bear. Ibibigay niya 'yong isa kay Draze.

Napatingin siya kay Zyldian habang naglalaro ng basketball. Nakangiti ito at alam niyang totoo iyon.

Masaya siyang makita itong nag-eenjoy.

"Panis! Nakikita mo 'yan? Ako na ang highest score. Picture-an mo ko!" Kinuha niya naman agad ang phone nito at pinicture-an ang kaibigan.

Nag selfie rin siya kasama nito. Nag vlog kuno dahil sa kakulitan nito.

Naging masaya ang araw niya dahil dito. Parang teenager lang sila na naglalaro at nagsasaya.

Ito ang gusto niya maranasan, ang malayang gawin ang mga ginagawa ng tao.

Nang mapagod sila ay dumeretso na sila sa restaurant kung saan nagpa-reserve si Zyldian.

"Ako ang manlilibre sa'yo at pag humindi ka? Aalis nako."

"Fine! Nanakot pa," tawa nito.

Nagdala siya ng cash dahil gusto niyang i-treat si Zyldian. Sigurado kasi siyang ito ang gagastos, katulad na lang doon sa arcade.

Nasa isang korean restaurant sila. Fine dining iyon at may tagaluto ng meat sa harapan.

Nang matapos magluto ang staff ay iniwanan na sila roon.

"Masarap!" Halos pumalakpak siya dahil sa lambot ng meat.

"It's my first time to try here. Alam ko bago lang din 'tong fine dining na 'to."

"Ang galing mo mamili ah!" Binigyan niya ito ng thumbs up.

"Pasensiya ka na pala kung hindi kita nakausap ng halos tatlong buwan..."

Umiling siya rito para ipahiwatig na naiintindihan niya.

"Okay lang! wala iyon. Naiintindihan ko naman na gusto mo mapag-isa." Uminom siya ng tubig bago ulit magsalita.

"Talagang tuloy ka na sa states? Ikaw nag decide niyan o ang parents mo?"

Ngumiti ito ng tipid. "Ako. Siguro sa lahat ng nangyari gusto ko kalimutan 'yong masasakit. Gusto ko muna lumayo rito."

"Mag iingat ka doon."

"Oo naman. Hahanap na ako ng bagong gusto. Kasi hindi ka na pwede."

"Baliw!" Tumawa ito sa kaniya.

"Kidding aside. You know what I felt for you, right? I guess it's more deep than I thought. Don't worry, mawawala rin naman ito. I am happy for you and Mr. Draze Moretti. Alam kong mapo-protektahan ka niya."

"Hindi kami kasal, Zyldian." Mukhang nagulat ito sa sinabi niya. "Pero ngayon ay magpapakasal na kami ng totoo."

"Hmm. Akala ko may pag-asa na!" he joked.

"Alam mo? Alam ko na ang gusto kong work!" pagke-kwento niya. Nagpatuloy sila kumain.

"Gusto kong maging psychiatrist. Gusto kong matulungan ang mga tao para malabanan nila ang trauma at anxiety nila. Gusto kong matulungan silang mawala iyon."

She wants to be a psychiatrist. Alam niya ang hirap ng tao pag may trauma o anxiety. She already knows that.

"It suits you. You emphatize with people. Kahit di ka pa nga psychiatrist ay paran gano'n ka na rin," he chuckled.

Nagkwentuhan pa sila ng matagal. Sinulit nila ang buong araw. Nag update naman siya kay Draze na okay lang siya, tutal may nakabantay naman sa kaniya sa paligid.

"Ihahatid na kita? Okay lang naman 'di ba? Bodyguard mo ba 'yon?" ani ni Zyldian at tinuro ang dalawang nakaitim.

"Oo. Pwede naman, hindi naman magagalit si Draze."

"He trust you but he doesn't trust me for sure. Kung ako ang boyfriend mo magdududa pa rin ako sa kasama mong lalaki. Lalo na 'yang ganda mo pati personality mong nakakahulog."

Hinampas niya si Zyldian. Mas naging komportable na siya rito.

Hanggang sa byahe ay daldalan lang sila ng daldalan tungkol sa mga bagay bagay.

Nang makarating sa tapat ng gate ay nagpaalam na siya kay Zyldian. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto.

"Paano ba 'yan? Last na kita na natin 'to. Hindi pa natin alam kung ilang taon bago ulit tayo magkikita," sambit nito habang nakangiti.

"Magkikita tayo." Sigurado siyang makikita niya pa ito.

Hindi ito nagsalita bagkus ay inisang hakbang nito ang pagitan nila at niyakap siya. Tinapik nito ang likod niya.

"I'm happy that I met you, Ac. I am proud that I became your friend even in a short time. See you when I see you. But when I see you? I'll sure that I'm more better than I was." Humiwalay ito at nginitian siya.

"Thank you, Zyldian. Masaya rin akong naging kaibigan kita."

"Oops. I guess I need to distance myself now. Kanina pa masama ang tingin sa akin eh," sambit nito at binaling ang tingin sa likuran niya.

"Draze!" tawag niya rito. Lumapit naman ito sa kaniya.

"Wife... call me hubby."

"Okay, hubby ko!" she giggled. Draze wrapped his arms to her waist.

"Shit. Okay. I gotta go. Hindi ko ineexpect na makikita ko kayo maglambingan sa harapan ko. Bye!"

Kumaway siya rito at sinundan na lang ng tingin. Nang mawala na sa paningin nila ang kotse ng kaibigan ay pumasok na rin sila sa loob ng bahay.

"He hugged you, tss."

"Ito naman! Friendly hug lang 'yon!" Niyakap niya ang binata habang naglalakad sila paakyat.

"Kahit na. Hug pa rin." 


Tumigil siya nang nasa tapat na sila ng kwarto ng binata. Hinawakan niya ang baba nito at tumingkayad para maabot ang labi.


"Nag-iinarte ka na naman," pinagdikit niya ang labi para pigilan ang pangiti. Pumasok siya sa kwarto nito at naupo sa sofa. 


"Kumusta ang meeting?" tanong niya rito. Humarap naman ito sa kaniya habang nagtatanggal ng necktie. 


"It's tiring. I'm tired that's why I need a kiss, not just a peck," he scoffed. Tumayo siya rito at siya na ang nagtanggal ng necktie ng binata.


"Tumigil tigil ka muna ha," sambit niya rito. "Parang ayaw mo na ako pahingain." 


"You still feel it?" he clicked his tongue then grinned at her. Tinulak niya ang dibdib nito at muling umupo sa sofa. 


"Napagod din ako pero masaya. Naglaro kami sa arcade! Alam mo ba gustong gusto ko ma-experience 'yon kasama ang mga kaibigan ko? Mabuti na lang talaga naging kaibigan ko si Zyldian." 


Tumabi sa kaniya si Draze, nakatanggal na ang polo nito kaya kita niya lalo kung gaano sumisigaw ang mga muscles nito. 


"As long as you are happy, I'm happy. But still, I'm jealous because I think you two had a date."


"Tama ka, date nga! Friendly date!" Hinatak siya ng binata at pinaupo sa kandungan nito. Umupo naman siya ng paharap. Siniksik nito ang mukha sa leeg niya, naramdaman niya ang pagod nito.


"Kumain ka naman na 'di ba?"


"Yeah, we had a dinner meeting." Bumuntong hininga ito habang nakayakap pa rin sa kaniya. Alam niyang pagod talaga ito. 


Hinayaan niya na gano'n lang ang pwesto nila ng ilang minuto pero pinakilos niya na rin ito para mag bihis at mag-ayos. Gano'n din ang ginawa niya. Pagkatapos ng night routine niya ay dumeretso na siya sa kwarto ni Draze.


Nakita niya itong nakahiga na at nakapikit ang mata. Dahan-dahan naman siyang tumabi rito. 


"Come here," ani nito. Niyakap niya ito at bumaba naman ng kaunti ang binata. Muli itong sumiksik pero sa dibdib naman niya. 


"It's so soft..."


"Tumigil ka." Mahinang tawa lang ang narinig niya rito at hindi na nagsalita. Nakita niyang pinikit na nito ang mata. Sinuklay-suklay naman niya ang buhok nito gamit ang daliri niya para makatulong na antukin ang binata. 


This is the beginning of her role to be his wife. She's officialy fiance and soon to be wife of Draze Moretti. She will do everything to be a good wife because she knows that Draze will be a good husband and also a father to their soon to be daugter or son. 


She can't wait to have a family with Draze. Tiningnan niya ang binata na mahimbing na natutulog. Hinalikan niya ang noo nito gaya ng palaging paghalik nito sa kaniya. 


"I love you, hubby ko," bulong niya bago ipikit ang mata.







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top