CHAPTER 40
CHAPTER FOURTY
SA TATLONG araw na lumipas ay para bang wala akong narinig. Para bang hindi ko nakita ang pagyakap at paghalik ni Nicka kay Glen.
Back to the normal na ulit. Pag sinabi kong back to normal, it means tanga na naman ako.
Palagi kong kinukulit si Glen. The usual Erish everyday pagdating kay Glen. Palaging may 'good morning' sa school at 'good night' naman sa text. Minsan naman ay nagbabagsak ako ng pick-up lines sa kanya na hinihiyawan ng mga kaklase ko. Happy na sana kaso may epal nga lang.
Sino pa ba? Edi si Nicka.
Spell epal in capitalize letter.
N I C K A
I hate her. Yung tipong bait-baitan sa harap ng marami, pero pagtalikod nila lumalabas ang sungay. Tapos ang arte-arte pa n'ya. Katulad ngayon...
"Where ba kasi si Hendrix eh? Edi sana kami ang partner ngayon. HMP!"
P.E naman ngayon at nandito kami sa quadrangle. Dodgeball ang laro namin ngayon, and by two's ang partners.
Napangiwi ako sabay kapit sa braso ni Josh. S'ya kasi ang partner ko. Wala namang ibang choice, ayoko sa iba. Wala naman si Glen dahil nasa faculty ito, may meeting yata ang SSG. Tsaka alam ko namang eepal na naman si Nicka kaya kay Josh na lang ako, wala pa akong kaagaw.
"Ang arte talaga n'ya."
"Hayaan mo na. H'wag mo na lang pansinin. Papansin 'yan eh."
Itinikom ko ang aking bibig upang h'wag lumabas ang tawa.
"Sir, ang init-init naman. Hindi ba pwedeng sa gym tayo?"
"Ms. Sandoval may practice ng basketball sa gym. Kung gusto mo doon at ayaw mong mainitan dito, sige. Makipagbatuhan ka sa varsity team ng bola."
Malakas na tumawa ang mga kaklase ko. Ako naman ay nagpigil dahil baka mayari na naman ako, like what she always did kapag nakikitang tinatawanan ko ang pagiging palpak n'ya.
Eh nakakatawa naman kasi talaga. Si Sir na ang nagsabi no'n ah, hindi ako.
"Sige na, simulan na. Tatlong pairs na muna." Pumito si Sir.
Naglakad naman sa gitna, sa magkabilang dulo ang magbabato ng bola sa players.
Hinila ko ang dulo ng t-shirt na suot ni Josh. "Josh, una na tayo para matapos na kaagad," pag-aya ko pa sa kanya.
"Sure ka?" Medyo alanganing tanong nito.
"Oo. Tara na!"
"Okay, sabi mo eh."
Naglakad kami papunta sa gitna, kasabay ng dalawa pang pares na makakasama namin.
"H'wag kang lalayo sa akin ah." Josh said.
"Hindi lalayo? Eh paano tayo makakaiwas sa bola?"
"Akong bahala. I got your back, kay?"
May tiwala naman ako sa kanya kaya sige lang.
"Game!" Pumito ulit si Sir senyales na simulan na.
Umabante si Dan na itatapon ang bola kaya napakapit ako sa laylayan ng damit ni Josh. At nang inihagis na nga nito ang bola ay mabilis kaming umiwas, saka tumakbo papunta sa kabila. Gano'n lang ng gano'n ang ginagawa namin hanggang sa nasakap ni Josh ang bola. Mabilis na binato n'ya ito kay Jemuel na s'yang tagabato din ng bola katulad ni Dan. Then, sapol.
1 Point for Team Josh-Erish.
Nag-apir naman kaming dalawa bago tumakbo ulit pakabila. Maganda ang mga sumunod na pagbato ng bola kaya nasasakap iyon ni Josh. Katulad nga ng sabi ni Josh, s'ya ang bahala sa'kin. Kapag napupunta sa gawi ko ang bola, hihilahin n'ya ako palapit sa kanya para maiwasan ko ang bola.
Akala ko nga nanananching lang ang siraulong 'to eh. Pero hindi ko naman iyon makita sa mukha n'ya. Seryoso lang ito sa ginagawa.
At ewan ko kung sadya ba iyon, dahil hindi manlang umiiwas sina Dan or Jemuel kapag binabato pabalik sa kanila ni Josh ang bola. Tumatawa pa nga ang mga ito.
Napangiti ako dahil parang naglalaro lang talaga kami. Larong pambata.
Ang sarap sigurong bumalik sa pagkabata noh? 'Yung tipong maglalaro ka lang. Iiyak kapag nasugatan, pero alam mong gagaling din naman.
Hindi katulad ngayon na, your playing nga but something more than that. You're the player of your own game... Game of love. Hindi mo pa tiyak kung mananalo ka ba o iiyak dahil game over na nga talo ka pa. At mas lalong hindi mo alam kung gagaling ba 'yung sugat at sakit na binigay nito sa'yo.
Hala, humuhugot?
Kalahating oras bago natapos ang first game. Dahil kami na lang ang natira ni Josh, kami ang naging winner sa Batch 1.
Naghahabol ng hiningang bumalik kami ni Josh at naupo sa bleachers malapit sa quadrangle. Pinapanood lang namin ang sunod na players, at kasama doon si Zan dahil partner nito ni Nicka.
Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa itsura ngayon ni Zander. Sa tuwing ibabato kasi ang bola sa kanila ay sisigaw si Nicka tapos hihilahin ang damit ni Zan. Kulang na nga lang ay maghubad na ito dahil malapit ng masira ang suot na t-shirt.
"Kawawang Aguilar. Tsk, tsk, tsk!" Iiling iling pa na wika ni Josh habang nanonood.
"Siguro rinding rindi na si Zan sa kasisigaw ni Nicka. Ang lakas pa naman ng tili, akala mo nakalunok ng mega phone."
Pagkatapos ay tahimik na nanood na lang kami. Tanging ang malalim na paghinga ni Josh ang naririnig ko. Pagod na pagod, eh?!
Kumuha ako ng bottled waters sa bag ko saka ko inabot iyon sa kanya.
"Oh!"
Lumingon naman s'ya at pinagmasdan lamang ang inaabot kong tubig.
"Oh, kunin mo na. Nangangawit na'ko."
Inabot naman n'ya agad iyon. "Thanks!" Saka sinimulan nang inumin.
Kumuha naman ako ng sa akin bago uminom. Ahh, refreshing! Mabuti na lamang at girscout ako. Chour! Actually, si Ella ang nagpaalala sa akin na magdala ng tubig dahil P.E nga namin ngayon. The best talaga ang bespren ko! Kokonti na lang ang mga katulad nila ngayon. And I'm greatful to have her.
"Ang pawis mo, magpunas ka muna."
Inabot sa akin ni Josh ang towel n'ya.
"Eh pa'no ka?"
"Okay lang. Magpunas ka na, baka matuyuan ka ng pawis eh. Magkasakit ka pa."
Saglit na napatunganga ako kay Josh.
He's.... sweet and caring. Sana katulad n'ya si Glen. Pero they're different person kaya dapat na hindi ko sila pagkumparahin. Hindi iyon maganda.
"T-Thanks!"
Nagpunas na ako ng pawis sa noo, mukha at leeg. Pero napatingin ako kay Josh dahil pawis na pawis talaga ito. Kanina sa laro, s'ya ang mas maraming ambag kaya pagod talaga s'ya.
Tumayo ako. At dahil nasa mataas na part kami ng bleachers, may upuan pa sa ibaba na s'yang inaapakan namin, bumaba ako doon. Tumigil ako sa harapan mismo ni Josh kaya nagulat pa ito sa akin.
"Baka matuyuan ka rin ng pawis."
Ako na ang nagpunas ng pawis n'ya sa noo at mukha dahil alam ko namang tatanggi s'ya at ipagpipilitan lang ang gusto.
Napatigil ito sa ginawa ko. Nabigla ko yata. Sorry naman. Makulit s'ya eh.
Habang pinupunasan ko ang pawis sa mukha n'ya, nakatitig lamang ito sa mukha ko. Specifically, sa mga mata ko. Napapitlag ako nang bigla n'yang pigilan ang kamay ko na punasan ang pawis n'ya sa leeg.
"Ako na."
"O-Oo nga, sabi ko nga."
Binigay ko sa kanya ang towel at babalik na sana sa upuan ko kanina nang pigilan n'ya ako.
"Bakit?"
"Upo ka."
"Hah? Oo, uupo na nga ako." Saka ko tinuro ang tabi n'ya na inupuan ko kanina.
"Upo, dito."
Tinuro n'ya ang ibabang bleacher na kung saan ako nakatapak ngayon.
"Hah?"
At dahil hindi ko ginawa ang gusto n'ya, ito na mismo ang nagpaupo sa akin. Pagkatapos ay kinapitan n'ya ang laylayan ng t-shirt ko.
"H-Hoy... Hoy, sandali lang." Nilingon ko s'ya sa likuran ko. "Anong gagawin mo?"
"H'wag ka nang magtanong pa." Hinawakan ako nito sa balikat tapos inayos ng talikod sa kanya. "H'wag kang haharap at gagalaw d'yan, kung ayaw mong makita ko kung anong nasa loob ng damit na suot mo."
Natakot naman ako sa sinabi n'ya kaya steady lang talaga ako. Sinimulan na n'yang iangat ng bahagya ang dulo ng damit ko saka pinasok ang kamay na may towel? Towel?
Hindi n'ya hinayaang lumapat ang balat n'ya sa balat ko and I felt my heart pound with that action. He's so gentle. Kung ibang lalaki iyon, siguro na harassh na ako, pero hindi. Josh is Josh! And O felt secured when I'm with him.
"There, tapos na."
Nilagyan n'ya ng towel ang likod ko. Sweet iyon, oo. Pero hindi ko dapat bigyan ng ibang kahulugan, magkaibigan kami kaya sweet at nag-aalala lang s'ya sa akin.
Really, Erish? Pang FRIENDS lang ba talaga ang galawang iyon. Yah, shattap self.
Tumayo na ako saka bumalik sa pwesto ko. "Thanks!"
Sakto namang dumating na si Zan na halatang pagod na pagod. Hinihingal pa nga ito at konting hampas lang tutumba na.
"ANG PAGOD, PUT*!"
Nga pala, sinong nanalo? Hindi ko na kasi napanood dahil sa pinaggagawa ni Josh eh. Sisihin ko talaga ano?!
"Erish, paabot naman ng tubig sa bag ko oh." Paki-usap ni Zan. Nakahiga na ito sa ibaba habang nasa noo ang isang braso.
"Hoy, tumayo ka nga muna. Mamaya ka na humiga pagod ka pa. Baka umakyat ang dugo sa ulo mo, matigok ka pa d'yan," saway ko dito. Mabilis na bumango at umayos ito ng upo.
Aabutin ko na sana ang bag n'ya sa itaas nang pigilan ako ni Josh.
"H'wag mo ngang utusan si Erish. May kamay ka naman, ikaw ang kumuha," utos nito sa kaibigan.
Hinampas ko s'ya sa braso.
"Aray naman Erish. Bakit nanghahampas ka?" Reklamo nito.
"Hayaan mo na, kawawa naman 'yang kaibigan mo eh. Baka kapag inutusan mo pa, matuluyan na." Inabot ko na ang bag ni Zan saka kinuha ang tumbler nito at towel. Ibibigay ko na sana iyon nang kunin bigla ni Josh ang hawak ko, saka ito na mismo ang nag-abot sa kaibigan. Mukhang hindi nga pag-abot ang tawag doon, dahil hinagis lang nito ang towel at tumbler kay Zan. Mabuti na lang at nasakap ng lalaki.
"Ang salbahe mo talaga. Kawawa na nga si Zan eh, ginaganyan mo pa."
"Salbahe talaga 'yan Erish, kaya kung ako sayo h'wag na h'wag mo yang papatulan," sabi ni Zan na katatapos lang sa pag-inom. Nagpupunas pa ng pawis sa mukha.
"Eh kung ikaw kaya ang patulan ko d'yan?"
"Sungit! May dalaw ka 'no?"
Akmang sisipain na sana ni Josh ang nang-aasar na kaibigan pero pinigilan ko ito.
"Lumayas ka na nga. Panira ka ng araw, hayop ka!"
Tumatawang tumayo si Zan bago sumaludong nagpaalam sa amin.
"Panira talaga ang hinayupak!"
"Salbahe ka naman. Tara na nga!" Tumayo na ako saka sinukbit ang bag ko. Hinintay ko naman s'yang tumayo bago kami sabay na naglakad pabalik sa room.
"Goshhh!!! Sana naman next time sa gym na tayo mag P.E. o kaya nag lagay muna ako ng sunblock."
Reklamo ni Nicka ang inabutan namin sa room. Todo paypay ito sa sarili kahit na tutok naman na sa kanya ang electric fan na nasa wall.
"Alam mo, next time h'wag ka na lang sumali sa P.E kung puro ka lang reklamo."
"Are you suggesting, Bianca? Oh, that's good. Next time gagawin ko 'yan. GOSSSHHHH! I hate this!"
Napailing-iling na lang ako saka dumiretso sa pwesto ko.
Nakakapagod!
"Meryenda tayo." Pag-aya ni Josh nang maibaba nito ang bag sa upuan n'ya. Tamad na tumingin naman ako dito. "Ah, nevermind. Dito ka lang, ako na ang bibili ng meryenda natin." Saka ito naglakad palabas ng room.
Pagod na ibinagsak ko ang ulo sa lamesa tsaka pumikit.
Sana matapos na ang araw na ito para makauwi na ako. Gusto ko nang mahiga sa malambot at comfy kong kama.
"WHERE'S JOSH?"
Napaangat ang ulo ko nang marinig ang nagtatanong na boses ni Glen.
"Where's Josh?" Ulit na tanong nito, na sa akin ang tingin.
"Ahmm..." Umayos ako ng upo. "Nasa caf—"
"I'm not talking to you."
Napatanga ako sa kanya. Naka-awang ang bibig na nanlalaki ang mga mata.
"Nakita n'yo ba si Josh?" Tanong nito pero this time ay wala na sa akin ang tingin.
"Lumabas. Bibili yata ng meryenda nila ni Margaux." Si Bianca ang sumagot.
Kahit tulala at hindi agad naproseso kung anong nangyari, hindi pa rin nakaligtas sa paningin ko ang pag-igting ng panga ni Glen.
At nang makalabas na ito ay doon lang nagproseso sa utak ko kung anong sinabi n'ya.
Inis na napatayo ako sa kinauupuan.
He's not talking to me naman pala, EH BAKIT SA AKIN NAKATINGIN? Gague lang? Paasa? Nang-aasar ba s'ya.
Pinahiya ako ng gague. Syempre, sasagutin ko 'yung tanong n'ya dahil sa akin s'ya nakatingin eh. Malay ko ba, aakalain ko bang hindi pala ako ang kausap. Kung sa iba s'ya nakatingin, for sure hindi naman ako magbabalak na sumagot. I'm tired for goodness' sake, tapos gaganunin lang pala ako.
Gague ba s'ya?
"Damn you, Glen Hendrix De Chavez. GGGRRRRR!" Nang-gigigil na nagpapadyak ako.
Nakarinig naman ako ng mapang-insultong tawa mula sa gilid. Nanlilisik na binalingan ko si Nicka na s'yang tinatawanan ako.
Bwesit talaga ang lalaking iyon.
Isa pa ang babaeng ito. Pinag-iinit nila ang ulo ko.
"Ang funny no'n, promise. HAHAHAHAHA! Minsan kasi h'wag mag assume, masakit."
"EPAL!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top