31- CAUGHT
Inunat niya ang katawan nang matapos ang training nila ni Draze. Ang sakit ng buong katawan niya pero nasasanay na rin siya sa gano'ng pakiramdam. Inabutan siya ng tubig ng binata na agad naman niyang kinuha.
Uminom siya at halos maubos niya ang tubig sa bote nito. Oo, ang tumblr ng binata ang gamit niya dahil naubos na 'yong sa kaniya.
Kinuha niya ang towel niya at pinunasan ang mukha niyang pawis na pawis. Pinunasan niya rin ang leeg niya at ang braso niya. Inangat niya ng bahagya ang t-shirt niya at pilit na pinupunasan ang likod.
"Take off your shirt, I wipe your back," Draze casually said. Lumapit ito sa kaniya at kinuha ang towel pero hindi pa rin siya kumikilos.
Parang wala lang ang inuutos ng binata sa kaniya. Nag-init ang pisngi niya dahil sa nararamdaman.
"What? Take off your clothes. You're wearing a sports bra and besides I'm your husband so— shit." Natigilan ito at napamura sa harapan niya.
Nakalimutan ba niyang hindi naman talaga sila mag-asawa?
Mas lalong nag-init ang pisngi niya dahil sa isipan na 'yon.
"I'm sorry, forget what I said." Ibabalik sana nito ang towel sa kaniya nang hubarin niya kaagad ang t-shirt na suot sa harapan nito.
"Tangina," he whispered.
Tumalikod siya kaagad para maitago ang mukha niya. "P-punasan mo na," halos pabulong na sambit.
Ilang segundo ay hindi niya pa rin nararamdaman ang pag lapat ng tuwalya sa likod niya. Gusto niya na sanang tumakbo para magtago sa kahihiyan nang maramdaman niya ang mainit na palad nitong dumapo sa leeg niya para iharap ang nakalaylay niyang buhok.
Marahan nitong pinunasan ang likod niya. Kagat kagat niya lang ang labi at halos magsugat na iyon. Halos kumawala kasi ang puso niya dahil rinig na rinig niya ang pagbilis ng tibok no'n.
Napalunok siya nang matapos nitong punasan ang likod niya. Humarap siya rito at kinuha kaagad ang pamunas niya. Handa na sana siyang talikuran ito nang inabot nito ang isang pamunas.
Magtatanong pa sana siya nang bigla rin itong maghubad sa harapan niya. Tumambad sa kaniya ang matipuno nitong dibdib at ang walong pandesal na nasa tiyan.
"T-talikod," nahihiyang ani niya.
"No."
"Huh? P-paano kita pupunasan?"
"Punasan mo ko habang nakaharap ako." Nakita niya ang pag ngisi nito.
Inaasar niya ba ako?
Gusto niya ng lumubog sa kinatatayuan niya dahil hiyang hiya na siya sa nangyayari.
"You're blushing, wife," he whispered at her ears.
Parang may kung ano ang naglaro sa tiyan niya dahil bigla siyang nakiliti sa parte na 'yon.
"Do I smell? Bakit ka lumalayo?" his low baritone voice filled the room.
Tuluyan nang nagwala ang puso niya, hindi siya makatingin ng diretso sa binata at ngayon ay umaatras pa siya palayo rito.
"B-bakit ka kasi a-abante ng abante," ani niya sa maliit na boses. Napatigil siya dahil tumama ang likod niya sa punching bag.
"Because you're far, wife."
"H-hindi naman ah!" Malapit naman talaga siya rito pero bigla kasi itong humakbang at halos hindi na siya makahinga kaya umatras siya.
"Yes, you are too far. I want this near." Nahigit niya ang hininga at naipikit niya ang mata.
Sobrang higpit ng hawak niya sa tuwalya dahil wala siyang ibang makakapitan.
Nakarinig naman siya ng malakas na tawa na ngayon niya lang narinig. Napadilat siya at kita niyang tumatawa ang binata.
Natulala siya rito dahil ngayon niya lang ito nakitang tumawa. Kusang umarko ang labi niya at napangiti na rin.
"Bagay sa'yo ang tumawa," wala sa sariling bulalas niya habang nakatingin dito.
Draze stopped laughing when he realized it too.
Nagkatitigan sila pero siya na ang unang bumitaw. Magkakasakit na kasi ata siya sa puso.
"Pupunasan na kita-"
Nabitawan niya ang pamunas sa kamay nang hilain siya nito at hawakan sa pisngi gamit ang isang kamay.
Mabilis ang pangyayari at naramdaman niya na lang ang malambot na bagay sa labi niya.
Napapikit siya nang lumalim ang halik nito. Mas hinapit siya ng binata at ang isang kamay nito ay nakahawak na sa batok niya.
"Ahh..." Napadaing siya ng mahina nang kagatin nito ang ibabang labi niya.
Napahawak siya sa bewang nito kaya ramdam na ramdam niya ang galit na galit na muscles nito.
Hindi niya alam kung paano nagagawa ni Draze ang ginagawa nito sa kaniya. Para ba siyang nalulunod at hindi makaahon.
She tried to open her mouth and kissed him back the way he do but...
"Holy molly mother of cockroach!"
Agad niyang naitulak ng malakas si Draze. Literal na bumagsak ito sa sahig, parang doon niya ata napwersa ang lakas niya.
Nanlalaki ang mata niya sa gulat dahil sa nagawa sa binata at natataranta rin siya dahil kay Conrad at Emmet na nahuli sila.
"Fuck," daing ni Draze. Nilapitan niya kaagad ito at inalalayan.
"You two are going to hell." Sinamaan ng tingin ni Draze ang dalawa nang tumawa ang mga ito.
Gusto niya tuloy magtago o kaya maglaho na parang bula.
"Sus! Nauna ka na nga e, nag iinit ka na oh," pang aasar ni Emmet.
"Ang puso ko'y tumitibok tibok," pagkakanta ni Conrad na hindi niya malaman kung gawa gawa lang ba.
"Ang nguso ko ay-" Hindi natuloy ni Emmet ang pagkanta nito nang tumama sa pader ang tumblr ni Draze.
"Putang ina! Muntikan na ako!" sigaw ni Emmet.
Maski siya ay kinabahan dahil mabigat ang tubigan nito kahit wala ng laman.
"It's my warning. You know I can hit your head in one shot, right?"
"What the hell? Mas matanda ako sa'yo pero ginaganito mo ako," halos pabulong na ani ni Emmet.
Hindi na nagsalita pa si Conrad at agad na hinatak si Emmet para lumabas ng kwarto.
Nang maibaling ni Draze ang tingin sa kaniya ay napayuko siya dahil hindi niya na ito maharap.
"M-maliligo na ako." Tinalikuran niya ito at pumunta sa isang bathroom para maligo.
Nasa isang private gym kasi sila na pag mamay-ari ni Draze. Dito sila nag t-training madalas o kaya naman sa bahay pero minsanan lang.
Nang maisara ang pinto ay agad siyang napasandal doon.
Mahihirapan na siyang harapin ang binata.
Napahawak siya sa kaniyang labi at dinama ang parte na 'yon. Hindi niya akalain na madadala siya sa ginawa nito.
Napaayos siya ng tayo nang may kumatok.
"You forgot your bag. Don't tell me you are planning to go outside naked? Do you want me to kill them if they saw you?"
Binuksan niya ang pinto at hindi na inabalang tingnan ang binata. Hinablot niya ang bag niyang hawak hawak nito at mabilis ding sinara ang pinto at ni-lock.
Naligo siya ng mabilis at nang matapos ay nagbihis na siya ng pamalit.
Binalot niya ang buhok niya ng tuwalya dahil basang basa iyon.
Paglabas niya ay wala si Draze, mukhang nasa kabilang banyo na at naliligo dahil nikita niya ang bag nito na bukas at wala na ang dalang pamalit.
Kinuha niya ang cellphone niya nang makitang may message. Binuksan niya iyon at tumambad ang mensahe ni Zyldian.
'Hey. Can we meet? I want to talk with you alone, Ac. Please? It's bothering me because you didn't always respond to my messages.'
She pursed her lips while thinking if she's going to meet Zyldian.
Maraming nasa isipan niya dahil sa naging rebelasyon noong nakaraang araw.
Sa ngayon ay ginagawan pa ng paraan kung paano makukuha ng knights si Leo Gatchalian.
Nag iingat kasi ang mga ito dahil nasa bahay ito ng presidente. Kailangan makakuha ng magandang tiyempo na walang madadamay, ayon kay Draze.
"What are you thinking? Our kiss earlier?" Muntikan na siyang mapatalon sa gulat dahil hindi niya naramdaman ang binata.
"N-nandiyan ka na pala... hindi man lang kita naramdaman," sambit niya dahil walang masabi.
"Paano mo ko mararamdaman kung nakatulala ka sa kawalan." Bumaba ang tingin nito sa phone niya at nagsalubong agad ang kilay nang mabasa nito ang naroroon.
Inagaw nito ang cellphone para mabasa ng maayos.
"Are you going to hide it from me?" Draze stare at her.
"Hindi... pero magpapaalam ako sayong makikipag kita ako sa kaniya." Gusto niyang makausap din si Zyldian.
Gusto niyang harapin ito kung may alam ba ito kay Leo Gatchalian.
Madalas maikwento ni Zyldian sa kaniya ang ninong nito dahil ito ang ka-close niya lalo na raw sa galaan noon pero naging busy lang dahil naappoint sa presidente bilang butler sa mansyon.
"No."
"Tatanungin ko siya Draze. Ayaw ko mag-isip ng kung ano-ano sa kaniya." Kaibigan niya pa rin ito, kaya kung maaari ay gusto niyang marinig ng harapan kung may alam ba ito sa nangyayari.
"Do you like him? Why do you care so much!" inis na sambit sa kaniya.
She sighed.
"Kaibigan ko pa rin siya Draze-"
"Do you like him? That's my question!"
"Siyempre hindi! Kung gusto ko ba siya hahayaan kong halikan mo lang ako kanina!" she shouted back.
Mukhang hindi nito inaasahan ang pagsigaw niya lalo na ang sinabi niya.
"Kung siya ba ang gusto ko tutugon ako sa h-halik mo..." Iniwas niya ang tingin dito.
Tinalikuran niya ito at inayos ang gamit niya.
"Gusto ko lang siya makausap. Hindi naman ako magiging pabigat sainyo, mag iingat naman ako."
Kaya siya nagsusumikap sa training nila ay para maging malakas at hindi maging pabigat.
Gusto niyang ipakita kay Draze na hindi siya nito kailangan protektahan ng sobra dahil kaya niya rin ang sarili niya.
Alam niya naman na pinipilit nitong makauwi lagi at i-check siya oras oras para masigurado lang na okay siya kahit nasa bahay lang naman.
Kita niya sa binata kung gaano kalaking effort ang nilalaan nito sa kaniya.
Pati sa pagt-training na pwede naman nito iutos sa kahit kaninong miyembro ng knights.
"Hindi ka pabigat sa akin, sa amin. My point is I don't want to see you hurting, Aurelia. I am fucking worried that I might lose you too and I'll die if that will happen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top