CHAPTER 59
CHAPTER FIFTY-NINE
MALAMIG na hangin ang bumungad sa amin nang makarating kami sa Isla Fuego. Isa itong private island ng pamilya ni Zander. Dito napili ng bride na ganapin ang kanilang Engagement party dahil gusto raw nitong makakita ng dagat at gusto ring maligo sa tubig alat.
Hmm.. smelling something maalat.
Hindi kaya naglilihi na ang babaeng iyon? Bakit ko naisip? Ella hates beach dahil ayaw nitong magbabad sa ilalim ng araw dahil iitim ito. Pero bakit naman biglang gusto nitong manatili ng limang araw sa tabing dagat at maligo sa tubig alat?
"BESPREEENNNNNNN!"
Maligalig na sigaw ng isang tinig. Napatingin ako sa pinanggalingan niyon at natanaw ko ang pagtakbo ni Ella papasalubong sa amin.
"MARGAUUUXXXXX!"
Kasunod nito ang walang kapoise-poise sa pagtakbong si Bianca. Nasa likuran naman ng dalawa ang dalawang lalaking may malalawak na ngisi sa labi. Ang dalawang lalaking nagbibigay saya at nagmamahal sa girl bestfriends ko.
Zander and Noah.
Hindi ko naikwento, nauna pang magpakasal si Bianca sa amin ni Ella. Last year ay naikasal na ito kay Noah Vildamar—iyong kinababaliwan n'ya noong nasa Highschool pa lang kami. At hindianlang ako naka-attend sa kasal ng isa sa mga babaeng nakaaway ko dati but at the same time ay matalik na kaibigan ko na rin.
Dahil kay Ella, nagkaroon kami ng communication ni Bianca. Last, last year lang. Nagtampo pa nga sa akin ang babaita, pero mabilis rin kaming nagbati. Matitiis ba ako ng mga 'yan?
Syempre, hindi.
Sobrang dami na talagang nagbago. Feelings ko na lang ang hindi nagbabago. At sa sobrang tagal kong nawal, ang dami ko rin palang namissed na moments sa buhay ko.
Haist! Tingnan mo naman ngayon, sobrang blooming ng dalawang babaita. Inlove, happy and contented eh.
"ELLA! BIANCA! I MISS YOU GIRLS!"
Binuka ko agad ang aking dalawanv braso para salubungin ang yakap nila. Muntik pa nga kaming matumba sa buhanginan dahil sa impact ng pagdamba nila sa akin.
"MAS SOBRANG NAMISS KA NAMIN BESPREN!"
"OO NGA! NAIIYAK TULOY AKO!"
Kumalas ako sa yakap at natawa nang makita ang teary-eyed na mata ni Bianca.
"Ang o.a ha."
"Anong o.a? 7 years 'yon, Margaux! Napaka daya mo. Tapos wala ka manlang pasalubo—Oh, wow! Ang gandang pasalubong naman nito girl." Napadako ang tingin ni Bianca sa likiran ko. At ngayon ko lang naalala ang mga kasama ko. "Hi, Boys!" Malanding bati ni Bianca. Nakalimutan na yatang nasa tabi-tabi lang ang asawa.
Mabilis na sinuway ito ni Ella.
"Hoy, gaga ka! Nanlilisik na mata ng asawa mo."
"Eto naman ang k.j. Nag hi lang naman ako sa mga bisita. Hmp!"
Nakarinig kami ng malakas na tikhim mula sa likuran ng dalawa. Nakita ko kung paano umawang ang bibig ni Bianca.
Yari! HAHAHAHA!
"Love! Nandyan na pala kayo. HEHEHE! Nag hi lang naman ako sa kanila," dipensa agad ni Bianca.
"I know, Love!" At pinulupot ni Noah ang isang braso sa bewang ng asawa.
Ay, grabe! Sa harapan ko talaga?
"Hi, Margaux! Lalo kang gumaganda ah." Nakangising wika ni Noah sa akin.
Natawa ako ng biglang sumama ang tingin sa akin ni Bianca. HAHAHAHA! Ano 'to? Gantihan ng mag-asawa?
Kahit si Ella ay natawa rin ng natahimik si Bianca.
"Hoy, huwag kang sumimangot. Yan kasi, harot pa girl."
"Hmp! Pinaka maganda naman ako kaysa kay Margaux no? Malabo lang talaga mata ng abnoy na'to."
Mas lalo akong natawa. Pagselosan daw ba naman ako? Kaloka!
"Hi, Erish! Long time no see! It's been what? 6 years? Ah, nah. 7 years right? You look matured now and... Noah is right, mas lalo lang gumaganda ngayon. Mukhang gusto ko na tuloy makita ang reaction ng gague kong prend kapag nagkita kayo."
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Zan. Buti at pinatulan ka pa ng kaibigan ko?"
"Hay naku, bespren. Naawa lang ako d'yan dahil nagmamakaawa, kaya napilitan akong patulan."
"Kaya pala hah."
At silang dalawa naman ang nag-aaway ngayon. Nakakaloka!
Pinakilala ko sa kanila ang mga kasama ko bago ko pa makalimutan. Hinatid naman nila kami sa bahay na pag-istayan namin sa loob ng apat na araw bago ang party.
Magkakasama kaming magkakaibigan, pati na rin sina Rio sa iisang bahay. Marami namang kwarto rito kaya kakasya kaming lahat. Samantalang sa kabilang bahay naman ang mga magulang namin at ibang kaanan ng pamilya nina Zan at Ella.
Malaking family reunion slash engagement party ito kaya sure akong masaya.
LIMANG oras din akong nakatulog bago ako pasukin nina Ella sa kwarto. Malapit ng magtakip-silim nang matanaw ko ang labas ng bahay.
"Bespren, sure kang wala kayong relasyon ni Rio? Hindi ba s'ya 'yong sikat na model na nalilink sayo?" Usisa kaagad ni Ella nang pumasok kami sa magiging kwarto ko.
Ako lang pala mag-isa rito dahil kasama ng dalawa ang kani-kanilang asawa at magiging asawa pa lang sa iisang kwarto.
"Wala nga. Masyado lang talaga maissue ang mga tao kaya lahat binibigyan ng meaning."
"Ay, grabeeeeehhhh! Hindi pa rin ako maka-get over na may kaibigan na kaming isa sa mga sikat na sikat na model sa ibang bansa. Sa tuwing nakikita ko ang name at mukha mo sa iba't ibang Modeling company, Magazines, and even in social media at TV, pakiramdam ko napakalaking opportunity ang maging kaibigan mo, girl. KYAAAHHHH! Papicture nga!"
"Sira ka talaga, Bianca!"
"Bespren, sobrang saya namin na sa kabila ng lahat ng mga nangyari sa atin noo, buo pa rin tayo ngayon. At natupad na ang mga pangarap natin sa buhay."
Nagiging sentimental na naman kami.
Naiiyak na tumawa ako bago sila yakaping muli.
"I'm so proud for us! Proud na proud ako sa ating tatlo, even for the boys! At masaya rin ako na mas tumatatag ang pagkakaibigan nating lahat."
"Huwag nga tayong mag-iyakan. Nagmumukha na tayong ewan eh."
Natawa kami nang makitang umiiyak pa rin naman si Bianca. Mukha na nga talaga kaming timang dito. Umiiyak na tumatawa.
"Isa na lang talaga ang kulang." Nakangising wika ni Bianca.
"At iyon ay ang magkaaminan kayo ni Josh sa feelings n'yo para sa isa't isa." Dugtong naman ni Ella.
"Huh?"
Nagkatinginan ang dalawa. May maliit na ngiti sa mga labi.
"Anong ibig n'yong sabihin?"
"Si Josh na lang ang kausapin mo tungkol roon. Pero bago ang lahat... maligo muna tayo sa dagat!"
Napangiti na rin ako habang naiiling. Sumang-ayon na rin ako sa gusto ni Ella na maligo sa dagat kahit na malamig na dahil gumagabi na. Sige na, pagbigyan na lang sa night swimming. Tutal minsan lang naman mangyari 'to eh.
Isang strapless ruffled croptop na kulay white ang suot ko sa pang-itaas. Pinailaliman ko na lang din iyon ng blue stringed bikini ko at white cotton flowy short shorts naman ang pang-ibaba. Samantalang ang dalawa ko namang kasama ay parehong naka bikini na.
Proud na proud sa magandang katawan. At sure balls na babakuran na kaagad ang dalawang ito ng kani-kanilang asawa.
"LET'S GO GIRLSSSS!"
At paglabas namin ng kwarto, kunot noong mukha na agad ni Zan at Noah ang bumungad.
Told yah!
"Anong suot 'yan?" Malalim ang boses ni Noah.
"Duh!! Hindi mo ba alam ang tawag dito, Love? Ang tawag dito bikini. As in bra and panty, duh!" Maarteng sagot ng asawang si Bianca.
Pareho kaming nakangiti ng malawak ni Ella dahil sa kamalditahan ni Bianca. Kahit asawa hindi pinalalampas.
"At ikaw! Hubarin mo 'yan. Bakit ganyan din ang suot mo?" Kunot noong utos ni Zan sa fiance na si Ella.
Ella crossed her arms then arc her one brow at her man. "Excuse me, Mr. Aguilar. Gusto mong hubarin ko ang suot ko? Sa harap n'yo? Edi kita na nilang lahat kaluluwa ko."
"Edi sa kwarto mo hubarin, problema ba iyon? Ako pa maghuhubad sayo. PASOK SA KWARTO!" Pagkuway sigaw nito. Napapitlag naman si Ella at walang ibang nagawa kundi ang magpalit ng damit. At gano'n din si Bianca na sinamahan din ng asawa sa kwarto nila.
Kaya ang ending ako ang naiwan sa sala.
Saktong kapapasok lang ng anim na lalaki sa pinto ng bahay. Mukhang galing yata sa labas.
"Saan kayo galing?" Pagtatanong ko.
"At saan ka pupunta? Ng ganyan ang suot? Isang ihip lang ng hangin d'yan, tanggal lahat." Panenermon ni Rio ng matagpuan akong nakatayo sa harap nila.
"And what do you expect me to wear? Gown? Pajamas? We're in the beach kaya tama lang naman ang suot ko ah."
"Magpalit ka! Sando or kahit anong manipis na damit." Utos nito.
Napaawang ang bibig ko. "No way in hell I would change."
Nakita ko ang pagtapik ni Von sa balikat ng kaibigan. "Bro, masyado kang protective. Hayaan mo na si Erish, tutal nasa beach nga naman tayo."
"Oo nga, dude! Chill ka muna. Let Erish breath away from works." Mikael second the motion.
"Sige na, Erish. Kami na ang bahala dito sa Tatay mo. Basta ingat ka na lang d'yan. Marami namang tao sa labas kaya walang kikidnap sayo." Sabi pa ni Gin.
Napangiti ako ng malawak. "Thanks! Kayo na ang bahala d'yan kay Rio the K.J ah. Labas lang ako. Bye, Boys!" Mabilis pa kay Flash na tumakbo ako palabas ng bahay.
Mabuti na lang hindi k.j katulad ni Rio ang mga kaibigan n'ya. Nakaligtas ako.
Naglakad-lakad ako sa dalampasigan. Kahit madilim na kitang kita pa rin ang magandang karagatan dahil sa maliwanag na kalangitan. Hindi naman nakakatakot maglakad mag-isa, nagkalat din kasi sa paligid ang ilang pinsan nina Zander. Maliwanag rin ang paligid dahil maraming ilaw na nakasabit.
Nang makaramdam ng pagkalam ng sikmura, napagdisesyonan kong magtungo sa malapit na kainan sa tabing dagat. Nakita ko ang ilang kamag-anak ni Ella na naroroon.
Kinawayan ako ng mga ito na ikinangiti ko naman. Pupunta na sana ako sa counter nang mapatingin ako sa labas ng kinatatayuan ko. Open space kasi ang resto kaya naman makikita mo ang labas ng kainan.
Isang lalaki ang nakatayo malapit sa dalampasigan. Nakasandal sa puno ng niyon habang nakaharap sa dagat. May ilaw doon kaya kahit medyo malayo at madilim, makikita ko pa rin.
"J-Josh?"
Sigurado ako. Si Josh ang lalaking nakatayo roon.
Akmang lalabas na sana akong muli para puntahan si Josh, nang may humarang sa daraanan ko.
"Erish!"
Bahagya akong napaatras at umangat ang paningin sa lalaking sa nakalipas na ilang taon ay ngayon ko lang ulit nakita.
"Glen?"
He smiled at me. Ibang iba sa dating s'ya na palaging nagsusungit. Maaliwalas ang vibes n'ya ngayon.
"Hi! Long time no see! Nakabalik ka na pala?"
"Ah, yeah! It's been 7 years, right? Actually, kararating lang namin kanina."
"Namin?"
"I'm with my friends."
"Ohh! So, how are you?"
"I'm good! Medyo busy sa work."
"Hhmm... Sikat ka na. So proud of you, Erish!"
"Thanks, Glen!"
"Gusto mo bang mamasyal? O kakain ka?"
Napatingin ako sa labas kung nasaan si Josh kanina pero wala na ito roon. Am I hallucinating or what?
"Ahm, later na lang siguro. Sa labas tayo."
Naglakad kami ni Glen pabalik sa seashore para maglakad-lakad. May pa minsan-minsang paglingon sa kabilang bahagi ng dalampasigan, nagbabakasakaling makita si Josh pero wala.
Pero sure ako na s'ya 'yon.
"Kamusta ka naman? Balita ko umalis ka raw? Bakit?" Pagsisimula ko na lang ng usapan.
"Okay naman, nakakarecover na."
Napatigil ako sa paglalakad saka humarap sa kanya.
"Recover? Saan?" Dahil matangkad si Glen, nakatingala pa ako sa kanya.
"I don't know if its the right time to say this, but hindi ko malalaman kung ito na ba 'yon o hindi kung hindi ko susubukan."
Naningkit ang mga mata ko dahil hindi ko s'ya maintindihan.
"Naalala mo pa? Noong sinabi ko sa'yo na may dahilan ako kung bakit kita pinapalayo? Handa na akong magpaliwanag, Erish."
Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang s'yang magkwento.
"We barely known each other that time when I discover that I have Arrhythmia. Heart arrhythmia is any abnormal rhythm of the heart. May times na babagal, bibilis or an irregular beat or tempo. My doctor said without proper rhythm, my heart doesn't work as effectively. My heart may not be able to pump enough blood to deliver oxygen on my body."
Napasinghap ako.
"Ikaw 'yong tipo ng babaeng mahirap pigilan kung anong gustong gawin. Unfortunately, ako ang natipuhan mo. That time I don't want to attached to anyone because I don't want her to suffer if anything happens to me. Mas gugustuhin ko pa ang mag-isa kaysa makita ang babaeng mamahalin ko na nahihirapan at nasasaktan dahil lang sa sakit ko. But, you're so persistent. Ang kulit kulit mo. Kahit anong pagtaboy ko sa'yo palayo, lumalapit ka pa rin. Isa pa, kamukhang kamukha mo rin ang unang babaeng minahal ko, pero sinaktan ako. I used that para sungitan ka, para palayuin ka. Pero..."
"Pero kahit anong gawin kong pag-iwas, nagpumilit ka pa rin eh. At 'yon na nga, nagawa mo. You invaded my system and that makes me afraid. Afraid na baka anytime, manghina na lang ako. At baka sa mga oras na 'yon hulog na hulog na rin ako. Kaya pinigilan ko, hanggang sa makakaya ko. And I'm so sorry, Erish!"
Nakita ko ang pamamasa ng mga mata ni Glen.
"Y-You... You mean kaya mo ako tinataboy palayo sa'yo noon ay dahil may sakit ka sa puso?"
Dahan-dahan s'yang tumango.
"At... At..." Hindi ko masabi.
"I like you back then. Gusto na rin kita noon pero dahil takot at at duwag that time, mas ginusto ko pang saktan ka para lumayo ka lang sa akin. Pero hindi ibig sabihin no'n gusto kong saktan ka emotionally, Erish. Ayokong lumayo ka sa akin pero I have no choice."
Nangilid ang mga luha ko. Maging mga kamay at labi ko ay nanginginig rin, kinakabahan.
Ibig nyang sabihin gusto n'ya rin ako noon? Gusto n'ya ako at gusto ko rin s'ya. Pero natatakot s'yang masaktan ako at mahirapan dahil sa kondisyon n'ya.
"G-Glen, b-bakit ngayon lang? Bakit ngayon mo lang sinabi? Marami kang oras noon pero bakit hindi mo sinubukan. Sa tingin mo ba gano'n kababaw ang pagkagusto ko sa'yo noon? Na kapag nalaman kong ganyan ka, lalayuan na kita? Na baka masaktan ako dahil hindi ka sigurado kung gagaling ka pa? Glen nakakainis ka!"
"I know and I regret everything I did. Kaya nga naglakas na ako ng loob na ipagtapat sa'yo. Pero hindi ibig sabihin no'n, gusto kong guluhin kung ano man ang nararamdaman mo ngayon. I just... I just want you to know."
Huminga ako ng malalim. Lumalandas na sa magkabila kong pisnge ang mga taksil kong luha.
Damn!
"At kaya ako umalis pagkatapos ng graduation ay para magpagamot. 50% chance lang ang meron ako sa mga oras na iyon at hindi ko alam kung magiging successful ba ang operation. Even Zan and Josh didn't know about my heart condition. Bago ang Graduation doon lang din nila nalaman, accidentally. They even got mad at me that time, pero naniwala pa rin sila na magiging maayos ang operasyon."
"Nandito ka ngayon, buhay na buhay. The operation was successfull, right?"
"Yeah!"
"And I'm happy dahil hanggang sa huli hindi ka sumuko. But, I'm sorry Glen. I'm so sorry!"
Uniiyak na ako. Kung may makakakita lang sa amin ngayon, aakalaing inaaway ako ni Glen.
"Hey! Don't be sorry! As I told you, I just want you to know about it. At saka alam ko naman eh. Matagal na!"
Napatigil ako sa pag-iyak. Pinahid ko ang mga luha sa aking pisnge na tumingala sa kanya.
"W-What do you mean by that?"
"Hindi mo ba pansin? He's always there for you whenever I made you cry, right? Plano ko talagang paglapitin kayo ng kaibigan ko. Binalak kong itulak s'ya sayo. Sorry pero totoo iyon. Pero ang gago hindi ko alam na binabalak ko pa lang, ginagawa na pala n'ya. Little did I know, you got his attention. Unexpectedly!"
"Ano? Hindi kita gets? Sino bang tinutukoy mong kaibiga—Glen?" Gulat at hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya.
Si Josh?
"Binalak mong palapit sa akin si Josh?"
"No exactly, actually hindi naman masama ang intensyon kong gawin iyon. Alam kong it's hard for you, nasasaktan ka noon at kung may magko-confort sayo, baka sakaling sa kanga bumaling ang atensyon mo."
"Pero hindi mo nagawa?"
"Yeah!" Tumawa s'ya ng mahina. "That's beacuse, little did you know, nakukuha mo na ang atensyon ng kaibigan ko. Hindi mahirap na makita iyon, lalo na at kilalang kilala ko si Josh. Naisip ko na hayaan s'ya, baka kasi mas maging masaya ka kapag s'ya na ang palagi mong kasama. Sa gayon, makakalimutan mo ako. And..."
"And it happened."
"Yeah! And that made me regret. You being happy everytime you're with him and you not knowing it, it sucks on my side. Feeling ko mas sumisikip ang dibdib ko. Pero sa kabila iyon, may parte sa akin na masaya. Masaya dahil tama ang naging disesyon ko, dahil sa ginawa ko, nakita mo ang tunay na makapagpapasaya sayo. Nakita ng mga mata mo ang lalaking alam kong aalagaan, hindi ka sasaktan at iiwan, mamahalin ka higit pa sa kaya mong ibigay sa kanya."
Mas lalo lamang akong naiyak.
All this time gusto rin pala n'ya ako. Pero dahil sa kanya, dahil sa ginawa n'ya, nakilala ko si Josh. At tama si Glen, nakita ng mga mata ko ang tunay na kaligayahan sa pamamagitan ng kaibigan n'ya.
And all the years that passed by, alam n'yang mahal ko ang kaibigan n'ya.
Na hanggang ngayon ay nandirito pa rin. Hindi nawala.
Pero nasasaktan pa rin ako... Nasasaktan ako para sa kanya.
"Ang unfair no? Bakit kailangan pa nating pagdaanan 'tong lahat kung in the first place, pwede naman pala tayo. Pero siguro may mga bagay lang talagang hindi para sa atin. At iyon ay ang... magkaroon tayong dalawa ng love story with happy ending. Maybe that happy ending is made for us, but, with someone that was really meant for us. What do you think?"
"Yeah, I think so too."
Ngumiti ako kay Glen. "Thank you for letting me know. Kahit huli na. Hindi man ngayon, alam kong darating rin ang babaeng nakatakda para sayo. Masaya ako, Glen. Masaya akong nakilala kita at naging parte rin ng buhay ko. You'll never be forgotten. So, friends? O gusto mo ring mapabilang sa mga bestfriends ko?"
Sumilay ang nakakamanghang ngiti sa kanyang labi.
"If it's okay with you. Why not?"
"Ofcourse, it's okay with me. Bestfriends?"
Pinakita ko sa kanya ang pinky finger ko.
"Bestfriends!" Then nag pincky promise kami.
Pareho kaming nakatingin sa paghampas ng alon sa dalampasigan.
"Did you finally see Josh again? Nagkita na ba kayo?" Pagtatanong n'ya.
Umiling ako. "Iyon na nga ang problema, hindi pa kami nagkikita."
I really miss him!
Hindi ba n'ya ako namiss?
Kung namiss n'ya rin ako, dapat inalam n'ya kina Ella kung darating ba ako o hindi. Pero asan s'ya? Wala. Hindi ko makita. Pero okay lang, marami oang araw bukas.
"Glen..."
"Hhmm?"
"Can I—Can I kiss you?" Natigilan s'ya. "For the last time. Isipin mo na lang na friendly kiss iyon o goodbye kiss. I just want to confirm something. Pero kung hindi ka papayag, ayos lang nam—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa paglapat ng labi n'ya sa labi ko.
Dampi lang naman iyon at mabilis lang din.
Napangiti ako dahil sa isang imaheng lumitaw sa aking isipan. Imahe ng lalaking malawak ang ngisi sa labi, ngisi na nagbigay ng kakaibang kabog sa dibdib ko kapag umaatake ang pagiging pilyo at mapang-asar.
At nasisigurado kong ngayon... ngayon ay wala na nga talaga akong nararamdaman para kay Glen.
Dahil ang lalaking iyon na ang nilalaman ng puso ko. Simula nang guluhin n'ya ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top