32- EXPLANATION


Sinukbit niya ang bag niya at sinuot ang bracelet na may tracker. Ngayong araw ang napag-usapan nila ni Zyldian. Magkikita sila sa isang amusement park para na rin maraming tao. Magpapanggap din ang mga tauhan ni Draze na isa sa mga staff doon o isa sa mga nagbebenta ng mga pagkain para mabantayan siya.


Iyon ang napagkasunduan nila ng binata kaya napapayag niya ito. Sumakay siya sa sasakyan ni Draze dahil ito mismo ang maghahatid sa kaniya sa amusement park. 

Naroroon na ang mga undercover na miyembro ng knights para hindi mahalata ang mga ito. 

"10 minutes talk is enough. If you sense any danger touch your ring and I'll go to you, okay?" sambit sa kaniya ni Draze habang nagda-drive ito. 

"Huwag ka mag-alala, walang mangyayaring masama," positibo niyang sambit. Gusto niya lang maging positibo dahil hindi niya maisip na may alam at kinalaman si Zyldian sa threat message.

Isang oras ang byahe nila dahil may kalayuan din ang parke, sinamahan pa ng traffic. Ipinark ni Draze sa tabi ang sasakyan. Ito ang nagtanggal ng seatbelt niya at hinayaan niya naman ito. 


"Don't hesitate to shout or run if somethings happen," paalala pa ulit nito. Ngumiti naman siya rito at hinawakan ang mukha ng binata dahil malapit ito ng sobra sa kaniya.


"Kaya kong lumaban, ikaw yata ang nagturo sa akin," ani niya at nagpapalakas ng loob. Sa totoo lang ay kinakabahan din siya, hindi pa rin naman maiiwasan ang kaunting takot dahil sa nangyayari.

"I know, I know you can now fight. I trust you, wife." Dumampi ang labi ng binata sa labi niya kaya napangiti siya. Hindi niya muna iisipin ang kung ano ba talagang mayroon sila ng binata.  Masaya siyang ganito ito sa kaniya, masaya siya sa mga pinapakita nito.


Huminga siya ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Naglakad siya papasok ng entrance. Kumuha siya ng ticket sa stall at nakita niyang ang nagbabantay roon ay isa sa tauhan ni Draze. 

Inabutan siya nito ng ticket para sa entrance ng amusement park.  Lahat ng naka undercover ngayon ay nakilala niya na para alam niya ang mukha ng mga ito. 

Natanaw niya na si Zyldian sa isang bench habang nanonood sa mga batang nakasakay sa merry go round. 

Mukhang naramdaman nito na may papalapit sa kaniya kaya napabaling ito sa gawi niya. Tumayo ito at ngumiti sa kaniya habang kinakaway ang kamay. 

"Kanina ka pa?" kaswal niyang tanong.

"Hindi naman, mga 10 minutes pa lang naman akong naghihintay," nakangiting ani nito. 

"Gusto mo ng ice cream?" turo nito sa nagbebenta ng ice cream malapit sa gawi nila. Ang nagbebenta ay isa rin sa mga tauhan ng binata.

"Sige, tara." Lumapit sila roon at tinuro ang gusto nilang flavor. Kailangan niya rin ito para habang nag-uusap sila ay may mabalingan siya ng tingin.

"Doon na lang tayo umupo," turo niya sa may lamesa. Wala rin naman masiyadong tao roon dahil mga nagra-rides ang karamihan o 'di kaya sa bench lang nakaupo. 

"Kumusta online class? Hindi ka na ba babalik sa school? Lagi kang hinahanaap ni Jun sa akin," bumusangot ito habang kumakain ng ice cream. 

"Hindi na eh, busy pa kasi talaga." Tumingin siya sa mukha nito at napatango naman. Pilit niyang binabasa ang mukha nito. "Ano nga palang pag-uusapan natin? pwede na ba nating pag-usapan?" 

Ayaw niya na kasing patagalin pa at gusto niya ng malaman kung bakit siya nito gusto kausapin.

"Nagseselos ba ang asawa mo sa akin? 'yon ba ang dahilan kaya ka nag-online class?" seryoso ang mukha nito at walang halong biro. Hindi niya ine-expect na iyon ang magiging tanong nito sa kaniya.

"H-ha? Hindi ah. Saan mo naman nalaman 'yan?" Binitawan niya ang cup ng ice cream. 

"Wala, nararamdaman ko lang. Tapos hindi ka na active makipag-usap sa akin. Kaibigan mo pa rin naman ako 'di ba? Alam ko namang ramdam mo na gusto kita, totoo rin na nalungkot ako no'ng nalaman kong may asawa ka. Hindi ko ka-close si ate Jennie pero kinulit ko siya kung totoo ba at sinabi niyang totoo raw talaga." 


Alam nilang lahat na malayong pinsan nito si Jennie, iyong babaeng alam niyang may gusto kay Draze dahil ramdam niya.


"Gaano kayo ka-close ng ninong mo, Zyldian? Alam mo ba ang mga ginagawa niya?" deretsong tanong niya rito dahil ayaw niya na magpaligoy-ligoy pa.

"Ninong Leo? Oh, nakwento ko siya sa'yo 'di ba? Why? is there something I should know?" naguguluhang tanong nito sa kaniya. "Ninong Leo is my closest ninong among the rest. Kababata kasi nito ang daddy ko at pag may gala ang family lagi siyang kasama. Pero ilang taon na rin na hindi siya nakakasama samin dahil busy na. Nasabi ko naman sa'yo na isa siyang butler sa mansyon ng presidente 'di ba?" 


"Tapatin mo ako, wala ka ba talagang alam?" tanong niya pa. Mas sumeryoso ang mukha ng kaibigan sa harapan niya.

"You are scaring me, Ac. Something's goin on, am I right? Tell me."  Napasuklay siya sa buhok niya at iniwas ang tingin dito. Nakikita niya sa mukha ni Zyldian na wala itong alam. 

"Kung totoong wala kang alam, pwede ka bang sumama samin?"

"Draze!" Napatayo siya sa pagkakaupo nang makita ang binata sa likod niya. Napatayo na rin si Zyldian at napatingin sa binata at sa kaniya. 

Hindi ito nagsalita ng ilang segundo pero tumango ito bilang tugon. 

"Fine. Naguguluhan man ako pero sasama ako sainyo." 


Tahimik silang tatlo sa byahe. Walang nagsasalita ni isa sa kanila. Hindi niya binabasag ang katahimikan dahil alam niyang mamaya ay matatadtad ng katanungan si Zyldian.

Nakarating sila sa hideout ng knights. As usual, maraming miyembro ang nandoon. Naabutan pa nila ang iba na nag eehersisyo sa labas.


"Anong lugar 'to Ac? Sigurado ka bang asawa mo talaga 'yan? Hindi ka ba niya tinatakot lang?" Kita niya ang pag-aalala sa mukha ni Zyldian.

Pumasok sila sa meeting room ng knights at bumungad doon si Gunner, Conrad at Mikael.

"I have lie detector?" Mikael smiled and show them the device. "This is fun, can't believe I'm doing this," he laughed sarcastically. "The famous surgeon at switzerland is here to do a lie detector test? Amazing, right?"


"Sino kayo? At ano ba talagang nangyayari?"

"Bago namin sagutin ang tanong mo, isuot mo muna 'to sa kamay mo at ididikit ko to sa ulo mo." Hinatak ni Mikael si Zyldian at pinaupo sa upuan. Tinulungan ni Gunner si Mikael ikabit ang bagay na kokonekta sa lie detector device.

"Kung hindi ko lang gusto si Ac hindi ko gagawin 'to!" inis na bulalas ni Zyldian.

"Should I thank you for that, fucker? Should I thank you that you like my wife?" Hinawakan niya sa braso si Draze dahil mukhang susugurin na nito si Zyldian.

"Wow, I like that scene. Sige pag agawan niyo na si Ac." Sinimangutan niya si Mikael pero kinindatan lang siya nito.


"Gago, gusto ko rin makita 'yong scene na mawawalan ng isang mata si Mikael kakakindat kay Ac," natutuwang saad ni Conrad.



"Shut up you two. Wala nga si Emmet pero ikaw naman pumalit," baling ni Gunner kay Mikael.

"Atleast hindi ako katulad mong napakaseryoso sa buhay."

Mabuti na lang hindi na pinansin ni Gunner si Mikael at hindi na napahaba ang bangayan, alam niya kasing sasabat na naman si Conrad. Sanay na sanay na siya sa presensiya ng mga ito.



"Ikaw ba ang kumuha ng mga pictures na 'to?" tanong ni Gunner at pinakita ang larawan niya na sinend kay Draze.

"Ito 'yong araw ng event? Anong merong dito?"

"Just answer yes or no," matigas na sambit ni Draze.

"Tss. No."

Napatingin sila kay Mikael na nakatutok sa monitor.

"It's true." Nakahinga siya ng maluwag. Nagtitiwala pa rin siya sa pinagsamahan nila ni Zyldian.

"Then do you know that Leo Gatchalian is working with a psychopath?" Conrad asked.

"Prank ba 'to? Anong pinagsasabi niyo sa ninong ko? Psychopath? Sino? Eh simula noon sa presidente na siya nagtatrabaho!" giit nito. "Oh god. I swear, if I don't trust Ac, I'll report all of you."

"Please, sagutin mo na lang lahat ng tanong," pakikiusap niya sa kaibigan. Zyldian groaned.

"I'm all ears. Tell me what's really happening."

"12 years ago, Draze sister was kidnapped and also Ac at the same time. May nakapagsabi na naroroon si Leo Gatchalian at siya ang nag-aasikaso sa lahat ng nangyayari. Meaning, he works with psychopath killer."

Natigilan si Zyldian sa sinabi ni Gunner.

"It's impossible. Alam ko simula bata ako sa pamilya ng presidente na siya nagtatrabaho. Bago pa maging presidente si Cesar Orlando ay nagtatrabaho na siya sa..."

Tumigil ito at tiningnan silang lahat.

"Siguraduhin niyong hindi makakalabas dito." Huminga ito ng malalim bago magsalita muli. "May anak sa labas si Cesar Orlando. Hindi ko siya kilala pero alam kong lalaki ang anak niya. Narinig ko lang noong bata pa ako at nag uusap ang magulang ko at si ninong Leo sa sala. He has no family and he's dad closest friends that's why I also treat him as my second dad."


"Its all true. He's not lying," ani ni Mikael habang nakatingin pa rin sa Monitor.

"I can't find any information about Cesar Orlando's illegimate child." Napahawak sa ulo si Conrad habang nakatingin sa laptop niya.


"Wala talaga kayong mahahanap dahil tinago nila ng mabuti. Cesar Orlando loves politics kaya nga siya naging presidente ngayon." Tinanggal ni Zyldian ang mga nakakabit sa kaniya.



"Pero 'di ba nadukot yung apo ng presidente noong pumunta tayo sa abandonadong hospital? Aksidente lang ba 'yon o sinadiya?" pagtatanong ni Conrad.

"I think that was really an accident," Gunner answered.


"Kung totoo nga ang sinasabi niyo ako mismo ang kakausap sa ninong ko."

"No. I need you to bring him to me." Draze clenched his jaw.

"Ako muna ang kakausap sa kaniya." Hindi nagpapatalo si Zyldian kaya inawat niya na ito.


"Kailangan mo siyang dalhin sa amin. Hindi mo pa kilala ng lubusan ang ninong mo. Paano kung mapahamak ka sa kaniya?" ani niya rito.


"I'll trust him and if he break my trust then I'll fight him. Kung isa talaga siya sa dahilan kung bakit ka napahamak noong bata ka ay ako mismo ang lalaban sa kaniya."


Napabuntong hininga siya. Hindi niya na alam ang gagawin. Nakakaramdam na naman siya ng kakaiba sa nangyayari.







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top