21- SISTER
Hingal na hingal siya nang magising. Napanaginipan niya na naman ang nangyaring pilit niya kinalimutan.
Ayaw niya ng maalala iyon dahil nagbigay iyon ng matinding takot sa sistema niya. Ilang taon din siyang natakot makalabas nang makabalik sa bahay ampunan.
Gusto niya man malaman kung naging ligtas ba ang ibang bata at 'yong babae ay hindi niya na nagawa noon.
Napatingin siya sa pinto ng kwarto niya nang bumukas iyon. Tumambad sa kaniya si Draze na may hawak-hawak na baso ng tubig. Napatikhim naman siya a napaupo.
"Are you okay?" Inabot nito sa kaniya ang isang basong tubig. Agad niya namang tinanggap kahit medyo nanginginig pa rin ang kamay niya.
Uminom siya ng tubig para kahit papaano ay makalma siya. Natigilan siya nang maalala ang bata.
"N-nasaan ang bata? I-iniwan niyo ba?" Medyo nataranta siya dahil naalala niya ang nangyari sa kaniya dati. Alam niya ang takot na nararamdaman ng bata, dahil naranasan niya iyon.
"She's here. She's fine don't worry." Umupo ito sa gilid ng kama niya. Napahawak siya sa kumot niya dahil nararamdaman niyang magtatanong si Draze sa kaniya.
"You know something about the heart mark?" seryosong tanong sa kaniya ng binata. Hindi dahil sa kakaibang tono ng boses nito kaya siya nagtaka kun'di sa tanong nito.
"M-may alam ka rin don?" naguguluhang tanong niya para ikumpirma. Nakita niya ang pag-iiba ng expression sa mukha nito.
"Someone's out there are obsessed to abduct girls. The only target are girls, mostly 7-14 years old. Ilang taon na pero hindi pa rin natutukoy kung sino ang nasa likod ng krimen na 'yon. Halos lahat ng na-kidnapp na bata ay hindi pa rin nahahanap, ang iba kung mahanap man ay wala ng buhay at puro aksidente ang pinapalabas nila kaya madali masarado ang kaso."
Napalunok siya dahil ramdam niya ang galit sa boses ng binata.
"We're still finding some informations about that. Kaya kailangan ko makakuha ng impormasyon sa bata, siya lang ang pag-asa para matukoy kung saan nagtatago ang mga gagong 'yon," ani nito. Sinalubong nito ang titig niya, "Kaya kung may alam ka sa markang iyon, sabihin mo na. It will be a big help to find the person who was behind my sister's death."
Nangunot ang noo niya dahil sa narinig.
"Sa p-pagkamatay ng kapatid mo? Namatay ang kapatid mo dahil sa kanila?" pagtatanong niya. Ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit naging iba ang tono ng boses nito at bakit mukhang galit na galit ito.
"Yes, my sister died and the only clue we found is the heart shape mark in her hand."
Napasuklay siya sa buhok niya dahil biglang dumagundong ang puso niya sa hindi malaman na dahilan.
"Noong 10 years old ako... t-tumakas ako sa bahay ampunan para maglaro. H-hindi ko iyon makakalimutan kahit pilit ko ng kinakalimutan." Nanunubig ang kaniyang mata at muli na namang nanginginig ang kamay niya. Maalala niya lang iyon ay nakakaramdam pa rin siya ng takot.
Napatingin siya sa kamay niya nang hinawakan iyon ni Draze. Nakagat niya ang ibabang labi, kahit papaano ay naramdaman niyang hindi na siya mapapahamak dahil nasa tabi niya lang ito at hindi siya papabayaan.
"Pauwi na ako no'n nang may batang nanghihingi ng tulong, hindi kami agad nakatakbo dahil nahuli kami ng tatlong lalaki. Hindi kami nakapalag dahil pinatulog nila kami gamit ang gamot. Pag gising ko nasa isang kwarto kami na may kadiliman, iilan kaming bata roon at sa pagkakatanda ko ay nag uusap yung tatlong lalaki tungkol sa boss nila pero wala akong mabibigay na impormasyon dahil bago pa dumating 'yong boss ng mga lalaki ay nakatakas kami sa lugar na 'yon."
Hindi niya alam kung malaking tulong ba iyon para sa binata dahil hindi niya talaga nakita kung sino 'yong boss, ang tanging mukha na hindi niya lang makakalimutan ay yung tatlong lalaki na kumuha sa kaniya.
Tumango-tango ito sa kaniya bago tumayo.
"Get rest. Just go to the kitchen if you have appetite to eat. I'll talk to the girl later." Tanging tango na lang ang naitugon niya rito. Muli siyang humiga nang makalabas si Draze sa kwarto niya.
Pinikit niya ang mata niya para pilitin isipin kung may matatandaan pa siya na makakatulong dito. Hindi niya akalain na na-kidnapped din pala ang kapatid nito at namatay pa.
Hindi na siya makatulog dahil umaga naman na. Nag-stay lang siya sa kwarto ng ilang minuto bago kumilos para maligo at mag-ayos.
Nang matapos makapagbihis ay lumabas na siya sa kwarto niya. Dumeretso siya sa baba at doon niya nakita sa sala si Gunner kasama ang batang babae sa sala. Napalingon naman siya sa bandang kusina nang makita niyang nakatanaw rin sa bata si Gabo at Dynna.
Nang makita siya nito ay kumaway ito sa kaniya.
"Kumusta madam? gutom ka na ba? naka-ready na ang mga pagkain, sakto halos kakaluto lang, mainit init pa. May sopas din akong niluto kung ayaw mo mag kanin," sunod sunod na sambit ni Gabo na parang nag-aalala sa kaniya.
Ngumiti siya rito at pumunta sa kusina kasama ang dalawa. Pinaghain naman siya kaagad ni Dynna kaya wala na siyang nagawa kun'di umupo na lang. Nakaramdam na rin kasi siya ng gutom.
"Iyong sopas lang Dynna, salamat"
Binaling niya ang tingin sa sala at kita niyang tahimik lang ang bata.
"Ano ba ang nangyari sa'yo madam! nakakakaba!" tanong ni Dynna nang mailapag ang pagkain niya.
"Kumain na ba ang bata?" tanong niya rito imbis na sagutin ang tanong nito.
"Oo madam tapos na. Gutom na gutom nga kawawa talaga," sagot ni Gabo. Tumango na lang siya bilang tugon at tiyaka nag umpisang kumain.
Habang kumakain ay nakita niya si Draze na dumaan at may kausap ito sa telepono. Nasa bandang sala ito kaharap si Gunner. Binilisan niya ang pagkain para marinig niya rin ang magiging usapan ng mga ito.
Pagkatapos niya ay dumeretso siya kaagad sa sala, nagkasalubong pa sila ng paningin ni Draze. Tumabi siya rito nang simulan nitong kausapin ang bata.
"Alam mo ba kung paano ka napunta sa lugar na 'to?" marahan na tanong ng binata sa bata. Umiling naman kaagad ang bata.
"Hindi ko po alam... nagising na lang po kami nasa panibagong bahay na naman po kami. G-gusto ko na pong umuwi sa amin," nanginginig na pakiusap nito.
"Huwag kang mag-alala makakauwi ka sa inyo pero kailangan mo muna sabihin samin ang nalalaman mo tungkol sa mga kumuha sa'yo para mahuli na sila ng mga police, okay?" singit ni Gunner.
Muling dumapo ang tingin niya sa kamay ng bata at sa kabuuan nito. Maayos na ang itsura nito at malinis na tingnan. Maganda ito at maputi, medyo singkit rin ang mga mata.
Napapikit siya at pilit na inaalala ang mga mukha ng mga batang nakasama niya noon nang nadakip siya.
"Lahat ba ng nakasama mong bata ay mapuputi? singkit? mahaba ang buhok?" pagtatanong niya sa bata. Hindi siya sigurado kung tama ba ang nasa isip niya pero gusto niyang makumpirma ang kutob niya.
Napatingin sa kaniya si Draze at Gunner pero ang tingin niya ay nasa bata lang.
"H-hindi naman po... p-pero napansin ko pong lahat ng may marka sa kamay ay mapuputi po at medyo singkit. N-narinig ko po sa isang lalaki na balak po kaming sukatan para sa c-costume raw po namin."
Nakagat niya ang labi niya. Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang nakita niya sa loob ng kwarto noong araw na 'yon dahil wala naman siyang kamalay malay noon pero ngayon ay halos manginig ang kalamnan niya.
"Why? Anong problema, Ac?" tanong sa kaniya ni Gunner. Bago pa siya makapagsalita ay dumating si Conrad na may dalang envelope.
"Those Ass- shit..." Hindi nito natuloy ang pagmumura nang mapansin ang bata na kasama nila.
"Walang nakitang ibang bata sa bahay kung nasaan siya nanggaling," pagtutuloy nito at tinuro ang bata. Inabot ni Conrad ang envelope kay Draze at agad namang binuksan ng binata.
"Pero nakita sa cctv ang pag alis ng dalawang van galing sa bahay na 'yon. Kaninang madaling araw sila nakaalis. Pero mabuti na lang ay may tanga- I mean someone forgot his phone inside the house." Sinundan niya ng tingin si Conrad nang binuksan nito ang bag na dala at nilabas doon ang laptop.
"I already run the phone and I found a website... There's a couple of video from one channel on the dark web, and one of those clip was your sister, Draze." Nagsalubong ang kilay niya at agad na tiningnan ang binata.
"Assist the kid. Pagpahingain niyo muna sa kwarto," ani ni Gunner sa isang maid. Inasikaso naman nito kaagad ang bata para makaalis doon.
Tumayo rin siya at pumunta sa likod ni Conrad para makita ang sinasabi nitong video.
Napasinghap siya nang makitang may mga video roon ng mga bata na naka-upload sa website. Mga nakaayos ito at magaganda ang suot, ang iba ay naka-wig pa.
Natakpan niya ang bibig niya nang makita ang ginawa sa mga bata. Napapikit siya dahil hindi niya kaya panoorin, hindi niya kayang panoorin ang mga batang parang ginawang manika pagkatapos ay sinaktan saktan.
"This is the recent upload, and this was 12 years ago, your sister's video– but if you don't want–" Hindi na natapos ni Conrad ang sasabihin niya dahil si Draze na ang nag-play ng video.
Hindi pa rin siya tumitingin sa laptop nito, tanging tunog lang ang naririnig niya.
"Hindi ako natutuwa sayo... dahil sa pakikialam mo nabawasan ang manika ko."
"Pero maganda ka naman kaya ikaw muna ang laruan ko ngayong gabi."
Naka voice changer ang taong nagsasalita. Unti-unti niyang dinilat ang mata niya para makita ang pinapanood ng mga ito pero nagsisisi siya na ginawa niya iyon.
Parang namanhid ang buong katawan niya sa napapanood ngayon. Parang may bumara sa lalamunan niya dahilan para hindi siya makapagsalita.
Nagsibagsakan ang luha niya at muntikan na siyang matumba nang hindi siya nakakapit sa sofa.
"Ac!" Hinawakan siya ni Gunner na nasa tabi niya. Hindi siya binalingan ng tingin ni Draze dahil namumula ito sa galit habang nakatingin sa video.
Nakatingin lang siy kay Draze na napakadilim na ng mukha.
"Ac?" pagtatawag sa kaniya ni Conrad. Binalik niya ang tingin sa laptop nito na naka pause na. Tinitigan niya ang mukha ng babae sa video.
Ang babaeng hindi niya makakalimutan ang mukha...
Ang babaeng nagligtas sa kanila noong araw na 'yon.
"K-kapatid mo s-siya?" halos pabulong na tanong niya. Sunod sunod ang pagpatak ng luha galing sa mata niya. Doon na siya nilingon ni Draze.
"Kilala mo si ate Dixie?" naguguluhang tanong ni Gunner.
"You know my sister?" seryosong tanong sa kaniya ni Draze.
Ang akala niya ay batang babae ang sinasabi nitong kapatid nito na namatay.
"Namatay siya... hindi siya nakatakas?" bulalas niya habang umiiyak. Hindi sumagi sa isip niya na hindi ito nakatakas. Akala niya makakatakas ito.
"How did you know my sister, answer me!" Natulala siya kay Draze nang hinawakan siya nito sa magkabilaang balikat.
Nakakatakot na ang aura nito ngayon.
"Siya... siya ang dahilan kung b-bakit kami nakatakas noong araw na 'yon... k-kasama namin siya sa kwarto. P-pagdating ko roon n-nandon na siya, m-may mga sugat at saksak sa ta-tagiliran." Napaluhod siya at napahagulgol.
Bakit hindi sumagi sa isip niya na hindi ito nakaligtas.
Ang tanga tanga ko... bakit h-hindi ako nagsumbong sa mga pulis para sabihin ang nangyari... bakit nagpakain ako sa takot noon?
Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib, bigla siyang hindi makahinga. Bigla na lang nagdilim ang paligid niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top