Chapter 65 : Jihyun & Teresa's 1st Meeting
Hoseok's Point of View.
"Yoongs!" Umupo ako sa tabi niya, "Nag-chat si Jimin sa groupchat natin, sabi niya sila na raw ni Taehyung!" masayang sabi ko sa kaniya at halata naman sa mukha niya ang pagkagulat.
"Really? Pakisabi, congrats! Aba, finally." Ngumiti siya nang malapad.
"Nasabi ko na. Ang kalat din ni Gguk sa groupchat, nakakaloka. Send nang send ba naman ng memes." tumawa ako.
"Nasa trabaho, send nang send ng memes?" Tumawa siya pabalik. "Anyway, it's saturday, what do you wanna do? Ayoko munang magbukas ng flower shop." Inakbayan niya ako habang nakaupo kami sa sofa.
Nag-isip ako saglit. "What about movie date? Or maybe let's bake some cookies, or uhm, let's play just dance?"
"Gusto ko 'yung movie date o kaya 'yung pag-bake ng cookies, pero sayaw? I don't think so."
Tumawa ako nang bahagya, "Bakit ayaw mo sumayaw?" I jokingly pouted. "Manood na lang tayo ng movie. Anong palabas ang gusto mo?"
"Kahit na anong gusto mo." Lalo akong napanguso.
"I want to watch Maleficent 2 again. Ang ganda kasi."
He nods, "Sige, I'll connect the laptop to the HDMI while you go get us some snacks, okay?"
"Yeah, okay." I kissed him on the cheeks first before walking towards the kitchen.
Kumuha ako ng ilang mga chichirya mula sa cupboard at kumuha rin ako ng tray mula sa cabinet na nasa ilalim ng gas stove. Nilagay ko rito ang chichiryang kinuha ko.
Pumunta naman ako sa fridge at kumuha ng isang pitsel ng tubig. Sinara ko na ang fridge at kumuha ng dalawang baso mula sa itaas. Nilagay ko rin ang mga ito sa tray.
Bumalik ako sa sala habang dala-dala nga ang tray at nakita kong ang laptop ay naka-connect na sa TV. Kasalukuyang hinahanap ni Yoongi ang Malificent 2 sa folder niya ng mga downloaded movies.
Inilapag ko ang tray sa center table saka umupo sa sofa. Binuksan ko ang isang chichirya saka nagsimulang kumain.
Nang mahanap iyon ni Yoongi ay kaagad niya itong pinindot saka nagsimula na ang palabas.
"Let's turn off the light, kunwari nasa sinehan." Pinatay niya nga ang ilaw sa sala saka umupo na sa tabi ko. "Hindi ko pa ito napapanood eh, 'yung part 1 pa lang. Maganda ba talaga 'yan?"
"Oo, promise, maganda 'yan! Lalo na 'yung last part. OMG!" excited na sabi ko.
"Oh, 'wag ka nang mang-spoil." Tumawa lang ako nang bahagya at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.
"Hindi naman ako mang-i-spoil eh."
Namjoon's Point of View.
"Nako, Namjoon, bakit hindi pa kayo mag-restaurant? Ang sarap magluto ng boyfriend mo. Seryoso!" sabi ni Aling Yuri, isa sa mga suki sa karinderya ni Seokjin.
"Fiancé po." pagtama ko sa kaniya. "Hayaan ninyo, Aling Yuri, sa susunod na mga taon ay magtatayo na kami ng restaurant."
Tumawa siya nang bahagya, "Nako, aasahan ko 'yan. Dapat ako ang unang costumer niyo."
"Sige po." tumawa ako pabalik.
"Love, anong pinag-uusapan niyo? Sali ako." Nakatawang sabi ni Jin hyung at inakbayan ako.
"Ang sarap daw ng mga luto mo, bakit daw hindi tayo mag-restaurant." sabi ko sa kaniya at nahihiya naman siyang ngumiti.
"Salamat, Aling Yuri. Sa ngayon, hindi ko pa naiisip mag-restaurant. Pero malay mo in 5 years, may restaurant na kami." sabi niya kay Aling Yuri na sarap na sarap kumain ng kare-kare.
"Ay, gusto ko iyan!" sabi ni Aling Yuri at bumalik sa pagkain.
"Oo nga pala, nagbukas ka ba ng groupchat?" tanong ko sa kaniya at umiling naman siya.
"Wow! Active 'yon ulit? Grabe, it's been," tapos nagkibit-balikat, "I don't know how many years."
"Ay nako, itong si Jungkook, send nang send ng memes habang nasa trabaho." umiiling na sabi ko. "Anyway, nag-chat kasi si Jimin, sila na raw ni Taehyung."
"Aba! Sa wakas." masayang sabi niya, "After 100 and 2 years." biro niya.
"One hundred and two years?" gulat na sabi ko at tumawa.
(A/N: kapag nagets niyo kung bakit 102 years, edi congrats HAHAHAHA)
"Hi, pa-order po ng isang menudo at dalawang kanin." Napalingon kami sa isang costumer.
"Sige, upo na lang po kayo d'yan." sabi ko do'n sa costumer.
Habang naglalagay si Jin hyung ng isang order ng menudo sa isang mangkok ay binigyan ko ng isang plato, kutsara at tinidor 'yung costumer.
"Enjoy!" sabi ni Jin hyung habang inilalapag ang ulam at kanin sa lamesa nung costumer.
Third Person's Point of View.
Kasalukuyang pumapasok sina Taehyung, Jimin at ang kapatid niyang si Jihyun sa coffee shop na pinagtatrabahuan ni Jimin.
Nagtinginan naman sa kanila ang mga costumer ngunit hindi na lamang nila sila pinansin.
Monday to Saturday nagbubukas ang coffee shop ngunit MWF lang nagtatrabaho rito si Jimin. At dahil nga isang buwan na ang nakalilipas simula noong nagtrabaho siya rito at ngayong araw ay ang pagtanggap niya ng unang sweldo.
Pumunta sila sa labas ng kusina at sinalubong naman sila ni Therese. "Hi, Jimin! Hi, Taehyung!" pagbati niya habang nakangiti nang malapad. Napatingin naman ito sa kapatid ni Jimin saglit, "Sino siya?" tanong nito kay Jimin.
"This is Jihyun, my younger brother." sagot ni Jimin at ngumiti nang bahagya.
"I'm Maria Therese but you can call me Teresa." ngiti nito sa kapatid ni Jimin.
"Uhm, anyway, nandito ako para kunin 'yung—" Tumigil si Jimin sa pagsasalita dahil nakita niyang magkatitigan sina Jihyun at Therese.
Nagkatinginan naman sila ni Taehyung at nagpigil ng tawa. "Na-love at first sight yata 'yang kapatid mo." nagbibirong bulong ni Taehyung.
Nabalik naman sa ulirat ang dalawa at sabay na iniling ang ulo. "Huh, Jimin? Ano nga ulit 'yon?" tanong ni Therese at lumingon kay Jimin.
"Ang sabi ko, nandito ako para kunin ang sweldo ko." sagot ni Jimin.
"Oh, yeah! Wait lang." tumatangong sabi ni Therese at pumasok sa loob ng kusina. Pagkatapos ang ilang minuto ay bumalik siya na may dalang puting envelope. "Mom said, since you're a great employee, imbes na 10,000 ay ginawa niyang 15,000. Great job!"
Nanlaki ang mga mata ni Jimin dahil sa gulat, "Hala! Talaga? Pakisabi kay Ate Irene, salamat kamo." masayang sabi niya at kinuha ang envelope mula kay Therese.
"Pakisabi rin kay Tita Wendy na salamat din sa pagpasok niya sa 'yo rito." kumindat pa ito at nag-cringe naman sa likuran ni Jimin si Taehyung.
"Customers only like me because of my face but I'm still thankful." Dahil do'n ay hinampas ni Taehyung si Jimin.
"Talaga ba?" tunog sarkistong tanong ni Taehyung at pabirong tumango si Jimin. "I mean, gwapo ka naman talaga."
Bumuntong hininga na lang si Jihyun na kanina pa nasa likuran nila ay nagmumukha nang thirdwheel. "Hyung, mag-order lang ako." pagpapaalam nito sa kuya niya at tumango lang si Jimin.
"Order-an mo na rin kami. Isang medium coffee latte at medium lemon tea." Tumango lang si Jihyun bago umalis para pumunta sa counter.
Umalis na sina Jimin at Taehyung para umupo sa bakanteng pwesto habang naghihintay kay Jihyun.
"Ay, naalala ko pala. May pinsan akong kapangalan ng nanay mo." random na sabi ni Taehyung nang makaupo sila.
"Really? That's nice!" matamis na nginitian siya ni Jimin.
Sa kabilang dako naman ay nilapitan ni Therese si Jihyun habang umo-order ito. "Hi."
"Oh, hello." nahihiya itong ngumiti kay Therese bago lumingon ulit sa cashier na si Bianca.
"Anything else, sir?" tanong nito at umiling lamang si Jihyun. Binanggit na sa kaniya ni Bianca ang presyo at nagbayad naman siya agad. "Just wait for 10-20 minutes. Thank you!"
Napalingon si Jihyun kay Therese na kanina pa nasa tabi niya. "Oh, you're still here?"
Hindi pinansin ni Therese ang tanong na 'yon at ngumiti, "So, you're Jimin's brother?"
"He's Jimin's brother? Kaya pala kamukha eh. Ang gwapo rin." pagsingit ni Bianca.
"Nice to meet you!" Nilahad pa ni Therese ang kamay niya para makipag-handshake kay Jihyun.
Tinanggap din naman niya ang kamay ni Therese at nakipag-handshake dito, "Nice to meet you, too!" And they smiled at each other.
"Welcome to another episode of me being thirdwheel." bumuntong hininga si Bianca at tinawanan naman siya nina Andy at Tala.
Bonus scene:
"So, do you like her?" tanong ni Jimin sa kapatid niya. Nakauwi na sila sa bahay nila.
Jihyun shyly nodded. "Hyung, nakakahiya!" he pouted, "But I think she likes me too."
"Edi ligawan mo." pangangasar ni Jimin at tumawa nang malakas. "Mom, Jihyun is in love—"
"Hyung, 'wag kang maingay!" Mas lalo namang tumawa si Jimin.
-
A/N
new loveteam? 👀
sorry, short update for today :((
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top