CHAPTER 32

CHAPTER THIRTY-TWO

PAGDATING sa classroom ay naramdaman kong nakasunod pala si Glen. Seryoso lang itong nakatingin sa hawak na cup of coffee.

Don't tell me hindi n'ya iinomin iyon dahil ako ang nagbayad? Ang arte naman n'ya kung ganoon.

Nauna na akong pumasok at dire-diretsong naupo sa upuang katabi ng kay Glen. Yep! Balik na ulit ako sa dati kong pwesto. Hindi naman ako nakaangal at maging si Bianca nang pabalikin ako dito ng guro namin.

No choice ako kundi bumalik dahil baka malagyan ako ng absent, dahil wala ako sa aking original na pwesto.

Fourth year naman na kami at lumipat na rin ang classroom. Pero dahil noong first day ay sa upuang katabi ng kay Glen ako naabutan ng bago naming adviser, doon n'ya din ako binabalik. Nakipagpalit kasi ulit si Bianca sa'kin, akala ko naman ay hindi iyon napansin ng guro namain, mali pala ako.

Iba na rin ang gamit naming mesa at upuan. 'Yung dating single chair with armchair na gamit namin, ngayon ay naging mahaba ng mesa. Sa isang mesa may limang high chair. At sa bawat tapat ng upuan ay may maliit na lalagyan ng books at notes sa ilalim ng mesa.

Para kaming nasa science laboratory. Kung anong itsura ng mesa at upuan sa lab ay ganito rin dito. Wala nga lang science equipments at mga imahe ng katawan ng hayop at tao. Creepy iyon malamang!

Muli akong tumingin sa likuran ko pero hindi ko na kasunod si Glen. Saan naman kaya nagpunta 'yun eh magsisimula na ang klase.

"Good morning Erish!" Bungad ni Zan.

"Morning Erish!" tamad na bati naman ni Josh sabay balik ulit sa pagkakadukmo sa mesa.

"Anyare d'yan?" tanong ko kay Zan pagkaupo ko sa upuan.

"Puyat! Nanagip daw s'ya na umamin s'ya sa crush n'ya. Tapos akala daw n'ya panaginip lang pero iyon pala, totoo na umamin s'ya."

"Oh? Kilala mo na?"

Tumango-tango ito. Alam na n'ya kung sino? Hindi naman siguro ako iyon, diba?

"Pero alam mo ba kung sino ang sinabi n'yang crush n'ya?"

"Sino?"

"Si Ivana." Sabay simangot nito.

"Sinong Ivana? Schoolmate ba natin 'yan?"

Humagakhak ito ng tawa sabay hampas pa sa mesa. "Si Ivana. Iyong artista." Napairap naman ako sa hangin. Pwe! "Ang gague diba? May pagnanasa yata 'yan kay Ivana eh. Akala ko naman malalaman ko na talaga kung sino pero isa na naman palang kagaguhan."

"Pero alam mo bang may mas gague pa sa lalaking 'yan?"

"Oh? Di nga? Sino?"

"Si—"

Napatingin kaming dalawa ni Zan kay Glen na nagtungo sa basurahang malapit sa may pinto ng room. May maliit na bagay na inihulog ito sa trash can. At kahit malayo ito sa amin ay nahulaan ko agad kung ano iyon.

Tila may karayom na tumusok sa dibdib ko dahil sa nakita.

Tinapon ni Glen ang gamot para sa hangover na binigay ko sa kanya. Pumasok ito sa pinto na para bang walang ginawa. Na para bang walang kwentang bagay lang n'yang itinapon ang binigay ko.

Naglakad ito papunta sa mesa namin. Habang umiinom ng kapeng galing sa Starbucks. Hawak naman ng isa nitong kamay ang binayaran kong black coffee kanina.

At talagang hindi nito ininom ang kapeng binayaran ko noh? Mas pinili pa nitong bumili or magpabili ng ibang kape, at talagang Starbucks pa.

Edi s'ya na ang sosyal.

Tsaka, kitams?! Sya ang isa pang halimbawa ng salitang gague.

Biglang nagbago ang mood ko.

"Hoy, Erish! Sino na nga ulit 'yung tinutukoy mo?"

"Nevermind!"

Alam kong nagtaka s'ya sa biglang pagbabago ng mood ko. Pero wala akong pake. Nakakainis ang gague n'yang kaibigan.

Lihim na sinundad ko ng tingin ang bulto ni Glen hanggang sa makaupo na ito sa tabi ko. Napatingin ako sa hawak n'yang kape. Nilapag nito iyon sa harapan ni Josh na s'yang nasa tapat n'ya. Naramdaman naman yata iyon ng lalaki kaya umangat ang ulo nito. Mapupungay ang mga matang tumunghay si Josh sa kaibigan.

"Ano?"

"Kape."

Tuluyan nang bumangon si Josh mula sa pagkakadukmo sa mesa. Nag-inat muna ito bago umayos ng upo.

"May lagnat ka ba bro? Baka naman may gayuma 'to ah." Natatawang sabi ni Josh saka kinuha ang kapeng binigay ni Glen.

Nanlaki ang mga mata ko. Talagang ibibigay n'ya sa iba iyon? Bakit? Dahil ba ako ang nagbayad? I'm just being a good samaritan here. Alangan namang pabayaan ko s'yang manggulo sa coffee shop at awayin ang tindera kanina.

PSH! Badtrip!

"Eh ako? Wala?" Tanong naman ni Zan.

"H'wag ka na daw. Tamang tama 'to para sa antok ko. Thanks bro!" Binuksan na ni Josh ang takip ng baso saka sinimulang inumin ang kape.

"Don't mention it. Actually, hindi naman talaga ako ang nagbayad n'yan kaya no worries."

Muntik nang maibuga ni Josh ang kape sa mukha ni Zan, mabuti na lamang at nakaiwas ito.

"WHAT?"

Tengene! Gulat na gulat?

"Sino nagbayad nito? So hindi 'to galing sayo? Baka isa sa mga baliw mong fangirl 'to galing ah. Tapos nilagyan ng gayuma. Tangin*!"

Gusto ko sanang batukan ng mga sampo si Josh dahil sa pagiging o.a nito pero ayaw ko namang mahalata na ako ang nagbayad 'non. Saka bakit ba big deal iyon para sa kanila. At anong tingin n'ya sa'kin, babaeng desperada na kailangan pang idaan sa gayuma ang lahat? NO WAY!

Mas lalo lamang nawala ang mood ko. Nakakainis!

"It's someone.... someone you really knew."

"Hhmmm... nacucurious tuloy ako. Hindi kaya...." Biglang napatingin sa akin si Josh. May nakalolokong ngiti ito sa labi habang pinapasadahan niyon ng kanyang daliri.

Kahit si Zan ay tila nakahalata na rin.

Bwesit!

"What?" Pagtataray ko. "Anong tinitingin-tingin n'yo dyan? Eh ano naman kung ako ang nagbayad ng kapeng iyan? Nakakahiya naman kasi sa kaibigan n'yong nagpakalasing eh hindi naman pala kaya. Tapos bibili ng kapeng wala naman palang pera. Ayun, nang-away pa ng tindera."

Mukhang nagulat naman sila sa sinabi ko. Kahit si Glen na nakatingin lang sa hawak na kape ay napatingin na rin sa akin ng may pagtataka.

"How did you know that I was drunk last night?" Takang tanong ni Glen sa akin.

Hindi rin pala s'ya manhid, makakalimutin na rin.

"Hindi mo ba talaga alam kung bakit? Wala ka bang naaalala kagabi?"

Narinig ko ang pagsinghap ng dalawa. Parehong naka-awang kanilang mga labi na para bang may binulgar akong isang malaking kasalanan.

"What are you talking about?"

"Hindi mo ba talaga naaalala kung paano ka pumunta sa bahay kagabi? Nagtaka ako kung bakit ka naroroon pero pinapasok pa rin kita sa loob, lalo na at malamig sa labas. Hindi naman kita kayang iuwi dahil masyado ng gabi that time. Kaya..."

"Kaya?" Si Josh at Zan ang nagtanong.

"Kaya doon na lang kita pinatulog. Particularly, in my room. Nalaman ko rin na lasing ka dahil kung anu-ano na ang pinagsasabi mo. And..."

"And?" Yung dalawa na naman ang nagsalita.

"And... And you kissed me. Tinulak kita pero ayaw mo. Nanlaban ako pero mas malakas ka sa akin. Wala akong nagawa at nangyari nga ang hindi natin inaasahanna mangyari." Tumungo ako kasabay ng pekeng paghikbi.

Lihim na napangisi ako. BWAHAHAHAHA! Ang talent ko sa pag-arte ay wala pa rin kupas. Tho, may katotohanan naman ang sinabi ko maliban na lang sa kissing part. Well, it's part of the acting.

"WHAT THE HELL?"

Gulat na napatayo ito. Nag-angat ang paningin ko na sana hindi ko na lang ginawa. Nanlilisik ang mga matang ipinukol iyon sa akin ni Glen. Kuyom ang kamao nito na tila ba galit na galit sa sinabi ko.

Ang o.a naman nito.

"DON'T MAKE ME LAUGH ANNOYING GIRL! Alam na alam nating pareho na hindi kita papatulan, kahit pa ikaw na lang ang nag-iisang babae sa mundo. Tapos sasabihin mong may nangyari sa'ting dalawa? Are you kidding me?"

Para akong binuhusan ng asido sa pwesto ko. Napatingin ako sa buong room dahil sa ilang tawanan at bulong-bulungan ng mga classmates naminh nakarinig niyon.

Muli kong ibinalik ang tingin sa kanya. Ngumiti ako ng mapait sa harap n'ya. Ngiting para bang kumain ako ng purong kape na walang asukal at hindi tinimpla.

Ang bitter kasi eh.

"OO NA! Oo na! I lied sa part na hinalikan mo'ko. Bakit? Masama na bang mangarap? Masama na bang magbakasakali? Masama na bang umasa kahit konti lang? Masama na ba? At iyong sinabi mo, alam ko naman iyon eh. Alam ko naman na kahit kailan, kahit ako na lang ang natitirang babae dito, hinding hindi mo pa rin ako mapapansin o magugustuhan. Tanggap ko naman eh. Pero nakakainis dahil kahit anong gawin kong iwas, bakit naririyan ka pa rin?"

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Sumabog na iyon dahil punong puno na ako. Pasalamat na lang dahil hindi pa dumadating ang teacher namin sa first subject.

"Bakit kailangan mo pang guluhin ang puso ko? Bakit kailangan mo pa akong paasahin, kung sa bandang huli gagawin mo din naman pala akong tanga. Tanga na patuloy na umaasa sayo. Bakit kailangan mo pang pumunta sa bahay kagabi para lang ipamukha sa akin na hinding hindi ako magiging si Nicka, ang babaeng nanakit sayo na hanggang ngayon naririyan pa rin sa puso mo."

Nakarinig ako ng mga pagsinghap sa paligid. Mas umingay din ang mga bulong-bulungan.

"Sabagay, hinding hindi naman talaga ako magiging si Nicka. Dahil hindi ako sya at hindi ako katulad n'yang manggagamit at manloloko. Ako si Erish at hinding hindi magiging sya. GETS MO BA? O baka naman gusto mo pang isupalpal ko sa mga mata mong bulag sa nakaraan ang birth certificate ko?"

Hindi ito kumibo at nagsalita. Kahit nga sina Zan at Josh ay natameme din. Wala eh! Sinagad na n'ya ang pasensya ko. Kaya ayan, nakita nila kung paano ako magalit.

Nawalan na ako ng gana. Kinuha ko ang bag ko saka lumabas ng room. Mag ditch na lang ako, tutal naririto na rin lang naman ako. Minsan lang naman ito eh.

Nagtungo ako sa bench. Kinuha ko ang aking phone saka tinawagan si Ella. Ilang ring pa lang naman ay sinagot na nito ang tawag. Mukhang wala din silang teacher.

"Hello?" Malumanay na sagot n'ya sa kabilang linya. Agad naman akong nagtaka dahil hindi s'ya ganito. Ang kilala kong Ella ay alive na alive ang mood. But this time, hindi. Alam kong may problema s'ya.

"Ella? May problema ka ba?"

"Hah? Problema? Bespren wala, wala. W-Wala akong problema, ano ka ba."

Alam kong nagsisinungaling lang s'ya. Alam kong pinapasigla nya lang ang kanyang boses para hindi ko mahalata. We've been bestfriends when we're still young, kaya alam ko na ang likaw ng kanyang bituka. Alam ko kung kailan sya may problema at kung kailan kailangan nya ng isang kaibigan.

"Mag-usap tayo. Kita tayo sa rooftop. ASAP!"

Aangal pa sana ito pero pinatay ko na ang tawag. Wala syang magagawa kundi makipagkita sa akin at magkwento. Alam nya kasing kapag hindi sya sumunod sa sinabi ko, kukulitin ko sya ng kukulitin hanggang sa sumuko na sya at sabihin na ang kailangang sabihin.

Malalim na hininga ang pinakawalan ko bago tumayo. For the meantime, kalilimutan ko muna ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ni Glen kanina sa room.

Sa ngayon, si Ella muna ang dadamayan ko. Dahil alam kong kailangan nya ako sa mga oras na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top