25- BANNER







Aurelia woke up with a big smile on her face. Feeling niya talaga ay mas naging close na sila lalo ni Draze.


Pagkatapos niya maligo at mag-ayos ay bumaba na siya para kumain ng breakfast. Pinigilan niya lalo na mapangiti nang makita si Draze na nakaayos na rin.


"How's your sleep?" tanong nito sa kaniya. Nakagat niya ang ibabang labi dahil ito ang unang kumausap sa kaniya.


"O-okay naman... masarap naman ang tulog ko," ani niya at nautal pa. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya ngayon, parang ang hyper hyper niya.


"Good. Akala ko napuyat kita eh."


Nag-init ang pisngi niya dahil sa sinabi nito. Kumain lang naman sila ng cake kagabi at nagkwentuhan hanggang ala una ng umaga pero bakit iba ang dating sa kaniya ng sinabi nito.


Umupo sila sa dining table at sabay nag-agahan. Ihahatid siya ni Draze kaya mas masaya ang gising niya. Ayaw niya talaga itong maghatid sa kaniya dahil iniiwasan niyang makita ito ng mga schoolmates niya.


One hundred percent sure siya na pagkakaguluhan ito at higit sa lahat baka ma-hot seat siya ng mga kaklase niya kung sino ito.


Si Zyldian pa lang nakakaalam na asawa niya si Draze.


Pagkatapos nila mag-breakfast ay nag-toothbrush na siya at dinouble check ang gamit niya. Dumeretso na siya sa sasakyan ni Draze nang makita na itong naroroon sa loob.


"Hanggang 3pm 'yong class mo 'di ba?" Draze asked while maneuvering the car.


"Oo," sagot niya kaagad. Inayos niya ang seatbelt niya. Wala namang traffic masiyado kaya sigurado siyang maaga sila makakarating sa school.


"Susunduin kita mamaya kaya ako ang i-text mo pag tapos ng klase mo."


"Yes sir!" she smiled and salute. Napatitig siya nang ngumiti ito. Hindi pa rin siya sanay na makita itong nakangiti, iba talaga ang dating ng binata sa kaniya.


Bakit parang mas guma-gwapo siya?


Umayos siya ng upo at binaling na lang ang tingin sa kalsada. Hindi niya na kasi mapigilang hindi mapangiti lalo.


Tama nga ang hula niya, maaga sila nakaratin sa school. May 30 minutes pa bago mag-umpisa ang klase.


"T-teka ipapasok mo sa loob ng school?" tanong niya rito nang lumiko ang sasakyan.


"Yes."


"Pero baka makita ka nila?"


"Don't hide me, Aurelia. I'm hurt."


Natigilan siya sa narinig at napalingon dito.


"H-huh?"


"My enemies, employees and business partners already know you as my wife, so don't be bothered if your schoolmates saw me and found out that I'm your husband," mahabang sambit nito habang naka-focus pa rin sa daan.


Pinagtitinginan sila ng mga estudyante sa daan marahil sa napakagandang kotse ni Draze.


Sunod sunod siyang napalunok nang tumigil sila sa isang tabi. Maraming nakatingin na estudyante sa kanila, mukhang napaaga rin ang mga ito sa pagpasok.


Hindi niya alam kung paano siya lalabas sa sasakyan. Nagpa-panic na ang kaluluwa niya sa totoo lang.


"Let's go. Ihahatid kita hanggang sa classroom mo."


Literal na nanlaki ang mata niya at hindi na nakapagsalita nang tinanggal nito ang seatbelt at binuksan kaagad ang pinto. Nilibot niya ang paningin niya at kitang kita niya ang mga estudyanteng pinagtitinginan si Draze.


Nakita niyang umikot ang binata at sa palagay niya ay pagbubuksan pa siya nito pag hindi siya kaagad lumabas kaya wala na siyang nagawa kun'di buksan ang pinto at lumabas ng sasakyan.


Napayuko siya dahil center of attention na sila ngayong umaga.


"Ay siya yung irregular student 'di ba? 'yong may malaking banner sa Building 1!"


"Oo! Ang gwapo naman ng asawa niya, ang swerte!"


"Grabe hindi ko ineexpect na ganiyan ka-gwapo, akala ko hindi dahil sobrang sweet ng ginawa. Wala kasi sa itsura ng guy magpa-tarpaulin ng malaki para lang sa birthday greetings."


"Package na! Gwapo na mukhang masarap pa, tapos mayaman pa! Tingnan mo naman 'yong sasakyan, dalawang tao pa lang mayroon sa pilipinas ng ganiyang kotse."





Sari-saring side comments ang naririnig niya sa paligid. Muntikan na siyang mapatalon nang maramdaman ang kamay ni Draze sa baiwang niya habang naglalakad sila. Ito rin ang may bitbit ng bag niya kaya hiyang hiya na siya.





Napahinto siya sa paglalakad nang mapahinto rin ang binata. Nakayuko lang kasi siya at tanging sa daan lang nakatutok ang mata niya.


"What the hell is this?" he murmured. Nilingon niya ito at nakitang nakatingala. Sinundan niya ng tingin kung saan ito nakatingin at halos malaglag ang panga niya.





'HAPPY BIRTHDAY MY WIFE, FROM YOUR LOVING HUSBAND.'


Isang malaking banner na nakapaskil sa building 1, kung nasaan ang classroom niya ngayong first subject. Nasa third floor iyon banda at sakop ang apat na classroom sa sobrang laki.


Napahawak siya sa noo niya at napapikit.


"Ikaw nagpalagay niyan?" bulalas niya.


"Of course not. Though I kinda like it because everyone knows that you have a husband now," he smirked.


He smirked?! Hindi ka maiinis man lang?!


Hindi siya makapaniwala sa reaksyon ng binata sa banner. Sumakit ata ang ulo niya at nawala ang pagkasaya niya.


Paano siya sasaya kung magugulo na ang mundo niya sa school. Paniguradong pag-uusapan siya ng lower year to higher year dahil sa banner na ito.





"Hey man! Like my surprise gift? Actually it's my apologize gift because I can't cancel the class right now as your request yesterday," ani ng principal ng school nang makasalubong nila ito. Nakangiti ito sa kaniya, iyong ngiti na parang may iba pang pinaparating. Palipat lipat kasi ito ng tingin sa kaniya at kay Draze tapos sa kamay ng binata na nasa baiwang niya na ulit.


Pasimple niyang tinabing ang kama ng binata at naramdaman niyang napatingin ito sa kaniya. Bago pa ito mag-react ay agad niyang kinuha ang bag niya na hawak nito at lumayo sa mga ito.


"Iwanan na kita, ako na lang mag-isa aakyat." Kumaway siya dito at hindi na ito hinintay makasagot. Dali dali siyang tumakbo papuntang elevator at sumakay roon paakyat ng 3rd floor.


Napabuga siya ng hangin habang sinusukbit ang bag. Napasandal siya sa dulo ng elevator, hindi niya alam kung paano na haharapin ngayon ang mga estudyante.





Nahihiya siya dahil baka kung ano ang isipin ng mga ito sa kaniya. Ayaw niya ngang sumali sa mga extra curricular activity dahil gusto niya tahimik lang kahit papaano ang buhay niya sa paaralan.


Pagkapasok niya sa classroom ay naroroon na ang iilan na kaklase niya. Hinanap agad ng mata niya si Zyldian dahil kaklase niya ito sa subject ngayong araw.


"Ac!" Napaangat ang tingin niya at nakita niyang si Zyldian iyon. Kararating lang nito at agad namang dumeretso sa pwesto niya.

"I saw your banner," he said.

"Ah 'yon ba," react niya at napakaamot pa ng ulo. Hindi niya masabi na ang may kagagawan no'n ay ang principal ng school nila na kaibigan ng asawa– este ni Draze.


"Hindi pa rin ako makapaniwalang may asawa ka na." Pinagdikit niya ang kaniyang labi nang sumulyap siya kay Zyldian na nasa tabi niya na.

Umupo ito ng maayos at nilabas ang libro na gagamitin nila.

"23 naman na ako, hindi na ako bata," ani niya at bahagyang tumawa.

Hindi niya alam ang sasabihin niya at iyon lang ang tanging naisip niya.

"You have a point," he chuckled. Pansin niyang tumatawa ito pero hindi abot sa mata.

Hindi na sila nakapag-kwentuhan ni Zyldian nang dumating na ang professor nila.

Nag focus na lang siya sa lesson nila dahil may pa-quiz daw mamaya.

Buong araw niya lang tinuon ang pansin niya sa pag-aaral at pilit na hindi pinapansin ang mga kaklase niyang gusto maki-chismis sa buhay niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top