CHAPTER 33

CHAPTER THIRTY-THREE

AT TAMA nga ang hinala ko. Pagdating n'ya sa rooftop ay mabilis na tumakbo agad ito palapit sa akin, para yakapin ako ng mahigpit.

"M-Margaux..." Namamaos ang boses na tawag n'ya sa akin. Narinig ko na rin ang mahihina n'yang paghikbi. Hinagod ko naman ang likuran n'ya para patahanin s'ya sa pag-iyak.

"Tahan na."

Pero mas lalo lamang lumakas ang kanyang pag-iyak. Na kahit ako ay naiiyak na rin.

Kilala ko s'ya bilang isang happy go lucky na babae. Minsan ko lang sya nakitang umiyak at iyon ay noong mga bata pa kami. Naglalaro kami ng hinabulan tapos nadapa sya at nagkasugat sa tuhod. Pagkatapos 'non hindi ko na ulit sya nakitang umiyak, dahil para sa kanya mahina ang babaeng umiiyak.

Ngunit minsan, hindi ibig sabihin pag-umiyak ka mahina ka. Dahil minsan kailangan din nating umiyak para mailabas ang sakit na nararamdaman natin. Pero hindi ibig sabihin 'non malulugmok na tayo. Kailangan pagkatapos mong ilabas lahat ng sakit, iyon ang gawin mong lakas upang bumangon muli at magpatuloy.

"Iiyak mo lang yan, tapos tama na ah. Mamumugto lang mga mata mo. Ayaw mo namang pumangit, diba?" Naramdaman ko ang kanyang pagtango bilang sagot.

Ilang segundo lang kaming nasa ganoong posisyon. Mahigpit na nakayakap sya sa akin habang hinahaplos ko naman ang kanyang likod para pagaanin ang kanyang loob. Nang tumigil na sya sa pag-iyak ay kumalas na sya at pinunasan ang pisngeng basa ng kanyang luha.

"Tell me! Alam mo namang handa akong makinig sa lahat ng rant mo, diba?"

May pag-aalinlangan kung sasabihin ba nya pero sa huli ay nagkwento pa rin sya.

Gagaan ang loob ng isang tao kapag nailabas o naikwento nya sa iba ang bigat na nararamdaman nya. Mas bibigat lang ang kanyang loob kung mag-isa n'yang kikimkimin ang problema.

What friends are for 'ika nga diba?

"N-Narinig ko kasi sina Mom at Dad kagabi. May pinag-uusapan silang dalawa. Hindi ko na sana papansinin dahil baka about lang sa trabaho, pero nang bigla na lamang sumigaw si Mom ay nagulat ako. Pilit akong sumilip sa nakaawang na pintuan ng kwarto at nakita kong nagtatalo silang dalawa. First time kong makita na magalit si Mom kay Daddy. Kahit kailan hindi ko pa narinig o nakitang magtampo sya kay Dad, ang mag-away pa kaya?! Pero kagabi, galit na galit si Mom kay Dad."

Tahimik lamang ako habang nakikinig.

Sa aming dalawa, sya ang may masaya at perpektong pamilya. Hindi sa sinasabi kong hindi masaya ang family ko, ang gusto kong sabihin is... Naririyan palagi sina Tito at Tita para kay Ella. Hindi ko pa nalaman na kumain mag-isa si Ella. Palagi silang magkakasabay sa hapag kainan. At palagi ding namamasyal ng buo ang pamilya. Hindi naman kasi palaging busy ang mga magulang nya kaya may oras ang mga ito sa nag-iisang anak...

Unlike me.

Nag-iisa lang din akong anak nina Mom at Dad pero minsan ko lang sila makasabay sa pagkain, mapa-almusal man o hapunan. Palagi silang busy sa trabaho.

Minsan nga naiinggit ako kay Ella dahil palaging may oras sa kanya ang kanyang parents. Pero iniisip ko na lang na para sa akin din naman ang ginagawa ng mga magulang ko. They just want to give me a good life in the future.

"Tapos... tapos..." Nangingilid na naman ang mga luha nito. "Tapos narinig ko ang pinag-aayawan nila ay tungkol sa babae ni Daddy. Margaux, may kabet si Daddy. Niloloko ni Daddy si Mommy."

Bigla ko syang niyakap. Umiiyak na naman sya ngayon.

Alam kong masakit malaman ang katotohanan, pero mas masakit para sa isang anak na malaman na baka posibleng magkalamat ang masayang pamilyang iningatan nila.

"Akala ko perpekto ang pamilyang meron ako. Akala ko the best parents na ang meron ako. Pero hindi ko akalain na yung imposibleng manyari pa ang gagawin ni Daddy. Hindi pumasok sa isip ko na magloloko sya. Na sasaktan nya si Mommy. Dahil simula ng magkamalay ako ay nakita ko na ang matibay na relasyon nila."

Ngayon ko napatunayan na kahit gaano pa kamahal ng dalawang tao ang isa't isa, hindi pa rin maiiwasan ang magtaksil ng isa. Darating pala talaga yung oras na matutukso at makakalimutan na ng isang tao ang pagmamahal nya para sa kanyang asawa. At ang mga masasaya at hirap na pinagsamahan nila ay tila naging isang kandila na unti-unting natutunaw.

Ayokong mangyari iyon kina Mommy at Daddy.

"Margaux ayokong iwan kami ni Daddy para lang sya kabet nya. Ayokong mawalan ng ama. Ayoko!" Umiiyak na umiiling si Ella habang nakatingin sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang sakit at bigat na kanyang nararamdaman.

"Hindi mangyayari iyon Ella. Manalig ka sa Diyos. Lahat ng ito ay may dahilan. Mahal kayo ni Tito. Hindi nya gagawin iyon. Baka natukso lamang sya o di kaya ay inakit lang nong babae. Huwag ka munang mag-isip ng ganyan. Sa ngayon makiramdam ka muna sa inyo. Tsaka kailangan mo munang magpahinga. Pagod ka na sa pag-iyak."

Tumango naman sya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

Inalalayan ko syang makatayo hanggang sa makababa na kami ng rooftop.

"Bespren, sana walang ibang makaalam nito. Mananatiling lihim ito ng pamilya namin. At hanggang maaari ay pananatilihin kong buo ang pamilyang meron ako. Hindi ko hahayaang tuluyang sirain ng babaeng iyon ang relasyon ng magulang ko."

"Don't worry, bespren. Palagi namang safe lahat ng secrets mo sa'kin eh. You can trust me okay?"

Ngumiti sya ng matamis sa akin. "Maraming salamat bespren. Alam mo namang sayo ko lang kayang sabihin lahat ng hinaing ko sa mundo, diba? At masaya akong ikaw ang naging bestfriend ko. Nagmana talaga ako sayo, pareho tayong pretty."

Ayan, nagbabalik na sya. Marunong na ulit syang mambola. Masaya ako dahil gumaan na ang pakiramdam nya dahil nakakangiti na sya.

"Hindi ka na kaya pretty. Look at your eyes, namumugto na namumula pa. Ayan, iyak pa."

Sumimangot naman ito. Natawa lang ako sa kanya.

"Just kidding! Halika na nga, dalhin muna kita sa clinic para makapagpahinga ka doon. H'wag ka na munang umattend ng klase, wala rin naman kasing klase."

Pagkatapos kong ihatid si Ella sa clinic ay nagpaalam na rin ako. Bawal kasi ang tambay sa loob lalo na kapag wala ka namang sakit.

Babalik na lang ulit ako sa room kahit naiimbyerna akong makita si Glen.

Pero pagdating ko doon ay walang ibang tao sa loob, maliban na lang kay Josh. Nakadukmo pa rin ang ulo nito sa ibabaw ng kanyang dalawang dalawang braso na nakapatong sa mesa.

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Siguro nasa cafeteria ang mga kaklase namin. Boring kasi dito sa room.

Lumapit ako sa table namin. Hindi naman nahalata ni Josh ang pagdating ko dahil nanatili pa rin ito sa kanyang tayo. Puyat na puyat ba sya? Para kasi syang lantang gulay eh. Walang ka ener-energy sa umaga.

Gigisingin ko na sana sya nang mapatingin ako sa bandang likod. May mga locker doon na pinaglalagyan namin ng iba naming gamit, para hindi na kami magtungo sa locker namin na nasa may hallway.

May nakasandal doong guitar case na black. At alam ko na agad na kay Josh ang gitarang iyon.

Hindi naman siguro sya magagalit kung hihiramin ko saglit, diba? Practice lang ako mag-gitara. Matagal na din kasi akong hindi nakakahawak 'non. At hindi ko alam kung marunong pa ba ako.

Yep, nag-gigitara na ako Grade 6 pa lang. At halos tatlong taon na rin akong hindi nakakatugtog.

Kinuha ko iyon ng hindi nakakagawa ng ingay. Nilabas ko ang gitara ng maingat at dahan-dahan. Baka kasi magasgasan ng wala sa oras, pagbayadin pa nya ako. Hinila ko ang isang high stool para umupo doon bago ko sinimulang kalabitin ang string ng gitara.

♫︎♫︎♫︎
Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try

Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway
♫︎♫︎♫︎

Hindi malakas at hindi rin mahina ang boses ko, pati na rin ang pagtugtog ng gitara. Tama lang para marinig ko ang aking pagkanta.

Baka kasi maya-maya ay bigla na lang magising si Josh. Sabihin pa nitong pinapakielaman ko ang kanyang gamit ng hindi nagpapaalam.

♫︎♫︎♫︎
Girl I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life

In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song
♫︎♫︎♫︎

Napapikit ako habang kumakanta at patuloy na kinakalabit ang hawak na gitara. Damang dama ko kasi ang liriko ng kanta.

Nakaka-senti. HAHAHA!

Marahan ko ring sinasabayan ng pag sway ng aking katawan ang awitin. Feel na feel ko talaga noh?!

♫︎♫︎♫︎
In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye
♫︎♫︎♫︎

Napangiti ako nang matapos ang kanta. Ilang saglit ko pang pinaglaruan ang tunog ng gitara. Pinakulot-kulot ko pa ang tunog na para bang isa akong rock star na nasa ibabaw ng entablado. Nang maalala kong hindi nga pala electric guitar ang hawak ko ay tuluyan ko ng tinapos ang ginagawa.

Baka naputol pa ang string, pagbayarin pa ako ng may-ari.

"Hindi ko alam na bukod sa pagiging martyr sa pag-ibig, may talent ka rin pala sa pagtugtog at pagkanta?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top