Epilogue
A/N: double update para tapos na :D welcome to epilogue!
-
First Person's Point of View.
Malinaw na malinaw pa rin sa aking memorya kung paano ko nakilala itong lalaking nasa tabi ko limang taon ang nakalilipas.
Flashback ¬
Malapad ang aking ngiti habang nakatitig sa kapeng nasa aking harapan. Isang black coffee na walang gatas, kasi mayroon akong lactose intolerance, pero may limang kutsara ng asukal. Napakasarap!
Pero hindi masarap magkaroon ng diabetes, alam ko iyon.
Habang mapayapa akong umiinom ng kape at nakabantay sa panaderya namin ay may nakita akong lalaki sa harapan ko na bahing nang bahing at tila may buhat-buhat pa siyang pusa.
"Hoy! Kanina ka pa bahing nang bahing diyan, baka malagyan mo ng bakterya itong kape ko." reklamo ko sa kaniya at napatingin naman siya sa akin.
Wow!
Literal na wow.
Ang gwapo nitong lalaking nasa harapan ko.
May mestisong balat at kulay kayumangging buhok, ganoon din ang kaniyang mga mata.
Pero hoy, hindi ako bakla, sa palagay ko lang ay gwapo siya.
"I finally found you." Nagtaka ako sa sinabi niya. Ano raw?
"Ano kamo iyon?"
Umiling siyang bigla, "I'm sorry, I've been holding this kitten." iniangat niya pa nang kaunti ang pusa-ay, kuting pala, na dala niya.
Hala! In-English ako. Paano ko sasagutin iyon?
Ay sandali, naunawaan niya kaya iyong sinabi ko kanina?
"Allergic ka ba sa pusa?" Tumango lang siya. "Kung ika'y allergic sa pusa, bakit hawak mo iyan?"
"They're homeless. My heart can't take it." Tumango-tango lamang ako at humigop ulit sa tasa ng aking kape. "Uh," Lumingon ako sa kaniya nang umubo siya. "Could I buy two pieces of... what do you call it, pandesal?"
"Ay, wala na kaming pandesal sa ganitong oras. Ngunit maaari kang bumili nitong monay."
"Do you have bonete?" Bumahing ulit siya.
Nakakaawa naman, namumula na ang ilong niya at nagluluha ang mga mata.
"Mayroon. Dalawang piraso ba kamo?" tumango siya. "Okay!"
Pumunta ako sa likod para kumuha ng dalawang piraso ng bonete at inilagay ito sa isang bag na papel or paper bag.
"Tatlong piso ang isa, kaya anim na piso lahat." Iniabot ko sa kaniya iyong paper bag pero tinitigan niya lang ako. "Oh, bakit? Kunin mo na ito, nangangalay na ako."
Sabay kaming tumingin sa kuting na natutulog sa braso niya. Ang cute!
Bumahing na naman siya nang apat na beses na tuloy-tuloy.
Inilapag ko sa counter ang paper bag at lumabas ng panaderya o bakery. "Akin na nga iyan, naaawa na ako sa iyo, bahing ka nang bahing."
"Thank you."
Kinuha ko nang dahan-dahan ang kuting mula sa braso niya upang hindi ito magising. "Akin na ang iyong bayad at kunin mo na ang paper bag ng tinapay na binili mo."
Kumuha siya ng barya mula sa bulsa niya at iniabot sa akin. Kinuha ko ito at kinuha naman niya ang paper bag mula sa counter.
"Kakaiba ka magsalita 'no? Medyo makata pero may pagka-modern pa rin." Marunong naman pala siya managalog.
Tumango ako sa sinabi niya, "Marunong din naman akong mag-English pero sinanay ko ang sarili ko sa wikang Tagalog, o Filipino. Sa aming bahay, lahat sila ay nagsasalita ng English pero ako, Tagalog ang gamit ko. Nauunawaan ko naman sila pero minsan, dumudugo ang ilong ko. Literal."
"Share mo lang?" tumawa siya at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Oo, ibinabahagi ko lamang." nirolyo ko ang aking mga mata. "Kunin mo na nga itong kuting mo."
"Put him on the counter, please."
Tinignan ko siya nang masama, "Inuutusan mo ba ako?"
"Hindi. Pinapakiusapan kita."
"Sige, dahil mukhang mabait ka naman." Inilapag ko nang dahan-dahan ang kuting sa counter upang hindi ito maistorbo sa kaniyang pagtulog.
"What's your name, by the way? And how old are you?" tanong niya at kumuha ng tinapay mula roon sa paper bag.
"Jaemin. Na Jaemin. Labing-anim na taong gulang. Ikaw?"
"Lee Jeno. 16 years old too. Nice to meet you, Jaemin!"
"Kinagagalak din kitang makilala, Jeno!"
End of flashback ¬
Limang taon na kaming mag-bestfriend ni Jeno. Wala namang nagbago bukod sa lalo siyang gumagwapo araw-araw.
Hindi ako bakla.
Medyo lang.
"Jaem, look at this." Lumingon ako sa kaniya at may tinuro siya sa aking pahina ng isang kwaderno o notebook.
Itong notebook na ito ay makaluma na, halos dalawang siglo na yata ang edad nito. Nakita ko lamang ito sa cabinet ni Mama.
Nasa dulong pahina ang kwaderno at tila may isang mensahe na nakasulat sa hangul o alphabeto ng Korean.
Isa akong Korean, at pati rin si Jeno.
roughly translated in English ::
To those who decided to read this diary,
This diary is a property of Emilia Imperial, as you can see at the first page. She is the supposed to be wife of Adrian Solar.
I am Taehyung Kim-Park, 28 years old as of the moment I'm writing this note. You, the one reading this, are probably related to me, depending on who might read this diary. I'm probably deceased when this note finally reach you.
Why am I writing this note? Simply because I want to inform you that I am the reincarnation of Emilia. And my husband, Jimin Park, is the reincarnation of Emilia's boyfriend, Adrian. And you might be a reincarnation of someone close to me, or even me. Who knows?
Their lovestory taught us many things such as patience, determination and being contented on what you already have.
From reading her diary, I hope that you find some life lessons as well, although I think there were none because she was just ranting about her daily life.
Anyway, I hope you're having a great day! It's okay if you don't remember your past life, it's normal, don't worry about it. Be happy always and keep smiling :))
xoxo.
"Park Taehyung?" nakakunot ang noo ko habang binabanggit ang pangalang iyon.
Nakita kong nakatingin sa akin si Jeno. "I found you. I told you I still would find you no matter what." Nagtaka ako sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.
"Taehyung, it's me, Jimin."
Pamilyar talaga ang pangalang Taehyung at Jimin.
"Huwag mong sabihing reincarnation ako ni Taehyung?" Tumango siya.
Mukhang naaalala ko na kung sino sina Taehyung at Jimin. Sa palagay ko ay nakita ko ang pangalan nila sa isang family picture nina Mama noong mga bata pa siya.
Tumakbo ako papasok sa loob ng bahay namin. Napansin kong sinundan naman ako ni Jeno.
"Hey, son, what's going on?" tanong sa akin ni Mama pero patuloy lang ako sa pagtakbo at umakyat papunta sa storage room namin.
Pumasok ako sa loob at hinalungkat ang drawer na may lamang mga photo album. Kinuha ko ang isang may nakalagay na 'Park and Jeon' at binuklat ito nang binuklat hanggang sa mahanap ko ang larawang aking hinahanap.
Napasinghap ako.
"Jeno!" Naglakad siya papunta sa 'kin at umupo sa sahig, sa tabi ko. "Siya ba si Taehyung?" tinuro ko ang isang lalaki.
"It is! And this is Jimin." tinuro niya naman ang lalaking katabi ni Taehyung.
"Shit, Jeno! Si Taehyung ay kapatid ni Grandma Yeri. Ibig sabihin ba noon ay reincarnation ako ng aking great uncle? Seryoso?" gulat na gulat na tanong ko.
Tumango nang dahan-dahan si Jeno at tumawa nang marahan, "Ganoon na nga."
Nabitawan ko ang photo album. Tumitig lang ako sa kawalan. Matagal na akong naniniwala sa reynkarnasyon at masasabi kong napakaganda nitong nadiskubre ko.
"Jeno, may sasabihin ako."
"What is it?"
"Hindi ito dahil reincarnation tayo ng great uncles ko pero... gusto kita. Gustong gusto kita, Jeno."
Ngumiti siya na abot hanggang tainga at pati ang kaniyang mga mata ay nakangiti rin. "I like you too, Jaemin."
-
A/N
that's it! I know this is not what you're expecting, pero sana ay nagustuhan niyo pa rin.
maraming salamat sa pagbabasa! kita-kita tayo sa susunod kong libro na 'Never Not Remember You' hehe,, so yun lang, thank you again and I love you, guys, so much! <3
P.S. Jaemin and Jeno are members of NCT Dream :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top