34- PSYCHOPATH

Tinaas ni Draze ang kamay niya para pahintuin ang mga tauhan nang makitang mawalan ng malay ang dalaga sa kamay ni Rafael.

"Ang bagal bagal niyo naman! Atat na atat na akong maharap ka," parang baliw na ani nito sa kaniya at pinadiyak padiyak pa ang paa.

"Ibaba niyo ang baril o gigilitan ko ang leeg nito?" dagdag pa nito at sumeryoso. Talagang literal na baliw ito, pinapakita nito ang ka-demonyohan.

"The snipers are on standby now." Narinig niya si Emmet sa earpiece. "The president is now in the hands of FBI, so don't worry about anything else."

Kahit papaano ay kumalma siya nang marinig si Emmet. Hindi niya akalain na makakasunod ito kaagad.

"What do you want?" he asked and drop his gun.

"Hmm... wala naman. Gusto ko lang malaman bakit niyo pinapakialaman ang buhay ko."

"Are you kidding me? You tortured and killed girls. You also killed my sister and you are asking me why I meddle with your fucking business?" he scoffed.

"Kasalanan iyon ng kapatid mo! Isa rin siyang pakialamera. Alam mo bang magkakaroon na sana ako ng mga bagong laruan pero pinatakas niya!" sigaw nito.

"Why are you doing this? Are you craving for attention?" he calmly asked.

'Jennie is on the line' - Emmet

'Draze... We already found an evidence inside the president's mansion. Mukhang hindi nila inaasahan ang warrant of arrest namin. There's a basement there, doon nila kinulong at tinorture si Rafael. Gusto ng babaeng apo ni Donya Caress at nang magkaroon ng unang anak si Cesar at anak pa sa labas ay hindi nila gusto iyon dahil masisira ang reputasyon ng Orlando. You can't trigger Rafael right now. Don't say anything about his childhood. The abuse and trauma that he experienced is very unbelievable.'


"Of course! I love attention! Sino ba naman ang hindi gusto no'n?" tumawa ang babaeng personalidad nito. Umupo ito sa sahig habang hindi pa rin binibitawan ang dalaga.

"Maganda ang asawa mo. Paano kaya pagkinuha ko ang mukha niya? Magugustuhan na siguro nila ako."

Hindi siya nagsalita at pinakinggan lang ito. Bahagya itong tumingin sa dalaga.

"Mahal mo ba ang asawa mo?" Bumalik ang magaspang nitong boses.

Hindi siya kaagad nakasagot.

"Hindi ka makasagot? Hindi ka sigurado? Alam ko na 'yan. May kilala akong ganiyan, magbubuntis ng iba pero may pakakasalan na iba. Nauna naman ang nanay ko bakit iba ang pinakasalan? Bakit ako pa 'yong naging anak sa labas? Bakit ako 'yong hindi matanggap at ako 'yong sinasaktan nila?" Ngumisi ito at pinasadahan ng kutsilyo ang buhok na tumabing sa mukha ng dalaga.

"Don't do that to her," matigas na ani niya. Naikuyom niya ang kamao nang tumawa pa ito.

"Hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko."

"Don't touch her."

Parang sasabog na siya sa galit nang pasadahan nito ang katawan ng dalaga gamit ang isang daliri.

"Don't do that—"

"You don't even love her—"

"I love her! so don't fucking touch my wife, you psycho." Tuluyan na siyang sumabog sa galit.

Kumunot ang noo niya nang mabitawan nito ang kutsilyo. Para ba itong sinasaniban dahil sa klase ng pag galaw ng katawan nito.

"Anong— tumigil na kayo! Ikaw ang tumigil! Tama na, pagod na ako sainyong dalawa. Hindi! Gusto ko pa makipaglaro! Nangingialam sila! Lahat na lang ng gusto kong gawin ay pinapakialam! Mga gago, ang hihina niyo! Hindi tayo mabubuhay kung ganiyan kayo."

Doon siya nakakuha ng tiyempo at agad na sinipa ang kutsilyo papalayo kay Rafael at hinatak ang dalaga.

Pero agad nakabawi ang lalaki at nahawakan ang kamay ng dalaga.

"Raise your hand!" sigaw ni Gunner. "I'll shoot you."

Hindi naman ito nasindak sa sinabi ni Gunner. Ngumiti pa ito at naiiling sa kanila.

"Shoot me and we are going to die because the real bomb is here," he laughed.

Binitawan nito ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga at pinakita ang detonator.


"There's exactly four bombs here in this building. Alam niyo ba na naririnig ko ang usapan ni Leo at ng inaanak niya? I have a device in his car so you can't fool me. Sinadiya niya na ipunta kayo rito. Why? Because that old man is scared to loose the life of that Zyldian. Akalain mo 'yon hindi naman niya anak pero tinuring niyang anak? Ang tanga niya lang dahil hindi niya alam na papatayin ko siya," he clapped his hands like what he said is very amusing.


"Kung akala niyo ako 'yong mahuhuli niyo? No. Nag uumpisa pa lang ako maglaro. Siguro nahuli na 'yong magaling kong ama? Nakakuha ng ebidensiya? Dapat magpasalamat kayo sakin dahil nilagay ko sa lungga niya lahat ng kahayupan niya. Wala e, hindi niya pa ako hinayaang mamatay. Binuhay niya pa rin ako para saktan lang at gamitin ang talino ko para makatungtong siya bilang presidente!"

Napatingin siya kay Aurelia at mahinang tinapik tapik ito, nagbabakasaling magising ang dalaga.

"Gusto mo bang maligtas ang mga kasamahan mo at 'yang babae na 'yan? Madali naman akong kausap, pagbibigyan kita ngayon."

Binaling niya ang tingin kay Rafael na prenteng prente na umupo sa sahig habang hawak ang detonator.

"Oops, Walang gagalaw! Isang pagkakamaling galaw niyo lang ay pipindutin ko 'to at sabay sabay tayong mamamatay sa oras na ito," he smiled creeply.


"What should I do? Anong dapat ko gawin para paalisin mo sila dito?" nagtitimpi na siya at gusto niya ng bugbugin ang lalaki.



"Stay here. Stay with me, and they can all leave. Simple, right?"


'It's good. If they leave we can shoot him. Can you handle it, right?'

Gusto niyang ngumisi dahil sa tanong ni Emmet. Nakalimutan ata nito kung sino ang boss nila.



"Fine. I'll stay with you," he said while not changing his blank expression.

Sinenyasan niya si Gunner na buhatin ang dalaga. Tiningnan niya lang sa mata ang kaibigan at alam na nito ang pinaparating niya.


They need to leave now. Kailangan nilang makalayo sa lugar na 'to. Kung malakas nga ang bomba at apat pa ay delikado pa rin kahit nasa labas lang ang mga ito.





'We detected two bombs on the 5th floor, 1 bomb on the 2nd floor and the other one, I think it's on the first floor. I'm here with Ren and Daigo. Nakaakyat na kami sa 5th floor. We can easily defuse the bomb so keep talking to that psycho because we need a time to disarm the bomb.'



Sinuklay niya ang buhok at umupo sa lapag.

"What's your goal? What's the point of killing people?" he asked. He just blurting out some topic even he just want to kill this man in front of him.

Kahit anong sakit pa nito o kahit anong kondisyon pa nito sa utak ay hindi pa rin maaalis ang hinanakit niya rito dahil nawalan siya ng kapatid.

"Gusto ko lang maranasan ng ibang bata ang mga naranasan ko. I want to see them in fear. Gusto ko maranasan nila ang mas grabe pang nararanasan ko sa kamay ng ama ko para sa gano'n ay masabi kong 'atleast I never experienced this kind of pain'."

Naipigil niya ang hininga niya ng dumaloy lahat ng dugo niya sa mukha. Nangangati na ang kamay niya para saktan ito.

"Do you fucking know that you are just deceiving yourself? Why didn't you call for help when they are abusing you?"

'We disarm the two bombs. Continue talking to him.'

"Kala mo gano'n kadali? Madaling sabihin pero hindi madaling gawin dahil halos ng nasa paligid namin na akala mong matatakbuhan mo ay galamay lang pala ng pamilyang Orlando! Police? Doctor? Nurse? A fucking people who works with that old man are all disgusting. Mabuti sa panlabas pero may tinatagong kademonyohan. Mas demonyo pa sa demonyo dahil lang sa pera at kapangyarihan sa mundong ito!"


Galit na galit itong sumigaw sa kaniya. Halos lumabas ang ugat nito sa leeg dahil sa pagsigaw. Yumuko ito at humawak sa buhok para sabunutan iyon.


"But suddenly... I am getting tired to all shits are happening. Gusto ko ng magpahinga. Nakakapagod maging matapang para lang mabuhay." Lumabas muli ang personalidad nito na isang agresibo, iyong magaspang ang boses.



"Anong sinasabi mo? Ayoko pa mamatay! Makikipaglaro pa ako sa mga laruan ko!" his female personality said.

Napatingin siya sa hawak nitong detonator.

Muli na namang nahihirapan si Rafael at mukhang dahil sa pagtatalo ng mga personalidad nito.


'2nd floor done. Check your surrounding if you see a bomb.'


Nilingon niya ang paligid pero wala siyang makitang bomba.

Tumayo siya pero napatigil nang sumigaw ang lalaki.

"Huwag kang gagalaw!"

"Where's the bomb?" deretso niyang tanong dito.


"Hindi ko sasabihin sa'yo." Nahihirapan ito dahil sa kondisyon.


"Did they go far away from this building? What type of bomb?"

'Oo, ligtas na silang nakaalis. The bomb was improvised, I think he's the one who made that. Kung sumabog man ang isa ay sakop lang ang kalahati ng building pero delikado pa rin.'

"Sinong kausap mo!" galit na sigaw ni Rafael.


"Get out of the building ASAP," he command.

Alam niyang hindi ito matatapos. Kung may isa pa ngang bomba ay hahayaan niyang pasabugin ni Rafael iyon.

'Fuck. Just say shoot if you command to shoot that psyco.'

"Sinong kausap mo!" Sigaw pa nito ulit at tumayo habang pinapakita sa kaniya na pipindutin nito ang Detonator.

Humakbang siya palayo habang nakikiramdam dito.

"Sabing 'wag kang gagalaw! Akala mo nagbibiro ako? Papasabugin ko 'tong buong building at sigurado akong magiging abo ang lahat ng nandito pati ikaw!"


Umiling siya rito. "You'll die but I will not. I will not let you kill me. I have now reason to live and to be happy, and I can't die knowing we are not married for real," he smiled while thinking of Aurelia.



"Anong pinagsasabi mo-"

"Shoot!"


Mabilis siyang tumakbo papunta sa pinto pero bago pa siya lumabas ay tumalsik na ang katawan niya dahil sa isang pagsabog ng bomba.



Naramdaman niya ang pagtama ng katawan niya sa sahig. May kung anong tumalsik at tumama sa ulo niya bago siya mawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top