Chapter 69 : Unnamed

Taehyung's Point of View.

"Good morning, baby!" pambungad sa 'kin ni Jimin nang makarating ako sa sofa. Ngumiti ako at umupo sa lap niya.

"Good morning." I half-whispered.

"Are you okay now? Hindi ba masakit ang ulo mo?" tanong niya na may pag-aalala. "I'm really sorry. But at least you survived your first drunk experience."

"Sira! Bakit, may hindi ba nakaka-survive doon?" seryosong tanong ko at tumawa lang siya. "Medyo masakit ang ulo ko pero okay na ako." Tumayo ako mula sa lap niya, "Magmo-morning skincare muna ako, okay?"

Tumango siya. "Bilisan mo at kakain na tayo."

"Opo!" Tumawa ako at tumakbo sa CR, na nasa loob ng kusina, para gawin ang kailangan kong gawin.

Tumagal ako nang halos isang oras bago matapos. Lumabas na ako at nakita ko si Jimin na nakaupo na sa hapagkainan.

Pagkalabas mo kasi ng kusina ay bubungad sa 'yo ang hapagkainan. Lumiko ka at maglakad pa saglit ay may makikita ka namang dalawang kwarto sa gilid. 'Yung isa ay kwarto namin at 'yung isa ay storage room o pwede ring guest room, but so far, wala pa namang nakikitulog dito sa apartment namin. At pagkalabas mo naman ng kwarto ay makikita mo sa kanan mo ang sala.

Gets niyo ba? Sabi ko nga hindi.

Nga pala, nilipat namin dito 'yung Smart TV ni Jimin, as well as his wifi router. Kung hindi niyo natatanong, they have two wifi routers. One for his Smart TV and the other one is for them in general.

"Taehyung, kain na tayo." Tumango ako at umupo na sa tapat niya. He suddenly slid a cup in front of me. "Oh, uminom ka ng kape para mabawasan ang sakit ng ulo mo. Don't worry, walang asukal 'yan."

Kinuha ko naman ito at tinitigan muna ang loob. Narinig kong tumawa nang marahan si Jimin kaya napalingon ako sa kaniya.

"Inumin mo na 'yan, 'wag mo nang titigan." Ngumuso ako at humigop nang konti.

I don't really like drinking coffee. Kung si Emilia ay adik sa kape, I just wish na ang susunod kong reincarnation ay mahilig din sa kape kagaya ni Emilia.

"Taehyung," Inilapag ko sa lamesa ang tasa at lumingon sa kaniya. "do you still remember Luna, my calico cat?"

Oh, si Luna. She died when we're 15 years old. Halos isang linggong nalungkot si Jimin noon at hindi lumalabas ng bahay nila, ni hindi rin bumibisita sa bahay namin.

Tumango ako, "Yeah. Bakit?"

"How about we buy a cat and a dog? Para naman may kasama ako rito everytime na nasa photoshoot ka." he then pouts.

Nanlaki ang mga mata ko, "A what?"

"I mean, only if you want. Either of the two, cat or dog." he waves his hand.

"Jimin, didn't you say you're developing an allergy to cats?" Bigla siyang ngumuso.

"I know, but cats are so cute." He sighs, "Okay, sige, aso na lang ang bilhin natin."

Kinunot ko ang noo ko, "Saan naman tayo bibili ng aso?" I suddenly miss Oreo.

"Edi sa pet store. Sa Robinsons yata ay may pet store. Ay mali, sa Lotus yata?" kinamot niya pa ang ulo niya.

Tumawa ako, "Jiminnie, saka na natin 'yan isipin. Kumain na muna tayo."

Tumawa siya pabalik, "Ay, oo nga pala. Okay!"

+++

Hoseok's Point of View.

"Yoongi, ano kayang pwedeng iregalo kay Namjoon? Birthday na niya in a less than a week." tanong ko sa kaniya habang nanonood kami ng movie.

"Regaluhan natin ng bulaklak." sabi niya at tumawa. Natawa rin ako at hinampas siya nang bahagya sa braso.

"Ano na lang, sapatos?" patanong na sabi ko. "Ano ba kasing gusto no'n?"

"Si Seokjin." tumawa ulit siya.

"Loko!" Para kaming tangang tawa nang tawa rito, hindi naman comedy 'yung pinapanood namin. "Relo na lang."

"Pwede, kasi narinig ko noong nakaraan na nasira 'yung relo niya dahil naihulog niya raw sa inidoro."

I showed a disgusted face. "Kadiri!" Umakto pa akong nasusuka. "Sige, 'yon na lang."

"Sige. Order na lang ako sa Amazon?" Umiling ako.

"No! Baka matagal pa bago dumating. Let's go to a mall tomorrow." I grin.

"Gusto mo lang mag-shopping eh." he laughs. "Is this supposed to be our honeymoon?"

"Honeymoon-honeymoon, who cares about honeymoon? Everyday is honeymoon for us." Parehas kaming tumawa.

"Oo na, sige na, let's go to a mall tomorrow."

I hugged him, "Yey!"

Third Person's Point of View.

"Aww, we suddenly miss Jimin!" biglang sabi ni Andy habang nasa 10-minute break sila at umiinom siya ng calamansi juice. Yes, hindi na 1 hour, 10 minutes na lang.

"We? You're talking as if you and Tala are the same person." komento naman ni Bianca habang kumakain ng tinapay.

"Why? Well, we really miss Jimin. At na-miss din namin 'yung kapag may oorder sa counter niya, we have to remind them na coffee shop ito at hindi bar club." sabi naman ni Tala at tumawa nang bahagya.

Tumango naman si Bianca, "Oh yeah, I miss that too. Nakakamiss pagtawanan 'yung mga costumer na lumalandi kay Jimin everytime na pipila sila sa counter niya. Promise!"

"Hoy, hoy, hoy! Tama bang pag-usapan 'yung kuya ko, huh? Baka mamaya mabilaukan 'yon nang walang dahilan." Biglang dumating si Jihyun, galing sa unahang parte ng kusina, na may dala-dalang coffee frappe.

"Sorry!" sabay-sabay na sabi nung tatlo.

Ilang saglit lang ay dumating si Teresa na may dala ring kape, galing din siya sa unahang parte ng kusina.

"Anong meron? Huli ba ako sa balita?" nagtatakang tanong nito sabay higop ng kape.

"Wala, wala. Pinag-uusapan lang namin si Jimin." sagot ni Andy.

"Mga baliw!" tawa ni Teresa.

"Alam mo ba, Jihyun," Nag-hum lang si Jihyun nang tawagin siya ni Bianca. "nagustuhan ka lang niyan ni Teresa kasi kamukha mo 'yung kuya mo."

Jihyun laughs, "Alam ko!"

"Hoy, grabe!" protesta ni Teresa. "Well, I admit, nagustuhan ko siya noong una kasi kapatid siya ni Jimin. Pero nang tumagal na, I like him because he is he."

"Ah, wow! Ang sweet naman no'n." sabi ni Bianca. "Feel na feel ko talaga 'yung pagiging thirdwheel—este, fifthwheel ko sa inyong apat araw-araw." sarkistong sabi niya.

"Loka!" Hinila nang bahagya ni Tala ang buhok ni Bianca.

Kung nagtataka kayo, hindi, walang relasyon sina Andy at Tala. Magkaibigan lang sila na mukhang mag-jowa. Pero parang doon na rin papunta 'yon.

"Hoy, balik na nga kayo roon. Tapos na ang 10 minutes." anunsyo ni Teresa.

"Tapos na 'yung 10 minutes?" gulat na sabi ni Tala, "Ang bilis naman!"

"Bahala kayo d'yan! Pupunta na ako roon." sabi ni Bianca at bumaba mula sa pagkakaupo sa lamesa. "Bye!" kumaway siya bago lumabas ng kusina at pumunta sa counter.

"Punta na rin ako roon. Bye!" paalam ni Jihyun at lumabas na ng kusina. Sumunod naman sina Tala at Andy.

Tumawa naman si Teresa habang umiiling-iling.

Going back to the original side of the story.

"So, Jimin, what breed do you want?" Taehyung asks while looking at Jimin's laptop, scrolling through a site on google. A site where they tell you everything about dogs and their different breeds.

Nakadapa siya sa kama nila habang katabi niya si Jimin na naglalaro sa cellphone niya.

"Taehyung, sa physical pet store tayo bibili, hindi sa online." sagot ni Jimin habang nakatingin pa rin sa phone niya.

"Alam ko, nagse-search lang ako." Tinignan niyang saglit si Jimin bago tumingin ulit sa laptop. "Ang cute ng pomeranian oh."

"Ah! Kahit anong gusto mo."

"How about husky?" Taehyung said, but more to himself. "Ah, malaki masyado." Kausap niya ang sarili niya. "Pom na lang. Jimin, pomeranian na lang!" he decided.

"Sure, baby, anything you want." Taehyung suddenly grinned, showing his rectangular smile.
-

A/N

last chapter na sunod and then epilogue na :((

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top