33- DECEIVED

Nasa isa silang van habang nakatutok sa isang monitor na nandoon. Nakaantabay din ang lahat sa mangyayari. Para sa proteksyon ni Zyldian ay kinumbinsi niya itong sundin ang plano nila. 

May kinabit silang spy camera sa damit nito at may suot din itong earpiece para makita nila at marinig ang pag-uusapan ng dalawa. 

"Papasok na siya sa kotse," tukoy ni Conrad kay Zyldian. Nakita niya sa camera na nakakabit kay Zyldian na nakapasok na nga ito sa sasakyan at kita niya rin ng bahagya ang mukha ng ninong nito.

"Kumusta ang pag-aaral?" ani nito sa masayang boses.

"Okay naman ninong, marami lang akong subject pero kaya naman."

"Pag naka-graduate ka susunod ka na rin sa states?"

"Not sure. Sila mommy at daddy lang naman ang may gustong tumira roon."

"Ano bang sasabihin mo at gusto mo sa akin makipagkita? Bakit, magpapaturo ka na ba manligaw?" Tumawa ang ninong nito kay Zyldian.

"Matagal ka ng nagta-trabaho kay Cesar Orlando 'di ba ninong?"

"Of course, matagal na. Gusto mo ba pumasok sa politika?'

"Sinong bata ang inaalagaan mo noon?"

Ilang minuto natahimik sa kabilang linya. Napalunok siya at inayos niya ang earpiece na suot. Ninenerbyos siya sa nangyayari. 

Draze held her hand. 

"Bakit bigla kang na-curious doon? Huwag na nating pag-usapan"

"Ninong totoo bang may kinalaman ka sa pagkamatay ni Dixie Moretti at sa mga batang nawawala noon pa man at hindi na nahanap?" 

"Saan mo nalaman 'yan? Anong kalokohan 'yan, Zyldian?"

"Hindi 'di ba? wala kang kinalaman 'di ba?"

"Get out of my car!"

"Ninong!"

"Get out! Do you want to get killed?"

"Sino 'yang boss mo? 'Yan ba yung anak ng presidente?"

"Please! Shut up and get out of my car!" 


Napapikit sila nang makarinig ng matinis na tunog sa earpiece.

Nakita nila sa camera ang galit na galit na mukha ni Leo Gatchalian habang hawak ang earpiece na suot ni Zyldian.

Hindi na nila ito marinig pero nakikita pa rin nila ito sa camera.

"Follow the car!" ani ni Gunner sa driver nila ngayon.

Sumilip siya sa labas at kita niyang mabilis ang pag andar ng sasakyan kung saan nakasakay si Leo Gatchalian at Zyldian.



"Shit... the camera is off now." Naibaling niya ang tingin sa monitor at tama nga ang sinabi ni Conrad, wala ng connection sa camera ni Zyldian.



Tumunog ang cellphone niya at ang mensage ay galing kay Zyldian.


"There's a bomb inside the car. 10 minutes," pagbabasa niya sa mensahe ng kaibigan.


"What?" Draze grabbed her phone to read it.

"Damnit."



Napatingin siya nang tumunog ang cellphone ni Draze.

"Connect the call, I think this is him," sambit ni Draze kay Conrad.



"I am waiting, dear. Bakit ang tagal mong mahanap ako? Nabo-bored na ako."


"You... Is it hard to be illegitimate son of Cesar Orlando?" he mocked.

"So you know who I am?"

Kinilabutan siya nang maging lalaki ang boses nito. Magaspang at puno ng galit ang tono ng boses nito.


"Do you think I let you all live? Gustong gusto ko kayong patayin dahil sa pakikialam niyo! Tama na 'yan ano ba? Itigil na natin 'to ayoko na."



Gulong gulo siya sa naririnig dahil nag-iba na naman ang boses nito, pero natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses. 


"Sir. Rafael... Si sir Rafael 'yon 'di ba? Ang may-ari ng LDA." Naguguluhan man siya pero alam niya ang boses nito dahil malumanay iyon. 


"Rafael Delmundo, graduated at U.S, no family background. He won in different hacking competition. He called genius because he ace two course, computer science and cyber secrutiy course," pagbabasa ni Conrad sa impormasyong nahanap. 


"Wala talagang impormasyon tungkol sa pamilya niya... Oh shit... I found something! His hospital history." Napalingon siya kay Conrad, seryoso itong nagta-type sa laptop. Napatingin naman siya sa monitor na nasa harap nila at na-share na roon ang tinitingnan nito. 


"They know his sick. This is his hospital record when he was 7 years old."


"The call ended," Draze said.  


"It's fine. Nakalimutan niya atang main number niya ang ginamit niya. I already know where he is. Sinend ko na rin sa iba para may mauna na roon," ani ni Conrad.




"Hello? I'll send the address and go to that hospital. Get all the information about Rafael Delmundo, all his records... yes... he's the culprit and we are now sure... yes... thank you, Jennie," rinig niyang ani ni Gunner sa kausap. 



Tumigil ang sasakyan at nakitang naharangan ng isang kotse ang sasakyan nila Zyldian. Bumaba ang mga tauhan ni Draze at tinutukan ang mga ito ng baril. 


"Stay here," mariin na utos sa kaniya ni Draze bago buksan ang pinto ng van at bumaba. Lahat ay bumaba maliban sa driver ng sasakyan. 


Hindi siya mapakali habang sinisilip ang mga ito. Agad siyang bumaba nang hindi na makatiis. Tinawag pa siya ng driver nila para pigilan pero hindi na siya nagpapigil. 



"Hindi niyo alam ang pinapasok niyo!" sigaw ni Leo.


"Ninong, tama na. Umamin na kayo sa police—"


"Police? Walang magagawa ang police. Ngayong alam niyo na na anak si Rafael ng presidente, siguro hindi na kayo magtataka kung bakit hindi napapasapubliko ang mga kaganapan na nangyari? Mr. Cesar Orlando is powerful! Hindi siya mapipigilan sa gusto niyang marating at gagawin niya ang lahat para hindi maalis sa politika."



"This is a fucking fake bomb." Hawak-hawak ni Gunner ang pekeng bomba. Nakahinga siya ng maluwag at halos manghina ang tuhod niya kaya napaluhod siya. 


"Ma'am? nako okay lang po kayo?" rinig niyang tanong ng driver na sinundan pala siya. Hindi pa siya napapansin ni Draze na ngayon ay kinekwelyuhan na ang matanda. 



Bumaling ang tingin niya sa kung saan at laking gulat niya nang may makitang lalaki sa isang gusali, nasa limang palapag ito malinaw niyang nakikita na may hawak itong malaking baril. Naka-posisyon ang isang sniper sa gawi ng binata.


"Hindi... D-draze!" Kahit nanginginig ay mabilis siyang tumayo at tumakbo sa gawi ng binata. Agad niyang hinatak ito at huli na bago niya masabihan ang lahat. 



Biglang bumagsak si Leo Gatchalian. Kita niya ang duguan na noo nito. 


"N-ninong!" sigaw ni Zyldian. 


Napatingin ulit siya sa itaas at kitang tumakbo na ang lalaki. Mabilis niyang binitawan si Draze at tumakbo patungo sa gusali. Wala sila sa city kaya naman ay may mga bakanteng lote sa paligid at mga talahib. 



"Ac!"


"Aurelia!" 



Hindi niya pinansin ang tawag sa kaniya nila Draze at Gunner. Umusbong ang galit sa puso niya dahil muntikan nang mabaril ang binata. 


Kinuha niya ang isang bakal na nakita sa gilid at binilisan pa ang takbo papasok sa building. Nakasalubong niya ang lalaki at agad itong napahinto nang makita siya. 


"Ikaw pa talaga ang hahabol sa akin?" natatawang sambit nito. Tumawa ito ng tumawa kaya hindi man lang nito napansin na nakalapit na siya. Hinampas niya ito ng bakal pero sa katawan niya pinatama.


Halatang nagulat ito sa ginawa niya. Hinablot nito ang bakal pero hindi siya nagpatalo. Tinulak niya iyon at tumama naman ito sa katawan ng lalaki. 


Hahampasin niya pa sana ito nang may humatak sa kaniya. Sa isang iglap lang ay bigla ng bumagsak ang talukap ng mata niya dahil sa matapang na amoy sa panyong nakatakip sa ilong niya. 



"Surprise, bitch. I am here. I deceived all of you." Bago pa tuluyang mawalan siya ng malay ay narinig niya pa ang boses ng binata.



























Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top