CHAPTER 17

NANG UMALIS sina Ryo at John sa Park ay ang pag-alis din nang nag-eespiya sa kanila.

Kahit sa loob ng sasakyan ay magkasaklop pa rin ang kanilang mga palad. Parehong ayaw nang bumitaw pa.

Maraming nakakita nang halikan nilang dalawa sa Park. Akala nila ay huhusgahan sila ng mga ito pero hindi; mali sila nang akala. Pinuri pa nga sila ng mga ito at maraming kinilig. Lalong-lalo na ang mga kabataang babaeng naroon.

Pero paano kaya kapag nalaman ng mga ito na mag-tiyuhin sila? Pupuriin pa kaya sila ng mga ito? Kikiligin pa kaya ang mga ito sa relasyon nila? Baka nga pandirian pa sila ng mga ito.

Ang kailangan lang nilang dalawa ay ang humanda sa mga matatanggap nilang panghuhusga. Ngayong magkarelasyon na sila, paniguradong magsisidatingan ang dagok sa kanilang relasyon. Pati pagkatao nila ay masisira. May mga tao ba namang mapanghusga.

Akala mo ang babait, iyon pala ay santa-santita. Kung makahusga sagad sa buto. Hindi nila pinapakikiramdam ang kanilang mga sarili na sila pa pala ang mas kahusga-husga.

Hindi naman mali ang magmahal. Mali lang talaga ang pinili ng kanilang puso ng taong mamahalin. Sa bilyon-bilyong tao, sa kadugo pa nila sila nahulog.

Saka lang sila bumitaw sa pagkakasaklop ng kanilang palad nang marating nila ang kanilang bahay. Mahirap na baka makita ng ama ng binata.

Kung bakit kasi hindi natuloy ang pag-alis ng kaniyang ama kasama ang Ninong at Tito niya na kaibigan ng Dad niya. Edi sana masosolo niya ang kaniyang Tiyuhin sa bahay nila. Magagawa nila kung ano man ang gusto nilang gawin sa kanilang kuwarto, sa sala at kahit saang bahagi man ng bahay nila. Hindi sana sila mamomroblema, lalo na ngayong may relasyon na silang dalawa.

When Ryo finished parking his car on the garage, they went out of the car in synced. They smiled at each other before they went inside of the house.

Mag-aalas singko pa lang ng hapon. Wala sa sala ang ama ni Ryo. Hindi nila nakita ito roon. Siguro nasa kuwarto na niya ito. Kung wala posibleng nasa bahay ito ng isa sa mga Ninong ni Ryo o 'di kaya naman ay nasa bahay ng kaniyang Tito na kaibigan ng kaniyang ama.

"Sa kuwarto ko muna ako," sabi ni John na kaagad na ikinalingon ni Ryo dito.

"Aren't you going to eat snacks or even sip a coffee?" Umiling si John sa tanong ng binata. "Okay."

"I'll rest. Just woke me up if we will going to eat dinner."

"Okay, Love. I'll jot it down. I know you're tired." Ryo smiled at John, showing his crystal-like teeth.

Hindi na nagsalita pa si John. Pumanhik na lamang siya paakyat sa loob ng kaniyang kuwarto. Pinasadahan siya nang tingin ni Ryo hanggang sa mawala siya sa paningin ng binata.

Naglakad si Ryo sa kusina saka pumunta sa may coffee maker. He make him his own. It was a pure black coffee without sugar. He don't like the taste of it if it has a sugar. When he's done, he starts sipping it.

Hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon na silang label ni John. Dati naman talagang may label; mag-tiyuhin. Pero ngayon ay lumevel up; they're now a lover.

He really love John romantically. Forbidden is addicting. He agreed to whomever created that saying.

Ang namamagitan sa kanilang dalawa ng kaniyang tiyuhin ay mali. Hindi iyon maitatama ng pagmamahal nila sa isa't isa. Pero wala siyang balak na itinigil pa iyon. Baka takasan siya ng ulirat kapag nawala o iwan siya ni John. Susugal siya sa relasyong bawal.

Inilagay niya na lamang sa may island counter ang tasang ginamit niya.

"Nandito ka na pala, Senyorito," saad ng katulong nila na medyo may katandaan na rin. May bitbit itong basket na ang laman ay mga gulay. Kaya siguro wala rin ito pagdating nila dahil sa namalengke ito para bumili ng mga iyon.

"Yeah. Magluluto ka na ba ng pang-hapunan, Manang?" Kinastigo niya ang kaniyang sarili ng rumehistro sa isip niya ang kaniyang sinabi.

Stupid bastard. Stating what's the fucking obvious. He uttered at the back of his head.

Buti hindi iyon napansin ng kanilang katulong. Tumango na lamang ito sa kaniya. Umalis na siya doon bago tuluyang mapahiya sa matanda.

Naglakad na lamang siya papunta sa hagdan. Umakyat siya dito papunta sa kaniyang kuwarto. Nang marating ay kaagad siyang pumasok doon.

Gusto niya sanang puntahan si John sa kuwarto nito pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Alam niyang pagod talaga ito. Kailangan nitong magpahinga. Kahit siya ay pagod din.

Nasa kisame ang tingin niya. Hindi niya namamalayan na paunti-unti na pa lang sumasara ang talukap ng kaniyang mga mata hanggang sa makatulog siya.






NAGISING SI RYO nang marinig niyang may kumakatok sa pinto ng kuwarto niya. Sinundan iyon ng boses ng kanilang katulong; tinatawag siya; kakain na raw sila. Sinabihan niya itong susunod na siya. Narinig niya na lamang ang mga yabag nito paalis sa harap ng kuwarto niya, kaya bumangon na siya. Tiningnan niya ang kaniyang pambisig na relo para tignan ang oras. Saktong alas sais na pala ng gabi. Alam niyang nakauwi na ang kaniyang ama nang ganoong oras. Siguro nauna pa ito sa kaniya sa hapag-kainan.

Pumasok siya sa kaniyang silid-paliguan saka nag-mouthwash. Nang matapos ay lumabas na siya dito at tuluyang nilisan ang kaniyang kuwarto.

Naalala niya ang sinabi ng kaniyang tiyuhin na gisingin ito, kaya lumapit siya sa kuwarto nito saka kumatok sa pinto. Naka-ilang katok at tawag na siya pero walang sumagot kaya binuksan niya na lang ang pinto at tinignan kung naroon ito, baka masarap pa ang tulog nito. Ngunit hindi niya ito nakita roon.

"Maybe he's already on the dining room," he uttered. Lumabas na lamang siya sa kuwarto at isinara iyon.

Bumaba na siya sa hagdan. Pagkatapos ay kaagad niyang tinalunton ang silid hapag-kainan. Tama nga ang hula niya. Naroon na si John sa hapag-kainan at nagsisimula nang magsandok ng pagkain nito. Nandoon na rin ang kaniyang ama. Umupo na rin siya sa kaniyang upuan at nagsimula na ring kumuha ng kaniyang kakainin.

Walang nagsasalita. Lahat abala sa masarap na pagkain na hinanda ni Manang Melda-katulong nila. Sinigangan na baboy na nilagyan ng repolyo at sitaw; pritong tilapya; at saka adobong manok. Gusto nila ang mga ganoong luto dahil nakasanayan na nilang kumain ng mga simpleng pagkain lamang. Mayaman sila pero hindi sila mapili sa pagkain; lalo na kung masarap ang pagkakaluto.

Sabay-sabay silang natapos. Unang tumayo ang ama ni Ryo pagkatapos nitong uminom at punasan ang labi. Sumunod na tumayo si John na sinundan din ni Ryo. Kasalo nila si Manang Melda na kumain.

"What are you planning, hmmm?" John uttered as Ryo followed him on his room.

"I wanna eat my dessert and that's you." Ryo bit his lips.

"No. Gusto kong magpahinga," tugon ni John.

Naluluging tumingin ang binata kay John. "10 minutes only. A simple cuddle would be enough."

"I doubt that. Go to your room. You need to rest as well."

"Please, Love," Ryo said. He pouted his lips.

"No." Pinatalikod ni John si Ryo saka tinulak-tulak ito palabas sa kaniyang kuwarto.

"I know you can't resist my delicacy. We both knew that," giit pa rin ng binata saka ngumisi.

Hindi na lamang nagsalita si John. Patuloy lamang siya sa pagtulak kay Ryo hanggang sa tuluyan na itong makalabas sa kaniyang kuwarto.

"Goodnight, Love." Kinintalan ni John nang mabilis na halik sa labi si Ryo saka isinara ang pinto. Ini-lock niya iyon mula sa loob.

John grinned as he went to his bed. Samantalang si Ryo ay nagsimula nang maglakad sa kaniyang kuwarto, suot-suot ang luging-luging mukha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top