27- MESS


Tapos na ang unang exam nila sa university kaya medyo hayahay na ang mga estudyante. May mga events na rin na gaganapin sa susunod na araw. Hindi siya sumasali sa ibang activities pag hindi naman kailangan. 

Napalingon siya nang maramdamang may tao sa likod niya. Isang lalaking mukhang nasa 30's na ang edad. Nakangiti ito sa kaniya habang hawak hawak ang isang pamilyar na panyo.

"Oh?" Pagre-react niya nang makita ang panyo niya.

"Nahulog mo," ani nito at inabot sa kaniya. Kinuha naman niya kaagad iyon at nagpasalamat.

"Salamat po."

"No problem. Mukhang naka-focus ka kasi sa pagtingin ng mga inaayos sa gymnasium. Excited na ba kayo sa event?" ani nito at humalakhak. Humakbang ito at tumabit sa kaniya, inilibot din nito ang tingin sa buong gymnasium.

Tumango naman siya. Excited na siya dahil ang mga bata na nag-aaral sa little dream academy ay pupunta sa university para makilahok sa event. 

"My students will go here. I'm just checking the whole place so I'll know if they are safe to run around," sambit pa nito. Napalingon naman siya rito dahil sa pagtataka.

"Hindi po kayo professor dito sir?" magalang na tanong niya. Hindi naman niya kasi kilala lahat ng professor sa university dahil sa sobrang laki.

"No. I'm the principal of little dream academy." Umawang ang labi niya nang marinig iyon. Hindi niya kasi kilala kung sino ito. 

Magkakaroon kasi ng mga activities and booths. Lahat ng iyon ay free dahil may mga sponsor na pupunta kaya tuwang tuwa lahat ng estudyante dahil makakapag-chill sa araw na 'yon.

"You are the wife of well known Draze Moretti, right?" Naibaling niya ulit ang tingin dito. Nakangiti ito sa kaniya.

"Hindi naman kalakihan ang school ko para sa mga bata pero sinisigurado kong mabibigay ko ang mga kailangan nila. I am very thankful to your husband, nag-sponsor siya sa LDA. Maraming bata ang natuwa sa mga libreng libro at laruan." Kita niya sa mata nito ang sinseredad. 

"I first started the school with my hard earned money. Free admission para makapag-aral ang gustong makapag-aral. Marami na ring sumuporta kaya kahit papaano ay mas lumaki ito kaysa noon." 

Natutuwa naman siya sa narinig niyang kwento. 

"Oh! Kwento ako ng kwento hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Rafael Delmundo, owner of LDA. You can call me anything you want, mrs. Moretti." Humarap ito sa kaniya ng maayos at nakipagkamay. Agad naman niyang tinanggap iyon. 

"Ac! Nandito ka lang pala." Nilingon niya si Zyldian na patakbong lumapit sa kaniya. 

"Malapit na mag-start ang next subject natin, sabay na tayo?" Ani pa nito.

Mabilis naman siyang tumango at muling binalinga si Mr. Rafael.

"Mauuna na po ako sir, may klase pa po kami. Nice meeting you," magalang na saad niya sa lalaki.

"Okay. Nice meeting you too." Tinanguan sila nito bago siya makaalis sa gymnasium.

"Siya 'yong principal ng LDA 'di ba? Nakita ko siya kanina kausap ni sir Emmet." Pagke-kwento nito.

Hindi naman siya nakasagot kaagad nang biglang sumulpot si Jun sa harapan niya.

Nanlaki pa ang mata niya dahil nagulat talaga siya.

"Hey! Hindi kita nakita kanina?" sambit nito at may inabot sa kaniya na paper bag. Sinilip niya iyon at nakita ang napakaraming chocolate

"Hindi naman siguro magagalit asawa mo 'di ba?" tawa nito. Nag-init ang pisngi niya dahil nahihiya siya. Kilala na ata siya ng lahat dahil sa banner na ginawa ng kaibigan ni Draze.

"Male-late na tayo," bulong ni Zyldian.

"Ah s-salamat dito pero—"

"Umuwi 'yong sister ko galing new zealand, isipin mo na lang na galing sa kaniya 'yan," he smiled.

Natulala na lang siya nang tumalikod ito at kumaway sa kaniya para magpaalam.

"T-thank you! Pasabi sa ate mo..."


"Kahit alam nilang may asawa ka na pinopormahan ka pa rin talaga," naiiling na ani ni Zyldian.

"H-hindi ah! Hindi naman ako pinopormahan no'n."

Hindi na nagsalita si Zyldian at nagkibit balikat na lang sa kaniya. Sinundan niya kaagad to nang mauna itong maglakad.


Apat na subject ang natapos niya ngayong araw. Sumakit ang ulo niya dahil lahat ng 'yon ay may pa long quiz.

Sinundo siya ni Draze at as usual ay nakatingin na naman sa kanila ang mga estudyante.

Dapat na ata siyang masanay dahil hindi niya na maaawat ang binata pag ito ang maghahatid at sundo sa kaniya.

Dumeretso sila sa office ni Emmet dahil may pag-uusapan ang dalawa.


Pag dating nila roon ay nakita niyang nakabusangot ang mukha ng lalaki.

"Gagong 'yon!" gigil na bulalas nito.

"What's your problem?" tanong ni Draze at umupo sa sofa na naroroon. Siyempre ay sumunod siya sa binata at umupo sa tabi nito.

"Si manang Wendy pinagmumura na naman ako! Iyong tomboy na 'yon talaga!" Pinigilan niyang hindi matawa dahil hindi niya ine-expect na makita itong pikon.

"Sinong manang Wendy?" bulong niya kay Draze.

"Wendy is his fiance. One of the assasin in knights," paliwanag nito.

Napatango naman siya, hindi niya kasi alam na may fiance pala si Emmet dahil napaka-pilyo nito palagi o kaya naman seryoso ang mukha pag may importanteng announcement sa school.

Marami itong side na pinapakita sa kanila lalo na pagkasama lang ang grupo.


"Fiance? Ang tanda ko na pero ang kulit nila lolo!"

"Ang tanda mo na nga pero ganiyan ka pa umasta." Napalingon siya nang may pumasok, si Conrad kasama si Casper.

Wala si Gunner dahil may iba itong inaasikaso ayon sa sinabi sa kaniya ni Draze.

"Hiyang hiya ako sayo!" banat ni Emmet kay Conrad.

"I'm not here to watch on your argument," ani ni Draze na parang naiirita na sa dalawa.

"Kailan ba kasi naging meeting room ng knights itong office ko!"

Napailing siya dahil mukhang lahat ng tao ay iritable ngayon. Napatingin naman siya sa paper bag na hawak niya.

"Gusto niyo chocolate?" tanong niya sa lahat. "Ang init kasi ng ulo niyo, pang pakalma," biro niya pa.


"Kanino galing 'yan?" - Draze

"Give me." - Emmet

"Pahingi." - Conrad

"Thank you," sambit ni Casper at kinuha ang buong paper bag. "Wow ang dami ah. Mukhang galing sa manliligaw," halakhak nito.

Sabay sabay nagsalita ang apat kaya hindi siya kaagad nakapag salita.

"Who gave you that?" tanong pa ulit ni Draze.

"Kay Zyldian?" hula ni Emmet na kumakain na ng tobleron. "O kay Jun? Siyempre artista, maraming alam 'yon sa panliligaw."


Hindi niya pinansin si Emmet at binaling lang ang tingin kay Draze.

"Kay Jun, bigay niya kasi umuwi raw kapatid niya galing sa iban bansa," paliwanag niya.

"Tsk. Kaya pala kanina nanghihingi 'yong mga classmate namin ng chocolate sa kaniya, hindi naman niya binigyan kasi may pagbibigyan daw siya. Ikaw pala tinutukoy niya." Tumango tango si Casper na parang may nalalaman.


"Kaklase mo siya?" gulat na tanong niya.

"Oo at alam mo bang ikaw lang ang pinapansin na babae no'n? I mean pinapansin naman niya fans niya pero 'yong siya mismo ang nagpapapansin sa babae? Ikaw lang ang nakita kong ginanon niya."


"Tangina mo naman hindi makaramdam!" singhal ni Conrad sa kapatid. Nakita niyang sinuntok pa nito sa tiyan si Casper.

"Bakit! Sinasabi ko lang naman! Maganda naman si Ac tapos matangkad pa, tahimik lang. 'Yan 'yong mga tipo ng— shit! Nakakailang suntok ka na ha!"

Napahawak siya sa noo niya na mukhang uminit na rin ang dugo ni Casper sa kapatid.

"Shut your mouth if you don't want to die this early, brute!" inis na sambit ni Conrad kay Casper at pinanlakihan pa ng mata.

Kumalma naman ito at dumapo ang mata sa tabi niya.

Nanigas ang katawan niya nang maramdaman na nag iba ata ang ihip ng hangin. Pasimple siyang tumingin sa katabi at nakita niyang nakatulala ito at may malalim na iniisip.


"Should we start discuss about the case or I'll burn this university?"

Napalunok siya sa sinabi ni Draze. Malalim ang boses nito at seryoso.




"What the? Tumigil na nga kayong magkapatid! Pati school ko madadamay pa!" saway ni Emmet sa dalawa.





Hindi na umimik ang dalawa at agad na kumilos.























Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top