A/N: trigger warnings ahead!
-
one year later...
Jungkook's Point of View.
Galing kaming kainan at ngayon ay nandito kami sa isang sementeryo. Sobrang lakas ng ihip ng hangin dito, halos nililipad ang baseball cap na suot ko. At ang init din, tirik na tirik ang araw. 'Yung payong ni Hoseok hyung ay halos nililipad na rin.
Nakarating na kami sa mga puntod at bigla na lang akong napaupo sa damo dahil sa pagod. Init na init na rin ako.
Nilapag ni Namjoon hyung ang dala niyang bulaklak. Umupo rin sila in an indian seat.
"Kumusta na kayo d'yan? Pinapanood niyo ba kami mula d'yan sa taas? 'Wag kayong mag-alala sa 'min, ayos lang kami. By the way, tomorrow is our wedding. Sayang nga't hindi kayo makaka-attend, pero ayos lang. At least, nagpapahinga na kayo d'yan, hindi na kayo mahihirapan pa. I miss you! We miss you!" sabi ni Namjoon hyung at bigla na lang umiyak. Lumapit naman sa kaniya si Jin hyung para yakapin siya.
"Oh, Jungkook! Naiiyak ka ba? 'Wag kang umiyak, naiiyak din ako." sabi ni Hoseok hyung tapos bigla na lang kaming umiyak at nagyakapan kaming dalawa.
"Ano ba! Akala ko ba walang iiyak?" Niyakap kami ni Yoongi hyung at narinig kong suminghot siya. Umiiyak na rin yata.
"Tumigil na nga kayo! Parang tanga eh." Tumayo na si Namjoon hyung at nagpunas ng luha.
Sumunod naman kami at nagpunas din ng luha. Ayokong nakakakita ng umiiyak kasi naiiyak din ako.
Tumingin ulit si Namjoon hyung sa mga puntod. "Good bye, Mom and Dad. I love you!"
"Kung makaiyak naman kayo. Kamag-anak niyo ba 'yung namatay?" tanong ni Jin hyung at napanguso kami ni Hoseok hyung.
"Sorry na, nahawa lang." sagot ni Hoseok hyung.
Binuksan ulit ni Hoseok hyung ang kaniyang payong. Naglakad na kami palabas ng sementeryo.
Pagkalabas namin ay naghihintay sa gate ng sementeryo sina Jimin hyung at Taehyung hyung.
"Ang bilis niyo naman." gulat na sabi ni Taehyung hyung.
"Mabilis ba 'yon? Parang ang tagal nga. Atsaka ewan ko ba naman kasi sa mga 'to at bakit sumama pa sa loob." sabi ni Jin hyung, "Sinabi na kasing kami na lang ni Namjoon."
"For support." sabi ni Hoseok hyung at tumawa naman kami, including siya.
Taehyung's Point of View.
Nagtataka ba kayo kung anong nangyari at bakit ako nasagasaan last year?
Palabas na kami ng mall. Naghihintay kami ng jeep papuntang Imus. Tapos kinuha ko ang cellphone ko para sana i-text si Jimin. Hindi ko namalayan na tumawid pala sina Jungkook sa kabilang sidewalk. Napakabobo ko tumawid, nakatingin pa ako sa cellphone ko at hindi ko napansin na may paparating na bus. Ang huli kong narinig ay malakas na sigaw ni Hoseok hyung sa pangalan ko bago ako mawalan ng malay.
Akala ko talaga ay mamamatay na ako. Nanaginip pa ako noon na kausap ko raw si San Pedro at tinatanong ako kung gusto ko pa raw bang manatili sa lupa. Syempre ang sabi ko ay oo. Kawawa naman ang mga kaibigan ko at ang pamilya ko, lalo na si Jimin, kapag nawala ako.
Pagkagising ko noon ay nasa hospital na ako. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya nang magising ako. Kasi hindi pa ako patay at may natamo lang akong konting galos.
Pinagalitan pa nga ako ni Mama kasi bakit daw ako nagse-cellphone habang tumatawid. Kasalanan ko nga naman pero mabuti na lang at mabait si San Pedro kasi binuhay niya ako.
Noong araw din na 'yon ay nakatanggap kami ng balita mula kay Jihyun na nasagasaan din daw si Jimin. Sobrang lakas daw ng impact kasi rumaragasang truck na walang brake ang sumagasa sa kaniya. Naapektuhan ang spinal cord niya kaya na-comatoes siya nang mahigit isang linggo.
Pero 'wag kayong mag-alala kasi ayos na kami. Nawala na ang mga peklat ko. At maayos na rin ang spinal cord ni Jimin, matibay na matibay, parang walang nangyari.
"Taehyung, let's go!" Napalingon ako kay Jimin.
Nandito na pala kami sa tapat ng apartment building. Bumaba na kami nina Jimin, Yoongi hyung at Hoseok hyung mula sa Van nina Namjoon hyung.
"See you tomorrow!" pagpapaalam namin at umalis na sila. Nae-excite ako bukas. Kasal na kasi ng dalawang couple.
Pumasok na kami sa building at sumakay ng elevator papunta sa 3rd floor, kung nasaan 'yung apartment namin.
Yes, nag-move in na kami ni Jimin sa isang apartment na katapat lang ng apartment nina Yoongi hyung at Hoseok hyung. So basically, magkapitbahay na kaming apat.
Si Jungkook naman ay nakatira pa rin sa bahay nila. 'Yung subdivision nila ay malapit lang sa apartment building na tinitirahan nina Namjoon hyung at Seokjin hyung, which is malapit din sa palengke.
Magkakalapit na kami ngayon ng tinitirahan.
Also, Jimin is no longer working at Kopi Parlor. At kilala niyo ba kung sinong pumalit sa kaniya? Yes, tama kayo ng hula, si Jihyun nga, ang kapatid niya. Ang balita ko rin ay sila na rin ni Teresa.
Oh, I love happy endings!
Nakarating na kami sa apartment namin. Nagpaalam na kami bago i-unlock ang pinto at pumasok sa loob.
Pagkapasok namin ay agad akong bumagsak sa sofa. Sumunod naman siya at dumagan sa 'kin.
"Jimin, ang bigat mo!" Tinulak ko siya nang bahagya. Tumatawa naman siyang umalis at umupo sa tabi ko. Huminga ako nang malalim at umupo nang maayos.
"Oh, may naisip ako." Nagtataka akong lumingon sa kaniya.
Tumayo siya at naglakad papunta sa kwarto namin.
"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kaniya habang nagtataka pa rin.
Ngumiti siya nang bahagya, "Basta!" Pumasok siya sa loob at ilang minuto rin ang lumipas bago siya lumabas ulit.
Lumapit siya sa 'kin habang may dalang camera. Ang camera na niregalo ko sa kaniya noong birthday niya.
"I wanna take pictures of you, baby." Umupo ulit siya sa sofa.
Tumawa ako nang marahan, "Bakit?"
Nagkibit-balikat siya, "No reason, you're just beautiful."
Ngumiti ako at hinampas siya nang bahagya sa braso, "Ikaw talaga! Sige na nga."
Tumayo ako sa harap niya at nag-pose.
Ilang minuto ring tumagal ang mini photoshoot namin bago kami tumigil. Umupo ako sa tabi niya para tignan ang mga kinuha niyang pictures.
"Oh, babe, they're so great!" masayang sabi ko, "They look professional."
"I am a professional photographer." mariing sabi niya at tumawa. "Mas magaling pa ako sa mga photographer niyo. I mean, magaganda naman 'yung mga kuha nila sa 'yo, lalo na 'yung sa Bench. I feel so proud whenever I see your face in the mall, magazine, and everywhere. I'd be like, "That's my boyfriend right there." I'm so proud of you, pretty!" he rambled and kissed me on my left cheek.
Ngumiti ako nang malapad. "Thank you, handsome!"
Yes, I'm now one of the Bench ambassadors. Kapag may nakakakilala nga sa 'kin sa daan ay nagpapa-picture sila or nagpapa-autograph. Feels like a dream. Feeling ko ay hindi ko deserve.
"Let's take picture together." he said and I happily nodded.
+++
Nakakunot ang noo kong pinapanood si Hoseok hyung habang palakad-lakad dito sa kwarto nila ni Yoongi hyung. Nahihilo na nga ako eh.
"Hyung, pwede bang pumirme ka muna? Nahihilo ako sa 'yo." Napabuntong hininga ako nang tumigil na siya at umupo sa tabi ko.
"Kinakabahan ako!" malakas na sabi niya.
"Bakit ka kinakabahan? Dapat nga nae-excite ka kasi ikakasal ka na." sabi ko sa kaniya at inalog pa ang mga balikat niya. "You look good in suit pa naman, Hyung." Ang conyo.
"Thank you, Taehyung, you too." Ngumiti lang ako.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto at pagkatapos ay nagbukas ito.
"Nahatid ko na si Yoongi hyung sa simbahan. Ready ka na ba, Hoseok hyung?" tanong ni Jimin pagkapasok niya rito sa loob.
Bumuntong hininga si Hoseok hyung bago tumayo, "Ready na ako!"
"That's the spirit! Tara na."
Lumabas na kami ng kwarto. Kinuha ko ang bag kong Bench mula sa sofa saka lumabas ng bahay. Ni-lock naman ito ni Hoseok hyung at binigay sa 'kin ang susi at nilagay ko naman ito sa bag ko.
+++
"Nandito na sila!" rinig na rinig ko ang sigaw ni Jungkook.
Nag-park si Jimin sa tabi ng simbahan bago kami lumabas. Naglakad na kami papunta sa labas ng simbahan.
"Anak!" sigaw ng nanay ni Hoseok hyung at nagyakapan naman sila. Sumunod naman ang older sister niya na si Dawon noona.
Nagulat ako nang akbayan ako ni Jimin. "I miss you! Kahit na magkasama lang tayo kaninang umaga pero feeling ko ang tagal nating hindi nagkita. Kinuha ko 'yung mga singsing nung mga kupal—este, mga couple at pagkatapos ay hinatid ko si Seokjin hyung dito sa simbahan. Tapos bumalik ako sa apartment nina Yoongi hyung at siya naman ang inihatid ko rito. Bago ko kayo sunduin ni Hoseok hyung, pumunta muna ako sa reception venue kasi sabi sa 'kin ni Yoongi hyung ay tignan ko raw kung ano nang ginagawa nila roon. Nakakapagod! At nakakapagod ding mag-drive, idagdag mo pa 'yung mga traffic." mahabang litanya niya at huminga nang malalim.
"Aww, kawawa naman ang boyfriend ko!" mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi. "Ipagdasal mo na mabilis matapos ang kasal."
Tumawa siya, "Sira!"
"Hoy, magsisimula na raw. Tara na!" anunsyo ni Jungkook.
Pumasok na sila sa loob ng simbahan at naiwan ako sa labas. Pumila kaming mga naiwan rito para sa prosisyon.
Pinanood kong tumayo si Jimin sa tabi ni Yoongi hyung kasi siya ang best man niya at si Jungkook naman ay tumayo sa tabi ni Namjoon hyung kasi siya naman ang best man niya.
Ako? Groomsman ako ni Seokjin hyung at ang groomsmaid naman ni Hoseok hyung ay ang kapatid niyang si Dawon noona.
There's so much happening in the surroundings. Ang likod nung dalawang batang nasa likuran namin ni Dawon noona.
Sandali...
"Hoy, nasaan 'yung mga singsing?" Napalingon sa 'kin si Dawon noona.
"Hala! Oo nga." gulat na sabi niya nang mapatingin siya sa ring bearer.
Naalala ko si Jimin. Nasa kaniya pa yata ang mga singsing.
Tumakbo ako papunta sa kaniya at hinawakan siya sa balikat. Nagulat naman siya at lumingon sa 'kin. "Baby, aren't you supposed to be there?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya. "The rings. Where's the rings?"
Napasapo naman si Yoongi hyung sa tabi niya.
"Oh shit, I'm sorry!" Kinuha ni Jimin sa bulsa niya ang dalawang maliit na box. "I'm so fucking stressed from going back and forth, I'm really sorry." Kinuha ko naman agad ang mga ito.
I chuckled and kissed his left cheek, "It's okay! See you later, babe." At tumakbo na ako pabalik sa labas.
+++
"Oh my God! And then Hoseok was like..." blah blah blah.
Wala na akong maintindihan at nahihilo na ako. Kanina pa ako pinapainom ni Jimin ng vodka.
"Jimin, lasing na ako." mahinang sabi ko at ipinatong ang ulo ko sa lamesa.
"Lasing ka na agad? Isang bote pa lang naiinom mo, hindi mo pa nga ubos." rinig kong sabi niya.
Gan'yan ako kabilis malasing.
"That's why I don't drink." Nanlaki ang mga mata ko nang suminok ako.
Iniangat ni Jimin ang ulo ko at kumindat ako sa kaniya. Ibabagsak ko na ulit ang ulo ko sa lamesa pero hinila niya ako at pinaupo sa lap niya.
"Kuya," tinawag niya 'yung dumaang staff ng catering, hindi ko alam ang tawag sa kanila. "may kape ba kayo d'yan—ay, gatas pala or tsaa?"
"May red tea po roon, sir. Ilan po?"
"Dalawa na, para po rito sa lasing kong boyfriend. Salamat po!" Tumango naman si Kuyang staff at umalis na.
"Nasusuka ako!" Tapos humarap ako sa kaniya at umaktong susuka na.
"Taehyung!"
Jimin's Point of View.
"Taehyung!" malakas na sabi ko at bigla siyang tumawa.
"Joke lang! Syempre, hindi kita susukaan." Bigla siyang ngumuso, "Pero nasusuka na talaga ako." mahinang sabi niya.
Pinaalis ko siya sa lap ko at hinila ko siya papunta sa CR.
Nang makapasok kami ay hindi ko na sinara ang pinto at hinila ko siya sa isang cubicle. At sumuka na siya sa inidoro na halos napaiwas ako ng tingin.
"Oh God, baby, I'm sorry."
Yumakap siya sa 'kin pagkatapos, "Don't worry, I'm fine." Biglang nanghina ang katawan niya.
Kumalas na siya sa yakap at nginitian ako. Ngumiti ako pabalik at hinila siya sa lababo. Isinahod ko ang kamay ko sa gripo at may lumabas naman na tubig mula rito. Nang mabasa ang kamay ko ay pinunas ko ito sa bibig ni Taehyung para maalis 'yung natitirang suka sa gilid ng bibig niya.
Isinahod ko ulit ang kamay ko at naghugas. Naalala ko ang inidoro sa cubicle kaya nagpunta ako roon at pinindot ang flush button.
Pagkalingon ko kay Taehyung ay nakaupo siya sa sahig at nakatungo ang ulo ko.
"Taehyungie!" Iniangat ko siya at ibinalot ang braso niya sa balikat ko para magabayan siya sa paglalakad.
"I wanna go home and sleep." His voice is so hoarse.
"Okay, baby, we'll go home."
Lumabas na kami ng CR at bumalik doon sa pwesto namin kanina. May nakalapag na roon na dalawang baso ng red tea.
"Taehyungie, inom ka muna." Pinaupo ko siya sa upuan at iniabot sa kaniya 'yung isang baso ng red tea.
Kinuha niya naman ito at kaagad na ininom. Nang maubos niya ito ay nilapag niya sa lamesa ang baso at ibinagsak na naman dito ang ulo niya.
"Taehyung!" Iniangat ko ang ulo niya. Nakapikit siya at nakabagsak sa palad ko ang mga pisngi niya.
Bumuntong hininga ako. I mentally slapped myself. It's my fault. Dapat hindi ko na siya pinainom.
"Oh, anong nangyari d'yan?" Biglang sumulpot si Hoseok hyung sa tabi ko.
"Lasing." maikling sagot ko.
"Hala! 'Di ba may alcohol intolerance siya?" gulat na tanong niya.
"My fault, I'm sorry." I sighed. "Uuwi na kami, Hyung. See you next time. Congratulations ulit!"
Tumango siya, "Sige, sige. Sabihan ko na lang sila. Ingat kayo!"
Binuhat ko si Taehyung in a bridal style at lumabas na ng reception venue.
+++
Binagsak ko siya sa kama at nag-stretch ng mga braso at mga paa. Umupo ako sa kama at inayos ang pwesto niya sa mas komportableng posisyon.
"I'm sorry, pretty." Hinawi ko ang bangs niya na nagtatakip sa magaganda niyang mga mata.
"It's okay, Jimin hyung." mahinang sabi niya habang nakapikit pa rin.
Humiga na ako sa tabi niya at ipinatong ang ulo niya sa braso ko. "Sleepwell. Good night!" Hinagkan ko siya sa noo at pumikit na rin.
-
A/N
double update :)) pambawi para sa ilang araw kong hindi pag-update HAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top