Part 2: Signs And Determination
Pre yosi muna tayo!” Aya ni kurt sakin matapos magsalita si Rain. Inaayos na kasi ang kalat mula sa production number na ginawa ng companya nila at tinatayo na ata ang net na gagamitin sa unang sport ngayong araw. Tumayo na ako at naglakad.
Rain’s POV:
“Ms Rain! Ang gwapo pala talaga ni Gian mo no! Lalaking lalaki, yummy kahit payat at malinis kahit madaming tattoo!” Tili ni Vhien habang nag yoyosi kami sa likod ng gymnasium. Napa irap na lang ako sa baklang to. Well in all fairness to Gian, lean ang katawan niya, sa height niyang 5’11 at marami nga siyang tattoo sa katawan at may itim na hikaw sa kanang tenga plus may piercing pa sa kaliwang ibabang labi. A typical man that would shake your heart!
“Nakita ko titig na titig siya sayo mula pa lang ng pagpasok natin kanina” Singit ni Kenneth habang ang utak ko ay lumilipad sa pagkakita kay Gian ng 2 taon simula ng iwan niya ako. “Alam ko!” Sagot ko na lang habang nangingiti sa ginawa ko kaninang pag kindat sa kanya kasi talaga namang nanlaki mata niya!
—————————-//
Gian’s POV:
Pag dating namin sa yosihan nakita ko ang grupo nila Rain na nagtatawanan. Rinig na rinig ko pa ang malakas na tawa ni Rain na sa huling tawa ay parang kinakatay na baboy. (hay Rain).
“Pre ligther?” Tanong ni Kurt. Kinapa ko bulsa ko pero di ko makita lighter ko. Wala sa wisyo akong lumapit sa grupo nila Rain at nagsabi “Boss pede pasindi?”. “Sure baby!” Sabay abot ni Rain ng lighter. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at di makapagsalita.
Baby,
baby,
baby.
Pa ulit ulit sa tenga ko! “Ghie?” Tawag ni Rain sa akin na nakangiti at naka tilt ang ulo sa kaliwa. Tangina! Tangina talaga naman oh! “Salamat!” sagot ko na lang at nagsindi sabay lakad pabalik kay kurt.
“Anyare sayo at ngiting ngiti ka dyan?” Bungad ni Kurt. “Naka tira ka nanaman ba?” Tanong sakin ni Juju. Di ko sila sinagot atsaka simula nung dumating si Rain sa buhay ko 3 years ago tumigil na ako sa pag gamit ng bawal na gamot!
—————————-//
Pagbalik namin sa gym naka tayo na ang net sa gitna at nagwawarm up na ang mga manlalarong lalake ng parehong companya. Hinanap ko si Rain af nakita ko siyang naka upo sa bench ng mga players ng naka yuko at naka nguso, habang si Kenneth naka luhod sa harap ni Rain at inaayos ang sintas ng sapatos niya. What a brat same as before. Di kasi magaling magtali si Rain ng sapatos mula pa nuon. Pag siya nag tali either matatangal agad or madadapa siya. Kaya ending para niya akong alipin na itatali ang sintas niya kahit asa gitna pa kami ng mall nuon.
Pumito ang referee at nagsalita si Matt na pinakikilala ang mga players ng companya namin. Ganun din ang ginawa nung co-host (Vhien) at sabay sabay silang yumuko sa magkabilang parte ng gym. Sa unang manlalaro di pa kasama si Rain pero andun na yung Kenneth sa gitna (setter). Mukhang nagtatansyahan pa sa mga galawan ang parehong kupunan ng magsimula ang laro. Ng medjo umiinit na ang laro pumasok na si Rain. Sa unang tingin aakalain mong pinasok lang siya dahil siya ang director ng companya nila. Sa hinhin nitong kumilos at parang kalkulado ang mga galaw. Pero ng umiinit na ang laban makikita mong napaka ganda ng coordination ni Kenneth at Rain dahil sa ganda ng set ni Kenneth at malalakas n hampas ni Rain!
Sa unang set nanalo ang companya namin pero isang puntos lang ang laman. Iba din kasi mga bakla sa companya namin mga brusko (hahaha) although may mga pa girl din naman na kasama. Sa ikalawang set pumasok na yung host kanina (Vhien) at isa pang lalake na alam mong alanganin din pero matangkad na tama lang ang katawan(Neil). Di ko siya nakita na kasama nila Rain kanina. Sa gitna ng laro at sa malalakas na palitan ng hampas ng bawat kupunan narinig kong sumigaw si Rain “Tangina naman Neil! Magrerecieved na lang bobo pa!” sabay takbo nito para habulin ang bola, na siya rin namang nagawa niya at nabalik sa kalaban. Nagpatuloy ang rally ng laro at talagang naman makikita mong walang gustong magpatalo.
Pumalo ng sobrang lakas si Tata (baklang maton na may height ng 6’1 na ka officemate ko) at tumama ito sa kaliwang dibdib ni Vhien pero tumalbog naman pataas ang bola sa dereksyon ko. Biglang may lumapit kay Vhien (Jonas) na parang tinatanong kung ok lng siya at halatang nag aalala ito. Di ko namalayan na papunta na pala sa direksyon ko si Rain. Sa sobrang bilis ng pangyayare nakita ko na lang siyang tumungtong sa unang level ng bleachers, tumalon at hinampas ang bola pabalik sa kalaban. Napa sigaw pa lahat ng tao ng tumama ang bola sa mukha ni Owie (ka officemate ko) sa palo ni Rain. Pero nag alala ako kasi alam kong indi magiging maganda ang pagbagsak ni Rain kaya tumayo ako at kinabig ang bewang nya para masalo ko siya.
Nasalo ko si Rain at ang pwesto namin ngaun ay nakayoko ako ng kaunti para mabalance katawan ko habang siya ay nakaliyad at salo ko ang likod ng bewang niya. Halos onting distansya lang ang pagitan ng mukha namin. Kitang kita ko ng malapitan ang mukha niya. Matangos na maliit ang ilong, magandang mata na parang pang arabo at ang labi niyang maliit. Nanlaki ang mata niya ng malaman niyang ako ang sumalo sa kanya. Pero nakita ko sa mga mata niya na ako pa rin ang mahal niya! Ako pa rin! Ang saya ko! Tangina!
—————————-//
Rain’s POV:
“Bhie!” Sigaw ni Kenneth. “Shit” bulong ko sa sarili ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Tangina mahal na mahal ko pa rin siya! Akala ko sapat na ang dalawang taon para makalimutan ko siya. Tumayo ako at inayos ang laylayan ng t-shirt ko dahil nakapasok ang palad ni Gian. Nailang ako bigla kasi ayaw ko ng may humahawak ng likod ko.
“Okey ka lang?” Alalang tanong ni Kenneth. Imbis na sumagot, hinila ko siya at naglakad ng mabilis. Ayokong marinig at maramdaman ni Gian ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko. Ayoko! Indi to pede!
—————————-//
Gian’s POV:
“Gian! Upo ka na nga!” Sita sakin ni Ivy. Di na ako nakapalag ng biglang tumayo si Rain at naglakad palayo. Sobrang bilis ng pangyayari at nung bumagsak siya sa bisig ko biglang bumagal ang oras na wala na akong paki sa paligid ko! Naka tingin ako sa palad ko na nadikit sa likod ni Rain malapit sa Butt niya. Kahit nuon pa mang chubby siya at malaki ang tiyan, maganda at makinis ang likod ni Rain na parang sa babae! Naalala ko tuloy nuon na pilit akong nagkwekwento ng mga sex eperience ko pag lasing na ako or kaming dalawa lang kasi parang masarap makita si Rain na nakatalikod habang ako nasa ibabaw niya. Umupo na lang rin ako para walang makahalata ng boner ko.
Nanalo ang grupo nila Rain dahil sa spike niyang un na tumama sa mukha ni Owie. Sabi pa ni Kurt nakakatawa daw itsura ni Owie pagkatapos ng hampas dahil sa nagpa-botox ito ng pisngi. Hinila naman ako ni Ivy sa harap ng gymnasium dahil sa nagugutom na siya. Ikaw naman sa laki niyang tao, gaya ni Tata. Mas mukha pa nga siyang bakla actually kumpara kay Rain (hahaha).
Sa harap maraming stalls ng pagkain. “Hi Rain!” Sarkastik na bati ni Ivy sa grupo nila Rain na palabas ng gym. Ngumiti lang ito. Kasama niya si Kenneth at 4 na lalaki kasama si Vhien at Neil. “Are you here to eat too?” Tanong ni Rain kay mommy Joana. “Oo. Nagaya kasi si Ivy” sagot naman ng huli. “Lika mi, I will walk you thru sa mga food stalls para makakuha kayo ng maraming food compara sa allocations per head” Sabi naman ni Rain sabay lakad at sumunod na lang din kami sa grupo nila kasama ang grupo namin.
Ng makakuha ng pagkain. Pizza, hotdogs on sticks at sandwiches plus softdrinks umupo kaming lahat sa mahabang table ng parang park sa harap ng gymnasium. Habang ang tanda ko is inaayos na ang loob para sa next event which is basketball naman.
Bago pa man kami magsimulang kumain pinakilala kami ni Rain isa isa sa mga kasama niya na sina Kenneth, Ark, David, Carl, Neil at Vhien, sa mga kasama ko (Mommy Maribeth, Mommy Joanna, Ivy, Kurt, Juju at William) bilang mga dating katrabaho niya. Matapos kumain habang nagkwekwentuhan, naramdaman kong tumayo si Rain. Nakayuko kasi ako habang kumakain ng sandwich (ayaw ko kasi sa pizza) dahil nahihiya ako sa nangyari sa amin ni Rain. Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko na parang lalabas na sa dibdib ko!
“Ghie? Samahan mo naman ako mag cr, naiihi na kasi ako.” Sabi ni Rain. Wala sa wisyo akong tumayo kasi alam kong ayaw ni Rain mag cr magisa lalo na nuon di niya alam kung saang cr papasok kung sa lalake ba o sa babae kaya ang ending sinasamahan ko siya para ako magbabantay sa kanya sa labas ng cubicle habang umiihi siya. “Umupo ka nga! Bakit kaba kasi biglang tumayo?” Sita sa akin ni Ivy. Pag angat ng ulo ko nakita ko si Rain na naka smirk habang hawak ung kapangalan ko pero indi nakatingin sa akin. Tangina! Di ko naramdaman n dumating pala yung Gian din na yun. Sa pahiya ko sa sarili ko umupo na lang ako at nakita kong umalis na si Rain. Nagpaalam na rin ang mga grupo ni Rain at nagsasabing papasok na sa loob kasi yung Jonas, Ark at David ang mga manlalaro ng basketball sa companya nila Rain.
Lumabas ako ng CR kasama sila Kurt at Juju pagkatapos magpalit ng pang jersey dahil kami na ang maglalaro. Di ko akalain na naka abang pala si Ivy sa labas at pilit na kinukuha ang pinagpalitan ko. Kahit nuon pa man nahahalata ko na na lahat ng ginagawa sakin ni Rain at ginagaya at ginagawa nitong si Ivy. Di ko inabot sa kanya ang suot ko kanina at naglakad na lang. Pagdating ko sa bench kung nasan ang mga kapwa ko manlalaro sa companya namin, hinahanap ko si Rain ng biglang may nagsalita sa gilid ko. “Umalis na si Rain kasama si Kenneth. Mukha ngang nagmamadali eh at nag aaway!” Si Mommy Maribeth pala ang bumubulong sa akin. Nadismaya ako kasi akala ko manunuod siya sa laro ko.
—————————-//
Kenneth’s POV:
“Tangina Rain kanina ko pa napapansin ang pagkabalisa mo ha!” Bulyaw ko sa kanya. “Anong pinagsasabi mo?” asik nito. “Rain kung sila Vhien at Neil maloloko mo. Wag ako!” Galit kong sagot sa tanong niya. Kanina kasing pagpasok namin sa gym ulit nag aya si Vhien na magyosi kasi kakain lang at inaasar nila si Rain about sa pagsalo ni Gian sa kanya. Pilit namang tinatangi nito na aksidente un at wala yun sa kanya. Pero alam ko nayanig nanaman ang mundo niya sa putang inang manggagamit at manlolokong Gian na un!
“Kung ayaw mong sagutin tanong ko uuwi na tayo!” Pag iba ko. “Maglalaro sila Jonas. Kailangan andun tayo.” Sagot ni Rain. “Indi uuwi na tayo hanggat di mo sinasabi sakin ang inaakto mo kanina pa!” Authoritative kong sabi. “Fine! Let’s just go to Side street and i’ll tell you everything.” Defeated na sagot nito. Ang lugar na tinutukoy niya ay isang acoustic bar na paborito niyang puntahan pag stress siya. Nakaka relax kasi sa lugar na yun. Pang chill lang plus kita mo ang bundok na part na ng antipolo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top