CHAPTER 42

CHAPTER FOURTY-TWO

NAGULAT ako sa pagsigaw ni Josh. Pero mas nagulat ako nang bigla s'yang lumapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Tuwang tuwa ito na tila ba may naresolba akong isang malaking problema, na kanina pa n'ya gustong magawan ng paraan.

"Ah, anyare?" Naguguluhang tanong ko nang humiwalay na s'ya sa pagkakayakap sa'kin.

"Iyon 'yung tonong kanina ko pa gustong marinig. Kanina ko pa iyon iniisip, ikaw lang pala ang makakapagbigay ng tono sa kantang sinulat ko."

"Yun lang ba? Don't mention it, it's nothing."

"But for me, it's more that nothing. Binigyan mo ng buhay ang bawat katagang iyon."

Pakiramdam ko ay nag-init ang buo kong mukha sa papuring ibinibigay ni Josh ngayon.

Langya, daig ko pa ang batang kinikikig eh.

"Ganito na lang, i-record natin ang pagkanta mo. Credits ko na sayo kapag nagperform kami, i-dedicate ko pa."

"Kahit h'wag na. Ikaw naman ang nagsulat eh, nilagyan ko lang ng tono."

"Kahit na. Hhmmm... ano kayang pwede?" Humalumbaba ito, malalim ang iniisip. "AHA! Alam ko na! Collab na lang tayo, para hindi ka na tumanggi pa."

Mukhang wala naman akong takas sa isang ito kaya ngumiti na lang ako saka pumayag.

Napag-usapan na namin 'to dati at hindi ko alam na mangyayari na ngayon.

Sino ba namang hindi makakatanggi sa isang Josh Villaflor? Sobrang galing kaya n'yang kumanta. Malamig at nakakadala ang boses n'ya. At alam kong hindi lang ako ang gustong maka-duet at collab ang lalaking ito, pagdating sa entablado. Siguro kung ibang babae ang bibigyan n'ya ng ganoong offer, walang pang tanong tanong, u-oo na agad ito.

"Doon tayo sa studio."

"Sige."

Kinuha na n'ya ang mga papel na nakakalat sa damuhan. Ako naman ang nagdala ng gitara n'ya dahil marami na s'yang dalang crumpled papers at note n'ya.

Sabay kaming naglakad papunta sa kabilang building, kung nasaan ang auditorium. Malapit doon ang Music room, Music club office at ang magiging studio nila ng banda.

Maraming napapatingin sa amin dahil siguro nagtataka sila kung bakit ako ang may dala ng gitara ni Josh.

Nang makakita ito ng trash can ay itinapon na n'ya doon lahat ng drafts na hindi na kailangan at mga kuyumos na papel. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa studio.

"Uy, Kuya dude! Nandyan ka na pala," bati ni Hanz pagkapasok namin sa loob.

Kompleto ang banda. Si Josh lang pala ang naliligaw sa kung saan-saang lupalop ng campus.

"May kasama ka pala, Kuya pre?" Sinulyapan ako ni Adrian na may hawak na drum stick. Pinapaikot-ikot nito iyon sa dalawang daliri.

Cool!

"Kuya Idol, chicks mo?" Pilyong tanong naman ni Dwane.

Napangiwi ako. Ano ako, sisiw?

"Hindi ba ikaw si Margaux? Wow!" Amuse na tumingin si Santi kay Josh. "Kuya Josh kaibigan mo pala si Margaux? Nice! Mukhang ganado ako sa pagpractice ah." Ngumisi ito bago kumindat sa akin.

Mukhang may crush pa yata sa akin ang batang ito.

Wala naman akong naramdaman ilang dahil mukha silang mga harmless. Siguro dahil alam ko na mukha silang mga yagit sa paningin ko. HAHAHA! Char! Tsaka hindi creepy ang ngisi n'ya. Mukha s'yang boy next door tapos kumindat pa.

Mukhang titiliaan ng buong Eastwood ang bandang ito ah.

At saka kanina ko pa pansin, lahat ng sinabi nila palaging may Kuya.

Takang sinukyapan ko si Josh. "Kuya?"

Humalakhak si Dwane. "Miss ganda, lahat kaming apat 3rd year pa lang. Si Kuya Idol lang ang 4th year sa amin. Kaya Kuya namin s'ya. Gusto mo bang maging ate namin?"

"Stop it, Dwane!" Suway ni Josh sa bata. Tumawa lang ito sa panunuway ng Kuya nila.

Ngiting ngiti ako habang iniimagine na naging instant kuya si Josh sa apat na bagets sa aking harapan. Magiging successful talaga ang bandang ito, sigurado ako. Magaling magpasunod si Josh when it comes to Leadership. Mukhang pasaway lang ang mga batang ito, pero ramdam kong gustong gusto talaga nila ang kanilang Kuya Josh.

Nagpakilala ako sa kanila at ganoon din sila sa akin. Para tuloy akong Manager nila.

Cute!

Napag-alaman ko na si Hanz ang pinakabata sa kanila. Magkasing edad naman si Adrian at Dwane. Sumunod si Santi then si Josh ang Kuya.

"Santi may dala kang laptop, diba?" Josh asked. Tumango naman agad si Santi. "Meron Kuya. Bakit, kailangan mo?"

"Magrerecord kami ng kanta. Tapos ikaw na ang bahalang maglinis ng voice record ah."

"Sure! Copy that!" Tumayo na ito at dumiretso sa locker nila. Kinuha nito ang bag saka nilabas ang dalang laptop.

Inayos naman ni Adrian at Dwane ang stand mic sa mini stage. Si Hanz naman ang nag-ayos ng background music. Habang pinagmamasdan ko sila, para bang matagal na silang magkakakilala at magkakasama. Maharil ay dahil iisa lang ang interest ng bawat isa at iyon ay ang musika.

Itinuro ko na rin kay Josh kung saang line s'ya at kung paano ang tono ng kanta. Pagkatapos naming mag-ayos ay pumwesto na ako sa mini stage, sa tapat ng stand mic. May high stool na naroroon at doon ako naupo. Si Josh naman sa tabi ko na may hawak na gitara. May mic din ito sa harapn n'ya.

Nginitian ako nito.

"Ready ka na?"

"Yep!"

"Game na, Kuya Josh!" Nag thumbs-up pa sa kanya si Santi.

"1... 2... 3..."

Sinimulan na ni Josh kalabitin ang string ng gitara. Sya ang unang kakanta tapos susunod ako.

♫︎♫︎♫︎
[Verse 1: JOSH]
Nagbabadya ang hangin na nakapalibot sa'kin
Tila merong pahiwatig, ako'y nananabik
'Di naman napilitan, kusa na lang naramdaman
Ang 'di inaasahang pagkumpay ng kalawakan

[Pre-Chorus]
Ibon sa paligid, umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong
Tinatangi, napapangiti mo ang aking puso
♫︎♫︎♫︎

Nakatingin lang ako kay Josh habang kumakanta ito. Saglit lang namin naensayo ang kanta ay para bang kabisadong kabisado na nito iyon.

♫︎♫︎♫︎
[Chorus]
Giliw, 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapaamin mo, amin mo, oh
Giliw, nagpapahiwatig na sa'yo ang damdamin kong
Napagtanto na gusto kita
♫︎♫︎♫︎

Pinigilan ko ang gulat nang tumagilid ang ulo nito paharap sa akin. He sweetly smiled at me while singing his part perfectly and smoothly.

Narinig ko pa nga ang hiyawan ng apat na nakalupagi sa sahig at nanonood sa amin.

Hindi ko naman napigilan ang panginginig ng kamay ko nang hawakan ko na ang mic. Part ko na kasi ang kasunod. Humarap ako sa apat para iwasan ang nakakailang na titig ni Josh.

Bakit gano'n? Ilang beses ko na s'ya nakitang tumingin sa akin pero bakit iba ang dating niyon ngayon. Ako lang ba? Baka guni-guni ko lang.

♫︎♫︎♫︎
[Verse 2: ERISH]
Hindi ko alam kung saan ko sisimulan (Sisimulan)
Binibigyang kulay ang larawan na para bang…
Ikaw ang nag-iisang bituin nagsisilbing buwan na kapiling mo
Sa likod ng mga ulap ang tayo lamang ang tanging magaganap
♫︎♫︎♫︎

Duet na kami ni Josh sa sunod na part kaya hindi ko mapigilang hindi bumaling sa kanya.

Para bang may sariling isip ang katawan ko at hindi ko iyon makontrol.

♫︎♫︎♫︎
[Pre-Chorus: ERISH, JOSH]
Ibon sa paligid, umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong
Tinatangi, napapangiti mo ang aking puso

[Chorus: JOSH, ERISH, BOTH]
Giliw, 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapaamin mo, amin mo, oh
Giliw, nagpapahiwatig na sa'yo ang damdamin kong
Napagtanto na gusto kita

[Bridge: JOSH, ERISH]
Gusto kita, gusto kita, gusto kita, gusto kita
Anong salamangkang meron ka? (Gusto kita, gusto kita)
Binabalot ka ng mahika (Gusto kita, gusto kita)
Anong salamangkang meron ka? (Gusto kita, gusto kita)
Ako'y nabihag mo na
♫︎♫︎♫︎

Pareho kaming nakatingin sa isa't isa habang kumakanta.

"Witweeewww!"

"Bagay kayo!!!"

"Si Margaux namumula."

"AYYYIIIIIEEEEEE!"

Samu't saring hiyaw at panunukso ang binato ng apat na bubwit sa harapan namin. Kaya mas naramdaman ko ang pag-init ng pisnge ko. Ramdam ko rin ang malakas na kabog ng dibdib ko sa hindi maipaliwanag na tamang rason kung bakit malakas ang kabog niyon.

Delekado na yata ako.

Ano 'to?

♫︎♫︎♫︎
[Interlude: ERISH, JOSH]
Ako na nga'y nabihag mo na
Hindi naman talaga sinasadya
'Pagkat itinataya ata tayo para sa isa't isa
Giliw, nagpapahiwatig na sa'yo ang
Da-da-da-damdamin ko
Da-da-da-da-da-damdamin ko

[Outro: BOTH]
Giliw, giliw, giliw
Napagtanto na gusto kita
♫︎♫︎♫︎

Malakas na sigawan mula sa apat ang bumalot sa buong studio. Sinabayan pa iyon ng malakas na kabog ng dibdib ko na animo'y may drum na tumatambol sa loob.

Natapos ang kanta na walang kaalam-alam si Josh sa kung anong pakiramdam ang bumabalot sa akin.

Mas dumoble ang ingay ng bigla akong kindatan ni Josh.

Darn!

Josh, tigilan mo na baka masapak kita. Hindi mo alam kung anong ginagawa mo sa akin.

Lumapit na kami sa pwesto nina Santi para pakinggan ang record. Pero ang damuho hindi lang pala record ang ginawa, vinideo rin nito ang ala performance on stage namin ni Josh.

Kitang kita tuloy ng dalawa kong mata kung paano magbago ang reaction ko sa hindi sinasadyang panghaharot ni Josh. Harot ba tawag doon? Hindi kaya ako ang humaharot? Bakit kasi may gano'n akong nararamdaman?

Nagpaalam muna ako sa kanila para magbanyo. Pero excuse ko lang iyon dahil gusto kong mag-isip. Gusto kong linawin sa sarili ko na si Glen ang gusto ko.

Pero nakakasira ng utak dahil habang naglalakad ako sa hallway ay nakangiting mukha ni Josh ang biglang nag-pop sa utak ko.

"AAARRRGGHHHH! Stop it, damn! Hindi ako two timer. Hindi ako gano'ng babae. Hindi pwedeng magustuhan ko rin si Josh habang gusto ko pa si Glen. O baka nga hindi na? AAAAHHHHH! Ayoko na!"

"MARGAUX!"

Napapitlag ako nang marinig ko ang galit na boses ni Nicka. Nanlaki ang mga mata ko. Narinig kaya n'ya?

H'wag naman sana.

"B-Bakit?"

"Nasaan si Hendrix, hah!" Nanlikisik ang mga mata nito. "Alam kong kasama mo s'ya kaya hindi ko s'ya mahagilap. Ano? Where's Hendrix?"

"Teka muna... Bakit mo sa'kin hahanapin, eh kayong dalawa ang magkasama diba?"

"Oh c'mon Margaux! Alam kong nilalayo mo sa akin si Hendrix dahil ayaw mong magkabalikan kaming dalawa. Ilusyonada!"

"Teka nga muna.... Baliw ka ba? Anong pinagsasabi mo d'yan? Nakita mo bang kasama ko, hah? Alam mong sa ating dalawa, mas lamang ang inis at cold treatment sa akin ni Glen, tapos pagbibintangan mo pa ako na kasama ko s'ya? Seriously, Nicka?! Wala ka na bang ibang magawa sa buhay?"

"Totoo naman ah! Sabihin mo sa akin na hindi mo binalak gawin na ilayo s'ya sa akin kapag ako ang kasama n'ya."

Oo, inaamin ko. Minsan gusto kong hilahin si Glen palayo sa kanya pero hindi ko naman ginawa diba? Dahil anong kwenta kung gagawin ko iyon. Ako pa ang lalabas na masama sa paningin ni Glen. At isa pa hindi ko naman hawak ang karapatan para pagbawalan s'ya kung kanino dapat lumapit o sumama.

Nakakapagod din namang maging tanga. Lalo na kung mas pinagmumukha ka lang n'yang tanga sa pinaggagawa mo.

"Ano? Magsalita ka? Tell me, where's my boyfriend?"

Nagkabalikan na ba sila? Bakit pinaninindigan n'yang BOYFRIEND n'ya si Glen?

"Sinabi ko na sa'yo hindi ko nga kasama. Hindi ko alam kung nasaan si Glen, okay? Hawak ko ba ang schedule ng bawat lakad n'ya? Guardian ba ako ng BOYFRIEND MO?" Diniinan ko na pati ang salitang 'boyfriend mo' dahil naiinis na ako.

Bakit ba ako ang pinagbibintangan n'ya?

"Eh bakit wala ka sa room kanina pa, hah? Paano mo ieexplain iyon? Wala rin si Hendrix doon. So meaning, magkasama kayo."

Gusto kong matawa dahil nagmumukha s'yang baliw na obssess kay Glen.

Oh, don't tell me obssess nga talaga s'ya kay Glen? Tangin*! Nakakatakot 'to ah.

"Kasama ko sa studio si Josh dahil gumawa kami ng kanta. Kahit tanungin mo pa si Glen pati ang banda. Kahit sa room ipagtanong mo na kanina ko pa hinahanap si Josh kaya wala ako doon."

"SINUNGALING! YOU'RE A F*CKING LIAR! BITCH!"

Nasabihan na ng liar, may bitch pa talaga? Sa amin dalawa s'ya ang mas bitch eh.

"Magtatanong ka tapos hindi mo naman pala paniniwalaan? Where's the sense of this talk?"

Tinalikuran ko na s'ya saka nagmartyang naglakad pababa ng hagdan.

"MARGAUX DAMN YOU, H'WAG MO ANG TATALIKURAN!!!"

Inis na humarap ako sa itaas kung nasaan s'ya. Hahablutin sana nito ang buhok ko nang lumingon ako, pero bigla itong nawalan ng balanse dahil napatapak sa dulo ng baitang.

"AAAAAHHHHHHHHHHHHH!"

At dahil sa gulat ay hindi ako agad nakakilos. Tila natulos ako sa kinatatayuan habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Nicka.

I felt my hand trembled in shock of what had happened. Even my heart, beats faster and that's because of fear.

"OH MY GOSH!"

Doon lang ako natauhan. Napatingin ako sa pababang tatlong estudyante. Gulat ang mga ito sa nakita at nagmamadaling lumapit kay Nicka na nasa ibaba na ng hagdan. Namimilipit ito sa sakit ng binti at paa.

Lalapitan ko na sana si Nicka nang bigla itong sumigaw.

"DON'T COME! HOW DARE YOU DO THIS TO ME, MARGAUX! YOU'RE A FREAKING BITCH AND A WITCH!"

Nagsidatingan na rin ang iba naming kaklase. Tinulungan ng mga ito na buhatin si Nicka at dalhin sa infirmary.

"Anong nangyayari dito?" Maawtoridad na tanong ng lalaking bagong dating lang.

Mas lalo akong kinabahan dahil si Glen iyon, kasama si Raven ang President ng SSG. Kinakabahan ako dahil baka magsinungalin si Nicka lalo na at ang natagpuang eksena ng mga nakakita ay nasa itaas ako ng hagdan, at si Nicka ay namimilipit sa sakit sa ibaba.

"Hendrix she push me! Margaux pushed me! Tinulak n'ya ako mula sa itaas. Kasalanan n'ya ito."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top