CHAPTER 18
CHAPTER EIGHTEEN
PAGDATING ng dinner ay nag-ayang gumimik si Zan. Hindi pa naman kami nagugutom dahil naparami ang kain namin kanina kaya sumama na kami ni Ella.
Its already 8:30 pm kaya madilim na sa labas at bukas na lahat ng ilaw sa buong resort. Its dark outside but that doesn't mean the beauty of the resort can't be seen. Mas lalo ngang gumanda ang buong lugar dahil sa nagkalat na ilaw sa paligid.
Bagay na bagay ang lugar na ito para sa couple na kailangan ng time at panahon sa isa't isa.
The venue and view is so romantic!
We passed by a restaurant. The restaurant here boast a sociable family-like atmosphere with long dining tables and community-style meals. The foods that they're serving looks delicious. Its like a Western and local cuisine, offerings are prepared in the open-view kitchen.
"Oh, laway mo tulo na."
Agad ko naman pinahid iyon sa akalang meron nga pero napatigil na lang ako nang makarinig ng malakas na tawa sa aking gilid. Nanlilisik ang mga matang bumaling ako kay Josh na tumatawa at nakahawak pa sa tiyan nito.
"Nakakainis ka!"
"Nagbibiro lang naman eh. Funny ka talaga."
"Funny?!"
"Funny-walain. HAHAHAHAHA!"
"ARRRGGGHHHH! D'yan ka na nga!"
"Oy... oyyy..."
Inis na naglakad ako ng mabilis para maabutan ang mga kasama namin na nangunguna na. Sumunod naman ito sa akin na tumatawa pa rin pero pinipigilan lang.
Asar!!!
Next to the restaurant is the resort's cosy bar.
Pagpasok pa lang namin sa entrance ng bar ay samu't saring nagaaliwang ilaw na agad ng disco ang sumalubong sa amin. Maingay na tugtugin na talagang mapapaindak ka. At pagdating sa mismong loob ay malulula ka sa dami ng taong nagsasaya, nag-iinoman at nagsasayaw sa ibaba.
We're here in the terrace of the bar. At nasa ibaba naman ang dance floor at ang bar counter na puno ng iba't ibang inoming nakadisplay sa wall.
Hmmm....
Looks like makakatikim yata ako ng alak ngayon ah. Hindi ako pala-inom at mas lalong hindi pa ako uminom ng alak. Pero ngayon? Ngayong gabi? Gusto kong maranasang gawin ang hindi ko pa nagagawa in my entire teenage life.
Hindi naman masamang uminom, diba? Basta huwag lang sobra.
"Woah!"
The bartender doing a amazing routine and tricks while mixing different drinks in the bottle that his holding. Then he expertly pour it in a wine glass. THEN VIOLA~
Namangha ako sa kulay ng alak na nasa wine glass. Its color ocean blue that's really tempting to drink. Inabot nito iyon sa isang babaeng costumer na nakaupo sa stool na nasa counter.
This bar serves a selection of tropical cocktails, hard and light drinks, soft drinks, plus fresh juices and snacks.
Parang gusto ko din 'non....
"Let's go!"
Naunang bumama si Zan kasunod si Glen na prenteng naka-pamulsa.
Noong nasa Korea pa kaya ang mga ito, madalas din sila sa mga bar doon? Mukhang sanay kasi sila sa ganito ka-wild na lugar eh. Hindi ba, bawal ang minor sa ganitong lugar? So, bakit nandito kami?
Minsan lang naman eh, kaya sulitin na.
"Bespren tara na sa baba!!! Gusto ko nang mag PARTY PARTY!!! PARTY PARTY!! WOOHHOOOOOOO!"
Mabilis pa sa alas-kwatro na bumababa si Ella sa gitna ng crowd. Mygash! Do I have to singit-singit pa there? Wala bang ibang daan?
"Hindi ka bababa?" Napatingin ako sa likuran. Nandito pa pala si Josh, mabuti na lang.
Mabilis na kumapit ako sa braso nito. Mukhang nagulat naman ito sa ginawa ko.
"A-Anong ginagawa mo?"
"Pakapit lang. Baka mawala ako eh."
Mahinang tumawa naman ito bago ako hawakan sa bewang. Napaiktad naman akong bigla sa ginawa nya.
"A-Ano ding ginagawa mo?"
"Kinakapitan ka. Baka kasi bigla kang mawala eh. So, tara na?!"
Hindi naman na ako nakaangal pa dahil hinila na ako nito pababa ng hagdan. Nakipagsiksikan kaming dalawa ni Josh sa kumpulan ng mga nagsasayaw. Amoy alak ang buong paligid, mabuti na malang at mabango ang lalaking kasama ko kaya kahit papaano ay hindi ako nahilo.
"Excuse us! Excuse us, excuse us... Padaan na lang buntis po ang girlfriend ko kaya makikiraan kami."
Namilog ang mga mata ko sa winika ni Josh. Napatingin naman sa amin ang ilang babae at lalaking nagsasayaw sa dance floor kaya nakaramdam ako ng hiya sa katawan.
Mabilis na hinatak ko paalis doon si Josh. Nag makarating kami sa kabilang parte ng bar na wala gaanong tao ay agad ko s'yang sinipa sa paa at tuhod.
"AAAHHHH! Ang sakitttttt..... A-Ano na naman Erish? Lagi mo na lang ako sinasaktan."
"At mas masasaktan ka pa sa akin. Wala kang kwentang kasama. HMP!" Inis na iniwan ko s'ya doon at sumunod kina Ella patungo sa isang pabilog na couch.
"Sandali lang, hintayin mo'ko."
"CHEEEE!"
"Order lang ako ng drinks natin ah." Rinig kong sabi ni Zan bago nagtungo sa bar counter para umorder.
Hindi ito katulad ng ibang bar na may waiter na mag-aask sayo kung anong order mo. Ikaw mismo ang kukuha ng order mo sa counter.
Pabagsak na naupo naman ako sa katabi ni Ella. Napatingin ako dito nang makarinig ako ng mahinang tawa.
"What's funny?"
"Oh, kalma! Hindi ako si Josh ah."
"Eh bakit ka nga kasi tumatawa d'yan?"
"Narinig ko kasi 'yong sabi ni Josh kanina. HAHAHAHA!"
"Hindi nakakatawa ah."
Bigla naman nitong ikinuyom ang labi upang pigilan ang tawa. Nakakaasar talaga minsan ang lalaking iyon. Puro kalokohan ang alam. Nakakahiya tuloy, baka akalain ng mga nakarinigna totoo ang sinabi ng hinayupak na 'yon. Tsaka...
Nilingon ko ang buong paligid pero hindi ko nakita ang hinahanap ko.
Nakuuuu... Baka sabihin pa ni Glen na may something kami ng kaibigan nya. Mas lalo lamang mawawalan ako ng chance kay Glen. HUHUHUHU!
"Ayun ohhh... 'yung hinahanap mo."
"Hah?"
Nginuso nito ang kabilang pasilyo kung saan may isang grupo ng kababaihang nag-iinuman. Napaawang ang labi ko nang makita si Glen na may katabing babae. Halos lumuwa na ang malaki nitong hinaharap dahil sa sikip at fit na suot. At kulang na rin ay makita ang tinatago nito na mukhang hindi naman talaga tinatago dahil sa maikling telang suot.
Nagdamit ka pa teh, kung ilalantad mo rin naman? Edi sana hindi ka na nagsuot ng damit para free access, diba?
HUH!!!
Mas lalong umawang ang labi ko nang biglang umupo sa kandungan ni Glen ang babae. Mukhang enjoy na enjoy naman ang hinayupak dahil nakangiti pa ito.
Put a can in a—PUT*NG*NA!!!!
"Ohh, heto na." Inilapag ni Zan ang isang bucket ng liquior na hindi ko alam kung anong tawag doon. Meron isang tray ng iba't ibang kulay ng alak, may juices at snacks for pulutan. Meron din syang dala na isang bucket ng yelo at tatlong baso.
Tatlo lang? Sila lang ba ang may karapatang uminom? Hindi ba kami pwede? Lalo na ngayon na gusto kong magpakalasing?
Hindi na nga kami pwede ni Glen, hanggang sa pag-inom bawal pa rin?
"Oh, asan si Josh at Glen?" tanong nito.
"Nandito ako." Paika-ikang umupo sa couch si Josh. May masamang tingin itong suot-suot.
Mahinang natawa si Zan. "Anyare sa paa mo, dre?"
"Tsk! May batang pasaway lang naman na umapak sa paa ko at sumipa sa tuhod ko."
"Parang kilala ko kung sino 'yon."
"Pffttt..."
Napatingin ako kay Ella na syang bumungisngis. Agad na umiwas ito ng tingin sabay kuha ng isang juices saka iyong ininom, hiding her laughter.
"Si Glen, asan?" Josh asked.
"Ayun oh! May kausap na mga babae." Sabay turo ni Ella sa pwesto ng malalanding higad.
Gosh!
Napatingin na naman ako kay Glen at sa hindi inaasahang tagpo ay nakatingin din ito sa amin, particularly sa akin.
Nag-init ang ulo ko nang makita kung paano maglakbay ang isa n'yang kamay papunta sa bewang ng babaeng haliparot. Tuwang tuwa naman ang babae na parang kiti-kiti na hindi mapakali.
Hawak ng isa n'yang kamay sa bewang ang babae samantalang bote ng beer naman ang nasa kabilang kamay. Seryoso ngunit may bakas na ngisi sa labi na nakatitig ito sa akin.
Pakiramdam ko ay para akong tinutusok ng isan-daang punyal sa dibdib. Masakit. Gusto kong umiyak.
Dahil para bang pinapamukha pa nya sa akin na kahit gaano pa karaming babae sa harapan nya, hindi pa rin nya ako mapapansin. At kahit ako na lang ang nag-iisang babae sa mundo hindi pa rin nya ako magugustuhan.
Iyong ngisi nya habang may lumalandi sa kanyang babae tapos nakatingin sya sa akin. Iyon ang insulto sa part ko.
Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko maatim ang makatitigan pa sya. Mabilis na kinuha ko ang isang basong may lamang asul na alak at inisang inom iyon.
"Ackk~"
Gumuhit ang init at hapdi sa aking lalamunan nang biglain ko ang pag-inom.
Grabe! Ganito pala ang lasa ng alak? Masakit sa lalamunan pero masarap. Sa una lang naman mapait pero kapag nakainom ka na hindi mo na malalasahan 'yong pait, sarap na ang mararamdaman mo.
Ohhh, green kayo ah. Hmmm...
"Oh, masakit sa lalamunan diba?" Pang-asar ni Josh na nakalapit na pala sa pwesto namin ni Ella.
Akmang kukuha ulit ako nang bigla n'yang pigilan ang aking kamay.
"Juice lang pwede sayo babae." Inagaw sa akin ni Josh ang hawak kong baso pagkatapos ay inilapag sa harapan ko ang isang baso ng orange juice.
"Hindi maaalis n'yan ang inis ko."
"At mas lalong hindi din maaalis ng alak ang inis mo, lalo na ang sakit na nararamdaman mo." Kinuha nya ang kamay ko at sapilitang pinahawakan ang baso ng juice. "Iyan ang inumin mo."
Agad kong tinungga iyon na para bang uhaw na uhaw ako. Muntik pa nga akong mabulunan mabuti na lamang at naagapan.
"Tsk! Dahan-dahan lang kasi. Hindi ka naman mauubusan eh."
Kinuha ko ang inabot n'yang tissue at pinahid ang juice sa aking labi at damit na natuluan din pala. Pagkatapos ay kinuha ko ulit ang isang baso ng cocktail ba 'to, ah basta alak. Kaso napigilan agad ako ng lolo nyo nang iinumin ko na sana ang laman ng baso.
"Hayaan mo na pre, minsan lang naman eh." Zan exclaimed. "Tsaka naririto tayo para mag enjoy kaya dapat enjoy lang. H'wag kayong KJ."
"Sabihin mo yan sa kaibigan mong KJ!" wika ko sabay turo kay Josh.
"A-Ako? Ako? KJ?"
"Oo! Minsan lang naman eh kaya pagbigyan mo na ako. Hindi naman ako malalasing ng lady's drink, right?"
"Hindi naman kita pipigilan kung kaya mo, pero ngayon ka pa lang nga naka-lasa ng alak eh."
"Salamat sa concern, Josh! Pero... Pero ito ang kailangan ko ngayon kaya please pagbigyan mo na ako. Ngayon lang 'to. Promise!" Itinaas ko pa ang kanan kong kamay sa harapan nya.
"Aist!!! Sige na nga! Basta h'wag na h'wag kang iinom ng hard ah, tsaka imomonitor ko ang pag-inom mo. Kapag sinabi kong tama na, tama na. Okay ba?"
Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. I also show him my cute little puppy eyes na siguradong hindi nya matatanggihan.
"Sige na..." He gave up that made me hug him tight. I felt he stiffened at what I did, kaya kumalas din ako agad sa pagkakayakap.
"YESSSSS! ONE POINT FOR ME! WHAHAHAHAHA!"
Iiling-iling na sumandal na lang sya sa couch bago pumikit. Anyare dito?
"Hoy! Matutulog ka d'yan?"
"Shut up!"
"Ayyyy...."
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Zan sa inasal ng kaibigan.
Nagkibit-balikat na lamang ako sa biglaang pagbabago ng mood ni Josh. Hinayaan ko na lamang ito doon at nag-enjoy na lamang sa pag-inom at panonood ng mga wild people sa dance floor.
"WOOOOOOOHHHHH! PARTY! PARTY! YEAAAHHHHH!"
SA PAGLIPAS ng oras, hindi ko namamalayan na malapit na palang maghating-gabi. At hindi ko din namamalayan na napaparami na ang inom ko.
"ERISH I SAID TAMA NA! ANG KULIT MO TALAGA!"
"Gushto ko pa nga kashe ehhh. Ano vahhhhh! Ang kulit mo rin eh no?!"
"May kasunduan tayo diba? Kapag sinabi kong tama na, tama na. Nakakarami ka na ng inom."
"Konte pa lang. Konte pa yun ehhhhh..."
Parang batang maktol ko habang patuloy na inilalayo ni Josh sa akin ang alak, samantalang ako naman ay pilit na kinukuha iyon sa kanya.
"Hindi pa ba kayo uuwi?" Rinig kong tanong nito kina Zan.
"Maya-maya pre."
"Iuuwi ko na itong isang ito sa cabin nila. Baka magkalat pa dito eh. Ikaw na ang bahala kay Ella ah. Mukhang antok na rin yan, tingnan mo pumipikit na. Sumunod na kayo!"
"Oo na! Hahanapin ko lang si Glen tapos bibitbitin ko na rin ang isang ito paalis."
Malabo na ang paningin ko at medyo nahihilo na rin, dahil siguro marami na nga talaga akong nainom. Dalawa na kasi ang nakikita ko eh. Tipsy man ako, pero alam kong nasa table pa rin ng mga higad si Glen. Wala ba talaga syang balak umalis doon? Sugudin ko na kaya?
"Halika na batang pasaway."
Hinila na ako ni Josh pero nagpumiglas ako.
"Mamaya na kashe sabi ehhhh... Sabay kami uuwi ni Ella."
"Sabay kayo? Eh bagsak na rin kaibigan mo."
"Eehhhhh.... basta!"
"H'wag nang makulit batang pasaway."
"Hindi ako bata!"
"Bata ka pa!"
"HINDI!"
"OO KAYA!"
"HINDI SABI—AAAHHHHHH!" Napatili ako nang bigla kong umangat sa ere. Pakiramdam ko ay masusuka ako dahil sa biglaang pagbuhat sa akin ni Josh. At bigla ring nawala ang pagkahilo ko at biglang luminaw ang paningin ko.
Parang magaang bata lamang ang dala nito at walang kahirap-hirap na kinarga ako sa kanyang balikat. Nakabaliktad tuloy ako kaya parang lalabas lahat ng ininom ko kanina.
Nahihilo ako! Hindi dahil sa alak, kundi dahil sa pwesto ko.
Tang!nang Villaflor 'to!
Ikaw ba naman ang buhatin sa balikat na parang sako, hindi ka ba mahihilo. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa utak ah. Hindi kaya ako mabobo nito?
"Ibaba mo'ko, hayop ka!"
"Hindi! Uuwi na tayo. Madami ka nang nainom at sigurado akong mahihirapan ka kinabukasan. Tigas talaga ng ulo mo noh?"
"Wala namang ulo na malambot eh. Ah, meron pala. Yung pangalawang ulo n'yong mga lalaki. BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Parang baliw na tawa ko habang nakasampay pa rin sa balikat ni Josh. Namula ako ng biglang marealize kung anong sinabi ko. Gague lang?!
"AAAHHHHH!" Tili ko nang bigla na lamang ako nitong paluin sa aking butt.
Tarantadong 'to!
"Iuuwi na talaga kita. Baka maisampal ko pa sayo 'yang ulo na tinutukoy mo. Tingnan lang natin kung masasabi mo pang malambot."
ANG GAGUE NYA! AAAHHHHHHHH!
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA! Gawin mo nga pre at nang magkaalaman na. HAHAHAHAHAHA!" Malakas na hiyaw ni Zan. Nakikita kong nakadukmo sa mesa si Ella pero tumatawa rin.
"Bespren ko 'yan! Kapag nakainom, nagiging wild ang bibig. HAHAHA!"
"Sumunod na kayo ah. Iuuwi ko na ang batang ito."
"Ingat kayo! H'wag mong itatapon sa dagat 'yan. Tsaka diretso sa cabin ah. H'wag pupunta sa kung saan." Paalam ni Zan sabay sinundan ng malakas na tawa.
Siraulo! Anong tingin nya sa'kin? Yayariin ko talaga sya bukas, makikita nya. Sya ang ihuhulog ko sa dagat.
Nakarating kami sa labas ng bar na hindi ako sumusuka kahit nakabaliktad pa rin.
"Josh! Josh! Ibaba mo na ako, nahihilo na'ko. Maawa ka!"
Mabilis naman ako nitong ibinaba kaya nakahinga na ako ng maluwag. Pabagsak na naupo ako sa buhanginan para mahimasmasan.
"Okay ka lang?" Tanong nya saka umupo din sa tabi ko.
"Thanks for asking if I'm okay." Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Naramdaman ko na naman ang pagkagulat nya sa ginawa ko.
Ano ba naman ang isang ito? Nagiging magugulatin na.
"I'm okay! I'm still okay.... even if I'm not."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top