CHAPTER FIVE | Tailed


Suspicion always haunts the guilty mind – William Shakespeare

THE LYING GAME | XM AGENCY SERIES

CHAPTER FIVE | TAILED

ZOE

All of his files were clean.

All of the businesses he had were legit and he was even a philanthropist who was helping abandoned kids and churches. He was a self-made billionaire with billions of net worth.

Napakagat-labi ako habang nakalatag ang mga papeles ng mga businesses ni Gregorio Laxamana. He owns a pharmaceutical company, a bank, shipping company, ang dami niyang sinusuportahan na mga orphanage at simbahan. And right now, he was the biggest shareholder of a hospital previously owned by the late Perry Azaceta.

Tiningnan ko ang litrato ni Gregorio Laxamana. Kinakagat-kagat ko ang mga kuko ko habang nakatitig sa litrato niya. Kinuha ko iyon at talagang tinititigan ko. There was something about him. I was just looking at his picture but... it looked like it was talking to me. His eyes were mysterious. Deep. Cunning. Like those eyes seen so many things not ordinary people were able to see. His smile, vicious. Like a smile of the devil who did something that made him victorious.

Napahinga ako ng malalim at parang napapasong binitiwan ang litratong iyon. Tiningnan ko ang ibang mga papel na nasa harapan ko at pilit na doon ipino-focus ang atensiyon ko. Pero parang tukso na napapatingin ako sa litrato ni Gregorio Laxamana. Pakiramdam ko sa akin siya nakangiti. Pakiramdam ko ay nakikipag-usap ang mga mata niya sa akin.

Shit.

Inis kong itinaob ang litrato. Damn it. Litrato pa lang ang nakikita ko pero pakiramdam ko ay kumakabog na ang dibdib ko. Kinuha ko ang isang folder na nakuha ko mula sa mga gamit ng tatay ko at binuklat iyon. Naroon ang mga listahan ng mga napatay ni Gregorio Laxamana. Pero lahat ng ito ay suspetsa lang at hindi napatunayan. Pero sa mga reports na nakasulat doon, sigurado silang ito ang may gawa sa mga tortured bodies na natatagpuan ng pulisya.

Gregorio Laxamana was doing vigilante justice. That was written from the reports that Javier Silva left. The case files that I got has lots of crooked government official and people who do injustice to others. Mayor Hanauer got missing and until now was not yet found. The reports that I got were connected to Mr. Laxamana. One councilor died because of accident but according to this report, he was beaten until he was a pulp and later on died. Two generals, a senator that was tortured and killed too. And the last one was a burned body found with a placard on the body with writing 'Drug Pusher ako huwag tularan.'

All of those could be a work of other people but the reports my father did and his other companions were thorough. They were all sure that Gregorio Laxamana did those. And he didn't work alone. It says there that Gregorio Laxamana was recruiting people to work for him.

Muli kong dinampot ang litrato ni Gregorio Laxamana at muli kong tiningnan. Siya kaya talaga ang gumawa ng mga iyon? Walang konkretong ebidensiya sila daddy pero bakit sigurado silang ang lalaking ito ang gumawa noon?

Napahinga ako ng malalim at inimis ko ang lahat ng mga folders na nasa harap ko at inilagay sa drawer tapos ay sinusian iyon. Naiwan ang litrato ni Gregorio Laxamana at iniipit ko iyon sa planner ko tapos ay isinuksok ko sa bag. Tamang-tama na may narinig akong pagkatok sa cubicle ko at nakita kong nakasilip doon si Chief Sierra.

"How are you?" Nakangiting tanong niya at tuluyan nang pumasok sa cubicle ko tapos ay naupo sa nasa harapang silya.

"Okay naman ako, Chief. Nakakapag-adjust na." Kinuha ko ang patong-patong na mga folders na ibinigay sa akin ni Tobie at napatingin doon si Chief Sierra.

"Are you ready for these cold cases?" tanong pa niya at hinawakan ang mga iyon. Inisa-isang tingnan tapos ay may hinugot na folder. Napahinga ng malalim si Chief Sierra nang buklatin iyon. "This one was the oldest one in this department. An abduction case that was never solved." Inilapag niya sa harap ko ang folder at nakita ko ang litrato ng isang batang babae na nasa edad sampu. Dinampot ko ang folder. Elisse Madrigal ang pangalan ng bata. Year 2010 pa nawala at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita.

"Twelve years na ang nakalipas pero ang nanay niyan, pabalik-balik pa ring nagpupunta rito para alamin kung ano ang nangyari sa anak niya. Sa katunayan, kagagaling lang sa opisina ko ngayon. Nangungumusta kung may feedback sa kaso ng anak niya. Ilang imbestigador na ang humawak diyan at lahat binitawan. Lahat sinasabing hindi na makikita ang batang iyan. Sabi ni Mrs. Madrigal, tanggap na niya kung hindi na niya makikitang buhay ang anak niya. Ang tanging hangad na lang niya kung wala na nga talaga si Elisse, kahit ang mga buto na lang. Mabigyan man lang daw niya ng magandang libing ang anak niya."

Seryosong nakatingin si Chief Sierra sa folder na hawak ko at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Ramdam ko din naman iyon. Sa mga nawalan ng mahal sa buhay ng biglaan, iyon na lang naman ang hinihiling ng mga naiwan. Closure.

"I wanted to give Elisse's mom closure that's why I want you to handle that case. You can start by talking to Attorney Eli Suarez. Siya ang lawyer ng napagbintangan na kumidnap kay Elisse. 'Yong ninong ng bata na best friend ng tatay ni Elisse pero na-absuwelto dahil sa abogadong iyan.

Napakunot ang noo ko. Pamilyar ang pangalan ng abogado na iyon.

"The hot shot criminal attorney?" Paniniguro ko.

Tumango si Chief Sierra. "Defense lawyer for the rich criminals."

Hindi naman ako na-impress. Naririnig ko na ang lawyer na iyon. Mga kriminal ang ipinagtatanggol. Itinatama ang mali dahil sa pera.

Tumayo na si Chief Sierra. "Goodluck, Zoe. If you need help, just tell me. If you need to assemble a team for these cold cases, let me know. You will be the lead investigator for that."

Natawa ako at umiling. "What for? So, they will hate me? We all know that investigators hate cold cases. They want fresh and solvable cases. Not those that are buried in the dust."

"Kaya nga sa iyo ko ibinigay ang mga iyan dahil alam kong kaya mong gawin. I'll be in my office." Kumaway na siya sa akin at dere-deretso nang umalis doon. Sinundan ko lang siya ng tingin at napatingin ako sa folder ni Elisse Madrigal. Napahinga ako ng malalim at kinuha ko iyon tapos ay isinilid sa bag ko. Dinampot ko ang susi ng kotse ko at umalis na din doon. Deretso ako sa parking at sumakay sa sasakyan ko. Pinaandar ko iyon at dumeretso ako sa tinutuluyan kong townhouse.

Pagpasok sa loob ay deretso ako sa kuwarto ko at inilapag ang bag sa kama. Hinubad ko ang suot kong damit at pumunta ako sa banyo at naligo. Nakatapi ako ng tuwalya at tinutuyo din ng tuwalya ang buhok ko nang lapitan ko ang bag ko. Inilabas ko doon ang folder ni Elisse Madrigal at ang mga reports tungkol kay Gregorio Laxamana. Kaya ko naman trabahuhin ito ng sabay. Sige ako sa paglatag ng mga reports nang tumunog ang telepono ko. Nakita kong Daniel ang pangalan na naka-register. Napangiti ako. I hope he got good news for me.

"Good news na ba 'yan, Daniel?" iyon agad ang bungad ko nang sagutin ko ang tawag niya.

Daniel has been working for me for a  year. He was an investigative journalist and I could pay him to follow someone I was investigating. Magaling din kasing magtrabaho 'tong si Daniel. Kaya kahit mahal ang singil niya sa akin, ibinibigay ko ang rate na gusto niya kasi basta may pinasundan ako, nalalaman talaga niya ang whereabouts ng mga ito.

"Oh, this is good news Zoe. Finally, I found the guy you've been asking me to tail for weeks." Dama ko ang excitement sa boses niya.

Napahinto ako sa ginagawa at napatutok ang atensyon sa sinasabi ni Daniel.

"Gregorio Laxamana? You found him?" Paniniguro ko.

"I know where he is right now. I am sitting two tables away from him. Apparently, your old man is into young girls."

"What?" Gulat na gulat ako. "Saan 'yan?"

"Booze Fantasy."

"What the fuck? Tugs-tugs diyan 'di ba? Puro kabataan?" Gregorio Laxamana was in there? I knew that place and definitely it was not for him. He was old. Fucking fifty plus years and he was partying with teens? Early twenty something girls?

"The party is just starting and as I could see, he is with two young women. Two young and sexy women. They are being cozy. Fucking old man. Kanina pa ako nandito pero walang babaeng pumapansin sa akin. Samantalang 'yon, may puti na ang buhok, mga babae pa ang lumalapit." Dama ko ang frustration sa boses ni Daniel.

"Don't go anywhere. I'll go there. Bantayan mo siya. Sundan mo. Kapag dumating ako diyan, saka ka na umalis. Ako na ang bahala sa kanya."

Hindi ko na hinintay na sumagot si Daniel at tinapos ko na ang usapan namin. Dali-dali akong nagbihis. Humugot ako ng maong at t-shirt pero napahinto ako. Shit. Puro maporma ang mga kabataan na pumupunta doon. Kung ganito ang damit ko, siguradong mapapansin ako. I needed to blend in.

Tumayo ako sa harap ng cabinet at binuksan ko iyon. Napailing ako at kahit labag sa loob ko ay kinuha ko ang isang black leather mini-skirt, red sando, black leather jacket. Isinuot ko iyon. Kumuha din ako ng black stocking at red stiletto shoes.

Nagmamadali ang mga kilos ko. Baka hindi ko na maabutan si Gregorio Laxamana doon. Pinatuyo ko ng blower ang buhok ko. Pinabayaan kong nakalugay. Naglagay ako ng make-up. Gabi naman at ibabagay ko sa lugar na pupuntahan ko kaya dapat heavy. Imbestigador ako. Marunong akong humawak ng baril pero marunong din akong mag-make-up. Sige ako sa paglalagay ng mga kulorete sa mukha ko at nang matapos ako ay nagugulat akong tumingin sa salamin.

Halos hindi ko makilala ang sarili ko.

Ang nakikita ko ay isang babaeng tinalikuran ko na ten years ago.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pilit na inaalis sa isip ko ang mga alaalang bumabalik sa isip ko. Umalis ako sa harap ng salamin at dumampot ako ng maliit na bag at naglagay ng pera doon, cellphone at ibang importanteng gamit. Halos takbuhin ko makalabas ng townhouse at sumakay sa kotse ko tapos ay pinaharurot ko paalis doon.

Habang nagmamaneho ay tinawagan ko si Daniel.

"Nandiyan pa siya? Papunta na ako." Nakatutok ang tingin ko sa kalsada at ang bilis ng pagpapatakbo ko sa sasakyan.

"Still here. Still flirting. Malandi ang matandang 'to. Ibang klase ang kilig ng mga babaeng kasama niya."

"Sige lang. Pabayaan mo siyang lumandi. Pagkakataon ko na 'to na makaharap siya." Ini-end ko na ang call at itinutok ang pansin ko sa pagmamaneho. Naipagpasalamat kong walang gaanong traffic kaya hindi nagtagal ay pumaparada na ako sa tapat ng Booze Fantasy.

Ang lakas ng dibdib ko pero pilit kong kinakalma ang sarili ko. Sumilip ako at nakita ko ang nakakasilaw na signage ng bar. Mabilis kong ipinikit ang mata ko pero tila tukso na nakita ko ang isang lalaki kaya mabilis akong nagmulat ng mata. Ilang beses akong huminga ng malalim at inihanda ang sarili ko. I needed to focus. This was my only chance to get close to Gregorio Laxamana.

Bumaba ako sa kotse at dumeretso sa bar. Nginitian ko ang bouncer at itinuro ako nito sa bantay sa entrance at nagbayad ako para makapasok. Hindi biro ang presyo ng entrance pero tingin ko dinadayo pa din ng mga kabataan. Agad na sumalubong sa akin ang nakakabinging ingay ng musika sa loob ng bar. Nakakahilo ang iba't-ibang kulay ng laser lights at strobe lights sa paligid. Shit. The lights were triggering something in me but I needed to calm myself and focus.

Iginala ko ang paningin ko at hinanap ko si Daniel. Nakita ko siya sa isang sulok at kumaway sa akin tapos ay itinuro ang lugar kung nasaan si Gregorio Laxamana. Nasa bar area na ang lalaki at nakikipagtawanan sa mga babaeng nakapalibot sa kanya. Tumango ako kay Daniel at nakita ko na itong tumayo at lumabas. I am all alone here and I wanted that. I wanted to work by myself.

Deretso ako sa bar area hindi kalayuan kay Gregorio Laxamana. Sapat para marinig ko ang pakikipaglandian niya sa mga babaeng naroon. He was cracking a joke to these girls and they were laughing. I rolled my eyes. Nakakairita
Ang paraan ng pagtawa nila. Ang aarte. Mga halatang nagpapapansin. They all wanted the attention of this one? Why? Sumenyas na lang ako sa bartender at um-order ako vodka tonic at luminga-linga sa paligid.

"Hi."

Napatingin ako sa nagsalita noon at nakita ko ang isang lalaki. Pilit akong ngumiti dito at nag-hi back lang pero ipinakita kong hindi ako interesado. Dahil kay Gregorio Laxamana ang pansin ko.

"I'll pay for your drink." Sabi pa nito at naglabas ng ilang lilibuhin. Halatang iniyayabang sa akin ang makapal na makatuping pera.

"I have my money to pay. Thanks." Ipinaramdam ko talaga sa lalaki na hindi ako interesado sa kanya. Hindi naman nangulit ang lalaki at lumayo na din sa akin. Dinampot ko ang baso ng vodka tonic at uminom doon.

Damn, I missed this. Ang tagal-tagal ko ng hindi umiinom. Matagal ko nang itinigil ang pag-inom dahil sa tuwing nalalasing ako, nakakagWa ako ng mga bagay na pinagsisisihan ko kapag naging normal na ako. Iniisip ko na lang na para sa trabaho kaya ko ginagawa ito. Pampalakas na rin ng loob. Inubos ko ang laman ng baso at um-order ng isa pa sa bartender. Napapikit-pikit ako at napabuga ng hangin. Agad naag-iiba ang pakiramdam ko at nag-iinit na ang katawan ko.

Wow. That was fast. Epekto siguro ito na matagal akong hindi nag-iinom kaya madali akong tamaan ng espiritu ng alak. Tumingin ako sa gawi ni Gregorio Laxamana at nakita kong mag-isa na siya. Wala na ang mga babaeng umaaligid sa kanya at nakatingin siya sa cellphone niya. Nagti-text. Pagkakataon ko na ito.

Nakita kong ang iniinom niya ay scotch. On the rocks. Um-order din ako noon sa bartender at sinabi kong ibigay sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng lalaki nang ibigay ng waiter ang inumin at tinanong kung kanino galing. Itinuro ako ng waiter at tumingin sa gawi ko ang lalaki.

Napalunok ako dahil sa kakaiba ang nararamdaman ko pero alam ko, game time na ito. Ito lang ang pagkakataon ko para makalapit sa madulas na matandang 'to.

Tumayo na ako sa kinauupuan at lumapit kay Gregorio Laxaman. Nakangiti siya sa akin at tingin ko ay gini-gauge ang hitsura ko. And I think he was impressed of me. Of course. Mas maganda at experienced naman ako sa mga bubot na kasama niya kanina.

"You bought me a drink." Sabi niya at iniangat sa ere ang baso ng scotch.

"Yeah." Fuck. Bakit ang ganda ng boses niya? At mas guwapo pala sa personal ang lalaking ito. Mas guwapo sa malapitan. Hindi mapagkakamalan na nasa fifties na ang edad. Totoo ang sinasabi ni Daniel na may mga white hairs ang lalaki pero sa totoo lang, dumagdag lang iyon sa appeal niya. He was a ucking hot dad.

What? Ano ba ang naisip ko?

"Well, thank you." Sabi niya at iniangat ang baso at uminom doon habang nakatingin sa akin.

Jesus. The way he was looking at me. Bakit nakakanginig ng tuhod? I needed to remind myself that I was working. That he was my job and I needed to investigate him. But his eyes. It was shining. His smile, it made my knees weak. His smell. Fuck, he smelled sin and I wanted to be a part of that sin too. I was looking at his lips and my mind was telling me to taste it.

No. Fuck. What kind of feeling was this? I felt so hot. My mind was becoming crazy and blurry over right and wrong.

"Are you alone?" Tanong pa niya sa akin.

"Yes, daddy." Malandi kong sagot.

Nanlaki ang mata ko sa nasabi at agad kong naitakip ang kamay sa bibig ko habang gulat na tumingin sa kanya. Nakita kong napaangat lang ang kilay ng lalaki sa akin pero halatang hindi na nagulat sa sinabi ko. Fuck me! Daddy? Did I just call him daddy? But I guess, he gets that endearment a lot kasi hindi na siya nagulat.

"Daddy, huh? I am your daddy?" 

He was smiling sexily. He was flirting. Oh my God. Parang ayaw ko nang maniwala sa mga reports na nabasa ko tungkol sa kanya. I think he was not a vigilante. I think he was a matured sexy billionaire that could give never ending ecstasy to women.

I smiled sexily. "Yeah. And I could be your... baby."

He smiled naughtily and drank from the glass of the scotch. I think he was enjoying this. I moved closer to him and his expensive smell assaulted my nose. I rested my head on his shoulder. Fuck inhibition. I didn't get that tonight. My body was telling me something. Suddenly, I am in heat and only this man could quench my thirst.

"I want to fuck you."

I didn't know where it came from but it seems like my mouth has a life of its own and telling things that I couldn't say. I kept on blabbing about how hot he was and I couldn't stop myself from telling how much I like him.

He slowly pushed me away from him. The old sexy man was just looking at me and this time, he was not smiling. He was looking at me intently and I took up that chance.

I held his face and kissed him passionately on his lips.

I kissed him like there was no tomorrow. I kissed him like his lips were mine and I didn't want to let go.

I kissed him until I was taken to a dark oblivion and everything around me became dark.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top