CHAPTER 48

CHAPTER FOURTY-EIGHT

MABILIS na lumipas ang bawat araw. Ika'tlong araw na ng Foundation Day ngayon at nandito ako, nakatulala at nagmumukmok sa kwarto. Walang ganang bumangon at nananakit na rin ang mga mata dahil puro pag-iyak na lang ang ginagawa ko.

Sa dalawang araw na lumipas wala akong ibang ginawa kundi ngumuwa tuwing gabi. Wala yatang kapaguran ang luha ko at kahit nakatulala lang ako, nararamdaman ko na lang may luha nang tumutulo sa pisnge ko.

Hindi pa rin ako pumapasok. At hindi ko alam kung kaya ko pang pumasok, kung ang tingin sa akin ng lahat ay traydor katulad ng kanilang iniisip.

Kumalat ang chismis na ako ang may kasalanan sa paglabas ng family issue nina Ella. Sabi pa nila traydor akong kaibigan. Na masama akong babae. Na akala ng lahat mabait ako, pero may tinatago rin palang sungay. Maraming naawa kay Ella at mas maraming nagalit sa akin.

"Kung may susunod pa ito, sana pinagsabay na ninyo. Para isang bagsakan na lang 'yung sakit. Baka kasi hindi ko na kayanin kapag may sumunod pa."

Para akong pinagkakaisahan ng mundo. May ginawa ba akong masama para maranasan ko ito. Lalo na sa mismong kaibigan ko pa talaga? Bakit sa lahat ng tao, s'ya pa?

Matatanggap ko pa kahit buong mundo akusahan ako, h'wag lang s'ya. Huwag lang ang nag-iisang kaibigan na meron ako, simula pagkabata. Kapatid na ang turing ko sa kanya pero pakiramdam ko sa aming dalawa ako pa ang mas trinaydor n'ya.

Nakakatanggap ako ng text mula kina Bianca, Zander at Glen. Kinakamusta at tinatanong kung kailan ba ako papasok. Hindi ko sila magawang replayan dahil wala akong gana. Ayokong makipag-usap kahit kanino, mula sa kanila.

Masakit eh!

Kahit iyong nag-iisang taong inaasahan ko na makakaramay ko kapag tinatakwil ako ng mundo, iniiwasan ako. Wala akong makausap. Tanging ang unan ko na lang ang iniiyakan ko.

Akala ko mananatili rin s'ya sa tabi ko kahit na gaano pa ako kakomplekado. Akala ko mag-istay s'ya....

Hindi pala.

Kasi pinabayaan na rin n'ya ako. Para bang walang pakielam kung anong nangyari sa akin. Kung ano bang nararamdaman ko ngayon. Kung okay na ba ako o hindi.

O baka naman wala pa s'yang alam sa nangyari? Naiintindihan ko. Naging busy s'ya sa banda. Alam kong ayaw n'yang biguin ang banda lalo na ang mga pumili sa kanila.

Ilang beses ko ulit s'ya tinitext pero wala talagang reply galing sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung narereceived ba n'ya o hindi.

To: JoshPogi
Josh please, I need you now! Kailangan kita ngayon, pero bakit pati ikaw wala rin?

To: JoshPogi
Josh nakakainis ka! Umiiyak ako ngayon.

To: JoshPogi
Josh alam kong pang aabuso na ang ginagawa ko. Sa tuwing umiiyak na lang ako, ikaw ang nalalapitan ko. Pero kasi... ikaw lang 'yong alam kong makakaintindi sa akin eh. Pero bakit wala ka ngayon dito?

To: JoshPogi
Josh, nagalit sa akin si Ella. Why of all people bakit s'ya pa? Bakit ako pa? Bakit kami pa?

Am I bad person?

To: JoshPogi
Asan ka na? Samahan mo naman ako oh.

To: JoshPogi
Sorry to disturb you, busy ka nga pala.

To: JoshPogi
But still, I need you.

I even call him for how many several times, but I can't reach him. Mukhang blinock talaga ako. Kahit kasi sa messenger, block ako. Bakit naman Josh?

Nakakapagod humingi ng oras sa iba. Sobrang hirap huminge ng atensyon, lalo na at iniiwasan ka talaga.

Bumangon na ako para makapaligo. Gano'n lang ang takbo ng buhay ko sa tatlong araw na nagdaan. Matutulog sa gabi, minsan madaling araw gising pa nga. Kung kailan ako lamonin ng antok doon lang ako pipikit. Gigising sa umaga na sobrang bigat ng katawan. Maliligo, magbibihis tapos hihilata ulit sa kama. Kakain ng tanghalian kung kailan gugustuhin.

Siguro nagtataka na nga sina Mom at Dad, hindi lang sila nagsasalita. Pinapakiramdaman ako kumbaga.

Pagkatapos kong maligo at mabihis ng damit, nag-ayos na ako ng sarili. Nakaharap sa malaking salamin na nasa powder table ko, kitang kita ang itim sa ilalam ng aking mata. Sobrang putla rin ng kulay ko. Para akong natuyuan ng dugo dahil sa tatlong araw na pagkukulong sa kwarto. Hindi manlang ako nasisikatan ng araw.

"Honey?"

Natigil ako sa pagsusuklay ng buhok nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto. Si Mommy iyon.

"Yes, Mom? Bukas po 'yan."

Kita ko sa repleksiyon ng salamin ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ni Mommy. May dala itong tray na may lamang isang baso ng gatas at favorite kong pancake with cheese.

"Sabi ni Manang Alicia simula no'ng Tuesday hindi ka nag-aalmusal. Kumakain ka lang din daw ng lunch kapag naisipan ko na. Nag-aalala si Manang kaya sinabi na n'ya sa amin." Nilapag ni Mommy ang tray sa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama.

Pagkatapos ay lumapit s'ya sa likuran ko at ito na ang nagpatuloy ng pagsusuklay sa buhok ko.

"Nag-aalala kami ng Daddy mo, anak. May problema ka ba? Hindi ka pumapasok. May nangyari ba sa school? Tell me, makikinig si Mommy."

"M-Mom..."

Hindi ko kayang sabihin kay Mommy. Ayokong pati ang problema ko ay problemahin na rin nila. Okay pa naman ako eh, kaya ko pa. Ayoko pa lang ngayon na makita sila.

"Okay lang po ako, Mom. Walang problema. Nakakatamad lang po talagang pumasok, wala rin naman kaming gagawin doon eh. Next week na lang po ako papasok, dito muna ako sa bahay."

"Sigurado ka ba anak? Alam mong nandito lang si Mommy, diba? Hindi ka namin pababayaan ni Daddy mo. Kaya kung may mabigat kang problema sa school o sa kaibigan, kahit na tungkol pa kay Glen 'yan, h'wag kang mahihiyang magsabi."

Tumango naman ako bago s'ya niyakap sa bewang.

Kung alam mo lang Mom. Hindi na si Glen ang problema ko ngayon. At naiinis ako dahil hindi ko dapat 'to nararamdaman sa kanya, pero kusa na lang nagparamdam eh.

Indenial lang ako noong una.

"Sorry dahil busy kami ni Daddy mo sa negosyo. Naiintindihan mo naman anak, diba? Huwag kang mag-alala, pagkatapos ng malaking deal na tinatapos ng Daddy mo, magbabakasyon tayong pamilya. Kahit isama pa natin ang mga kaibigan mo. Mas marami, mas masaya."

"Don't be sorry, Mom! Naiintindihan ko naman po kayo ni Daddy. Para rin naman po sa akin ang ginagawa ninyo kaya wala kayong dapat na ikatakot. Tsaka big girl na ako, Mom. Kaya ko nang ihandle ang sarili ko. Kung may dapat pa akong malaman, I'll consult you naman agad. Para sa guide n'yo ni Dad."

Ginulo ni Mom ang buhok ko. May bigla tuloy akong naalala.

"Dalaga na talaga ang baby namin. Basta always remember na mahal na mahal na mahal ka namin ng Daddy mo."

"Mahal na mahal ko rin po kayo ni Dad, Mom."

Sa pamamagitan ng yakap ni Mommy gumaan ang pakiramdam ko. Ramdam ko ang pagmamahal ng isang ina mula sa yakap na iyon. Para bang sinasabi sa akin na 'magiging maayos din ang lahat, anak'.

Sana nga!

"Hindi ka ba pupunta sa last day ng Foundation n'yo? Hindi ba tutugtog ang banda ni Josh sa Saturday night? Bukas na 'yun diba?"

"I'll try to go, Mom! Saka kahit naman hindi ako pumunta, I'm always here to support Josh. Magiging proud pa rin ako, kahit na wala ako roon para ipakita 'yun."

"Pero mas maganda pa rin kapag naroroon ka, hindi ba?"

Hindi ko nakasagot.

Paano ako pupunta roon para sumuporta kung hindi rin naman ako nito papansinin? Baka mapahiya lang ako kapag nilapitan ko s'ya tapos iiwasan lang ako.

Mas okay na rin 'yung kahit wala roon, pero alam mong may ginawa ka pa rin para iparamdam na suportado mo s'ya at proud ka sa kanya.

"Dalaga na talaga ang baby namin ni Daddy." May ngisi sa labing wika ni Mom.

"What do you mean, Mom?"

"Wala. Gusto ko lang sabihin na proud kami ng Dad mo sayo. Kaya kahit anong piliin mong destinasyon, basta alam mong masaya ka roon, masaya rin kami ng Dad mo. Wala kaming ibang hihilingin kundi ang mapunta ka sa taong handang gawin ang lahat makita ka lang masaya, kahit ang kapalit pa no'n ay ang masaktan s'ya."

"Mom, I don't understand you."

"Maiintindihan mo rin sa tamang panahon. Oh, pa'no... Maiwan na muna kita rito sa bahay. Nasa baba lang si Manang, kung may kailangan ka puntahan mo lang s'ya. Mag-iingat ka dito ah."

"Ingat din po kayo ni Dad."

Hinagkan muna ako ni Mom sa noo bago ito lumabas ng aking kwarto.

Nagtungo naman ako sa harap ng mini study table ko. Binuksan ko ang aking laptop pero hindi ko naman ginagalaw. Inabot pa nga ako ng isang oras sa pagtitig lamang roon.

I took a deep breath before closing my eyes. Sa pagmulat ko may  naalala akong isang bagay.

Ginawa ko ito noong panahong nagsisimula nang umiwas sa akin si Josh. Wala talagang nangungulit sa akin at miss na miss ko na s'ya hanggang sa may pumasok na ideya sa isipan ko.

Gumawa ako ng isang ghost account at naghakot ako ng mga fans ni Josh at ng banda. At dahil grupo ng mga gwapo at talented na nilalang mabikis na dumami ang nakakakilala sa kanila. Umabot ng kalahating milyon ang followers ko sa Facebook. Marami ring heart and wow reacts ang mga pinopost ko. Humahakot din ang shares ng mga iyon. Habang nagpapractice kasi sila noon ay kinukuhanan ko rin sila ng videos. At iyon ang ina-upload ko as their number #01 supporter.

May Youtube account na rin ako with total of 1.8M Followers sa loob lang ng isang linggo. Compilation of their videos and kadalasang ina-upload ko. Practice nila, tapos 'yung mga pangangaral ni Josh sa apat at minsan ay may kulitan moments din nila.

May mga fansclub na rin akong inoorganisa.

One from the North named JoshVillaflor Universe. Sa kalakhang Maynila ay JoshLovers Official at AbstractBandNatics. Ang kinikilala nilang Fansclub President ay si MysticalCreator which is me. Syempre unknown ang real identity ko.

At sobra silang nagpapasalamat dahil I made those fansclub kahit na I'm still unknown for them. At nagpapasalamat din ako sa kanila dahil unti-unti nang nakikilala ang ABStract Band. Kahit na maliit na grupo lang sila at nagsisimula pa lang lumabas sa madla, humahakot na sila ng mga taga-suporta.

At kahit hindi ko nakikita, alam kong masaya si Josh. Sobra pa sa sobra.

DUMATING ang araw ng Sabado. Maaga akong nag ayos ng sarili, hindi para pumunta sa school kundi para haraping muli ang laptop ko.

Nagpaschedule na ako sa mismong Music Club ng Eastwood High para sa pagprocess ng mga binili kong ticket para mamaya sa Battle of the Band. Sobrang engrande at bongga ng gaganaping programa mamayang gabi.

At ang star of the night ay walang iba kundi ang ABStract Band.

Gamit ang account ko na MysticalCreator ay kinocontact ko si Vina. Ang President ng Music Club.

Sobrang mura lang ng ticket para mamaya. 500 lang ang isang VIP ticket. Marami na nga raw ang kumocontact at lumalapit sa kanila para bumili ng ticket. Mabuti na lang talaga at nauna ako kagabi. 100 ticket kaagad ang binili ko na ipapamigay ko sa mga fangirls na willing dumayo sa Eastwood kahit napakalayo.

Gagamitin sa isang proyekto ang kinita sa programang iyon. At ang iba ay ipapamahagi sa mga charitable institution sa labas ng campus.

At nang masigurdo ko nang naipadala sa mga napili kong fans ang mga ticket, ipinadala ko na rin ang bayad ko para roon.

M Y S T @mysticalcreator  •  3 min ago
EXCITED FOR LATER *giggles*

*insert ABStract Band picture*

560 Comments   16.4K Retweets   1.2M Heart Reacts

Binasa ko agad ang mga comment doon.

Ash @ashaiYui
Thank you Ate @mysticalcreator for the ticket.

*picture ng ticket*

BenaRica @BRica
OMG!!! I already received my ticket Miss @mysticalcreator
Thank you so much for this opportunity. Makikita ko na rin si Santi My Loves *heart emoticon*

Jaica @jaicamanalo
Good luck boys! Manonood ako later! Thank you Miss @mysticalcreator for the free ticket

Pero ikinagulat ko ang ilang comments na nandoon. LIKE WHAT THE EF? Napansin pa talaga nila 'yun no? Ang obsetvant talaga ng mga fangirls ng ABStract Band.

Mikee @mikee303
Ate @mysticalcreator girlfriend ka po ba ng isa sa ABStract Band member? Para po kasing kilalang kilala mo na ang banda.

Jessica @jessicajyp
OMFG! Ate @mysticalcreator kahit hindi pa kayo nagpi face reveal, alam naming bagay na kayo ni Josh Villaflor. KYYYAAAHHHH!
JOSH-MYST LOVER HEREEEEE!

Marami pang magkakaparehong komento ang katulad no'n kaya medyo nakaramdam ako ng pag-iinit ng pisnge.

Jusko! Kinikikig ba ako?

Nagkaroon pa tuloy kami ni Josh ng loveteam. Kahit na hindi naman nila alam na si MysticalCreator ay ako, feeling ko namumula pa rin ako.

Masaya akong magkaroon ng ganito, kahit na ginawa ko lang ito dahil hindi nga ako pinapansin ni Josh. Atleast sila, hindi ako huhusgahan katulad ng panghuhusgang natatanggap ko sa school.

Habang naghihintay ng oras, inabala ko muna ako sarili ko sa panonood ng mga videos na ginawa ko. Napapangiti na lang ako mag-isa dahil sa kulitan ng lima. Minsan sina Adrian pa ang parang mas nakatatanda sa kanila, imbes na si Josh.

Si Josh kasi ang nangunguna sa asaran at kulitan kapag free time nila.

Pero pagdating sa practice ay nagpapalit agad ito ng anyo. Bumabalik sa pagiging seryosong kuya na tinuturuan ng maayos at mabuti ang kanyang mga nakababatang kapatid.

Sana maging isang Official Band ang ABStract Band. Kahit na magkahiwa-hiwalay pa silang lima in the future gusto ko bago mangyari iyon, maging isang ganap na sikat na banda ang grupong iyon. There's no doubt na hindi sila makikilala sa buong Pilipinas o baka nga umabot pa sa ibang bansa.

I'll pray for that to came true at sisiguraduhin kong ako pa rin ang magiging President ng kanilang Official Fans Club sa hinaharap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top