Taehyung's Point of View.
"Oh, Jungkook, anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang pumasok siya sa bahay namin.
"Hi, Hyung!" Umupo siya sa tabi ko, sa sofa. "Monthsary kasi namin ni Yeri ngayon, may date kami at sinusundo ko siya." ngumiti siya nang malapad pagkatapos.
"Wow!" napahawak ako sa dibdib ko. "Nasa taas si Yeri, nagbibihis siguro."
"Pwede ba akong umakyat?" tanong niya at ngumiti.
"Pwede naman. Katok ka muna, okay?" Tumango siya at naglakad papunta sa hagdanan saka umakyat.
Tumingin ako sa orasan at nakita kong mag-aala una na pala. Tumawa ako nang marahan at ngumiti saka nanood ng palabas sa TV.
I'm really happy for Yeri and Jungkook.
Jungkook's Point of View.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya at agad naman itong bumukas. Nakita ko siyang nagsasalamin sa pahabang salamin na nakatayo katabi ng pinto.
Ngumiti siya sa 'kin, "Hi, Gguk! Do you like my outfit?" She's wearing an off-shoulder crop top, ripped jeans and high heels.
While I'm wearing a leather jacket with plain white shirt inside, ripped jeans and Timberland shoes.
"You look great! Beautiful." I smiled. "Magkapatid nga kayo ni Taehyung hyung."
She chuckles, "Thank you!" she smiled back. "Tara na?"
Tumango ako, "Tara!"
Kinuha niya na ang handbag niya mula sa sahig saka lumabas ng kwarto. Sinara niya muna ang pinto bago kami bumaba sa sala.
"Oh, ingat kayo!" bati sa 'min ng mama niya.
"Yerim, ingat ka kay Jungkook-ay, ingat pala kayo!" tumawa pa si Taehyung hyung habang hindi nakatingin sa 'min at nakatuon ang mga mata sa cellphone niya.
"Siraulo ka talaga, Kuya!" tumatawang sabi ni Yeri.
"See you later, future brother-in-law!" Napalingon sa 'kin si Taehyung hyung at sinamaan ako ng tingin.
"Umayos ka d'yan, baka suntukin kita!" Halatang nagbibiro siya kasi tumawa siya pagkatapos kaya natawa rin kami ni Yeri.
"Sige na, aalis na kami. Bye!" Kumaway na kami kina Tita at Tito bago lumabas ng bahay nila.
Sumakay kami sa kotse, na hiniram ko kay Namjoon hyung, saka nag-drive na ako.
Hoseok's Point of View.
"Good morning!" masiglang bati ng isang customer na lalaki.
"Good morning to you, too." bati ko sa kaniya pabalik.
"Ano pong bulaklak ang pwedeng ibigay kapag magko-confess ng feelings?" tanong niya.
Napalingon ako kay Yoongi, "Babe, anong bulaklak daw ang pwedeng ibigay kapag magko-confess?" tanong ko sa kaniya.
Lumingon siya sa 'kin na may nagtatakang mukha at lumapit dito sa unahan. "You can try red roses of course, red tulips, orchids, red and yellow lilies, pink carnations or pink daisies. We offer bouquets, pwedeng paghalo-haluin ang lahat ng nabanggit ko." sabi ni Yoongi sa customer.
"Sounds great! I would like to have a bouquet of them, kahit magkano pa ang abutin." ngumiti ang customer.
Tumango naman si Yoongi at ngumiti rin, "Sure. Just wait a bit." Nagsimula na siyang gumawa ng bouquet sa bandang likuran.
Tumingin ako sa customer at kinunot ang noo. He looks familiar. Wait, siya ba 'yung manager ni Taehyung?
"You look familiar. Kilala mo ba si Taehyung?" tanong ko sa kaniya.
Tumango siya at ngumiti nang bahagya, "Yes, I'm his manager. My name is Minsung."
Sabi na nga ba eh. "Sinong pagbibigyan mo ng bulaklak? If you don't mind me asking. Sorry, curious lang ako." Ngumiti ako nang awkward.
He chuckled, "It's fine. I'm giving the bouquet to one of my models, her name is Joy." he smiles.
I nodded, "That's nice! Nawa'y hindi ka ma-reject." Tumawa ako.
"Sana nga!" he laughs back, "My first confession didn't go well, so I really hope I'm lucky this time."
"With who?"
"What do you mean with who? My first confession?" Tumango ako. "Ah, it's Taehyung. But it's okay though, I'm happy for him and Jimin, they're actually look good together."
Nagkagusto pala siya kay Taehyung. I'm not surprise, Taehyung is really attractive.
Ngumiti ako nang malapad at tinapik siya sa balikat, "Good luck!"
"Thank you."
Maya-maya ay dumating na si Yoongi na dala-dala ang bouquet, "Here you go! That would be 10,500 pesos." Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa presyo.
Nagbayad na si Minsung at nagpaalam na saka kumaway bago umalis, nakangiting dala-dala ang bouquet.
"Yoongs, manager pala 'yon ni Taehyung." anunsyo ko sa kaniya.
"Weh? Hindi ko alam." gulat na sabi niya. Tumango na lang ako at tumawa.
Jimin's Point of View.
"Jimin, Jihyun, tomorrow is your father's wedding." Mom announces.
Nagkatinginan kami ni Jihyun at halos sabay na bumuntong hininga.
"Tell him advanced congrats." mahinang sabi ko at tumayo mula sa sofa. "Akyat lang ako." Naglakad ako papunta sa hagdanan at umakyat papunta sa kwarto ko.
Pumasok ako sa kwarto ko at sinara ang pinto bago humiga sa kama saka bumuntong hininga. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Taehyung.
Taetae 💖
Me:
baby, what u doin?
Maya-maya lang ay nag-reply na siya.
Taetae 💖:
hi babe, i'm watching a movie :D wanna come over? or ako pupunta dyan?
I smiled when he called me 'babe'.
Me:
you come over here, pls
Taetae 💖:
okay, I'll be there in a minute, magpapaalam lang ako :D
Binagsak ko sa kama ang cellphone ko at bumuntong hininga ulit.
What do I really think about marriage?
Marriage requires a lot of commitment and responsibilities. Pero ang lahat ng 'yon ay kaya kong ibigay kay Taehyung. Natatakot lang ako kasi ayokong maranasan 'yung nangyayari ngayon kina Mom and Dad.
I trust Taehyung so much, I just don't trust myself.
Isang saglit pa ay napatingin ako sa pinto nang may kumatok dito. Nagbukas ito at pumasok sa kwarto ko si Taehyung. Sinara niya muna ako pinto bago umupo sa tabi ko.
"Babe!" Nag-pout siya nang makita niya akong bumuntong hininga. "Hey, what's wrong?"
"Tomorrow is Dad's wedding day. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko." mahinang sagot ko na may malungkot na ngiti.
Hinila niya ako pabangon at hinarap niya ako sa kaniya, "It's okay, Jiminnie." He cupped both of my cheeks, "Huwag ka nang malungkot, nalulungkot din ako." he kissed my lips quickly and I smiled. "Ay oo nga pala, share ko lang. Monthsary ngayon nina Yeri at Jungkook."
I raised an eyebrow, "Really? Happy monthsary kamo sa kanila."
Tumawa siya at binitawan ang mga pisngi ko. "What do you wanna do today?"
"Wala ka bang photoshoot ngayong araw?" tanong ko sa kaniya at umiling lang siya. "Punta kaya tayo kina Yoongi hyung at Hoseok hyung sa flower shop? Bulabugin natin 'yung dalawa." tumawa ako pagkatapos.
Tumawa siya pabalik, "Good idea! Magbihis ka na, dali. Uuwi ako para magbihis tapos alis na tayo."
"Ang bilis ah!"
"Oo naman!" He kissed me once again on the lips quickly.
Aalis na sana siya pero hinila ko siya at hinalikan din sa labi nang mabilis. Nakita ko siyang nag-blush at hinampas ako sa braso, 'yung pabebeng hampas.
I winked at him, "Sige na, magbihis ka na."
He smiled, "Okay!" Kumaripas siya ng takbo sa pintuan at lumabas na ng kwarto ko.
Tumawa ako nang malakas at iniling-iling ang ulo ko. He's so cute.
+++
Jungkook's Point of View.
Mag-aalas otso na ng gabi at napagdesisyunan naming umuwi na. Ihahatid ko muna siya sa bahay nila saka ako uuwi.
As you can tell, magkalayo kami ng bahay. Malapit lang ang bahay ko mula sa school niya at nilalakad ko lang ang palengke, kung nasaan ang karinderya ni Jin hyung, mula sa school kasi malapit lang naman, isang sakay lang ng tricycle pero mas gusto kong nilalakad ko papunta roon.
Kapag papunta ako kina Yeri, mas gusto kong sumasakay ng jeep dahil mas mura, kaysa tricycle, ang mahal-mahal ng singil.
"Gguk, daan tayo sa coffee shop. Bibilhan ko lang sina Papa at Mama ng iced coffee." biglang sabi ni Yeri nang nasa kanto na kami ng baranggay nila.
Tumango ako, "Sige."
Nilakad na lang namin papunta sa Kopi Parlor. At pagdating namin doon ay medyo hingal-hingal kami. Pagpasok namin sa loob ay huminga kami nang malalim at medyo napawi ang pagod dahil sa aircon.
Dumiretso kami sa counter at pumila na. When it's our turn, agad na um-order si Yeri.
"Do you want anything, Gguk?" tanong ni Yeri pero umiling lang ako. "Okay," humarap na siya roon sa babaeng cashier, "Dalawang medium Iced Americano. Take out."
Luminga-linga ako sa buong paligid. Tatlong beses pa lang ako nakakapunta rito. I admit, kasingganda ito ng Starbucks pero mas mura rito.
"Jungkook?" Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Si Teresa. Lumapit siya sa 'kin at napaatras naman ako. "Can we talk? Just the two of us."
Binigyan ko siya ng nagtatakang ekspresyon ng mukha. Ano raw?
Lumingon ako kay Yeri, ngumiti naman siya at tumango, "Sure, Gguk, you can talk to her." Tinapik niya ang balikat ko bago umalis para maghanap ng pwesto.
Hinila ako ni Teresa papunta sa kusina. Nandito kami sa pinakalikod na parte.
"Ano bang pag-uusapan natin?" marahang tanong ko sa kaniya.
"Alam mo, ang gulo ko talaga minsan." tumawa siya nang marahan pagkatapos, "I liked Jimin but I'm happy whenever I see you. I've been thinking about you lately, maybe because I've been dreaming of myself in Teresa's point of view as she companied Antonio after Emilia died, to his journey of being a soldier, until he finally moved on from Emilia. Almost half of his life, Teresa was there. I was there for you." Tinitigan ko lang siya habang nagsasalita.
Bakit ba siya English nang English? Sa totoo lang, nano-nosebleed na ako.
"I would say I will find you in our next life, however, I am pretty sure you will find Yerim. I'm really happy for the both of you. Also, for Jimin and Taehyung. Nabalitaan kong sila na pala, pakisabi congratulations." Tumango lang siya.
Buti naman at nag-Tagalog na siya. Pakiramdam ko ay dudugo na ang ilong ko at babagsak na lang ako sa sahig.
"You've become part of my life ever since so I won't forget you. I hope you won't forget me too. Maging masaya ka sa buhay mo ngayon at sa susunod mo pang mga buhay. I'll miss you, Heneral Guevarra." Nagulat ako nang niyakap niya ako.
Hinayaan ko lang siya nang ilang segundo bago ako kumalas sa yakap. "Mamimiss din kita. Sana'y mahanap mo nga ako sa susunod na buhay natin. Sa ngayon, magkaibigan naman tayo kaya sa palagay ko ay mabuti na 'yon." Tumango-tango naman siya. "Sige na, pupuntahan ko na si Yeri."
"Okay." ngumiti siya nang bahagya.
Lumabas na ako ng kusina at pinuntahan kung nasaan si Yeri. Pagkarating ko roon ay umupo ako sa tapat niya.
"So, what happened?" tanong niya habang nakangiti.
"Naalala mo ba noong tinanong mo sa 'min ni Taehyung hyung kung naging kami ni Teresa sa past life?" Kumunot ang noo niya.
"Naging kayo nga sa past life?" nagtatakang tanong niya.
"Oo. Reincarnation kami nina Heneral Antonio Guevarra at ang asawa nitong si Teresa Alvarez-Guevarra. Wala rin akong maintindihan pero ikukwento ko sa 'yo ang mga nalalaman ko tungkol sa kanila, pati na rin kina Emilia Imperial at Adrian Solar." Tumango na lang siya habang nagtataka pa rin.
Nagkwento na ako sa kaniya at sinabi ko ring reincarnation nina Emilia at Adrian sina Taehyung hyung at Jimin hyung, respectively.
Gulat na gulat pa rin siya at mukhang pinoproseso pa sa utak niya ang mga sinabi ko. Tinawag na siya para sa orders niya pero ako na lang ang kumuha.
"Ang galing! Parang pwede mong ikwento sa mga magiging apo mo, gano'n." sabi niya nang inilapag ko sa lamesa ang orders niya.
Tumawa lang ako nang marahan, "Tara na, ihahatid na kita sa inyo."
"Sige." Kinuha na niya ang mga kape mula sa lamesa saka kami lumabas ng coffee shop.
-
A/N
hindi ko alam kung magpa-publish ba ako ng bagong libro pero tignan natin HAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top