CHAPTER 45
CHAPTER FOURTY-FIVE
DAPAT ay hanggang SSG Officers lamang makakarating ang balitang iyon, pero umabot hanggang sa mga teachers. Napagkasunduan tuloy kung warning lang ba ang ibibigay kay Nicka o maiexpel ito. Lalo na at kabago-bago lang n'ya sa Eastwood ganoon na agad ang ginawa n'ya. Nandamay pa ng iba.
Sa huli, nagdisesyon si Nicka na mag drop-out na lang, bago pa umabot sa mas matataas na officers ng Eastwood.
"Grabe ano? Sabi ko na nga ba at hindi talaga inosente si Nicka. Unang kita ko pa lang sa kanya, may nakikita na agad akong sungay sa ulo eh," sabi ni Bianca sabay inom ng iced tea nito.
"Korak ka d'yan, Biancs! Mabuti na lamang talaga at nakagawa agad ng paraan si Fafa Josh para mailabas ang tunay na ugali ng babaitang 'yun," sang-ayon naman ni Ella.
Nandito kami ngayon sa studio ng ABStract Band. Nagpapractice kasi ang banda para sa nalalapit na Battle of the Band na gaganapin sa ika-limang araw ng Foundation ng Eastwood. Hindi sumali ang banda sa naturang patimpalak, pero tutugtog pa rin sila because they will represent our school.
"Nanggigigil pa rin talaga ako kapag naaalala ko 'yung mukha ng babaeng iyon. GGGGRRRRRR!" Umakto pa talaga itong nanggigigil. Muntik na ngang madurog ang bote ng iniinuman n'ya ng iced tea.
Jusko! Hindi pa rin sila maka move on sa nangyari. Tinalo pa ako.
"Kalmahan mo lang, Biancs. Remember, may baby sa sinapupunan mo."
"Yeah, you're right! May baby sa sinapupu-WHAT THE HELL ELLA?! Saan nanggaling 'yung baby? Baby bulate pwede pa eh. Wala nga akong boyfriend, magkababy pa kaya?"
Pareho kaming natawa ni Ella sa pagkabigla ni Bianca. Pffttt.... Mga kalokohan talaga nila.
Okay na okay na kaming tatlo, nagkaroon kami ng another friend ni Ella and that is Bianca. Minsan nag-aasaran at katuwan, hindi naman kasi maiiwasan iyon sa barkada, pero mas masaya na ngayon kami tatlo na kami.
"Okay lang ba kayo d'yan?" Napatingin kami sa kabubukas lang na pinto ng studio.
Pumasok sina Josh na may dala-dalang plastic bags with lots of foods and drinks. May chitchirya pa nga eh.
Tatlong araw kaming walang klase dahil nag-aayos ang lahat para sa gaganapin Foundation ng school. Maraming booths, palabas, games, program at kung anu-ano pang ka-echosan ng mga officers ng bawat department.
"Hi, mga Ate!" Bati ng tatlong bagets na nakasunod kay Josh papasok.
"Hi Margaux!" Sabay lapag ng mga dala nila sa sahig.
Gusto kong matawa nang biglang nagbago ang expression ng dalawa nang ako na ang balingan ng apat.
"Ke gagwapong nilalang naman ng mga adonis na ito. Pero okay na sana eh, may Ate pang naligaw. Tapos pagdating kay Margaux, walang ate? Ay, ang unfair ng mundo." Pagrereklamo ni Bianca.
"Okay lang 'yan ate, maganda ka naman eh." And that is Dwane being a malandi na naman. Batang 'to oh!
"Ay, kalurkey! Mabuti na lang may nasabi ka ring maganda."
"Pero mas maganda pa rin si Margaux." Sabay ngisi nito ng malawak.
At ngangang naibagsak na nga ni Bianca ang hawak na plastic bottle, bago lumingon sa akin. Nginisihan ko rin ito sabay kindat pa.
Natatawang tinapik naman ni Ella ang balikat ni Bianca. "R.I. P Mareng Bianca. HAHAHAHA!"
"Margaux.... Anong pinakain mo sa mga ito? Hah?!" Tapos nanlilisik ang mga matang binalingan n'ya si Dwane na nagpipigil ng tawa. Nang makita nito ang tingin ni Bianca, mabilis na nagtago ito sa likuran ni Josh.
"Biancs, kalmahan mo lang. Bata 'yan, h'wag mong papatulan." Suway ko dito. Pinakitahan lang ako nito ng kanyang palad, nagsasabing shut up. Kaya shut up nga muna ako.
"Pumapatol ako sa bata. Halika nga dito. Anong number mo?"
Humagalpak ng halakhak sina Santi habang may pahampas-hampas pa sa sahig.
"Papatulan kita sa text. Ano, laban ka hah! Laban ka?!"
Mas lalong nagtawanan ang tatlong ugok. Nakita ko naman ang pagkamot ni Dwane sa ulo. Kawawang bata, nagka phobia pa yata kay Bianca.
Naiiling na kumuha na lang ako ng burger saka nilantakan iyon.
"Miss Ganda, anong number mo? Textmate tayo." Nakangiting wika ni Hanz kay Ella. Nawala naman ang ngisi sa labi ng kaibigan ko dahil sa narinig. Bigla itong napa-ngiwi habang naiiling.
"Hoy, Hanz!" Pagkuha ni Josh sa atensyon ng kabanda. "H'wag si Ella. Mayayari ka kay Pareng Zander. Territorial mo mandin iyon. Baka mamalayan ko na lang bukas na kulang na ng isang member ang ABStract Band."
Nakita ko naman ang pamumula ng magkabilang pisnge ni Ella.
Hala! Keleg yern?
"Ay hala gagi! Trulalo ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bianca. "Daming pasabog ah! Ano, kilig naman apdo mo Mareng Ella? HAHAHA!"
"Tumahimik ka nga d'yan!"
"Ay gagi! Kinikilig nga! Mukha ka ng kamatis eh."
Napapangiti na lang ako sa tuwing naiisip na 'yung dating aso't pusa kung mag-away, ngayon kinikilig na sa isa't isa. Nanliligaw pa lang si Zan. Nasa getting to know each other more stage pa lang sila, pero alam ko na hindi naman n'ya sasaktan ang kaibigan ko kung sakali man na aagutin na s'ya nito. Kaya nga boto ako sa kanya para sa kaibigan ko eh. At alam ko rin naman na gustong gusto rin s'ya ng kaibigan ko.
WHEN KAYA?
Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Josh sa tabi ko. "Bored ka na?" Tanong nito.
Umiling ako. "Hindi naman. Basta may pagkain sa harapan, gora lang ako." Tumatawang sagot ko. Nakangiting ginulo naman n'ya ang buhok ko na mabilis kong nasalag. "Ayan ka na naman. Ilang oras ko rin inayos ang braid ko, tapos guguluhin mo lang."
"Sorry na. Ang ganda at lambot kasi ng buhok mo eh."
Namilog ang mga mata ko at napatakip ng kamay sa bibig. Itinagilid ko ang aking ulo paharap sa kanya.
"OH EM GIE! Sinasabi ko na nga ba eh. Type mo 'yung buhok ko. Barbie ka talaga no? Kaya trip ko 'yung buhok ko kasi gusto mo rin magkaroon nito. My gosh, Josh! Gusto mo bilhan kita ng wig? Para 'yun na lang ang guluhin mo."
He rolled his eyes on me. Oh my! Ang taray hah!
"D'yan ka na nga!" Pagsusungit nito. Sabay tayo at nagtungo sa gitara n'ya.
"Ay, tampo si Fafa Josh? Hala! LQ kayo?" Tinuro pa ni Bianca si Josh na nagtotono ng gitara. "Inaway mo? Uy, gagi! Suyuin mo Margaux!"
"Bakla ka! Anong LQ at suyo ka d'yan. Hayaan n'yo na lang 'yun. Baka may PMS lang."
"Ano ba kasing ginawa mo?" Natatawang tanong ni Ella.
"Wala naman akong ginagawa. Sabi ko lang bilhan ko s'ya ng wig para 'yun na lang guluhin n'ya at hindi ang buhok ko. Anong masama doon?"
Nagkatinginan ang dalawa. Maya-maya pa'y bumunghalit na ng tawa.
"Grabe ka bespren! Inaaway mo si Fafa Josh."
"Oo nga! Hindi mo ba alam na naglalambing lang 'yun sayo? Ikaw lang ang nag-iisang babaeng sobrang ka-close n'ya, tapos aawayin mo pa? Hindi mo ba alam 'yung salitang LAMBING? Suyuin mo 'yun. Kapag 'yan nagtampo ng tuluyan, bahala ka."
"Seryoso kayo?"
"OUM!" Sabay nilang sagot.
Si Josh? Si Josh Ezekiel Villaflor naglalambing? Matagal naman na n'yang ginagawa iyon sa akin, tapos malalaman ko ngayon na paglalambing 'yun?
At anong suyuin? Jowa ko ba?
Feeling ko tuloy ay mag dyowa kaming nag-away. Tapos ako pa talaga ang manunuyo ah. Hanep!
Napamaang na sumulyap ako sa pwesto ni Josh. Nandoon na 'yung apat at may kanya-kanya nang ginagawa. Seryoso lang si Josh sa ginagawa at hindi manlang magawang sumulyap dito. Hindi rin ito ngumingiti kahit na nagpapatawa na ang mga kasama n'ya doon.
HALA! Galit ba talaga ito?
Nagpractice lang ang banda ng kantang tutugtugin nila sa gabi ng Battle of the Bands. Pagkatapos ng tatlong kanta ay 'yung apat na lang ang nagpractice ng kani-kanilang instrument. At dahil vocal si Josh, pinanood lang n'ya ang apat.
"Okay, break na muna. Last practice na natin mamaya bago mag-uwian. Then tomorrow ay polish practice na, okay?"
"YES BOSS!"
Matapos ang ilang laps ay napagpasyahan na ni Josh na bigyan ng break ang member ng banda. Ikinatuwa naman iyon ng apat.
"Sige, makakaalis na kayo."
Nagsi-unahan pa nga ang mga ito sa paglabas ng studio. Dahil siguro after 5 hours of practising ay malaya na silang makakapag aliw aliw sa labas.
"Mauna na rin kami ni Ella. Erish sunod ka na lang sa amin ah, mukhang kailangan n'yong mag-usap eh."
Nagpaalam na ang dalawa sa akin saka lumabas na rin ng studio. Naiwan akong nakatayo kasama si Josh. At hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin o sabihin.
Hindi naman ako kinikibo ni Josh dahil busy ito sa pag-aayos ng mga gamit na nakakalat sa sahig.
Nahiya tuloy ako at hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil ang awkward ng paligid. Hindi naman ganito dati eh. Pero bakit ngayon, naiilang ako? At ngayon pa lang din kami nagkaroon ng tampuhan ni Josh-kung tampuhan nga ba itong matatawag.
"Ahhmmm... J-Josh ano kasi eh." I can't! I can't do it! Kinakabahan ako and I don't know why. Para akong nakagawa ng isang malaking kasalanan, kahit na wala namang gano'n.
Damn it!
At talagang hindi ako nito pinapansin. Patuloy lang ito sa paglalagay ng mga instuments sa maayos na lalagyan. Pati ilang kalat namin kanina niligpit na rin n'ya.
"J-Josh..." Bakit gano'n? Hindi ko masabi. Tanging pangalan lang n'ya ang binabanggit ko. "Josh gusto ko lang sa-"
"Sige na, sumunod ka na sa kanila." Sa wakas, kinausap na rin ako. Pero bakit naman pagtataboy?
"Bakit pinapaalis mo na ako? Hindi mo ba ako gustong kasama?"
Huminga ito ng malalim bago itinigil ang ginagawa.
"Erish..."
"Ano Josh? Galit ka ba sa'kin? Nagjojoke lang naman ako kanina eh."
"Erish, minsan may mga bagay na hindi nadadaan sa biro. Pero naiintindihan ko naman eh. Hindi mo naman kasi alam. Sabagay..." Tumigil saglit si Josh bago ako tiningnan sa mga mata. "Hanggang joke lang naman ako eh. Diba?"
Bahagya akong napaatras. Mahina ang pagkakasabi n'ya ng mga salitang iyon, pero bakit...
Bakit tagos hanggang sa kalamnan ko?
Gano'n si Josh eh. Nakilala ko s'ya bilang masayahin, mapagbiro at napaka-goodvibes kasama. At oo, minsan inaamin ko, iniisip ko na puro biro lang para sa lahat ng sinasabi o ginagawa n'ya. Kasi gano'n s'ya eh. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay sa lahat ng bagay o ginagawa n'ya for me, biro pa rin para sa kanya ang iniisip ko.
He's always there for me. Kapag kailangan ko ng kaibigan, ng masasandalan lalo na kapag ipinagtatabuyan ako ni Glen. Nand'yan s'ya palagi para patahanin at pasayahin ako.
Hindi ko naman alam na, ganoon pala ang akala n'ya. Na puro biro at joke lang s'ya para sa akin.
"Josh hindi naman sa gano'n eh. Hindi naman gano'n ang iniisip ko-"
"Okay nga lang Erish. Naiintindihan ko. Sige na, lilinisin ko pa ang buong studio para sa last rehearsal naman mamaya at bukas."
"Josh..."
Muli na ako nitong tinalikuran at nagpatuloy na ulit sa pag-aayos ng kanilang mga gamit.
Napahilamos ako sa mukha. Paano ba 'to?
Tang in a can! Hindi pa ako nakapanuyo ng lalaki. Paano ba dapat ang unang gagawin? Kukulitin ko ba? Eh baka naman mas lalong mainis sa'kin hanggang sa mas magalit pa. Mas mahirap kapag ganoon na.
URGG!!!!
Josh h'wag mo naman ako pahirapan. Nyemas ka!
Sa huli, lumabas na lang ako. Mag-iisip din ako kung ano ba ang dapat gawin para magkabati na ulit kami. Hindi ko kasi gustong may ganitong ilangan at ayaw kami ni Josh. Nasanay akong sobrang caring n'ya sa akin. Na minsan ay naglalambing na pala. Malay ko ba kasi.
Nasanay akong si Glen ang palagi kong kinukulit, kaya hindi ako sanay na ako ang kailangang mangulit kay Josh para magkaayos lang kami.
Pagdating ng lunch ay nagchat si Ella sa GC na sa Mcdo sa labas ng E.High daw kami kakain. Naroroon na raw sila ni Bianca at Zan. Sumunod na lang daw kaming tatlo nina Josh.
"Tatlo?" Meaning kasama si Glen?
Pinuntahan ko si Josh sa studio para ayain na sanang puntahan sina Ella, pero wala ito roon. Nagbalik ako sa classroom baka sakaling nandoon, pero wala rin.
"Pst... Mike, nakita n'yo si Josh at Glen?"
"Si De Chavez ba kamo? Kalalabas lang kani-kanina. Baka maabutan mo pa sa baba."
"Eh si Josh?"
"Dumaan si Josh dito kanina, parang may hinahanap. Pero umalis din kaagad. Actually, hinahanap yata si Bianca eh. Siguro magkasama 'yung dalawa."
"B-Bianca? Bakit daw hinahanap?"
"Ewan!"
"Ah sige, salamat. Hanapin ko na lang."
Bumaba na ako ng building na iniisip pa rin kung bakit hinahanap ni Josh si Bianca.
Bakit si Bianca? Bakit hindi ako?
Stop it, Erish! Hindi nakakatuwa.
Pagdating sa hallway ay nakasalubong ko nga si Glen. Dala na nito ang bag na nakasukbit sa kabilang balikat.
"Hey!"
"Oyy, nabasa mo chat ni Ella?"
"Yep!"
"Pupunta ka na ba?"
"Oo. Sabay ka na?"
"Aahhmmmm...." Gusto ko sanang sabihin na hahanapin ko pa si Josh, nang matamaan ko ito sa may banda roon.
Busy ito sa cellphone, tila may tinetext. Hindi ko mapigilang hindi kunin ang cellphone ko sa bulsa. Baka kasi ako ang tinetext n'ya at hinahanap, hindi ko lang nakikita.
Pero para akong binagsakan ng langit dahil wala manlang text or missed call doon.
Kung ganoon, sinong tinetext n'ya.
Umangat ang paningin nito, saktong nagtama ng mga mata namin. Pero hindi man lang ako nginitian o kinawayan. Gumilid naman ang paningin n'ya kung nasaan ni Glen. Nang makitang may kasama ako, bigla na lang itong tumalikod at naglakad palabas ng gate.
"Ah, Glen. Sumunod ka na lang ah, mauuna na kasi ako."
And with that, bigla ko na lang tinalikuran si Glen na para bang wala lang iyon sa akin. Mabilis na tumakbo ako papalayo, para sundan lang ang kaibigan n'yang hindi ko inaasahang hahabulin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top