CHAPTER THREE | New Investigator



Charisma is the ability to influence without logic – Quentin Crisp

THE LYING GAME | XM AGENCY SERIES

CHAPTER THREE – NEW INVESTIGATOR

ZOE

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakatingin lang ako sa mga taong tila walang pakialam sa akin na nakatayo sa pinto ng department na ito. Sa likod ay nakasukbit ang isang backpack tapos ay bitbit ko ang ilang mga folders na alam kong kakailanganin ko sa trabaho ko.

"De Leon!"

Napatingin ako tumawag na iyon sa akin at napangiti ako nang makita ko si Chief Jonathan Sierra na nakatayo sa nakabukas nitong opisina. Sinenyasan akong lumapit kaya nagmamadali ko namang ginawa. Hindi ko na pinansin ang tingin ng mga tao doon sa akin at dinaanan na lang sila para makapunta ako sa opisina ni Chief Sierra.

"Welcome." Nakangiti niyang bati sa akin at inilahad pa ang kamay niya. Yumakap naman ako at ganoon din ang ginawa niya. "Get inside." Nilakihan niya ang bukas ng pinto para makapasok ako at narinig kong sinabihan ang sekretarya niya na magdala ng maiinom namin. "Sit down, iha." Sabi pa niya at itinuro ang couch na naroon sa opisina niya.

Naupo naman ako at ibinaba ang mga gamit ko sa tabi ko.

"Are you ready for your first day?" Tanong niya at naupo sa harap ng mesa tapos ay may dinampot na folder at tiningnan iyon tapos ay tumingin sa akin at malungkot na napailing. "I am so sorry for what happened to your father."

Nagkibit lang ako ng balikat at napahinga ng malalim. Halos lahat naman ay hindi na matapos ang pakikiramay sa akin. A week ago, natagpuang patay ang tatay ko na si Gardo Magtanggol. Estranged father actually. I had never known about him 'til he died. Hindi ko naman alam na ex-Chief Superintendent pala ang totoong tatay ko. He was found dead inside his own house drowned in his clogged toilet bowl. Some were saying it was a suicide. But I knew, just one look at the photos that was sent to me, it was staged. My estranged father didn't take his own life.

He was murdered.

That was the reason I was here. I wanted to know what really happened to my father. The investigation was slow. Not moving. Even if I was born out of wed lock and I was abandoned by that man, just like my mother said, he was still my father and he didn't deserve to die like that. He needed closure. Justice for what happened to him.

"How's your mom?" Tanong pa ni Chief Sierra sa akin. Siya na ang pumalit sa estranged father ko magmula nang mag-retire ito ilang taon na ang nakakaraan. And Chief Sierra has been my mentor when I was starting in the academy. Kaibigan din kasi siya ni mommy.

"Mom is good. She is coping well." Ngumiti pa ako sa kanya.

Nakatingin lang sa akin si Chief Sierra tapos ay napangiti at napapailing.

"I cannot believe that you will become an Inspector. You were so young the last time I saw you. Naïve and innocent. But look at you now. Mukhang maso-solve mo ang patong-patong na mga cold cases namin dito."

Natawa ako. "I'll try my best."

Tumayo na si Chief Sierra kaya ganoon din ang ginawa ko. Inilahad niya ang kamay sa akin at nakipagkamay ako sa kanya.

"Welcome to my team." Sabi niya at nagpauna nang lumakad palabas ng opisina niya.

Binitbit ko ang backpack ko tapos ay sumunod sa kanya. Malakas na nagsalita si Chief Sierra para makuha ang atensyon ng buong department. Lahat ay tumingin sa gawi namin.

"This is Zoe Charlize de Leon. She is our new investigator and she will help us to solve cold cases. I need you to cooperate with one another so we will have a harmonious relationship in our department." Seryosong sabi ni Chief Sierra.

Wala akong narinig na sagot sa mga tao doon na halos puro mga lalaki. Nakatingin lang ang mga ito sa akin na parang gini-gauge ako tapos ay nagsitango lang at ipinagpatuloy na ang mga trabaho. Alanganin akong tumingin kay Chief Sierra at ngumiti siya sa akin.

"Ganyan talaga dito. Busy ang mga tao. Halika, sumunod ka sa akin." Muli ay nagpauna siyang lumakad hanggang sa makarating kami sa isang maliit na bakanteng cubicle. "Ito ang puwesto mo."

Tumango ako sa kanya. "Okay, Chief Sierra. Salamat po sa pag-welcome."

"If you need anything, just knock in my office." Sabi pa niya.

"Sure po. Thank you uli."

Sinundan ko lang ng tingin si Chief Sierra na ngayon ay lumakad na patungo sa opisina niya. May mga sinisenyasan pa siyang tao para sumunod sa kanya sa opisina at halatang balik-trabaho na.

Napahinga na lang ako ng malalim at inilapag sa mesa ang backpack ko. Inilapag ko doon ang mga folders na dala ko. Mga files iyon ng mga cold cases na galing pa sa dati kong departamento.

"Hi."

Napaangat ako ng ulo para tingnan kung sino ang nagsalita. Lalaki iyon at nakangiti sa akin tapos ay nakatayo sa entrance ng cubicle ko.

"You're the newbie?" Paniniguro pa niya.

"Newbie here but I am not a newbie in my game."

Inunahan ko na ang isang ito. Baka akala nila dahil bago ako dito ay magagawa na nila akong i-bully o gawing utusan. I knew how to handle people like them. I worked in a department full of men before so I already knew how to deal with them.

"Taray naman." Natatawang sabi ng lalaki. "I am Tobias Salazar. You can call me Tobie." Inilahad pa niya ang kamay at para hindi naman siya mapahiya ay nakipagkamay na lang din ako.

"Hello, Tobie." Pinilit ko na lang ngumiti sa kanya at itinuon ko ang pansin sa mga gamit ko. Gusto kong maramdaman niyang wala akong interes na maistorbo dito.

"Alam mo ba kung sino ang dating nandito sa cubicle mo? The legendary Gabriel Silva. Magaling iyon na investigator." Tonong nagyayabang pa na sabi niya.

Tumaas lang ang kilay ko at tinapunan siya ng tingin tapos ay kaharap kong mga folders. Nagbuklat ako ng ilan doon.

"Masipag iyon saka sobrang straight. Hindi pa corrupt."

Inis kong isinara ang kaharap kong folder at asar na tumingin sa kanya.

"Are you trying to imply something?" Kapag nagkamali ng sagot ang isang ito talaga papatikimin ko ng suntok.

Alam ng lahat na corrupt ang estranged father ko. It was an open-secret to every department but they never proved it.

Nagtaas ng kamay ang lalaking Tobie ang pangalan at umiling.

"Wala naman akong ibig sabihin. Sinasabi ko lang kung sino ang dating nandiyan baka kasi marinig mo sa ibang mga tao dito para familiar ka na. Mabait kasi 'yon si Gabriel."

"At wala akong pakialam. Wala na siya at ako na ang nandito sa cubicle kaya wala na akong interes na marinig pa ang kahit na ano tungkol sa kanya. Nandito ako para magtrabaho hindi para maki-chismis sa kung sino ang dating nakaupo dito." Mataray kong sagot.

Napalabi ang lalaki. "Ang taray mo naman. Sige na nga. Diyan ka na. Kung may kailangan ka, doon lang ang table ko." Nagturo pa sa kung saan ang lalaki pero 'di ko naman pinagkaabalahang tingnan.

Napabuga ako ng hangin at napasandal sa kinauupuan ko. Tumingin ako sa paligid ng cubicle at nakita ko nga sa isang gilid ang nakadikit na parang name plate na Gabriel Silva. Kinuha ko iyon at tinanggal. I knew who this Gabriel Silva was.

Tumingin pa ako sa paligid ko para masiguro ko na wala nang mga taong iistorbo sa akin. Binuksan ko ang isang folder na naroon at iyon ang files tungkol sa nangyari sa tatay ko. Mga litrato sa crime scene niya. Reports ng autopsy niya. Napahinga ako ng malalim dahil wala naman talaga akong maramdaman na kahit ano sa tuwing makikita ko ito. Hindi ko lang masabi sa mommy ko pero sa totoo lang, feeling ko deserve ng taong ito ang nangyari sa kanya. After what he did to our family.

Kaya talagang hindi ko ginamit ang apelyido niya. I chose to use the surname of my mom. I didn't want to be associated with him. I was never a Magtanggol. Wala nga lang akong magawa dahil alam ni Chief Sierra ang pagkatao ko at hindi naman mapigil ang bibig ng isang para sabihin sa mga nakakausap niya ang koneksyon ko kay Gardo Magtanggol.

Isinara ko iyon. Sunod kong binuksan ay ang folder ni Javier Silva. Retired police just like my father. Mataas ang ranggo pero namatay din last week. Halos magsunod lang na namatay ito. Araw lang ang pagitan. This one killed himself. Ended his life with a single bullet in his head. Still, the department conducted an autopsy and it was found out that there was a tear in his ass.

He was raped and sodomized.

Ipinagdikit ko ang dalawang folder ng tatay ko at ni Javier Silva tapos ay sumandal sa kinauupuan ko. They were a member of a group. Secret group which was composed of retired police officers. I knew about this because of the file that I got from my father's house. I took out another folder and opened it.

Gregorio Laxamana.

That was the name that I read in that file.

This was also the man that my father and his team was investigating. There were so many cases that they were building against this man. Murder. Extortion. Bribery. But mostly, murders were the cases that I was seeing. There was a list of people that killed and they were all connected to this man.

I looked at the photo of the middle-aged man. He got a thick hair and well-groomed in the picture. I took it and looked at it closely. He looked handsome. Eyes, nose, lips were perfect. Charismatic. His photo was like talking to me. His eyes in this picture was like looking deep into me. Just by looking at his face, no one would think that he could do such heinous crimes. He looked fit and young for his age. I gently touched the photo. Traced his face through my fingers.

Guwapo nga ang isang ito pero mamamatay tao naman.

Napabuga ako ng hangin at isinara ang folder. No. Hindi pa naman napapatunayan iyon. Sumandal ako sa kinauupuan ko. Inis kong inilugay ang buhok ko at ginulo-gulo pa iyon tapos ay muling isinandal ang ulo ko sa headrest ng upuan ko. Pinaikot-ikot ko ang upuan habang nakatingin ako sa kisame.

Who was this man? Why did my estranged father was after him?

Napatingin ako kay Tobie na pumasok na naman sa cubicle ko at ngayon ay may mga dala ng patong-patong na folders. Umangat ang kilay ko sa kanya habang nagtatanong ang tingin ko sa kanya.

"Pinapabigay ni Chief Sierra." Sabi niya at inilapag ang mga folders sa harap ko.

"Ano 'yan?" Taka ko.

"Cold cases. Good luck," natatawang sabi niya at iniwan na ako.

Mahina akong napamura at binuklat isa-isa ang mga folders na iyon.

"What the fuck?" These unsolved cases way back the 90's. And they were expecting me to work on these cases? Worse, they were expecting me to solve these cases?

Gusto kong pabalikin dito si Tobie at ibato uli sa kanya ang mga folders na ito pero hindi ko na ginawa. Napabuga na lang ako ng hangin at inis na itinali uli ang buhok ko at naihilamos ang kamay sa mukha ko.

Parang gusto ko nang mag-back out.

Pero hindi. Hindi ko aatrasan ang mga ito. Sigurado ako, unti-unti magagawa ko ito. Maso-solve at maso-solve ko ang mga cases na ito.

And while I am doing that, I am going to investigate Gregorio Laxamana.

I would find out soon who he really was and why was my father and his team were after him.

--------

Slide a DM to HELENE MENDOZA'S STORIES FB page to know how to subscribe and read exclusive dark mafia romance Rozovsky Heirs 5 and Ruthless Series.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top