KABANATA 1

KABANATA 1

ELLE'S POV


"Huy Gail na saan ka na andito na ako sa mall." sabi ko sa kabilang linya.

Magcecelebrate kasi ako ng birthday ko ngayon actually noong feb 16 pa yung birthday ko pero naging busy kami kaya hindi ako nakapagcelebrate february 18 na ngayon.

"Sandali papaalis pa lang ako ang dami kasing tao sa botique saka walang kasama si Mavie dito kawawa naman."sabi niya.

"Si bakla bayan? Pakisabi haliparot siya at pinapadali ka niya!" narinig kong sabi ni Mavie na ikinatawa ko.

"Aba't huy bakla gusto mong isumbong kita sa papable mo?" sabi ko.

"At saka Gail, sige hihintayin nalang kita rito basta bilisan niyo, sama mo nalang din si Bakla para tumahimik na."

Naglakad-lakad nalang muna ako sa loob ng mall at napadaan sa isang botique ng mga wedding gown.

Haist kailan ko kaya makikilala si 'The One?'

Aist! Elle you still have to prioritize your nephew, paalala ko sa sarili.

Pumasok ako sa loob at saka tumingin tingin doon ng may matipuhan ako, isang above knee wedding gown habang mataas naman yun sa likod tube dress siya at kailangangang suotan ng bra na may plastic strap.

"Ah miss pwedi ko bang sukatin?" tanong ko.

"Yes maam,this way please hahanapan po muna kita ng ka size mo."ngumiti siya sa akin.

Nagtataka lang ako manghuhula ba siya at hindi niya man lang tinanong kung anong size ko?

Aish bahala na makikisukat lang naman ako, actually isang wedding designer din ang bff ko pero ayaw niyang ipasukat sa akin hanggat wala akong nagiging boyfriend.

Ang galing ano? Ayaw niyang ipasukat sakin dahil sa wala pa akong boyfriend at hindi naman ako nagbabalak na magkajowa!

Nilingon ko ang sale's lady na papunta sa kinaroroonan ko saka iniabot ang wedding gown na gusto kong isukat.

"Ito na po maam." Sabi niya.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa fitting room.

Matapos mahubad ang suot ko isinukat ko na ang gown tiningnan ko ang sarili sa salamin.

Ang ganda naman ng dress nato.

Naisip kong asarin si Gail kaya lumabas ako sa fitting room at hinanap ang clutch ko.

Kinuha ko ang phone ko doon pero agad ding mabitawan ng may biglang nagtakip ng panyo sa ilong ko pinilit kong pumiglas para makawala pero nawalan ako ng lakas at nahihilo na rin dahil sa napakasakit na amoy na nang gagaling sa panyo nito.

Dumilim ang pangin ko hanggang sa mawalan ako ng balanse at nahimatay.

**

Paggising ko na sa isang magarang sasakyan na ako at may nakabantay sa men & black sa magkabilang gilid ko.

"S-sino kayo? Saan niyo ko dadalhin?"
tarantang tanong ko.

"Sorry maam pero utos lang po ito ni Boss." sabi nung isang nasa front seat

"A-anong boss? Saan niyo ko dadalhin alam niyo bang kidnapping ito?!" sabi ko at pinagsusuntok ang nasa gilid ko pero agad nitong itinali ang kamay ko.

"Huy Saffiro bilisan mong magdrive kong hindi lagot ka kay boss!" banta nung nasa gilid ko.

"Oo na binibilisan na nga!"

Huminto ang sasakyan sa tapat ng SIMBAHAN?

Tiningnan ko ang sarili at nakawedding gown parin ako wag mong sabihing?

"Oh my ghad! Mali ito! H-hindi ako -"

"Tatahimik ka o ipuputok ko itong baril sa bunganga mo, sakit mo sa tenga!" banta nung nasa front seat.

"Grabe Seb ang harsh." komento naman nung driver.

Hindi naman sila mukhang kidnapper mukha nga silang bodyguard eh.

"Baba." utos ng lalaking nasa front seat kanina yung nag bantang babarilin niya raw ang bibig ko pag di ako tumahimik.

Bumaba ako itinulak ako nung isa.

"Lakad, bilisan mo naghihintay na si Boss sa loob." Sabi nung isa, yung katabi ko kanina.

"Oo na maglalakad na hindi mo naman ako kailangan itulak!" inis na sabi ko.

Nabububwesit nako sa isang to pag ako nakawala goodbye earth talaga to!

Pumasok kami sa simbahan.

May tumulak ulit sa akin at nakita kong yun ang lalaking kanina pa nagbabanta sa akin.

Nakakainis na talaga!

"Ano ba kanina kapa sisipain na talaga kita!" hindi ko mapigilan na sabihin iyon at sinamaan ng tingin yung lalaki.

Akmang mag sasalita ang lalaki ng biglang bumukas ang pinto ng simbahan.

Nakita kong naglakad ang lalaking nakaputing tuxedo at ayos na ayos, papunta palang ito sa akin pero ramdam ko na ang malamig nitong aura.

Masama ang pakiramdam ko rito, may mali talaga!

"Stop it woman, you're inside the church act like a lady not a child!"Sabi nung lalaking nasa harapan ko na ito sabay hila sa akin papasok.

Ang gwapong nilalang-aish Elle! Nasa panganib ka nga lalandi ka pa! ikaw naman kasi nagiisip isip kang kailan ikakasal ayan tuloy nagkatotoo.

"Sino ka ba?"tanong ko.
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paghila sa akin.

"Aray! Dahan dahan naman napaka sadista mo!"reklamo ko.

Wala na din naman akong pag-agasang makatakas dahil nga sa may nakabantay na men and black sa labas.

"Father simulan na po natin." sabi niya.

"Maari ko bang malaman ang pangalan mo hija?"

"Rochelle po." Magalang na sabi ko. Pansin ko ang bata pa ni father ilang taon na bato parang kaedad lang ni kuya.

"Apilyedo."

"Perez po--."

"--Father bilisan na po natin." putol nung katabi ko.

Bastos!

"Do you take Kuen Agathon Carter to be your lawful wedded husband in sickness and in health til death do you part?" tanong ni father.

Teka naguguluhan nako.

Yung babae sa botique, yung men in black at itong katabi.

So kinidnap nila ako para ipakasal sa mokong nato?

No way!

"Miss perez?" agad na nabaling ang atensyon ko kay father.

"P-po?"

"Do you part?"

Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko hanggang sa maramdaman kong may malamig na bagay na nakatutok sa likod ng ulo ko.

"Answer him woman, or else I'll shoot you." Sabi nung katabi ko.

Nanginig agad ako at nakagat ang labi sa kaba.

"O-opo f-father." nanginginig na sabi ko.

Teka kasama din ba nila si father at hindi lang man nagreklamong tinutukan ako ng baril?

"S-sino ba talaga kayo?" tanong ko.

Hinila ulit ako nung lalaki at hindi man lang sinagot ang tanong ko sa kanya.

"Sign it and you will be my legal wife, in sickness-"

"Teka teka! Kanina pa kita tinatanong kong sino ba kayo aya-" pinutol nito ang sasabihin ko.

"In sickness and in health, till DEATH do us apart."diniinan nito ang salitang 'death' na nagbigay ng kilabot sa akin.

Inilagay niya ang baril sa may lamesa katabi ng marriage contract kaya nanginginig na pinirmahan ko iyon.

Isa lang ang nasa isipan ko ngayon.

Kung hindi sila gangster posible kayang Mafia sila at siya ang boss?! Pero wala pa akong nakaka encounter na grupo ng mga mafia, tsaka akala ko hindi sila totoo at fiction lamang sa mga movie! Mukhang malas nga talaga ang araw na to!

"If you really want to know, I'll tell you then."

I can't take my eyes off him, even if he's giving me this unusual aura, hindi ko magawang hindi ito titigan

"I am Kuen Agathon Carter, the one and only Boss of the Mafíoso Underground Organization, anything you want to ask? If you gotta problem with that then you're ready to face death are you?" Nakaawang ang labi ko matapos niyang sabihin iyon, halo halong emosyon ang naramdaman ko.

Takot na baka may mangyaring masama sa akin.

At pangamba dahil sa isa itong delikadong tao!

Pumapatay, walang awang pumapatay ng inosenteng tao! Isa itong Mafia Boss!

Jesus! Kakasabi ko lang na ayaw ko munang magkajowa pero bakit asawa agad ang ibinigay mo! Napaka unfair.

Let me repeat it again, I, Rochelle Venice Perez is the mafia boss accidental bride, I'm dead, I'm seriously about to be dead right now.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top