Part 1: Ang Muling Pagkikita
His POV:
“Sure ka ok ka lang na makita siya ulit?” Tanong ng lalake sa kasama sa loob ng kotse.
“2 years had passed, siguro kaya na ng puso ko” Sagot nito
“Andito lang kmi sa tabi mo para ipapaalala sayo lahat ng pinagdaanan mo para maabot ang pangarap mo sa sarili mo” Sagot ng lalake sabay bukas ng pinto ng kotse at takbo sa kabilang side dahil nakarating na sila sa gymnasium na pag dadausan ng event.
—————————-//
“Ano ba ang unang laro? Basketball o Volleyball?” sunod sunod na tanong ng katabi kong si Kurt. Andito kasi kami ngayon sa isang covered court/gymnasium sa may kahabaan ng ortigas.
Bakit kami andito? Sports fest ng dalawang companya at ngayon ang opening. Actually init na init na din ako. Di ko nga alam kung bakit din ako nag aya sa kanila na manuod ng opening eh, siguro marahil isa din ako sa players ng basketball ng companya namin na kasama dito sa event na to.
“Tangina ang ganda talaga tignan ni Boss Rain at Boss Kenneth!” Bulaslas ng katabi naming grupo. Feeling ko sa kabilang companya tong mga to. Napatingin ako sa pinag uusapan nila.
“Fuck!” mahina kong bulong. Sobrang laki ng pinag bago niya, mula ng dalawang taon ko siyang di nakita. Pumuti siya pero di gaya nung pang commercial ng whitening lotion, may glow lang. Laki na din ng pinayat nya. Yung buhok niya mula sa sobrang haba ngayon pang boy cut na! Pero ang higit na nag patulala sakin, kung nuon mapapagkamalan mo lang siyang babae ngayon kahit maikli n buhok niya alam mo na babae siya.
Pumasok sila sa entrance ng gymnasium na magkahawak kamay ng tinatawag nung babae sa tabi namin na Boss Kenneth. Naka suot siya ng pang volleyball na kulay dilaw. Kasama niya 4 pang mga lalaki na may mga itsura!
Habang naka tulala ako sa kanya, narinig ko ang mga nakatabi sa amin. “Ang ganda talaga ni Boss Rain! Wala akong pake kung bakla siya!” Sabi ng lalake. “Gwapo din naman si Boss Kenneth ah!” singit naman ng babaeng kasama nila. “Bagay talaga sila. Power couple!” sabi ng alangin sa grupo nila. Nakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko.
“Si Rain ba talaga yan? Ang ganda niya na lalo ah at ang payat na niya!” Singit ni mommy Joanna. Isa sa mga kasama namin na Team Leader. “Mukhang maganda kinalabasan ng pag alis niya sa atin ha” Sabi naman ni mommy Maribeth, Isa din sa mga team leader na kasama ko. “Ang tanong naka move on na ba yang baklang yan?!” Inis na sabi ni Ivy na ngayon ay isa ng manager. Di ko pinansin ang huli kasi nakatingin lang ako kay Rain habang nakahawak pa rin siya sa kasama niyang naglalakad papunta sa bench at kumakaway kaway sa kabilang side na malamang ka opisina nya.
Ang mga ngiti niya sa mga tao habang naglalakad ay gaya pa rin ng mga ngiti niya nuon, na talaga namang mapapangiti ka rin kahit pa pangit ang araw mo. Inalalayan siyang umupo ng kasama niyang lalake habang ito’y nakatayo pa rin at may sinasabi pa sa kasama nilang apat na lalaki. Pag ka alis ng apat bigla na lang ng salita ang host ng event.
“Welcome to SPI & Teleperformax Sports Fest 2019!” bibong sabi ng baklang host. “This is in line with the merging of Orange & Dodo Mobile! A friendship event to both Centers to create camaraderie.” Sagot naman ng isa pang baklang host na ang pinagkaiba sa una ay maputi ito payat at magaling manamit. Kilala ko ung isa pang host kasi siya din ang punong abala sa companya namin pag may event.
“Pre titig na titig? Simula pa ng pumasok siya di mo na inalis tingin mo!” Bulong ni Kurt. “Wala namang pinagbago yang si Rain! Maliban sa pumayat lang siya!” Narinig pala ni Ivy ang bulong ni Kurt. Magsadalita sana ako kaso lumakas na ang sigawan dahil tinawag na ang CEO na briton na cliente namin. Gwapo kasi ito at matangkad na maganda ang katawan. “I am very happy that a lot of people supported this event, blah blah blah” Nakakaboring ang speech nya. Hinanap ng mata ko si Rain pero di ko na siya makita. Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Ivy at sinabing “San ka pupunta?”. “Bibili ng inumin ang init dito eh!” sagot ko. “Wag na may dala akong tubig dito” sagot niya sabay abot ng thumbler.
Ako nga pala c Gian Villarin, 28 years old at un si Rain Escorel ang baklang minahal ako kahit gaano ako kagago, na handang gawin ang lahat para sakin pero binalewala ko at ngayon nakita ko siya ulit gustong gusto ko siyang yakapin at sabihing sorry at gagawin ko lahat bumalik lang ulit siya sakin.
—————————-//
Sa wakas na tapos na rin ang boring at napakahabang speech ng cliente. Ewan ko ba pag dederetsong english eh parang pakiramdam ko asa call ako. Naalala ko tuloy nuon pag magkausap kmi ni Rain lagi ko siyang sinisita pag dederetso na siyang magenglish sinasabihan ko siya na tapos na ang shift namin at asa kotse na kami so mag tagalog na lang siya. Ayun ending bubusangot siya at ngunguso na ang sarap pang gigilan ng pisngi! (chubby pa kasi siya nuon, malaki ang tiyan at double chin. hahaha) Napapangiti tuloy ako sa mga simple moments namin nuon.
Sa gitna ng aking pagiisip biglang nangibabaw ang kantang “Katchi by Ofenbach vs Nick waterhouse” na sa gitna ng court sumasaway ang mga naka jersey at casual na babae at lalake.
“Operation’s Resolution Specialist and Team coaches” sigaw sa ibabaw ng kanta at may pumasok na grupo at sumayaw din. After ng dalawang stanza ng kanta “Team Leaders!” at pinalitan ang kaninang sumasayaw. Matapos ang unang chorus ng kanta saka namang “The Managers!” ang pumalit at sumayaw sa gitna! Nang sumunod na chorus “And our Senior Operations Manager, Ms Rain!” sa pag pasok nito nakataas ang kilay kasama ang iilang grupo ng dancers habang nasa gitna siya at sumasayaw (sa itsura niya ngayon talaga namang maiintimidate ka at aakalain mong mataray siyang tao) kung di ko lang siya kilala ng personal. Napa sexy at napaka ganda niya talaga (Before pa naman kahit di pa siya payat at maikli ang buhok). Oo, kilalang kila ko si Rain dahil magkasabay kaming pumasok ng Teleperformax.
Sa bridge ng kanta nag iba na ang impression ng mukha ni Rain, nakangiti na ito at pumapalapak na parang hinihikayat ang buong audience na pumalapak. At nagsama-sama na ang mga lahat ng sumayaw kanina. Naka ngiti itong tumango sa lalaking nasa tabi na niya ngayon (Kenneth) at sabay sabay silang sumayaw. Makikita mo pang madalas magtinginan ang dalawa at ang ngiti ni Rain na alam mong may namamagitan sa dalawa. Di ko tuloy maiwasan na mainis kasi para sa akin lang dapat ang mga ngiting yun. Mga ngiting ako lang nakakapagpagawa sa kanya dati!
Ng matapos ang kanta sinundan din ito ng panibagong kanta na “Cebuana by Karencita” . Ibang grupo naman ang sumasayaw ngayon na pinakilala na support group na kinabibilangan ng Quality Analyst, Work Force Management, Client Services, Recruitment at Human Resources.
Habang palabas ang grupo ng mananayaw may malaking puting parang gawa sa dyaryo ang sumakop sa halos gitna ng court na may nakalagay na SPI Global Solutions. At ng tumugtog ang kantang “No apology - wala akong pake ni Karencita” ay biglang napunit ang gitna at lumabas ang maliit na babae na parang nawawala. Ng tuluyan ng nasira ang puting gawa sa papel ang may mananayaw na sumasayaw ng pang robotic dance. Sa unang chorus ng kanta may flags na winagaway na nakalagay Mr & Mrs SPI at kasabay nun ang pagrampa ng mga babae at lalake na ang ilan ay naka coat at dress, kasunod ng casual wear at sportswear. Ang babae ay galing sa kaliwa at ang lalake naman sa kanan at nag memeet sa gitna. Matapos rumampa ang huling pares, may arko sa kanan na naka sulat ng Mr pogay at ang mga nag-gwagwapuhang lalake (na alam mong tagilid) naman ang rumampa habang sa kaliwa naman ay Thats my Tomboy na di rin papahuli sa pormahan at ka gwapuhan ang mga tibo na rumarampa ngayon sa harapan. Sa bridge ng kanta may mahabang tela ang nakawagay way sa likod ng mga rumarampa na nakalagay Ms Gay SPI 2019! At naglabasan sa iba’t ibang parte ng gymnasium ang mga kandidatang naka national costume na makukulay. Napaka festive tignan ngayon ang gitna ng naturang lugar at maraming confetti at bubbles ang nagbabagsakan sa naturang lugar. Ng halos patapos na ang kanta ang daming nagtilian ng lumabas si Kenneth, dahil naka topless ito at naka silk na pants na kulay blue at may malaking pakpak sa likod na pinaghalong blue at white. Habang rumarampa ang lalake meron naka sunod na banner sa likod nito na nakalagay Mr SPI 2019! Infairness sa lalaking ito sobrang ganda ng katawan niya, broad shoulders, prominent chest, 6 pack abs na may napaka sexing treasure trail mula pusod papuntang laylayan ng garter ng suot nitong pants.
Sa pagtatapos ng kanta lumapit sa gitna si Matt at nagsabi na “What an awesome performance!”. “We just want to show all the people what culture SPI have!” sagot naman ng co host niya (Vhien). “Duda ko si Rain ang may pakana sa likod nag napakagandang production number na ito.” bulong ko sa sarili ko matalino at creative kasi yang baklang yan eh.
“And to officially open our sportsfest. I would like to call on Ms Rain Escorel! And I stand corrected as I introduced her as Senior Operations Manager wherein in fact she is now the Director for Operations of SPI-Dodo mobile!” mahabang paliwanag ni Vhien. Lumapit naman si Rain sa dalawa at habang naglalakad ito nag eexplain si Vhien na iannounce ang promotion ni Rain 3 days ago at di niya nalaman agad dahil naka leave siya.
“I am actually looking for Gian!” biglang tumibok ang puso ko. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko kasi muli kong narinig ang boses niya na pangalan ko ang binabangit. “Gian Torralba! Where are you?” dugtong ni Rain. “Oh there you are my Gian! This is his first time to attend this kind of engagement activity which made me so proud and happy!” Sunod-sunod na sabi ni Rain. Akala ko ako na ang hinahanap nya. Natanong ko tuloy sa sarili ko na, sa loob ng 2 taong di kami magkasama hinahanap niya kaya ako? Iniisip niya pa ba ako? Ako pa rin ba kaya ang nasa puso nya? Parang hindi na ata sa mga tinginan niya pa lang sa Kenneth na yun para indi na ako ang lalaking mahal na mahal niya at kinabaliwan. Ang sakit! Napa-hawak na lang ako sa puso ko.
“I will not prolong this any further as I would like to officially welcome everyone to SPI & Teleperformax Sportsfest 2019! I am looking forward to build relation and moments as we all become one Orange Mobile!” pagtatapos ni Rain. Bago pa tumalikod si Rain kitang kita ko na nagsmirk ito na gawain niya pag inaasar ako at kumindat pa siya. Tumalon ulit ang puso ko! May pakiramdam ako mahal pa ako ni Rain at kahit katiting na lang yun sapat na para pang hawakan ko! Dahil I will make sure he will fell in love with me again dahil mahal ko pa rin siya hanggang ngayon!
*********
VOTE AND COMMENTS ARE WELCOME!!!!! ❤️❤️❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top