Part 3: The Moves
Kenneths’s POV:
“Akalo ko talaga 2 years is enough for me to totally forget my feelings towards Gian” Pagtatapos ni Rain ng kwento. “Tandaan mo Rain iniwan ka niya at ginamit.” Di ko alam kung maawa ako sa kanya ngayon or magagalit kasi parang babalik nanaman siya sa dati.
“Rain andito na tayo sa bahay niyo!” Pag gising ko sa kanya. “Hmmm. Thanks Kenneth!” Pumipikit pikit pa siya at halatang lasing na bumaba ng kotse ko. “Kung alam mo lang Rain. Kung alam mo lang.” Bulong ko sa sarili ko.
—————————-//
Gian’s POV:
Tinatawagan ko si Rain kasi di ko naman binura ang number niya kaso out of coverage area. Nakahiga ako sa kama ko nang biglang may nag message sakin sa FB.
‘Alam kong mahal mo pa rin siya. Kaya may ibibigay ako sayo bukas’ - from Mommy Maribeth. Magrereply na sana ako ng may isa pang message na pumasok. ‘Sunduin mo ko bukas sabay tayo pumasok’ - from Ivy. “Kahit ang lapit lang niya sa office!” Inis kong kausap sa sarili ko.
“Saan ka na pre?” Sabi ni Kurt ng sinagot ko tawag niya. “Lapit na” sagot ko dito. “Pre dalian mo baka malate ka! Remember unang araw to ng merging at ngayon din ang punta dito sa office ng mga taga-SPI!” Paalala ni Kurt. “Fuck!” Sigaw ko “Late kasi ako nagising dahil sa pagod ko kahapon.” Sagot ko dito sabay baba ng telepono. ‘Asan kana diba sabi ko sayo sunduin mo ko?’ basa ko sa text ni Ivy pero pinasok ko na lang sa bag ko ang cellphone ko ngayong naka park na ako ng maayos dito sa basement ng opisina namin.
“Pre try mo mag CR muna bago pa dumating si Rain.” Bulong ni William sakin. Tumayo ako at nagpunta ng CR para mag ayos pero habang naglalakad ako nakita kong naka ngiti ng pang asar itong si JuJu sa akin pero binalewala ko na lang.
“I guess we are complete to start this meeting” Bungad sakin ni Boss Ariel (ang aming director) ng buksan ko ang pinto ng conference room. Di ko napansin asa likod ko rin pala si Ivy at nakita kong lahat sila naka tingin sa akin pati na rin si Rain na katabi si Kenneth. “Nice pare kung kelan ka nagka-chance kay Rain sakto ring ipakita niyo na magkasama kayo ni Ivy” Bulong ni JuJu sa akin pagka upong pagka upo ko. Nang napatingin kasi ako sa likod kanina habang pumapasok umabrisiete sa akin si Ivy. “Ok! Before we officially start this meeting lets do some introduction first. To start I am Ariel Mangahas, Director for operations Teleperformax-Orange Mobile” Sabi ng boss ko kaya di ko na nakita ang reaksyon ni Rain sa nakita niya pagkasabay namin ni Ivy. “And to my Left is our Call Center Managers, starting with Ivy Kristan Domalaon and Maribeth Perez” Dugtong ng boss ko habang nagiisip ako na baka akalain ni Rain na sabay kaming pumapasok ng opisina. “And my Assistant Call Center Managers, Joanna Valdez, Gian Villarin, Juju Abenir” Pagpapatuloy ng boss ko. Di ako mapakali sa kaka-isip kasi kilala ko si Rain overthinker yan eh, “And the coaches, Kurt Marasigan and William Bargo. These people together with others will be the one to pioneer the merging” pag tatapos ng boss ko.
Pagka upo ni Boss Ariel sakto namang tayo ni Rain sa harapan ng conference room. Naka puti itong pants, Turtle neck na black na pinatungan ng puting blazer at itim na high heels. Napaka sopistikada niyang tignan ngayon. “Tangina naman Rain! Miss na miss na kita! Di mo ko pinatulog kagabi!” bulong ko sa sarili ko habang naka tingin lang sa kanya na pinapakilala ang companya nilang SPI at paano ito nagsimula. “Should I still need to introduce myself?” naka smirk nitong turan. “Because it seems that most of the people in this room knows me very well isn’t boss Ariel?” Alam kong nanunudyo si Rain at napa lunok na lang ang boss ko. “Anyways, I am Rain Escorel, the director of operations of SPI Global Solutions-Dodo.” may diin sa salitang director ang pagkasabi ni Rain. “And here are our Senior Operations Managers, counter part of your Call Center Managers, Kenneth Almodal and Leneth Ganno” sabay na tayo ng isa pang babaeng ngayon ko lang nakita. “Followed by our Operations Managers, Jonas Guam, Carl Quiniano, Joan Tecson and Gian Toralba.” Sabay sabay na tayo ng tatlo pagkatapos umupo ng kasama ni Kenneth. “And our Team Leaders, Neil Rama and Ark David”. “Also I bring with me our Training Manager, David Lim. Together with Engagement Manager, Vhien Palines and Engagement Supervisor Francis Ibañez same with our Quality Assurance Manager Vanessa Baguio and our Client Service Manager Toni Rose.” Sunod sunod na sabi ni Rain at tumango at nag taas ng kamay ang mga pangalan kanyang binaggit. “Also other Team Leads left in our office, Liezle Senagonia, Choresca Nila, Emcee Watsmi and Tine Viray. That will be with me to ensure this project will work smoothly!” Pagtatapos ni Rain. Mararamdaman mong may diin sa “our” ang bawat introduction nito kaya naman dederetsong napalunok at parang pinagpapawisan ang boss kong si Ariel.
“Takte parang nakaka pressure tong project na to ah” Buntong hininga na sabi ni Kurt ng matapos ang 5 oras na meeting. “At nakita mo kung paano marattle si Boss Ariel kanina habang nagsasalita sa presence ni Rain? Nakakatawa kasi parang siyang matatae!” Tawa ng tawa si William. “No one can beat how good Rain is!” Singit ni Juju. Kanina ko pa napapansin tong lalaking to na parang double meaning lahat ng sinasabi. Papunta kami ngayon sa pantry para kumain habang ang mga kasama ni Rain ay nilibot nila para mag site tour.
—————————-//
Kinabukasan inagahan ko talagang pumasok at inayos ang porma ko para naman ma impress si Rain. “Boss Ariel I guess its my job as a CM to walk Rain when it comes to our operations rigor or should it be you, isn’t it Boss?” Pagdadabog ni Ivy dito sa opisina ng boss namin. “Ivy baka nakakalimutan mo kung ano ang history nating dalawa kay Rain?” paalaa nito. “And besides the client which used to be our original client are very impressed with Rain and his performance. Mahirap na baka masulot pa nila ang line of business natin. Kaya mas ok na si Gian ang makakasama niya sa loob ng apat na araw na pag stay niya dito!” mahabang paliwanag ni boss. “Boss labas na po ako para salubongin si Rain” paalam ko pero di ako nito pinansin. “Better yet flirt with that Kenneth as we know Rain’s weak point is his heart right?” Naka ngising nakakaloko sabi ng boss namin. “I think you have a point because I can sense that those two are couple” Sagot ni Ivy. Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Matt, “Andito na po si Ms. Rain! Kasama niya lang ngayon si Vhien at Neil po.” Napangiti ako ng wala sa oras kahit nabwibwisit ako sa plano nitong si Ivy at ng boss ko.
Binilisan ko ang lakad ko at inamoy ko ang kwelyo ko to check kung mabango ako. “Good morning Rain!” Bati ko dito pagpasok sa main entrance ng production floor. “Morning.” Tipid na ngiting sagot nito. Agad naman akong yumuko ng kaunti para halikan sa pisngi si Rain pero umiwas ito at nakita kong nanlaki ang mata ng dalawa niyang kasama. “I guess Mr. Villarin it would be nice if we start our day ASAP, as I need this project to be successful!” Sagot nito sabay lakad na akala mo alam niya ang pasikot sikot ng companyang ito. Sabagay alam niya to kasi dito siya nag trabaho dati eh.
—————————-//
Rain’s POV:
“Shit that was close” bulong ni Rain sabay lakad paharap. Buti di nakita ni Gian ang paghawak sa puso niya at ang pag pawis ng noo niya kahit malamig naman sa production floor.
—————————-//
Gian’s POV:
Magkatabi kami ngayon ni Rain sa Work Station ko at naka ngiti ako ng todo habang may mga dinidiscuss ako sa kanya. Wala ang dalawa niyang kasama dahil si Vhien kausap si Matt dahil ito ang counter part niya sa companya namin habang si Neil naman ay nag oobserve sa trabaho ng mga coaches namin kasama si Kurt. “Pre cute yang si Vhien at Neil no?” Naalala kong sabi ni William. “Tangina! Nababakla ka na rin ba?” Asar ni Kurt. “Hindi no! Naaaliw lang kasi ako sa dalawa. Si Vhien ang puti at ang galing pumorpa indi lalaking lalaki pero may dating. Si Neil naman napaka angelic ng face, it seems he is too mysterious that I want to know him better!” Desidong sabi ni William. “Pre baklang bakla ka promise!” Natatawang sabi ni Kurt. “O, Tama na yan baka magkapikunan pa kayo at mauwi sa suntukan!” Awat ko sa dalawa dahil halatang napikon si William. “Atsaka Kurt wala namang masama kung kilalanin nitong si William si Neil kasi kung ako nga nung tuluyan kong nakilala si Rain nahulog ako sa kanya eh!” Dagdag ko pa. “So bakla ka na rin pre?” Sagot ni Kurt. “Hindi no!” mabilis kong sabi. “Tandaan mo sinabi mo nuon kay Rain na pag ang straight na lalake pumatol sa bakla, bakla na rin!” Paalala niya. “Pre masayodong makitid utak ko nun. And besides I realised na kung si Rain na sobra akong pinahalagahan, inintindi at inalagaan. Wala na akong paki kung matawag pa akong bakla!” Sagot ko. Totoo naman ang sinabi ko, iba si Rain sa lahat ng baklang nangahas na landiin ako. “Pero pre tandaan mo ginago mo yung tao at iniwan sa ere!” Paalaa ni William. Totoo rin naman yun, I was a jerk back then but not this time. “I will win her back and I will make sure that he will fell in love with me again same as before and this time I will not let her go!” Determinado kong sabi. “Ngayon pa na nakita ko sa mga mata niya na mahal niya pa ako. I will not back down!” Dagdag ko pa. “Pero hindi kaya huli ka na? Yun Kenneth parang sila na. Kung hindi man alam ko may gusto yun kay Rain!” Sagot ni Kurt. “Oo pre! Siguro naman alam mo ang galawan ng nating mga lalake pag gusto natin ang tao diba?” Dagdag pa ni William. “Alam ko pero magiging akin ulit si Rain! Ngayon pa na sa apat na araw na nandtio siya at di niya makakasama yung Kenneth na yun!” Di ako papatalo. Oras na para mahalin ako ulit ni Rain! Dahil ako alam ko na sa sarili ko at tanggap ko na na mahal na mahal ko si Rain!
“Gian!” Tawag sakin ni Rain na nagpabalik sa akin sa sitwasyon dahil naalala ko ang usapan naming magkakaibigan kahapon, “Sorry! You were saying something?” Tanong ko. “Nah, I just said let’s take a break and it’s almost lunch time” Sabi niya na naka ngiti. Di ko mapigilang titigan lang siya ngayon. “Gian let’s go! Nagluto ako ng fried chicken at laing for our lunch.” Di ko alam kung saan nangaling itong is Ivy. “So you eat chicken and veggies now?” Alam kong may laman ang sinabing yun ni Rain. Kasi di talaga ako nakain ng gulay at manok nuong magkasama pa kami. “No need to answer it and you better hurry up kasi gutom na ata si Ivy. She might gobble you up instead!” Sabay tawa ni Rain ng mahina at tumayo at nglakad palayo. Di ako kaagad naka kilos kasi halos idikit niya ung bibig niya sa tenga ko. Naalala ko ayaw na ayaw nuon ni Rain na dumikit ang labi niya sa mukha ko kasi di daw appropriate. Madalas ko kasi siyang yakapin at isiksik ang ulo niya sa leeg at pisngi ko pag lasing na ako tas ihahatid niya ako pauwi kahit alam kong lasing na rin siya. “Tatayo ka ba diyan o kakaladkarin pa kita?!” Asik ni Ivy. Tumayo ako at sumuunod na lang sa kanya.
Di ko na namalayan saan naglunch si Rain. Naglalakad na ako papuntang yosihan ng makita ko sila Neil at Vhien kasama si Kurt at William. “Neil kamusta naman ang observation mo?” Tanong ni William ng makalapit ako. “So far ok naman, medjo mas mahigpit lang si Ms. Rain sa coaching efficiency.” Sagot ni Neil. Sumingit ako sa usapan “Asan si Rain?”. “Di din namin alam kung saan kumain eh!” Sagot ni Neil. “Alam ko may kasama siyang ka officemate niyo din. Na kakilala niya.” Si Vhien na ang sumagot. “Sino naman kayang kasama ng baklang yun?” Bulong ko sa sarili ko.
“San ka galing?!” Inis kong sabi habang nag aantay sa lobby ng pumasok si Rain kasama si Mongi! “Nag lunch?” Naka smile na parang confused na sabi ni Rain. “2 hours?” Totoo naman dalawang oras mula ng huli kaming magkasama. “I didn’t know that I should be reporting to you now about my whereabouts!” May inisi na sabi ni Rain. At naglakad papasok sa production floor. Bigla kong hinatak ang braso ni Mongi dahil susunod siya kay Rain. “Pre sinabihan na kita nuon na iwasan at wag na wag mo ng kakausapin si Rain diba?” Oo nuon may pagtingin na si Rain sa lalaking ito at nung nalaman ko to kinausap ko agad at sinabing iblock si Rain sa FB at wag na wag lalapitan at kakausapin! “Pre walang kayo! At di mo na ako mamatakot ngayon!” Maangas na sagot nito. Na kuyam ako ng kamao habang nakatingin sa pag alis ng lalake.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top