28- MESSAGE





Pumasok siya sa conference room nang makarating si Jennie at ang dalawang detective sa kompanya niya. Kasama niya si Gunner at Conrad sa opisina.

"We submitted the evidence, which is the video from the dark web but we can't open the case again," ani ng isang detective.

"The higher ups won't allow us to re-open the case," sambit ni Detective John. Kilala niya ito dahil isa ito sa detective dati na kasama ng kaniyang kapatid. Ito lang ang pinagkakatiwalaan niya na detective at ito lang din ang hindi tumigil mag-imbistiga pagkatapos ng nangyari sa kapatid niya.

"Kailangan talaga natin mahuli 'yong babae sa lalong madaling panahon. Marami pang taong mapapahamak pag hindi pa natin siya nahuli," saad ni Jennie.

He tilted his head while thinking.

"I sense something about the higher ups... Why did they closed the case immediately and forbid the media to spread the news about what happened that time?" Gunner said.

"Tama, bakit ayaw nilang ikalat at ialarma ang mga tao? Tiyaka may ebidensiya naman na at ayaw pa rin buksan ang case? Halata naman na hindi suicide ang nangyari bakit pinilit nila 'yon?" Conrad scoffed.

Napabuntong hininga si Detective John. "Kung hindi lang namatay si Anthony siguro may malalaman tayo kahit papaano," ani nito.

Detective Anthony was the one who closed the case. Inutos lang daw nito na hindi na pag-uusapan pa ang nangyari at walang magsasalita sa media tungkol doon.

Kinwento lang din sa kaniya ni Detective John ang tungkol sa usapan ng mga ito.

Tumunog ang cellphone niya at nakita niya ang isang text message galing sa hindi kilalang numero.

'So, the one who are messing with me is the one and only Draze Moretti? I can't believe a hot person like you will notice me. Well, mukhang matagal mo na akong hinahanap dahil napatay ko pala ang kapatid mo. Hindi ko makakalimutan kung paano siya umiyak habang sinasaktan ko. But still, I'm not satisfied with her.'

'I like pretty kids to be my doll but I think I'll change my mind for now. I saw something more beautiful, and suddenly I'm craving to hear her scream in fear'

Nanigas ang buong katawan niya nang makita ang larawan ni Ac, nasa school ito at nakangiting nakatingin sa mga bata.

Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at agad tinawagan ang numero pero hindi na ito ma-contact.

"Track this number. She sent me a message," ani niya kay Conrad at binigay rito.

"What the fuck," Conrad blurted. Mabilis na kinuha ni Conrad ang numero at agad na tinrack ito pero wala itong makita.

"It's from a burner phone. Hindi na rin matawagan, paniguradong sinira niya na ang cellphone na ginamit."

Naibagsak niya ang kamao sa lamesa at napatayo.

"She already know you and she's targeting Ac now," hindi makapaniwalang sambit ni Gunner.

"What happened? what message?" pagtatanong ni Jennie. Tumayo ito at kinuha ang cellphone niya. "Wait... the picture? It's today, right? There's a kids wearing a p.e uniform from LDA, so it means the picture was taken today at the event!"

Hinablot niya ang cellphone niya at muling tiningnan ang picture. Nawala sa isip niya ang suot nito kanina pag-alis ay kapareho nang nasa larawan.

"Damnit." Lumabas siya kaagad sa conference room at patakbong tumungo sa elevator.






Sa kabilang banda ay tuwang-tuwa si Ac makita ang mga batang naglalaro. Ang iilan ay kumakain sa kabilang booth at masayang nagke-kwentuhan.


"San ka galing?" baling niya kay Zyldian nang makita itong papalapit sa kaniya.

"Diyaan lang, may tiningnan lang ako," ani nito ang ngumisi sa kaniya.

"Kain tayo ng ice cream?" yaya niya rito at tinuro ang stall ng ice cream.

"Tara, mainit din ang panahon kaya masarap mag ice cream," tawa niya. Tumungo silang dalawa roon at nakita pa nila ang iba nilang kaklase kaya inaya na rin nila.


Nakikipag-kwentuhan naman siya sa mga ito pero hindi lang talaga niya masasabi na close na niya ang mga kaklase.

Nag-aadjust pa kasi siya sa mga bagay bagay. Masaya siyang nararanasan na niya pumasok sa paaralan at magkaroon ng mga kaibigan at kaklase.



"They are pretty, they look like a doll." Naibaling niya ang tingin kay Zyldian, nakatitig ito sa mga babaeng bata na nakaupo sa upuan habang nagke-kwentuhan.

"Sobrang cute!" ani ng isang kaklase nila.

Tumango naman siya at ngumiti, magaganda nga at maayos tingnan lahat ng bata. Sa pagkakaalam niya ay alaga rin talaga ito sa LDA.

Napag-alaman niya kasi na kilala rin pala si Mr. Rafael dahil marami na itong ginawang tulong lalo na sa mga bata at na feature na rin ang LDA dahil free admission ito sa lahat.


"Kumusta?"

"Oh sir Rafael! Good afternoon po," bati ng mga kaklase niya. Hindi niya kasi ito agad napansin kaya nahuli siya ng bati.

"Good afternoon sir," bati niya.

"Kumusta ang event? Nag enjoy ba kayo? Hindi naman kayo nakulitan sa mga bata?" ani nito at tumawa pa. Kumuha ito ng ice cream kaya gumilid siya kaunti dahil nakaharang sila sa stall.

"Okay naman sir. It's good to have pretty kids here," Zyldian answered.

"Masaya po, masayang makita silang nag-eenjoy at naglalaro," ani niya.

Makita niya lang ang mga batang nagsasaya ay parang nag uumapaw sa tuwa na rin ang inner child niya.

Bigla naman niyang naalala na gusto niya palang picture-an ang mga bata at ang ibang mga booth. Na-busy kasi siya kakalibot at kakanood ng program, nakalimutan niya nang mag picture.

Agad niyang kinapa ang bulsa sa suot na pants at natigilan siya nang maramdaman na wala roon ang cellphone niya.

Napagtanto niyang naiwan niya pala sa jacket na suot kanina. Tinanggal niya kasi ang jacket at nilagay sa locker niya dahil hindi naman na sobrang lamig.

"Wait lang, kukunin ko lang cellphone ko," ani niya kay Zyldian. Nagpaalam din siya kay mr. Rafael at sa iba niyang kaklase.

Lumabas siya sa gymnasium at patakbong pumunta sa building 1 kung nasaan ang locker niya.

Nang makarating doon ay walang katao tao sa hall dahil busy ang lahat sa event.

Binuksan niya ang locker gamit ang pag tap ng I.D niya. Kinuha niya ang jacket at kinapa roon ang cellphone.

Nang makuha ang cellphone ay doon niya nakita ang missed calls ni Draze sa kaniya. Kunot noo niya iyong tiningnan at tiyaka tinawagan ang binata.


"Hel–"

"Where are you? Why didn't you answer my calls?!" Hindi siya kaagad nakapagsalita dahil sa gulat. Galit na galit ang boses nito.

"Nasa locker ako..." halos pabulong niyang sambit.

"Where exactly? I'm already here at the university."

"Huh? A-ah building 1." Nagtataka man siya dahil sa galit na boses nito pero hindi na siya nagtanong pa.


Nanlaki ang kaniyang mata nang may biglang humatak sa kaniya dahilan para mapaikot siya at sumubsob sa isang matigas na bagay.

"D-draze?" ani niya. Hindi niya agad napansin na nasa likod na pala ito. Ramdam niya ang mabibigat na paghinga ng lalaki na parang tumakbo ito papunta sa kaniya.

Mahigpit siya nitong niyakap at hinawakan ang ulo niya.

Huminga ito ng malalim, "You shouldn't forget your bracelet so I can track you easily. You scared the hell out of me, Aurelia."

Humiwalay ito sa kaniya at kinuha ang gamit at bag niya sa locker dahil nakabukas pa iyon.


"Let's go home. I'll explain later," ani nito sa kaniya. Naramdaman siguro nito ang pagtataka niya sa nangyayari.

Hindi na siya pumalag pa o humindi sa binata dahil ramdam niya ang kaba nito

Mukhang may nangyari na naman...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top