26- STALLION

Nagsikilos ang kaniyang mga tauhan nang mahanap kung nasaan si Romilo Mercillo. Kasalukuyan itong nasa Cavite, sa isang bahay bakasyunan.

Sumilip siya sa labas ng sasakyan at nakita niyang nagkakatutukan na ng baril ang tauhan niya at tauhan ni Romilo.

Agad siyang lumabas ng sasakyan at naglakad papunta sa harapan ng kalaban.

"Asan ang amo niyo?" tanong ni Gunner. Nakahawak ito ng baril, tanging siya lang ang walang hawak pero mayroon siyang dala.

"What's the commotion here?" Naibaling niya ang tingin sa kanan at nakitang nasa balcony ang matanda. May hawak itong tabacco at sa kabilang kamay naman ay isang alak.

Naka-topless pa ito at kitang kita ang bilugan na tiyan at mabalbon na dibdib.

"Anong ginagawa ng Knights dito sa pamamahay ko?" Kaswal na tanong nito. Tinitigan niya ito at walang bahid na gulat sa mukha ang makikita.

He already expected us to be here...

Naglakad siya hanggang sa makalapit siya ng kaunti dito. Sinundan siya ng ibang tauhan ng matanda, hindi inaalis sa kaniya ang tutok ng baril.

"Hey boys! Huwag kayong mainitin ang ulo sa mga bisita ko. Drop the guns," utos niya rito at tinanguan pa ang mga ito.

He smirked. Romilo is too chill. Mayabang din talaga ito, kahit saan mo tingnan na anggulo ay halatang halata.

"Who's the woman on the video?" deretsong tanong niya rito dahil ayaw niyang mag aksaya ng oras sa matandang ito.

"What video? Please elaborate because I don't have any idea what you are talking about, Mr. Moretti," he smiled and drink his beer.

"I don't have time for your shits Romilo." Agad niyang kinuha ang baril niya at tinutok dito. Naalarma naman ang lahat ng tauhan nito at tinutukan ulit siya ng baril.

"Woah woah woah! Don't be hot headed kid. I'm just asking because I honestly don't have any idea what you are saying. I did found out that you are finding me for some reason so I expected you to be here as soon as possible. Wala namang nakakatakas sa'yo," tawa nito.

Hindi niya alam kung totoong wala itong alam o nagsisinungaling lang ito.

"Pumunta kami sa luma niyong hideout and guess what? Someone surprise us," Conrad said and smiled creeply.

"Alam mo ba tanda? Alam na alam kong wala kang tauhan na kasing galing ko mang-hack. Puro laos naman 'yang mga galamay mo kaya sabihin mo sa akin kung sino ang may pakana noong gabing 'yon?" gigil na sambit ni Conrad.

"Didn't you said that it was our old hideout? Then now it is not mine anymore. Bakit ako ang tinatanong niyo? Matagal nang napabayaan 'yon. Someone bought it from me with a cash and I don't even know the new owner. I love money, I was focus on that one," he chuckled.

"Kung nagsisinungaling ako at gusto ko ng away ulit, eh di sana kanina pa tayo nag barilan dito. Can't you guys see? We're having a vacation break?"

Sinenyasan niya ang isang tauhan at dinala nito ang Ipad niya. Kinuha niya iyon at deretsong nilapitan ang matanda.

"Who's this. If you tell me who's this girl, I will give up my position in underground world." Pinakita niya ang larawan ng babaeng nasa video.

"S-seryoso ka ba sa sinabi mo? Ibibigay mo ba sa grupo namin ang posisyon?" Para itong sinapian ng kung ano dahil sa pinapakitang kagustuhan sa mukha.

"Who's this?" ulit niyang tanong. Pigil na pigil na siyang sapakin ang mukha nito dahil nagmukha itong manyak lalo dahil sa uri ng tingin.

Napabuga naman ito ng hangin at kinumpas ang kamay na may hawak na alak.

"Hindi ko talaga kilala. Kaano ano niyo ba 'yan? Bagong kaaway?" pagtatanong nito.

Naibaba niya ang hawak at tinalikuran na lang ito. Sinasayang lang nito ang oras nila.

"Let's go. He knows nothing."

Sigurado na siyang hindi nito alam dahil wala itong nasabi. Imposibleng tanggihan nito ang offer niya na ibibigay niya ang posisyon ng grupo nila sa Stallion. Ito nga ang habol nito sa kanila dati, ang matalo sila para masabing ito na ang pinakamalakas.


"Sigurado bang walang alam 'yon o nagmamaangmaangan lang?" Conrad whisper.

"Para makasigurado, manmanan lahat ng galaw nila." Tumango siya sa sinabi ni Gunner.

They can't dig an information without knowing the woman face.


Nang makasakay sa sasakyan ay ipinikit niya ang mata niya.

Ngayon na nagpakita na sa kanila ang demonyong 'yon ay mas lalong umiinit ang dugo niya. Kumakati na rin ang kamay niya na mahawakan sa leeg ang taong 'yon.

Wala siyang pakialam kahit babae pa ito, dahil ilang buhay ang kinuha nito para sa sariling kagustuhan.




Naidilat niya ang mata nang mag-ring ang cellphone niya.

It's Jennie...

Sinagot niya naman ang tawag dahil alam niya na tungkol sa little dream academy ang sasabihin nito.

"Hello? How's the investigation about stallion?"

"He knows nothing..." Sinabi man ni Romilo na wala itong alam at ang grupo nito ay hindi pa rin sila titigil na bantayan ang mga ito.

"Still, mag uutos pa rin ako ng mga tao na magmanman sa grupo nila. Anyways, the principal of the little dream academy agreed to us. Mr. Rafael Delmundo is the owner and a principal of L.D.A, wala naman silang problema kung magdadagdag ng security sa school para raw mas lalong safe ang mga bata. Though, hindi ko na pinaalam kung bakit kailangan maghigpit ng security, wala rin naman siyang maraming tanong."

"Okay, thank you for the information."

"Wait! Don't end the call... are you free later?"

"No. I have plans with my wife." Pinatay niya na agad ang tawag. Kung ang maging mas masungit lang siya rito ay ang dapat gawin para mawala ang nararamdaman nito para sa kaniya ay gagawin niya.

He likes Jennie, but not as a woman.

He likes her because she's so good at her work. Her passion and dignity about what is right is admirable but that's it.

He never see her as a woman.

And besides, he doesn't have a time to fall in love.



Sa byahe ay natulog siya at pinahinga ang sarili. Alam niya kasing mapupuyat na naman siya dahil sa trabaho sa kompanya at trabaho sa underground world.



Talong oras din siya nakatulog sa byahe kaya kahit papaano ay nabawi niya ang lakas.

"Ac should train every weekends. She should master self defense," ani ni Gunner nang makalabas sila ng sasakyan.

"She will. I'll train her."

"Get her a coach. You have a lot on your shoulders."

A coach? Who?

Maraming magagaling sa tauhan niya pero hindi siya papayag.

The reason? They are men.



"Gusto mo ako magturo?" singit ni Conrad habang nakangisi at yakap yakap ang laptop nito.

"Focus on your work," he scoffed.

"Ohh," Gunner reacted.

Napailing na lang siya sa mga kaibigan dahil  sa kulit. Paano na lang kaya pag kasama pa nila si Emmet.

Kaya minsan ay hindi aakalaing mas matanda pa 'yon sa kanila dahil mahilig mang-asar at makulit.

Makulit pareho si Conrad at Emmet pero ibang iba ang trip ni Emmet. Kung ano ang maisipan na kalokohan ay gagawin talaga.

Katulad na lang no'ng banner sa school nito.

Dapat naiinis siya dito dahil sa nakakahiyang ginawa pero ewan niya ba kung bakit siya natuwa.

Dahil na rin siguro na nalaman na ng mga estudyante na may asawa na si Aurelia.


Iniwan niya na ang dalawa sa sala at dumeretso sa kwarto.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top