CHAPTER 16

CHAPTER SIXTEEN

SA LOOB ng isang oras na byahe ay para bang kakapusin ako ng hininga. Imbes kasi na maki-ayon sa akin ang tadhana, para bang pinaglalaruan pa nito ang nararamdaman ko.

At naiinis ako dahil doon!

Mabuti na lamang ay nagpalit ng driver pagkalipas ng ilang oras. Nangangalay na kasi si Zan kaya si Josh naman ang pumalit dito. At katulad ng plano ko sumunod ako kay Josh pagkababa nito.

"Ohh, bakit ka bumaba?" takang tanong nito.

Tumingin naman ako kay Glen na nasa loob ng van. Nakahalukipkip ito habang nakapikit pero alam kong hindi ito tulog na nakikinig lamang sa amin.

Hindi naman ako sumagot at mukhang naintindihan naman agad iyon ni Josh.

"Oh, naiihi ka din ba Erish?" tanong ni Zan pagkababa nito sa driver's seat.

"Din?"

"Iyang kaibigan mo kasi kanina pa ako pinapatigil dahil naiihi na daw sya at sasabog na ang pantog. Sabi ko nga, umihi na lang sya doon 'coz I don't mind naman." Pagkatapos ay malakas na tumawa pa ito.

"Siraulo ka talaga!"

"Yang kaibigan mo mas siraulo. Kanina pa daw naiihi pero ngayong nakatigil na ang sasakyan, mamaya na lang daw. Masisiraan yata ako ng bait sa babaeng 'yan."

Tinapik ko naman sya sa balikat. "Patience Zan, patience!"

"Pero bakit ka nga pala bumaba?" tanong pa ulit nito.

"Gusto yata akong masolo sa unahan eh, kaya sumunod sa akin. HAHAHAHA!" Pabirong sagot ni Josh. Pinalo ko naman ito sa braso.

"Gague!" Tumawa lamang ito bago sumakay sa driver's seat. "Ella, sa likod ka na muna. Mukhang gusto yata akong makatabi ng kaibigan mo eh."

"Ohh? Really? Okay! Okay! I got it!"

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Mukhang bumaba nga talaga si Ella at mukhang naniwala rin sa palusot ni Josh.

Siraulo talaga! Iyon talaga ang ginawang excuse? Wala na bang iba? Baka maniwala pa ang mga kasama naming pani pa naman minsan. Pani... Paniwalain.

"Ikaw bespren ah! Hindi mo naman sinabi na gusto mong masolo si Josh, edi sana kanina pa namin kayo hinayaang masolo ang isa't isa." Panunuksong wika ni Ella pagkababa at pagkalapit nito sa amin.

"Masyado talaga kayong maPANI. MaPANIwalain!"

Iniwan ko na silang dalawa doon at nagtungo na sa front seat para sumakay. May kalahating oras pa kaming iba-byahe bago makarating sa Magic Island and Resort sa kabilang Villa-Ang Villa Rorica.

Sumakay na rin naman ang dalawa pagkatapos. Ngunit hindi ko sinasadyang mapadaan sa salamin ang paningin ko, kaya nakita ko ang masamang tingin ni Glen na nakatuon sa akin.

Nangilabot naman akong bigla dahil sa paraan nito ng pagtingin. Para bang napakalaking kasalanan ang ginawa kong disesyon kaya sobrang sama ng tingin nito sa akin.

Ano na naman ba?

Ang gulo-gulo nya talaga. May bipolar disorder yata ang isang ito eh. Pabago-bago ng ugali at mood. Kaya minsan hindi ko rin maintindihan kong ano bang iniisip nito lalo na sa mga nasa paligid nya.

Umiwas na lang ako ng tingin at umayos ng upo na para bang walang nangyari. Bahala s'ya d'yan!

Nagsimula nang magdrive si Josh.

"Hindi ba muna tayo kakain?" Ella asked out of the blue.

Mukha talaga itong pagkain. Hindi naman tumataba, payat pa rin.

"Malapit naman na tayo kaya siguro sa resort na lang tayo kumain. Mabilis naman ako mag-drive kaya hindi kayo maiinip at gugutumin agad." Si Josh ang sumagot.

Kakilala kasi nito ang may-ari ng Magic Island & Resort kaya sya ang magdadrive ngayon. Kabisado nya kasi bawat daan at pasikot-sikot patungo sa bukana ng nasabing resort.

"Ganito na lang, para hindi tayo mabored habang nasa byahe. Bakit hindi tayo maglaro?" Zander's suggestion.

"What game?" Glen asked.

Akala ko wala itong pake sa paligid nya eh, sobrang tahimik kasi. Nakapagsasalita pa pala ito?

At mukhang sang-ayon ito sa suhestiyon ng kaibigan.

"Hmmm... What about mind game? Let's play Riddles? Ano, game kayo?"

Agad naman sumang-ayon si Ella na mukhang mag-eenjoy sa nasabing laro ng katabi.

"Ay, game ako d'yan. Bespren h'wag kang aayaw dahil alam kong forte mo ang mga ganitong palaisipan."

Napangiti na lamang ako. Because she's right! I love Riddles! Hindi man halata pero since elementary kami ay alam n'yan nahuhumaling na ako sa codes and ciphers. Pati Riddles o di kaya ay mga pambatang bugtong pinatos ko na ring pag-aralan at mag-isang pinag-iisipan ang sagot.

Akala nga ni Ella noong mga bata pa kami lalaki akong nerd dahil mga libro ang palagi kong kaharap, maliban na lang kapag naglalaro kaming dalawa.

Nakakabuhay kasi ng dugo at braincells ang paglalaro ng mind games.

"Okay, I'm in!" Napatingin ako kay Glen. At muntik na akong masamid nang makitang nakatingin din ito sa akin.

Hindi man suot ang nakakatakot nitong tingin at ngising nakakakilabot, nakaramdam pa rin ako ng kaba base sa malalim nitong titig.

Bakit ba sya ganyan?

Bakit kahit simpleng tingin lang kumakabog agad ang dibdib ko sa kaba?

At bakit ngayong umiiwas na ako, saka sya nagpaparamdam ng ganito?

Pinaglalaruan nya lang ba ako?

"Kung game si Erish, sige game din ako." Josh said with his serious face while driving. He even tapping the steering wheel, playing his own melody.

"Okay!!! So game ang lahat ah!"

"Sige na, unahan mo na."

"So, ganito ang gagawin. Kung sino ang unang nakasagot sya rin ang susunod na magbibigay ng riddle. At kung sino ang makarami ng puntos, si Pareng Glen na ang magbibigay ng price." Napatingin kaming lahat kay Glen. Wala naman itong imik meaning hindi ito tutol.

Shit! Kung si Glen ang magbibigay ng price, dapat ba akong magpatalo o i-take advantage ko na ang pagkakataong iyon para makasama sya?

"At para naman sa matatalo, kailangan n'yang pumasok sa Dungeon Cave nang mag-isa."

"Dungeon Cave?" Sabay naming tanong ni Ella. "Ngayon ko lamang narinig ang cave na iyon," wika ko.

"Me too!" Segunda ni Ella. "Matagal na kami dito sa Villa Carmen pero hindi pa namin narinig ang kweba na iyan."

"Girls, ganyan talaga kapag taong tabon ang kausap nyo. Kung saan-saang lupalop ng gubat nakakarating, kaya maraming alam." Natatawang sabi naman ni Josh habang nagdadrive. Pinaparinggang ang kaibigang may nakakatakot na ngiti sa labi. Ngiting para bang papatay.

"Taong Tabon? Napag-aralan natin 'yan noong elementary diba? Iyong mga sinaunang tao na natagpuan sa Kweba ng Tabon?"

"Ako ba pinapatungkulan nyo. So, sinasabi n'yong sinaunang tao ako?"

"Ikaw nagsabi nyan ah! Hindi sa amin nanggaling 'yan."

"Maglalaro ba tayo o hindi?!" Inip na tanong ni Glen.

"Oo nga naman. Oh sige, tama na ang dada at simulan na natin ang laro. Basta official na 'yung sinabi ko kanina about sa mananalo at matatalo ah."

"Oo na! Sige na, simulan mo na."

"Okay, ang unang riddle natin ay.... If you speak its name, you'll break it. What is it?"

"AH! AH! ALAM KO YAN! HAHAHAHA! Nagtanong ka pa sobrang dali naman." Parang isang batang tuwang tuwa si Josh dahil alam ang isasagot sa katanungan ng kanyang guro.

"Nagyabang na naman. Sige nga, ano ang sagot?" hamon ni Zan sa kaibigan.

"Umayos ka! Nagdadrive ka at hindi naglalaro lang." Saway ko dito dahil excited itong sumagot at nakalimutang sya ang may hawak sa manibela ng sasakyan.

He mouthed 'sorry' at me bago sumagot.

"Zander! Zander Lloid Aguilar ang sagot."

"Huh?" Takang usal ni Ella. Kahit ako ay nagtaka rin kung bakit si Zan ang sagot sa riddle, eh samantalang sobrang layo naman ng totoong sagot.

"Tangina ka! Bakit ako? Mali ang sagot mo. Hindi 'yun!"

"Oo nga Josh, bakit si Zan ang sagot mo?" I look at him curiously.

"Ah, bakit? Hindi ba si Zander ang sagot do'n? Diba sabi if you speak its name, you'll break it. Oh, diba marupok naman si Zander kaya kapag binanggit ang pangalan nya, mababasag."

Loading...

Processing...

Saglit na katahimikan ang bumalot sa loob ng van hanggang sa...

"BWAHAHAHAHAHAHA! Marupok ka na naman pala Abnoy eh. HAHAHAHAHA!"

Halos hindi na magkanda-ugaga si Ella sa pagtawa. Pinalo ko naman sa braso si Josh dahil sa kalokohan nito. Kaya naman pala tuwang tuwa dahil sa kalokohang naiisip nya.

Pero infairness, natawa din ako sa joke ni Josh.

"Tang!na ka Villaflor! Hindi ako marupok, gague!"

"Hindi ba? Akala ko kasi oo eh." Tumatawang sabi nito.

"The correct answer is Silence." Pagtatama ko sa sagot. "Ako na next... What word begins with a T, ends with a T, and has a T in it?"

"Ang hirap naman n'yan bespren," reklamo ni Ella.

"Mahirap? Dinalian ko na nga para sa inyo eh."

"HAHAHAHAHA! Wala na bang ikahihirap ang mga riddles nyo?" Pagmamayabang ni Josh. "Napaka-easy naman ng tanong. Anong word ang nagsisimula sa T at nagtatapos din sa T? Edi TT! HAHAHAHAHAHA!"

Nasamid ako sa narinig. Feeling ko ay namula ang mukha ko dahil iba na naman ang naiisip ko sa TT nya.

TT nya?? HUHUHUHUHU!

Lupa lamunin mo na ako, please! Hindi na blue ang utak ko green na. AAAHHHHH!

Malakas na binatukan ni Zander ang kaibigan.

"Aray! Ano na naman?"

"Wala kang matinong ambag sa lipunan! Manahimik ka na lang ah!"

"Tama naman ako ahhhh! TT naman talaga. Langhiya kayo, iba na naman iniisip nyo. LALO KA NA...." Sabay turo nito sa'kin. Agad na nanlaki ang mga mata ko.

"B-Bakit ako?? I-Inosente 'to ah! Ilaglag kita d'yan eh."

Ilaglag ba naman daw ako. Sinasarili ko na nga lang ang kaberdehan ko eh, nadawit pa'ko. HUHUHUHU! Lowrd kunin nyo na ako.

"Its TEAPOT! Teapot start with letter T and ends with letter T. It has T also, which is the word Tea in it."

Glen answered it perfectly. Nice!

"Glen and Erish have one point. Ikaw na bro magbigay ng riddle."

"Pronounced as one letter, and written with three. Two letters there are, and two only in me. I'm double, I'm single, I'm black, blue, and gray; I'm read from both ends, and the same either way. What am I?"

"Wala na! Ginalingan na!" Pang-aasar pa ni Josh na nananatili ang mata sa daan.

"Bro, alam naming matalino ka pero bakit pati sa riddles pinahihirapan mo kami? Solving problems na lang ohh!"

Lumukos ang mukhang sabi pa ni Zander habang problemadong prolemado sa pag-iisip ng sagot. "Mas madali pa nga yata ang paghahanap ng value ni X kahit wala na sya at pag-iisip kung Y ka nya iniwan bigla."

"Tama na kalokohan. Akala nyo ba ay kayo lang dalawa ang magaling sa riddles? Ako rin kaya, hindi ko pa lang pinapakita dahil nagwa-warm up pa lang ako."

Inihinto saglit ni Josh ang van para makalingon ito sa likuran namin.

"Puro kayo kalokohan. Ano na? Sagutin nyo na? Basta ako taga score lang ako." Ella said. At may hawak nga itong maliit na notepad at ballpen.

Nagtaas pa ng kamay si Josh. "Ako! Ako sasagot! Ang sagot d'yan ay EYE. As in eye na mata."

"Explain why?" Glen asked him.

"Oh teka, bakit kailangan i-explain pa? Noong umalis ba sya ng walang paalam, humingi ba ako ng explanation? Hindi diba? Diba?"

"TSK!"

"Basta eye ang sagot ko. Tama naman diba?"

"Oo na! Tama na! Magdrive ka na ulit." Nagsulat si Ella sa notepad. Mukhang pinanindigan talaga nito ang pagiging scorer daw nya.

"YES! Akala nyo hah! Bleh!"

Natawa naman ako sa inasal nito. Parang bata!

Pinaandar na ulit ni Josh ang sasakyan.

"So, tig 1 point na kayong tatlo. Hanggang three lang 'to dahil mukhang malapit na tayo."

Napating naman ako sa labas ng bintana at mukhang malapit-lapit na nga kami. Wala na akong makitang mga building at malalaking establishimento sa dinaraanan namin. Tanging mga puno na ang makikita sa paligid.

"Josh ikaw na."

"Ay, ako na ba? Teka... Hmmm... Dadalian ko na para sa inyo. What is the end of everything?"

"AHHHH! Alam ko 'yan, edi letter g. BOOM!"

"Correct! Naks! May 1 point na kayong apat."

"Baguhin na natin ang patakaran ng game. Isa na lamang ang magtatanong, pabilisan na lang ng sagot." Zan said.

"Hmm... Para mas madali tayong makapuntos, sige!" Pagsang-ayon ko.

"Ako na magtatanong." Presinta ni Ella.

"Gusto mo lang pumunta sa Dungeon Cave eh. H'wag kang mag-alala, sasamahan ka naman daw ni Zan, diba Zan?"

"Bahala na!"

"Sasamahan mo ako o sasamahan mo'ko?"

"Saan ba kasi kita sasamahan? Hanggang sa pagtanda ba?"

Bigla namang natameme si Ella dahil sa hindi inaasahang banat ni Zan.

"Ang dami mong alam! Magtatanong na'ko, ready na kayong apat ah."

"Josh ingat sa pagdadrive!" mahinang paalala ko kay Josh na nakatitig sa daan pero nasa likuran nakatuon ang pandinig. Nagthumbs-up naman ito sa akin.

"Unang riddle... What is 3/7 chicken, 2/3 cat and 2/4 goat?"

Mabilis na hinablot ko ang hawak na notepad ni Ella saka nagsulat doon.

"Chicago!"

"Chicago."

Napatingin ako kay Glen nang sabay kaming sumagot.

"Sinong nauna?"

"Sabay silang dalawa?"

"Pangalawang riddle... You see it once in June, three times in September and never in May. What is it?"

Mabilis na nag-isip ako. June, September and May... AHA!

"Letter E."

"E."

Nanlaki ang mga mata ko nang sabay na naman kami ni Glen na sumagot.

"Magpakasal na lang kaya kayo."

"Oh eto, last na 'to ah. Dapat pabilisan na talaga.... What kind of tree that can you carry in your hand?"

"One..."

"Two..."

"Three-"

"Plam tree!"

"Palm tree."

"GLEN AND BESPREN HAVE A TIE POINTS. Meaning silang dalawa ang nanalo."

"Ibig bang sabihin 'non ay silang dalaw ang magkasama dahil si Glen ang magbibigay ng price sa nanalo which is Erish?"

"Yes! At isa lang din ang meaning 'non.... Tayong tatlo ang papasok sa Dungeon Cave!!!!!"

Tuwang tuwa si Ella sa naging resulta ng laro.

Bagsak naman ang balikat na sumandal ako sa inuupuan ko matapos kong sumagot. Hindi dahil sa talo ako o panalo, kundi dahil hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil para bang pinaglalapit pa kami ng tadhana ni Glen.

Lumalayo na nga ako di'ba?

Pero bakit pinaglalapit pa kaming dalawa?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top