36- SCARED

Pinihit niya ang doorknob sa hospital room. Pagkapasok ay dumeretso siya kay Draze at umupo malapit dito. Hinawakan niya ang kamay nito at nakangiting tiningnan ito.

Kahit wala itong malay napaka-guwapo pa rin at mas guma-gwapo pa ito lalo sa paningin niya. Hindi niya aakalain na magbabago ang buhay niya dahil sa binata. Nakaramdam siya ng kalayaan dahil dito. Naranasan niyang magtrabaho at gawin ang gusto niya. Naranasan niya rin makapag-aral sa pribado at sikat na paaralan. 

Lahat ng nasa isip niya lang dati ay nagawa niya at dahil iyon sa binata. 

"Masaya akong nakasama kita, Draze." Hinaplos niya ang kamay nito habang nakatitig lang dito.

"Hindi ko alam kung okay lang ba itong nararamdaman ko para sa'yo. Gusto kong umamin pero masiyadong nakakahiya. Ilang beses mo ng niligtas ang buhay ko, ikaw na rin halos ang bumuhay sa akin. Deserve ko ba talaga 'yon? Kahit pa sabihin na nating dahil nagpanggap ako bilang asawa mo, hindi ko pa rin ata deserve lahat ng ginawa mo para sa akin. Parang sobra-sobra kasi 'yon. "

Para sa kaniya ay hindi iyon bayad sa kaniya. Masiyadong maliit na bagay lang ang ginawa niya at kasalan niya rin naman kaya siya napabalik sa mundong ganito. Pero kahit bumalik man siya sa gulo ay hindi siya nagsisisi dahil nakasama niya si Draze.

Siguro ang pinagsisisihan niya lang talaga ay kung bakit na disgrasiya ito.

"Ang tanga tanga ko kasi," bulong niya sa sarili. Napabuga siya ng hangin, ilang minuto siyang tumitig lang sa binata.

"Kakayanin ko kaya pag hindi na kita makikita? Kakayanin ko ba pag lumayo ako sa'yo? Mahal na mahal kita Draze. Hindi ko alam kung kailan nag umpisa 'to. Alam kong isang katangahan ito dahil masiyado kang mataas at ako sobrang baba. Wala akong pamilya, wala akong natapos at pinag-aralan, wala akong ipagmamalaki." Kinagat niya ang labi nang maramdaman ang luha niyang bumuhos na naman muli. 

"Sorry... sorry dahil sa kagagawan ko napahamak ka." Halos pumiyok ang boses niya dahil sa pag-iyak.

Oo, napagdesisyonan niyang umalis at magpakalayo layo. Iyong pera niya na nakatago lang ay gagamitin niya para magsimula ulit. 

Tama si Jennie, hindi niya deserve si Draze. Hindi rin siya hihingi ng tulong dito dahil kaya naman niya mag-isa. Siguro naman ay wala ng hahabol sa kaniya dahil nahuli na ang gobernador na iyon. 

Kakayanin niya mag-isa dahil dapat naman talaga masanay na siya mag-isa.  Tumayo siya sa pagkakaupo at dahan dahan binitawan ang kamay ng binata.

Pinunasan niya ang luha sa mata at inayos ang sarili kahit papaano.

Lumakad siya patungo sa pinto at pinihit iyon pero napatigil siya nang may magsalita.

"I swear... I fucking swear, if you step outside of this room. I'll going to take you right here right now. Hindi ka makakawala sakin dahil sisiguraduhin kong lolobo 'yang tiyan mo."

Nanigas ang buong katawan niya at napahawak ng mahigpit sa doorknob. Hindi siya makalingon.

G-gising na siya?

Labis ang tuwa niya at gusto niya itong yakapin pero hindi niya ito maharap.

"Aurelia... I heard what you said, all of it. I woke up yesterday and you didn't even visit me. No one tell you? Fucking Conrad— Hey!"

Mabilis niyang binuksan ang pintuan at tumakbo palabas.

Para siyang baliw na umiiyak habang tumatakbo. Nakasalubong niya pa si Emmet sa hallway ng hospital pero hindi niya ito pinansin.

Hindi niya talaga kaya harapin ang binata. Nahihiya siya.

Ngayon ang iyak niya ay dahil natutuwa siya nang magising na ito.

"Ma'am okay lang po kayo?"

Hindi niya pinansin ang guard hanggang sa makalabas siya sa hospital.

Sumakay kaagad siya sa taxi para makaalis doon.

"Ma'am saan po tayo?" pagtatanong ng taxi driver.

"Sa bus terminal po, iyong malapit dito."

"Anong bus terminal po? Saan po ba kayo pupunta? Marami kasing bus terminal dito pero depende kung saan kayo papunta."

"Pupunta po ako ng pampanga kuya."

"Ah sige alam ko na."

Pinaandar naman kaagad ng driver ang taxi. Doon talaga ang plano niya dahil nakapag-research na siya ng lugar at may na contact siya roon na apartment for rent.

Pagdating niya roon ay bahala na kung paano siya makakapaghanap ng trabaho.

Hindi naman mawala ang kaba niya dahil nahuli at narinig siya ni Draze.

Kinain kasi siya ng takot at hiya para harapin ito.

Sinandal niya ang likod sa inuupuan at saglit na ipinikit ang mata.

Hindi niya na talaga alam ang gagawin.






Wala sa mood si Draze at nakahiga lang sa hospital bed. Kakatapos lang siya i-check ng doctor at okay naman na raw siya.

Isang linggo pa siya mag-stay rito para makasigurado.

"So hindi mo hahabulin si Aurelia?" tanong ni Mikael habang kumakain ng prutas na para dapat sa kaniya.

"Isa pang tawag mo ng Aurelia sa kaniya puputulin ko 'yang dila mo." Mainit ang ulo niya dahil tinakbuhan siya nito.

"Fine! Ac, Ac, Ac!"

"Anong plano nga? Napasundan ko na siya sa tatlong tauhan. Sila na ang bahala magbantay kay Ac," ani ni Emmet.

Iniwan nito ang singsing at bracelet na tracker sa kwarto nito ayon kay Gunner pero hindi naman nito iniwan ang cellphone at dala-dala pa rin kaya nakahinga siya ng maluwag.

Naka-connect kasi iyon sa kaniya at mata-track niya ang location nito gamit ang cellphone niya.

"You're letting her to escape from you? Pero pinabantayan mo?" tanong ni Conrad.

"Kaya pala ilang araw na walang gana si Ac. Talagang plano na niyang alisan ka," ani ni Gunner na nakahawak pa sa baba.

Tumawa naman sila Emmet at Conrad. Alam niyang inaasar siya ng mga ito.

"It's fine. I'll let her for now. Just a month, then after that I'll follow her."

Humiga siya ng maayos sa hospital bed at napatingin sa kisame. Napangisi siya dahil sa naiisip.

"Kailan natin siya pupuntahan?" tanong ni Conrad.

"I'm going alone."

"Wow. Gusto rin namin gumala-"

"Gusto kong patayin ka."

"Joke lang! Ako na lang pala gagala mag-isa."

Hindi siya papayag may sumama sa kaniya 'no. He already have a plan.

"I'll go there to get her and if we come back home, I'll make sure that we already three, not just two."

Napalingon siya nang marinig ang nahulog na tinidor. Nakita niyang nalaglag ni Mikael ang tinidor na hawak habang nakatitig sa kaniya.


"What the fuck?" Mikael reacted.

"Gago? Talagang seryoso ka na kay Ac?" tawang tawa si Conrad at napatayo pa.

"Tss. Halata naman na naging interesado na 'yan kay Ac noong una pa lang. Sinong tanga ang gagastos para sa school uniform ng buong estudyante sa university ko? Para lang sa request ni Ac na school uniform, kung wala siyang gusto 'di ba? Take note! Gastos niya lahat 'yon. I have thousands students with different courses and year." Parang proud na proud pa si Emmet sa sinasabi.


"Akala mo ikaw ang unang nakapansin? That day, auction night at the black market. He bought her, right? Inutusan niya ako para ako mismo ang mag escort kay Ac. That was the first time he let woman to ride at his own car. 'Di ba pag binibili natin 'yong mga babaeng ina-auction sama sama sila sa isang van at may ibang miyembro ng knights ang naka-assign para bigyan sila ng pera at dalhin sa ligtas na lugar? Ac is very different," Gunner chukled.

Ang tatlo naman ay parang tuwang tuwa dahil sa naririnig na kwento.

"That time, she looks more scared than anyone, that's why," he said.

Totoo naman 'yon. Noong nakita niya ang mukha nito at mata nitong nagpapahiwatig ng takot ay parang may kung anong nag udyok sa kaniya para makita pa ito ng malapitan.


"Reasons. Siguro 'di mo lang talaga na-realize na may connections na kayo," Gunner grinned.


"Draze! You awake! Kailan ka pa nagising? Galing ako sa work kaya ngayon lang ako nakapunta," sunod-sunod na sambit ni Jennie nang makapasok.

"I'm good."

"Anong sabi ng doctor? Okay ka na raw ba talaga?" nag-aalalang tanong pa nito at hinawakan ang kamay niya. Napaupo naman siya para maharap ito ng maayos.

"Si Draze pa ba? Okay na okay na 'yan pati utak. May gusto na ngang buntisin," sabat ni Conrad at nakipag high five pa kay Emmet.

Sinamaan niya ng tingin ang dalawa.

"B-buntisin? Don't tell me it's her? You two are not real, right? I mean, you two are just pretending!" hindi makapaniwalang bulalas ni Jennie.

"It will be real, Jennie. I am planning to marry her for real—"

"No way! Are you insane Draze? She's the cause why you are laying on this bed and why you are unconscious for almost two months!"

Magkasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa kaniya.

"Did you and Ac talk? Did you say something about her?" It's just his hunch. Bigla itong napaiwas ng tingin sa kaniya.

He let out a heavy sigh. Tumingin siya sa mga kaibigan at mukhang alam naman na ang pinapahiwatig niya dahil nagsitayuan ang mga ito para lumabas ng kwarto.


"So you talked with her. I guess, that's why she left."

"So she left? Mas makabubuti naman 'yon 'di ba? Pahamak lang siya sa'yo."

"No, Jennie. She is not."

"Don't tell me, you really like her?" Napaatras ito ng bahagya habang hindi ito makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"I don't like her... I love her, Jennie."

"W-what? W-what did you say?"

"I love her. I love Aurelia so much that I am so fucking piss right now because she left me. I saw her running away from me and it broke my heart so damn much."

Natulala sa kaniya si Jennie at hindi makapagsalita. Muli siyang humiga at inayos ang kumot niya.

"You should rest, Draze. You are not—"

"I rest enough. I'm sorry but I can't see you as a woman Jennie. I like you but as a friend. So stop doing this because I might stop treating you as a friend."

"W-why her?"

"Why Aurelia? I don't know. Kailangan ba ng rason? I just woke up that I can't live without her. That's it."


Tumalikod siya sa gawi nito dahil ayaw niya na itong makausap. Baka may masabi lang siya na mas makakasakit dito.

Narinig niya ang paglakad nito palayo sa kaniya hanggang sa marinig niya ang pagbukas at pagsarado ng pinto.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top