30- CLUE
Mabilis na minaneho ni Draze ang sasakyan papunta sa hideout nila. Ayaw niya na sanang isama si Aurelia dahil ayaw niyang makita nito kung paano nila pinapahirapan ang mga dinadala nila sa basement.
Pinagbuksan sila ng mga tauhan na naka bantay sa labas. Nakasunod lang sa kaniya ang dalaga habang lumilinga linga sa paligid.
Pagpumupunta kasi ito laging nasa meeting room lang sila ng hideout, hindi niya pa ito dinadala sa basement, ngayon pa lang.
"There's a lot of scary tools at the basement, if you don't want to see it you can stay at the room," baling niya rito. Umiling ito sa kaniya at humawak sa kamay niya. Napabuntong hininga na lang siya at tumango rito.
Bumaba sila sa basement at nakita niya na si Gunner kausap ang tatlong member ng knights. Nakita niya rin si Emmet na naroroon at prenteng nakaupo habang kausap ang isang pamilyar na lalaki.
Nakatalikod ito sa gawi niya pero kilala niya na ito.
"What are you doing here Mikael?" Napalingon ito sa kaniya at tumaas ang isang kilay nang mapatingin sa katabi niya.
"Pwede bang welcome back ang ibungad mo sa'kin?" he chuckled. Napailing na lang siya nang malapitan ito. Mikael is his closest cousin, he's a general surgeon at switzerland.
"He's my cousin, Mikael," ani niya kay Aurelia nang humigpit ang hawak nito sa kaniya.
"Don't look at her like that," saway niya sa pinsan. Hindi naman masama ang tingin nito pero alam niya na may iniisip itong kalokohan sa kaniya at sa dalaga.
"What? Paano ba ako tumingin?"
"Maniac. Maniac na doctor," sabat ni Conrad na kakarating lang.
"I can't believe that we're complete here," Mikael said while smiling.
"Where is he?" tanong niya kay Gunner. Naglakad naman ito at sinundan nila. Naramdaman niyang mas dumikit sa kaniya si Aurelia marahil ay nakaramdam ito ng takot. Sa gawing kanan kasi nakahelera ang mga patalim at baril nila sa kaliwang bahagi naman ay may mga kwarto at pag tinahak ang pa-dereto ay may rehas.
Nakita niyang nakakulong sa isang rehas ang lalaki.
"Siya...siya nga," bulong ng dalaga sa kaniya. "T-tumanda lang ang itsura niya pero hindi ko makakalimutan ang mukha niya... siya ang kumuha sa akin noong bata ako," ani nito.
Hinawakan niya ang kamay nito at pinwesto ito sa likuran niya.
"How did you know my home address?" seryosong tanong niya sa lalaki. Sinenyasan niya ang isang tauhan na kunin ito at bitbitin papunta sa harapan niya.
"N-nagmamakaawa po ako... 'wag niyo ako patayin. Kailangan ko ng malaking pera para sa operasyon ng kapatid ko, nalaman ko sa kakilala kong nagta-trabaho s-sa h-halimaw na 'yon na ikaw ang target nito at ang asawa mo." Nahihirapan ito magsalita at nanginginig ang boses.
His forehead creased. He squatted down so he can see his face clearly.
"S-sabihin ko lahat... lahat ng nalalaman ko," naiiyak na sambit nito sa kanila at pinagsiklop ang kamay.
"Let's see... let's see if you can convince me not to kill you," he said while showing his blank stare. Hindi niya alam kung dapat maawa siya rito, mas nanaig lang ang galit niya sa matadang lalaki na 'to dahil sa nalaman niya sa dalaga.
"Lahat ng pictures na mayroon ako sa halimaw na 'yon ay 'yong mga pinadala ko. Matagal na akong hindi nagta-trabaho sa kaniya. Kinuha lang naman kami para dukutin ang mga batang natitipuhan niya. Hindi namin alam kung sino ang boss namin noon, may lalaking nag-uutos lang sa amin at sa palagay ko tauhan lang 'yon ng halimaw na 'yon."
"Why are you calling her halimaw? Well, halimaw naman talaga ang mga ginagawa niya," bulalas ni Conrad.
"Sino bang hindi halimaw kung ganiyang ka-demonyohan na ang ginagawa 'di ba?" sabat naman ni Emmet. Tiningnan niya ng masama ang mga ito kaya nanahimik.
"Kasi halimaw naman talaga siya! Lahat ng larawan na pinadala ko sa'yo, noong araw na 'yon, tiyaka ko lang din nakita 'yong halimaw na 'yon... K-kakaiba siya, hindi siya normal bata. Sa palagay ko ay mas bata lang ng kaunti sa kapatid mo ang halimaw na 'yon."
"The picture you took... It's Madonna Mathilda, a famous young model back then. How come she's the culprit when she's already dead that time? Are you fucking kidding me?" ani niya rito at hinawakan ang balikat nito.
Napadaing naman ito sa sakit nang diinan niya iyon.
"D-draze." Napabuga siya ng hangin nang marinig ang boses ng dalaga. She can sense fear at her. Tumayo siya at kinalma ang sarili.
"Maniwala kayo sa hindi pero hindi siya babae!"
"What are you talking about?" Gunner asked.
"Is he transgender?" tanong naman ni Emmet.
"G-gusto ko lang malaman kung... kung tutulungan niyo ba akong mapagamot ang kapatid ko o hindi? Tutulungan niyo ba kaming makaalis sa lugar na 'to at magpakalayo?"
"Just answer them! Huwag ka na maraming sinasabi, mukha ba kaming mahirap?" pabalang na sambit ni Mikael.
Binalingan niya ito ng tingin at nakitang kinindatan nito ang dalaga dahil napatingin din ito.
"Do you want to die?" malamig na ani niya sa kaibigan.
"Just kidding!" he smiled.
"Kung bibigyan mo kami ng napaka-importanteng impormasyon tutulungan kita," saad niya sa lalaki. Tinitigan naman siya nito at nakikiramdam kung totoo ang sinasabi niya.
"Gunner, transfer his sister to a bigger hospital. All the expenses for the operation and medication? I'll pay it." Tinitigan niya sa mata ang lalaki.
"Okay." Kumilos naman kaagad si Gunner para utusan ang tauhan nila at mai-assist ang kapatid ng lalaki.
"M-maraming salamat! Maraming salamat!" yumuko ito sa kanila na halos halikan na ang pader.
"I don't need your thank you, I need your information."
"H-hindi siya babae... hindi rin siya transgender. Lalaki siya, p-pero mi-minsan babae? Noong araw na kumuha ako ng litrato ng mga bata bilang utos niya ay kinuhaan ko na rin siya ng litrato pasimple dahil gusto kong makasigurado balang araw. Kahit mas bata siya sa amin, nakakatakot siya. L-lalo na noong nasaksihan namin kung paano ito nabaliw. Para bang may ibang tao sa loob ng katawan niya, t-tatlo sila? nagtatalo sila. H-hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong mayroon sa halimaw na 'yon." Kitang kita niya ang kaguluhan sa mukha nito at takot.
"Can you elaborate what you are saying? Sinasabi mo bang parang may iba't ibang tao sa isang katawan?"
"Oo... hindi ako nababaliw. Tama ang nakita ko. Narinig ko kung paano maging buo ang boses nito, lalaking lalaki ang boses at 'yong isa naman ay pang babaeng boses at 'yong isa na lalaki rin ang boses pero malumanay. Mga boss hindi ako talaga nagbibiro. Ang babaeng nasa picture ay lalaki talaga, sa tingin ko ay may ginamit siya na kung anong bagay para sa mukha niya dahil nakita ko nang makalaban ang kapatid mo at nahiwa siya sa pisngi ay may umangat at alam kong hindi iyon balat ng isang tao," mahabang paliwanag pa nito.
"I get it. If he's a man with a DID, Dissociative Identity Disorder then it's very possible to him to be a woman because of his hormones. Damn, I think you have a psychopath with DID enemy, Draze," hindi makapaniwalang sambit ni Mikael.
"DID? 'yon ba 'yong split personality?" tanong ni Emmet.
"Bingo. Yes, and that's the answer why you'll can't find him. As for his face, I think it's prosthetic. Pinagaya niya 'yong mukha ng babae at 'yon ang sinuot niya."
Ngayon na alam na nila kung bakit hindi nila ito mahanap hanap kailangan niya makaisip ng paraan para malaman niya kung sino talaga ito sa likod ng maskara na sinusuot.
"Hindi ko man nakita 'yong mukha ng halimaw na 'yon pero kilala ko naman 'yong lalaking nag-uutos sa amin. Leo Gatchalian! iyon ang pangalan niya at nagtatrabaho siya ngayon sa bahay ng presidente!" sambit nito.
"Leo Gatchalian... Ninong ni Zyldian," mahinang ani ng dalaga na hindi nakatakas sa tainga niya.
"What?" he asked. Nagsalubong ang kilay niya nang harapin ito.
"Yes. Zyldian's god father is Leo Gatchalian. Nakapunta na 'yon dati sa school nang i-enroll si Zyldian dahil wala 'yong parents at nasa ibang bansa."
Sumama ang kutob niya kaya kinuha niya ang cellphone at pinakita sa dalaga ang picture.
"This picture, that time where is Zyldian? You're alone here," ani niya. Hindi niya ito pinakita sa dalaga dahil ayaw niya lang itong matakot lalo.
Tiningnan niya ito at kita niyang napalunok ito.
"U-umalis siya ng oras na 'yan... sabi niya may pupuntahan lang daw siya pero hindi niya sinabi kung saan," paliwanag nito.
"Do you think it's Zyldian?" tanong ni Emmet.
"No... I think he might know something. Hindi posibleng siya dahil ka-edad niya lang si Aurelia. Kung ang lalaking 'yon ay mas bata ng kaunti kay ate Dixie sa tingin ko nasa 30's na ang edad niya ngayon," sambit niya.
"Sa tingin niyo kasabwat si Zyldian? Imposible—"
"It's possible. Kahit anong bait ang pakikitungo ng tao sa'yo hindi mo pa rin alam kung may masama siyang balak sa'yo," putol niya rito.
"We need to get that Gatchalian ASAP." He gritted his teeth. No one can mess with him, no one. Hindi niya na hahayaan na may mapahamak pa ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top