29- PUZZLED
Nakatingin siya kay Draze habang busy nitong kinakausap ang isa niyang tauhan sa telepono. Nasa bahay na sila at hindi na siya iniwanan ni Draze sa tabi, ramdam niya rin na hindi ito okay.
"Yes... Yes... Just follow that man, get his family background and all."
Umayos siya ng upo sa kama nito nang matapos itong makipag-usap.
"You'll be home schooling for a while," ani nito sa kaniya. "I know you want to experience school but you're her target now, and she have information about me. I'm sorry."
Tumayo at hinarap si Draze, hinawakan niya ang kamay nito at tiningnan sa mga mata.
"Naiintindihan ko naman, hindi mo na kailangan mag-sorry. Tiyaka hindi ko naman inexpect na pag-aaralin mo ako kaya kahit home school pa 'yan ay masaya na ako. Ayaw ko rin maging pabigat sa inyo at gusto ko makatulong sa grupo," sambit niya rito.
Hindi siya sigurado sa nararamdaman ng binata pero nakikita niya sa mga mata nito ang takot.
"Just don't do anything dangerous, Aurelia. If you can, just stay still and stay beside me." Napigilan niya ang paghinga nang yakapin siya nito ng mahigpit.
Naninibago na siya sa pakikitungo nito, gusto niya man ito tanungin pero hindi muna siguro sa ngayon dahil marami pa silang problema.
Naging online class ang nangyari sa pag-aaral niya. Hindi naman siya nahirapan dahil kompleto naman siya sa gamit at higit sa lahat ay tutok sa kaniya ang mga professor. Nagagawa niya agad ang mga pinapagawa na activities and projects.
Ilang araw at nasanay na siya sa gano'ng set up. Sinabi niya na lang kay Zyldian na magiging busy siya kaya nag-decide siyang mag-online class. Iyon din ang pinasabi niya sa mga naging kaklase niya, mukhang hindi naman mag-iisip ng kung ano-ano ang mga ito dahil alam na nila na ang asawa niya ay isang sikat na businessman.
Bumaba siya bago mag meryenda dahil tinawag siya ni Dynna. May nakahanda na inihaw na mais at chicken wings.
"Kumusta ang pag-aaral madam? Masakit ba sa ulo?" ani ni Gabo habang nilalagay ang nalutong inihaw na mais sa isang tray.
"Hindi naman," sambit niya at ngumiti.
"Ay may in-order ka ba sa online shop madam? May delivery sa'yo na dumating e, medyo maliit lang naman 'yon." Binigyan siya ng mango juice ni Dynna.
Kumunot naman ang noo niya dahil wala naman siyang ino-order sa online shop. Never pa siyang um-order dahil wala naman siyang kailangan bilhin na kung ano.
Hindi na lang niya muna pinansin iyon at kumain na lang habang nanonood ng self defense video lesson sa cellphone niya. Nagsisimula na naman kasi siyang turuan ni Draze ng self defense.
Masaya rin siyang matuto pa lalo, exercise na rin at higit sa lahat pag may nangyaring hindi inaasahan kaya niya protektahan ang sarili niya.
Nang matapos siya mag meryenda ay kinuha niya kay Dynna ang sinasabi nitong package. Umakyat siya sa taas at dumeretsong kwarto para buksan iyon.
Hindi niya pa nabubuksan nang mag-ring ang cellphone niya, si Draze ang tumatawag at sa face time iyon.
"What are you doing? Mayamaya ay uuwi na rin ako," bungad nito sa kaniya. Nasa opisina ito at mukhang may ginagawa dahil nakita niya ang mga papel sa lamesa nito. Kinuha niya ang phone holder at nilagay roon ang cellphone niya. Umupo siya sa upuan habang bitbit ang package.
"May package akong bubuksan. May nagpadala raw sa akin? pero wala naman akong inorder," pagk-kwento niya. Habang ginugupit ang plastic na balot sa package.
"What? Then don't open it!"
Ngumiti siya rito, "Huwag ka mag-alala hindi naman siguro ito bomba," tawa niya pa at pinakita kung gaano kalaki ang box.
Maliit lang ang box parang kasing laki ng pocket book. Binuksan niya ang box at nagtaka siya nang may letter doon at mga nakataob na picture. Bago niya i-harap ang mga picture ay binuklat niya muna ang papel.
"What's that? Let me see," sambit ni Draze sa kabilang linya.
'Mayroon akong impormasyon tungkol sa pumatay sa ate mo. Kung gusto mo malaman magkita tayo sa address na 'to, at siguraduhin mong may dala kang 50 million pesos.'
"D-draze... para sa'yo a-ata itong package?" mahinang sambit niya. Napalunok siya nang makita ang mga larawan na nakalagay din sa box.
"What's wrong? Aurelia." Tila ay parang nabingi siya habang nakatitig sa mga larawan. Kuha iyon noong panahon na pinapahirapan ang kapatid ni Draze.
"Damnit... I'll go home now, wait for me."
Nanginginig ang kamay niya habang nililipat ang mga picture. May picture din doon na dinadamitan ang mga batang babae na parang manika. Sa huling larawan siya napatitig ng matagal.
May babaeng naka-dress at naka-heels pero hindi makita ang mukha dahil naka-sideview ito. May scarf ito na nakatabing sa ulo hanggang sa leeg at naka-shades din ito.
Sigurado siyang ito ang babae na nasa video, mas bata lang ito noong panahon na 'yon pero ang blonde na buhok ay walang pinagbago.
T-teka... yung buhok walang pinagbago?
Kinuha niya ang cellphone niya, naka-on pa rin ang facetime at kita niya nang nagda-drive si Draze.
Pinindot niya ang gallery niya at tiningnan ang picture ng babae sa video. Kinuha niya iyon kay Conrad dahill gusto niya mapamilyar ito.
Pinagkumpara niya ang buhok sa picture na natanggap at buhok nito sa bagong video ngayong taon.
"Walang pinagkaiba..." bulalas niya. Ang buhok nitong blonde na kulot ay pareho sa larawan 12 years ago..
"Draze? sa tingin ko hindi talaga blonde ang buhok niya at hindi gano'n ang itsura. Naka-wig lang siya..."
"Let's talk there. I'm near. Papasok na ako sa subdivision."
"Okay." Sunod-sunod siyang tumango rito kahit hindi naman ito nakatingin sa kaniya. Pinatay niya na lang ang tawag at hinintay ang binata.
Tumayo siya bitbit ang mga larawan dahil pupunta siya sa office na library rin na nasa bahay, mayroon kasing malaking white board doon na may mga nakalagay na impormasyon.
Pagtayo niya ay biglang may nalaglag na picture, mukhang hindi niya iyon napansin dahil mas maliit kaysa sa ibang pictures.
Nang makita ang larawan na 'yon ay mas lalo siyang naguluhan. Nakaharap ang babae sa salamin at kitang kita niya ang mukha nito.
Umahon ang kaguluhan sa isip niya dahil wala itong nunal sa ibabang labi at higit sa lahat ay iba ang hugis ng labi nito.
Napahawak siya sa sintido niya dahil sumakit ang ulo niya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari, gulong gulo siya sa oras na 'yon
Ilang minuto lang ay nakarating na si Draze sa bahay. Binigay niya kaagad ang mga larawan sa binata at ang sulat dito.
Sinend nila ang pictures kay Conrad at agad naman itong tumawag sa kanila.
"Is this a scam? The woman in the picture is Madonna Mathilda, the very famous young model. At the age 8 years old she's very well known but when she turns 14 years old she died because of leukemia. She died before the year of incident Draze so it's very impossible to be Madonna," paliwanag ni Conrad sa kanila.
"But do you think the picture was edited?" Draze asked.
"It's not. It's 100 percent raw picture. What the fuck is going on— Gunner is joining on the call, he says it's urgent."
Nakita niya sa laptop ni Draze na may isang nadagdag at si Gunner nga iyon. Naka-video call kasi ang mga ito. Bumungad sa camera ni Gunner ang dalawang kabilang sa knights, may hawak hawak itong isang lalaki na bugbog na ang mukha.
"This bastard said that he sent a package in your house. He wants to talk to you personally, Draze."
"Don't let him escape, wait for me." Nagmamadaling pinatay ni Draze ang tawag at sinarado ang laptop.
"Sasama ako!" sambit niya kaagad. Gusto niya rin makita ang lalaki dahil parang pamilyar ang mukha nito sa kaniya. Hindi lang siya nakakasigurado dahil puno ng sugat ang mukha nito.
"Fine. Change your clothes and don't show a skin." Umigting ang panga nito at pinasadahan siya ng tingin. Pati tuloy siya ay napatingin sa suot niya. Nakasuot lang naman siya ng isang simpleng t-shirt at shorts na halos hindi lang kita dahil sa malaking t-shirt.
Sinunod niya na lang ito at patakbong bumalik sa kwarto niya para magbihis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top