CHAPTER TWENTY-SIX
DINALA ako ni Josh sa may railings ng veranda. Mahangin dito at presko kaya hindi nakakalula ang taas ng building.
"S-Sino si Nicka?" Hindi ko mapigilang tanong kahit na may ideya na ako kung sino ito.
Pareho lamang kaming nakatingin ni Josh kay Glen. Tahimik na ito ay nakadukmo na sa mesa. Hindi na rin ito nagtatapon ng mga boteng mahawakan nya. Si Zander naman ay naka-alalay dito dahil baka atakihin na naman ng kalasingan at magwala na naman.
Wala namang reklamo si Zan at mukhang sanay na ito sa kaibigan. Naka-tayo lamang ito ay may paminsan-minsang iinom ng beer.
"Kung natatandaan mo pa, napagkamalan ko na ikaw si Nicka. Sa caffe, unang beses kong nalaman ang pangalan mo. Ang alam ko lang kasi ay ikaw 'yong may gusto kay Glen noon. HAHAHA! Kaya akala ko talaga ikaw si Nicka."
"Hah? Kailan 'yon? Bakit hindi ko maalala?"
"Ikaw yata ang matanda sa'ting dalawa eh."
"Ahh, ewan! Basta di ko na matandaan. So, tapos?"
"Hindi ko alam kung anong tunay na nangyari kung bakit naging ganyan ulit si Glen, pero may kutob ako na tungkol na naman ito kay Nicka. At alam ko rin..."
Tumingin sa akin si Josh.
"Na may alam ka na. Tama ba ako, Erish?"
"So, sino nga si Nicka? At ano s'ya ni Glen? Bakit ganyan na lang ang reaction n'ya ng makita ko ang picture nila ni... Nicka."
"Tama nga ako, na may alam ka na."
"Kanina ko lang nakita ang picture nila. Pinasok ko ang kwarto ni Glen dahil hinahanap ko ang phone ko at... Hindi ko sinasadyang makita ang nakataob na picture frame. Aayusin ko na sana iyon nang makita ko ang naroroon. Sakto namang dumating bigla si Glen at naabutan ako."
"Kaya pala. Kaya pala galit na galit ito, dahil natuklasan mo na ang nakaraang matagal na n'yang gustong kalimutan at iwan."
"Bakit?"
Isinandal n'ya sa railing ang dalawang siko habang nakatanaw sa ibaba ng kinaroroonan namin.
"Its been three or four years since nakipaghiwalay sa kanya si Nicka. Since we we're child magkakakilala na kaming tatlo at kilala na rin namin ang isa't isa. Dati pa namang masungit at hindi palaimik si Glen, but when he meet Nicka? Nagbago ang lahat. Natuto itong ngumiti at makisalamuha sa iba."
She's really something. Napaamo nya ang isang Glen De Chavez but, she also made him back to his old self. At iyon ang pagkakamali na kanyang ginawa.
"Bakasyon noon. Napagkasunduan naming tatlo na sumama pabalik dito sa pilipinas para naman makabakasyon kami dito ng matagal-tagal. At doon naman nalaman ang tungkol sa Dungeon Cave sa kabilang Villa. Nagyaya ako na pumunta doon para pasukin ang nasabing kweba. Nagkahiwala-hiwalay kaming tatlo at nang makarating kami sa dulo naabutan na lang naminsi Glen na may kasama. Babae ito at nagpakilalang Nicka. Mabait at mahinhin si Nicka. Masayahin, maganda at matalino. Ilan sa mga katangiang hinahanap ni Glen sa isang babae. Marami din silang similarities kaya nagkakasundo sila hanggang sa magkagustuhan nga."
Nakikinig lamang ako sa kanya habang nakatingin sa magandang tanawing nasa harapan namin.
"At dahil we based in Korea tuwing bakasyon lamang sila nagkikitang dalawa. Palaging face app at online lamang sila nag-uusap pero hindi iyon naging dahilan para masira ang pagmamahalan nila. Ang pagkamiss at love nila sa isa't isa ay naging pundasyon nila upang tumatag ang kanilang relasyon. Pero..."
Doon na ako napatingin sa kanya.
"Dumating ang uportunidad kay Nicka na makapunta ng ibang bansa para sa pangarap nitong maging sikat na modelo. Nakipaghiwalay sya kay Glen sa kadahilanang minsan lamang daw dumating ang ganoong uportunidad kaya mas pinili nito ang magandang career kaysa kay Glen. Lahat naman ay gagawin ng kaibigan namin para sa kanya, hindi nito pipigilan ang pangarap ni Nicka but, hindi nya napigilan ang babae na makipaghiwalay. Mas nanaig ang pangarap ni Nicka kaysa sa pagmamahal nya."
Napatingin ako kay Glen na natutulog na sa mahabang upuan. Naiinggit ako kay Nicka at the same time ay nagagalit. How can she do that to the guy na nagmamahal sa kanya? Pwede naman nyang huwag na lamang hiwalayan si Glen habang tinutupad nya ang kanyang pangarap, diba?
She's a selfish bitch!
Hindi manlang nya naisip ang feelings at mararamdaman ni Glen sa desisyon nya. Sya lang ba ang nasa isang relasyon? Mabubuo ba ang isang relasyon kung wala si Glen?
Ang tanga nya! Pinakawalan nya ang lalaking pinakahahangad ko. Pero nagpapasalamat pa rin ako na ginawa nya iyon, dahil kung hindi? Hindi ko makikilala si Glen.
"At dahil mahal na mahal ni Glen si Nicka, kahit pa sabihin mga bata pa sila at marami pang darating na iba. Mas pinili nya pa rin si Nicka. Sumunod sya sa Paris para puntahan si Nicka pero nagulat kami ng bumalik din sya agad. Doon na namin nakita ni Zander na mag-lasing at magwala si Glen. Nang humupa ang galit nya, sinabi nya sa amin ang dahilan."
"A-Anong dahilan?"
"Dahilan kung bakit totoong nakipaghiwalay si Nicka sa kanya. Ginamit lang nito ang pangalan ni Glen upang makatanggap ng schoolarship abroad. Dahil maimpluwensya ang mga De Chavez nagawa ni Nicka iyon ng walang kahirap-hirap. At nang makuha na ang nais ay nakipaghiwalay na ito sa kanya at ginamit lang na dahilan ang pagpunta nya sa ibang bansa. She's a user and a bitch gold digger. At noong sinundan sya ni Glen sa Paris doon nalaman ni Glen na may iba na itong boyfriend at nalaman din nya na ginamit lang sya nito."
Tumaas ang dugo ko sa nalaman. Tengeneng babae iyon. Manggagamit lang pala.
Ang galing nya hah!
"Kaya bumalik si Glen dito sa Pilipinas upang makalimutan ang mga nangyari. Nicka migrate in France and stay there for good. Syempre hindi kami mawawala, kasama kami ni Zan na kanyang right and left arm na bumalik dito sa Pilipinas. Bumalik sa dati si Glen, iyong dating hindi ngumingiti at walang pake sa paligid n'ya. Minsan pa nga nagkakainitan si Zan at Glen dahil sa pagiging cold nito. Pero mukhang natauhan yata ang mokong kaya medyo nawawala na ang pagiging mainitin ng ulo, masungit at palaging naninigaw."
Tumingin sa akin si Josh. Medyo matagal ang pagkakatitig nito sa mukha ko na tila pinag-aaral bawat parte ng aking mukha.
"Ngunit nang trumansfer kami sa Eastwood High at nakilala ka namin, para kaming binuhusan ng malamigna tubig. Kamukhang kamukha mo si Nicka, Erish. Akala nga ni Glen ay bumalik ulit dito si Nicka at sinusundan s'ya, pero nang makilala namin kung sino ka, we've wrong. Ibang iba ka sa kanya. Pero dahil malaki ang impact kay Glen ng itsura mo, pinagtatabuyan at sunusungitan ka n'ya. Dahil naaalala n'ya ang masasayang memories na pinagsamahan nila ni Nicka at higit sa lahat bumabalik sa kanya ang sakit at galit na matagal na n'yang ibinaon sa limot. Pero nang makilala ka n'ya, unti-unting bumabalik ang mga iyon."
"Ngayon alam ko na kung bakit galit at ayaw na ayaw n'ya sa akin. Dahil sa mukhang ito." Natawa ako ng mahina. "Bakit ba kasi naging magkamukha pa kami? Ang malas naman!"
"Kaya siguro nangyayari ito ay dahil may dahilan. Ngayon, napagtanto ko na hindi pa lubusang nakakalimutan ni Glen ang lahat."
At ang sunod n'yang sinabi ay nagbigay ng kirot sa dibdib ko.
"And he's not completely over with his feelings for Nicka. May pagmamahal pa ring nakakubli sa puso nito para sa dalaga."
Nagulat ako nang maramdaman kong hinawakan ako ni Josh sa balikat.
"Alam kong nasasaktan ka pero baka hindi talaga si Glen ang para sa iyo, Erish. Masasaktan ka lang at patuloy na masasaktan kapag nagpatuloy ka pa."
"Alam ko, pero tanga ang puso ko. Kahit anong gawin kong pag-iwas, s'ya pa rin talaga. Oo, gustong gusto ko nang huwag s'yang mahalin pero anong magagawa ko, hindi ko kayang pigilan ang puso ko na huwag tumibok para sa kanya."
Mainit na likido ang dahan-dahang tumutulo mula sa aking mga mata pababa sa aking pisnge.
Umiiyak na pala ako.
Mahihinang hikbi ang pinakawalan ng aking labi. Sobrang ganda ng moment dahil bigla na lamang may tumugtog na isang awitin para sa mga malulungkot, nasasaktan at broken.
Hayuf na background music 'yan!
Isang mahigpit na yakap naman ang lumapat sa katawan ko. Yakap na kailangang kailangan ng katulad ko, lalo na ngayong sobrang bigat ng nararamdaman ko.
"Diba sabi ko sayo ayaw na ayaw kong nakikita kang umiiyak?"
"Tumalikod ka na lang para hindi mo makita." Usal ko sa gitna ng aking mga paghikbi.
"Erish naman eh! Nagawa mo pa talagang magbiro." Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng kanyang kamay sa likuran ko. "Your eyes is precious but, seeing your smile is more precious for me. Tahan na, alam kong mas gumaganda ang isang babae kapag umiiyak pero, mamamaga lamang ang mga mata mo pagkatapos kaya h'wag ka ng umiyak. Papangit ka lang n'yan eh."
Natawa naman ako sa sinabi nya. "Ayaw mo ba akong pumangit?"
"Eh bakit ikaw, gusto mo ba?"
Umiling ako. "Hindi!"
"Oh, diba?! Edi h'wag ka ng umiyak. Baka sabihin lang ni Zan kapag nakita tayo dito may something nang namamagitan sa atin."
Bigla na lamang akong kumalas mula sa pagkakayakap n'ya. Pinahid ko ng aking palad ang aking basang pisnge dahil sa tumulong mga luha. Kung makayakap naman kasi eh. Napangiti naman ako dahil kahit papaano ay gumaan ang nararamdaman ko. Mas nagkaroon ako ng lakas na ipaglaban ang feelings ko para kay Glen.
Hindi ako papayag na until now ay mahal pa rin n'ya ang walanghiyang babaeng iyon.
Psh! She don't deserve a guy like Glen.
"S-Salamat ah! Dahil medyo nawala ang bigat sa dibdib ko. Salamat dahil palagi ka na lang nand'yan kapag kailangan ko ng masasandalan."
"Ayaw mo ba 'non? Nakakayakap ka ng sexy at hot na katulad ko. So don't mention it, Baby!"
Napangiti ako sa kakengkoyan ni Josh. Kaya hindi s'ya nakakaboring na kasama dahil kahit nasa kalagitnaan kayo ng iyakan ay may gana pa s'yang mag-joke.
"Ewan ko sayo!" Sumisinghot-singhot na turan ko. "Puntahan na natin 'yung dalawa. Mukhang si Zan naman yata ang may balak umubos ng alak n'yong dala eh."
BINUHAT 'nong dalawa si Glen papasok sa loob ng suit. At dahil mahirap buhatin ang taong lasing paakyat ng ikalawang palapag papunta sa kwarto, sa guest room na lamang na nasa first floor pinasok ng dalawa ang lasing na lasing na si Glen.
"Paki-palitan n'yo muna 'yang kaibigan n'yo ng maaliwalas na damit. Alangan naman kasing ako ang magpalit sa kanya, diba?!"
"Bakit hindi?" Nakangising wika ni Zander.
"Pakyu!"
"Eto naman hindi na mabiro. Baka lang kako maka-lusot. Alam ko naman na may pagnanasa ka sa kaibigan namin eh—este sabi ko nga papalitan ko na ng damit. Labas ka muna, o baka gusto mong panoorin?"
Pinanlakihan ko s'ya ng mga mata. Hindi pa naman ako manyak para pagnasaan si Glen kahit na inaakit ako ng suhestiyon ni Zander.
Pagkatapos palitan ng dalawa ang kaibigan ng maaliwalas na damit ay lumabas na ang mga ito ng kwarto. Maglilinis pa kasi ang mga ito sa rooftop dahil sa nagkalat na bote at lata ng alak.
Nagpakuha na rin muna ako ng palangganang may lamang maligamgam na tubig at bimpo, para linisan si Glen na nangangamoy alak na.
"Buti na lang nakatulog ka kahit nakainom ka. Dahil kung hindi baka kung ano pang gawin mo dahil sa kalasingan. Alam mo, kalimutan mo na lang si Nicka. At kung nakikita mo man s'ya sa akin, isipin mong iba ako sa kanya. Dahil kahit kaylan hindi ko gagawin ang ginawa n'ya sayo. Kahit ipagtabuyan mo pa ako palayo hinding hindi na ako aalis sa tabi mo."
Pinunasan ko sya sa mukha pababa sa kanyang leeg at dalawang braso para malinis sya kinabukasan.
"Para namang maririnig mo ako no? Mabuti na 'yon dahil sigurado akong itataboy mo lang ako kung gising ka ngayon."
Nang mapunasan ko s'ya ng basang towel ay pinagmasdan ko muna s'ya dahil may chance pa ako para gawin iyon. Ang gwapo n'ya talaga. Matangos ang ilong, makapal na kilay at mahahabang pilik-mata. Natural na pula din ang kanyang labi na parang ang sarap halikan.
"Dinaig pa ako ng lalaking ito. Wala yatang pangit na makikita dito eh."
Akmang tatayo na sana ako para dalhin sa kusina ang palanggana nang magsalita ito. He murmured something—ah, no 'coz it's someone's name he's calling.
"Nicka..."
Mahina pero malinaw kong nadidinig kung sino ang tinatawag nya.
"N-Nicka—"
Hindi ko na sana ito papansinin dahil baka masaktan lang ako. Tumayo na at at handa nang kunin ang palanggana nang...
Bigla na lamang n'ya hinawakan ang braso ko.
"Nicka don't go, please! Don't leave me here!"
Napatingin ako dito at nakita kong mulat ito habang nakatingin sa akin.
Nakaramdam ako ng inis dahil mukhang malinaw naman ang isipan n'ya at nakikita n'ya pa ako, pero ibang pangalan ang binabanggit nya.
Magkamukha man kami, magkaiba pa rin kami ng pagkatao. Dahil ako? Hindi ako manloloko.
"Hindi ako si Nicka." Umiwas ako ng tingin dito. Pilit na tinatanggal ang kamay n'yang nakahawak sa braso ko.
"Ofcourse!"
Tumaas ang aking kilay sa sagot nya.
"Ofcourse, you're not her! Because... you're my annoying girl."
Kumunot ang noo ko sa narinig. A-Ano?
Tinanggal n'ya ang pagkakahawak sa braso ko para itungkod sa kama. Bumango ito tsaka tumingala sa akin. Namumungay ang mga mata dahil sa kalasingan. Pero alam kong malinaw ang pag-iisip n'ya at alam n'ya kung sino ako at...
Kung anong ginagawa at sinasabi nya.
"Ibang iba ka sa kanya, dahil kahit anong gawin kong pagsusungit at pagtaboy sa'yo palayo nand'yan ka pa rin. Pero s'ya, pinigilan ko na, nagmakaawa na akong h'wag n'ya akong iwan, umalis pa rin. Pero alam mo 'yong mas nakakatanga?"
Nakagat ko ang ibabang labi dahil nakikita ko ngayon kung gaano s'ya naging miserable noong iniwan s'ya nito. May tumulong butil ng luha sa kanyang mga mata na hindi ko kayang tingnan dahil alam ko na kung anong sunod n'yang sasabihin.
"Please Glen, please! H'wag ka na lang muna magsalita, please—" Pero tinuloy pa rin n'ya ang pagbigkas ng mga salitang nagpadurog sa akin.
"Yung iniwan na ako at sinaktan, pero deep inside inaamin kong mahal ko pa rin."
I hate you, Glen! I hate you because I love you and you loved her.
But I hate Nicka more! Dahil kung hindi n'ya sinaktan si Glen matapos n'ya itong gamitin at paasahin, hindi ito mahihirap ng ganito. At mas lalong hindi n'ya kamumuhian ang mukhang meron ako.
Pero SANA...
Sana minahal na lang din n'ya ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top