Special Chapter : Taehyung's Birthday

A/N: surprise!!
-

Taehyung's Point of View.

Ngayong araw ay isa sa mga espesyal na araw para sa akin. Dahil ngayon ay birthday ko.

Oo, birthday ko ngayon.

Ang tanda ko na.

"Yeontan!" I made a 'tk tk tk' sound to call my puppy habang nakaupo sa sofa. "Tannie! Tantan, come here!"

Tumahol siya at masayang tumakbo papunta sa 'kin habang kumakawag pa ang buntot niya.

"Aww, who's the good boy?" I caressed his fur. "Yes, yes, you are. You are the good boy." I cooed using my tiny voice. Binuhat ko siya at inilagay sa lap ko. "I wonder where Daddy is?"

Nang magising ako kanina ay wala si Jimin sa tabi ko, instead, si Yeontan ang bumungad sa 'kin. Dinidilaan pa nga ang braso ko.

"Tannie, Daddy's not here and today's my birthday. Paano ako magse-celebrate?" bumuntong hininga ako. "Baka bumibili ng panghanda."

And by that, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jimin kasama si Jihyun at may dala silang paper bags.

"Oh, Tannie, Daddy's here." Tumalon si Yeontan pababa mula sa lap ko at tumakbo papunta kay Jimin at tumahol-tahol habang kumakawag ang buntot. "Jimin, he's happy to see you."

"Hi, Tantan! I'm happy to see you too."

"Hello, Tannie!" pagtawag ni Jihyun sa kaniya pero hindi na siya hinawakan dahil may buhat-buhat siyang paper bags.

"Jihyun, pakilapag na lang 'yang mga 'yan sa lamesa." sabi ni Jimin at sumunod naman ang kapatid niya.

"Hyung, sigurado ba kayong hindi kayo magbabagong taon sa bahay?" tanong ni Jihyun pagkatapos ilapag sa lamesa ang paper bags.

"Hindi na, atsaka nagpasko naman na kami roon. Tell Mom we said hi."

Tumango na lang si Jihyun sa sinabi ni Jimin. "Sige, Hyung, uwi na ako. Bye!" Lumingon siya sa akin pagkatapos, "Bye, Taehyung hyung!"

"Bye!"

Kumaway na siya at lumabas ng bahay. Sinara ko naman ang pinto.

"So, ano 'yang mga binili mo?" Pinanood ko siyang ilapag ang paper bags sa lamesa, sinusundan naman siya ni Yeontan.

"Panghanda para bukas, New Year's Eve." sagot niya at binuhat ang tuta. "Hello, cutie! Jimin's here already. Did you miss me?" Tumahol lang si Yeontan.

"Ako, I miss you. I miss you everyday." Lumingon siya sa 'kin at tumawa nang bahagya. "Babe, may nakakalimutan ka ba?"

Kumunot ang noo niya at umiling siya, "Wala naman. Bakit?"

Ngumuso ako at itiniklop ang mga braso ko sa dibdib ko. How come he forgot about my birthday?

"Aww, baby, what's the problem?" Inilapag niya si Yeontan sa sahig at lumapit sa 'kin sa sofa. Hinawakan niya ako sa braso at umupo sa tabi ko. "Tell me."

"It's my birthday today." mahinang sabi ko at tumingin sa baba.

Bigla na lang siyang tumawa nang malakas kaya tumingala ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

"Akala mo ba nakalimutan kong birthday mo ngayon? 'Di ba sabi ko wala akong nakakalimutan. Bumili nga ako ng panghanda eh."

I made a grunting sound and slapped his arm, "Annoying! You're so annoying! Ang sabi mo pang-New Year's Eve 'yon."

"Atsaka pang-birthday mo. Hindi pa kasi tapos eh." tumawa na naman siya.

I looked at the puppy, "You heard that, Tannie? Daddy didn't forget my birthday." then I glanced at Jimin and I saw him smirking.

"Si Yeontan ba talaga ang tumatawag sa 'kin n'yan o ikaw?"

Hindi ko napigilang mamula. "Both?" patanong na sabi ko at tumawa naman siya.

"Baby, kung ano-ano na namang pinagbabasa mo." he then ruffled my hair.

"But is it okay with you if I call you that?" nahihiyang tanong ko at kinagat ang ibabang labi ko.

"Yes." sagot niya at binuhat si Yeontan papunta sa lap niya. "Cutie, do you want a treat?" Kumakawag pa rin ang buntot ng tuta. "Of course, Tannie wants a treat. But later, okay?" he carressed his fur gently.

I smiled at the sight. They're so cute.

"Babe." He only hummed. "I have photoshoot later."

Napalingon siya sa 'kin, "What? I thought we're celebrating your birthday?"

"Kaya nga. I just want to say that I'm not attending the photoshoot."

"Ah!" tumango-tango siya. "Okay. But you should at least inform them."

I hummed, "Okay!"

+++

"Taehyung-ah, happy birthday!" sigaw nina Hoseok hyung at Yoongi hyung sa kabilang screen.

Nagbi-videocall kasi kami. 'Yung dalawa ay nasa South Korea at sina Namjoon hyung at Jin hyung naman ay busy sa restaurant nila.

Si Jungkook? Nandito pa rin siya sa Pilipinas. Pero nasa Manila siya ngayon kasama ang parents niya.

"Hoy, ipapadala na lang namin ang regalo namin, okay?" sigaw ni Namjoon. "Sa Lalamove."

"Lalamove?" Tawang-tawa si Jimin sa tabi ko.

"Pwede bang magpa-Lalamove kahit nasa South Korea? Magpapadala rin kami ng regalo." tanong naman ni Hoseok hyung at tumawa kaming lahat.

Pero napaisip ako. Pwede nga ba 'yon?

"Oh sige, marami nang customer. See you soon, guys!" pagpapaalam ni Namjoon hyung at kumaway naman si Jin hyung bago umalis sa videocall.

"Oh, kayo? Hindi ba't nagbabakasyon kayo d'yan?" tanong ko roon sa natirang dalawa.

"Oo nga, Hyung, ang daya niyo. Korea-Korea pa kayo." biglang nagsalita si Jungkook na kanina ay nakikinig at tawa nang tawa.

"Aba! Dito kami pinanganak." sagot ni Yoongi hyung.

"Ako rin naman ah!"

"Puta! Lahat tayong pito, pinanganak sa Korea. Tumigil ka nga d'yan, Jungkook." sabi ko sa kaniya.

Nakita ko siyang bumuntong hininga kahit medyo 240p sila. "Gusto ko nang bumalik d'yan sa Cavite pero sabi ni Mama ay sa January 2 pa raw kami babalik. Miss ko na si Yerim!" ngumawa pa siya.

"LDR ang peg? Akala mo naman nasa ibang bansa ka! Oh, January 2, malapit na 'yon." singit naman ni Jimin.

"Oo nga naman." pag-agree ko.

"Uso text at videocall, Jungkook. Kung gusto mo, tawagan mo na lang siya mamaya pagkatapos nito." sabi naman ni Yoongi hyung sa kaniya.

"Eh, hindi na. Sabi niya, papunta raw sila kina- oh." Papunta kina sino?

"Papunta kina?" nagtatakang tanong ko.

"Wala, hyung, wala. Hehe." ngumiti pa siya nang malapad na parang may ginawa siyang kalokohan.

"Baka papunta sina Yeri sainyo?" sabi ni Hoseok hyung at mas lalo akong nagtaka.

"Hoseok hyung! 'Wag kang spoiler."

Ah! Pupunta sila rito.

Teka, bakit?

"Sige na, guys, babye na! Mag-iikot muna kami rito sa Jeju." sabi nung dalawa at agad na umalis sa videocall. Naknampucha, nasa Jeju.

Tumawa nang bahagya si Jungkook, "Bye na rin, Hyung. Hintayin niyo na lang sila d'yan, hehe. Happy birthday!" Umalis na siya sa videocall at pinatay ko naman ito.

"Sakto! Marami akong niluto." sabi naman ni Jimin. "Para ngang pang-New Year's Eve na eh."

At maya-maya lang ay may kumatok sa pinto. Tumayo ako mula sa sofa at naglakad papuntang pintuan. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa 'kin sina Yerim, Jihyun, Mama, Papa at Tita Park.

"Hala!"

"Happy birthday!" sigaw nilang lahat.

"Kuya, I miss you!" Nagulat ako nang yakapin ako ni Yeri pero niyakap ko rin naman siya pabalik.

Kumalas kami sa yakap nang tumahol si Yeontan. Sumigaw naman si Yeri at nilapit ang tuta, "So cute!" Binuhat niya si Yeontan at tinahulan naman siya nito. "Aba! May kilay ang aso." Natawa ako dahil do'n.

"Ang sabi niyo kasi hindi kayo magbabagong taon sa bahay, kaya kami na lang ang magbabagong taon sa inyo." sabi ni Jihyun kay Jimin. "Quits na tayo!"

"Regalo namin para sa 'yo!" inabutan ako ni Mama ng paper bag galing Penshoppe.

"Penshoppe, Ma, seryoso?" tanong ko at tumawa.

"Ay, Bench ka nga pala." tumawa rin siya, "Okay lang 'yan!"

Tinanggap ko ang paper bag at niyakap si Mama. "Thank you po. I miss you!"

"I miss you too."

"Oh, tara na, kain na tayo." sabi naman ni Tita Park. "Mukhang masarap 'yung mga pagkain."

"Si Jimin po ang nagluto n'yan lahat. Pero tumulong ako sa paggagayat ng mga ingredients." sabi ko at ngumuso.

"It's okay, baby, I meant to serve you." Ngumiti ako sa sinabi ni Jimin.

Narinig ko naman silang nagkatyawan. "Mamaya na 'yan! Mahiya naman kayo sa mga taong hindi kasama ang jowa." sabi ni Jihyun.

"Tama!" sabi naman ni Yeri.

Tumawa kami ni Jimin. Wala kasi sina Jungkook at Teresa.

"Come on, come on!" pag-aya ni Jimin at pumunta na kami sa hapagkainan. "Teka lang, let the birthday boy blow the candles first."

"Ano 'yan, tatlong kandila kasi you love me?" Lumingon sa 'kin si Jimin.

Nakangiti siyang tumango, "Oo, kasi I love you."

Sinindihan niya gamit ang lighter 'yung tatlong kandilang nakatusok sa cake.

Hindi mawawala 'yung pagkanta ng happy birthday kaya ayan, kumakanta sila habang awkward akong nakatayong pumapalakpak pa.

Para akong bata.

Pagkatapos ng pagkanta nila ay hinipan ko na ang mga kandila.

"Let's eat!" sigaw ko.

+++

"Jiminnie!" Nasa kwarto kami ngayon habang ang iba ay nasa sala, nilalaro si Yeontan.

"Oh?" Lumingon siya sa 'kin at ngumiti.

"Thank you for today. Thank you for always making me happy." Lumapit ako sa kaniya at niyakap ang braso niya.

He pats my head, "Of course, baby. As I've said, I meant to serve you."

"Ano ka sundalo at ako ang bayan mo?"

"Parang ganoon na nga." he smiled.

Ngumiti ako at ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya. He smells so good. "I love you."

Hinawi niya ang buhok ko na nagtatakip sa mga mata ko, "I love you too." he pressed his lips on my forehead.

He will always be my home.
-

A/N

( gorgeous cover by eurybia- uwu thank you so much <3 )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top