CHAPTER 2

NANG makauwi si Ryo sa bahay nila ay kaagad niyang hinanap ang kan'yang ama dahil nga sa may sasabihin ito sa kan'ya. Medyo natagalan siyang makauwi dahil sa hinatid niya pa si Lena sa bahay nito dahil ayaw niya naman itong mag-commute pa. Para na rin makatipid ito dahil alam niyang hindi na ito nakakakuha ng pera sa mga magulang nito dahil sa naglayas lamang ang dalaga dahil sa gusto itong ipakasal ng ama niya sa anak ng kasosyo nito. Imbis na magpakasal ang dalaga sa anak ng kasosyo ng daddy niya ay tumakas ni walang kahit na anong dala, kahit man lang pisong duling.

Nang maihatid niya ang dalaga ay agad na siyang nagpaalam dito na tinugunan naman ng dalaga 'saka nagpasalamat.

ALAM NIYA kung saan niya makikita ang kan'yang ama kaya pinuntuhan niya na ito. Nasa office ng ama niya ito sa katabi ng kwarto niya. Ewan niya kung bakit nasa katabi ng kwarto niya ang office nito kung saan ito nagt-trabaho ng mga hindi natapos na gawain sa kanilang kompanya.

Sa edad niya dapat siya na ang nagpapatakbo ng kanilang kompanya pero palagi niyang sinasabi sa ama niya na ayaw niya sa kompanya nila kaya kahit fifty-three years old na ang ama niya ay ito pa rin ang nangangalaga sa kompanya nila, hindi naman halata sa ama niya na singkwenta y tres na ito dahil batang-bata pa rin itong tingnan.

Akala nga ng mga kaibigan niya ay forty plus palang ang kan'yang ama pero nung imbitahan niya ito sa birthday ng daddy niya a month ago ay nagulat ang mga ito sa nalaman na ika-limampu't tatlong kaarawan na pala ito ng ama. Looks can be deceiving wika nga nila, ganoon ang nangyari sa mga kaibigan niya sa pag-aakala ng mga ito sa edad ng ama niya.

Nang nasa tapat na siya ng pinto ng office ng ama niya ay nagkatok muna siya bago pumasok, basic manner sabi nila.

"Come in," ani ng nasa loob ng kwartong iyon.

Agad na pinihit ni Ryo ang seradura ng pinto at 'saka ito binukas.

"Ano po iyong sasabihin niyo sa akin, Pa? Importante ba iyon?" magalang niyang tanong rito 'saka umupo sa isa pang swivel chair katabi ng kan'yang ama. Dalawa ang swivel chair doon dahil sa ina niya ang isa roon noong nabubuhay pa ito.

"Do you still remember your uncle John?" tanong ng ama niya 'saka hininto ang pagtipa sa laptop nito at tumingin sa kan'ya.

"Mama's younger brother, right?" sagot niya na parang hindi sigurado kaya medyo patanong ang kan'yang tono.

"Yeah. Next week is his 31st birthday, he wants to celebrate it here. Walang party just me, you and him but if you want to invite your friends it's fine mas mabuti nga iyon. He'll arrive tomorrow from Singapore, I don't know what the exact time basta darating ang uncle mo bukas. I want you to find a best chief to cook for your uncle's birthday."

His uncle was 6 years older than him. Kaka-birthday lang ni Ryo tatlong buwan na ang nakakalipas at iyon ay buwan ng hulyo.

"Si Xavier na lang ang kukunin kong chief. Kilala mo naman siya 'di ba, dad?"

"Yeah! Magaling ngang magluto ang batang iyon," tugon ng kan'yang ama.

Xavier Peterson, isa sa mga matalik niyang kaibigan during his college days, until now they're still friends. Tatlo silang magka-kaibigan, siya, si Xavier at Alphanzí. Hindi nga lang sila ngayon nakakapag-bonding tulad noon na gabi-gabi sila sa club, para mang-chix, ang dalawa lang pala niyang kaibigan dahil siya ay walang ka-amor amor sa mga babae na ipinagtataka ng kanyang mga kaibigan. Mga busy na kasi ang mga kaibigan niya sa mga kan'ya-kan'ya nitong buhay. Si Xavier na isang chief sa sarili nitong restaurant at si Alphanzí naman busy sa pagiging buhay may asawa dahil sa bagong kasal pa lang ito sa long time girlfriend nito noong college pa sila. Hindi niya nga akalain na ito pa rin pala ang magkakatuluyan sa huli, tadhana nga naman sobrang mapaglaro.

"Kakausapin ko na lang si Xavier tungkol dito."

"Good. Son, can you do me a favor?" malumanay na tanong ng kan'yang ama.

"What favor?"

"Pwede ikaw na ang magpatakbo sa kompanya natin? Kita mo naman na matanda na ako at 'saka kailangan mo na rin iyon dahil sa iyo lang naman mapupunta ang kompanya natin kapag dumating ang araw na lisanin ko na ang mundong ito."

Hindi agad nakaimik si Ryo dahil sa sinabi ng kan'yang ama.

"Pag-iisipan ko muna, dad," tugon niya 'saka nagkamot ng ulo.

"You're already 25 years old, son. Hindi ka na bumabata dapat ikaw na ang namamahala sa kompanya natin. Please, son! Pumayag ka na ikaw na ang magpatakbo sa kompanya natin. Alam ko naman na kaya mong pamahalaan ang kompanya natin."

"Okay, dad. Pero after na ng birthday ni uncle ako mag-uumpisa, okay lang po naman iyon di ba?" Tanging tango lang ang isinagot ng kanyang ama at ngumiti.

Kahit kailan hindi niya matanggihan ang ama dahil sa mahal na mahal niya ito at ito na lang ang mayroon simula nang mamayapa ang kan'yang ina noong ikaanim na kaarawan niya. Palagi niyang sinasabi na ma-s’werte siya dahil sa inalagaan siya ng ama nang mabuti at napalaki siya nito nang may takot sa Diyos. He really love his father, ayaw na ayaw niyang nagagalit ito at nahihirapan dahil sa kan'ya. Tama ang ama niya dapat na siya na ang magpatakbo ng kompanya nila dahil matanda na ang kan'yang ama hindi nga lang halata.

"You can rest now, son. Iyon lang naman ang gusto kong sabihin sa iyo. Goodluck new CEO of Miller Corporation Mr. Ryo Miller," nakangiti ang ama niya nang sinabi iyon kaya napangiti na rin siya. "Bagay na bagay sa iyo anak ang pagiging CEO." Dagdag pa nito na ikinangiti niya lamang.

"Pahinga ka na rin, dad. Bukas mo na lang tapusin iyang ginagawa mo, baka makasama sa iyo kapag nagpuyat ka pa. Matanda ka na. Bukas na nga lang ako mag-start ayoko nang mahirapan ka pa, dad. Starting tomorrow at sa darating pang mga araw hindi ka na magpapagod. Ako nang bahala sa lahat, dad. Let me handle it," sinserong ani niya.

"I have a big trust on you, son. Basta kapag na hirapan ka, don't hesitate to ask me para matulungan kita," ani nito at tinapik ang kan'yang balikat.

"Sure, dad! Tara pahinga na tayo," aya niya at 'saka itiniklop na ang laptop ng ama niya.

"Sayo na yang laptop, son. Iyan na ang gamitin mo dahil nariyan din naman na ang mga documents na kailangin mo!"

"Okay, dad."

Magkasabay nilang nilisan ang office ng ama niya na magiging office na rin niya.

Nauna nang pumunta ang ama ni Ryo sa silid nito-ang master's bedroom. Habang siya naman ay pumunta muna sa dining area para uminom ng tubig. Nang makainom ay umakyat na siya sa kanyang sariling silid upang matulog.

(Unedited.)

(MrLazyWriter)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top