Chapter 62 : Double Proposal
A/N: get ready to cringe! HAHAHA
-
one week later...
Taehyung's Point of View.
"Hoy, nasaan na ba si Jimin? Nasa kaniya 'yung mga singsing." halos nagpa-panic na tanong ni Namjoon hyung.
"Kalmahan mo lang, hyung! Wala pa naman 'yung dalawa." sabi sa kaniya ni Jungkook.
Nandito kami sa isang restaurant sa isang mall at hinihintay namin 'yung dalawa. Umalis sila kasi magbabanyo raw si Hoseok hyung tapos si Seokjin hyung naman ay may bibilhin lang daw.
At si Jimin? Susunod na lang kasi pumasok pa siya sa coffee shop para magtrabaho at pagkatapos ay kukunin niya rin 'yung mga singsing na binili nina Yoongi hyung at Namjoon hyung. Ewan ko kung nasaan na siya kasi alas sais na at wala pa rin siya.
Maya-maya ay may lumapit sa 'ming waiter, "Ready to order po?"
"Yes, please." sabi ni Namjoon hyung.
Habang umoorder sina Namjoon hyung at Yoongi hyung, kinuha ko ang phone ko sa mula sa bulsa ng aking shorts.
Oy, may text si Jimin.
Binasa ko ito at napamura ako.
"Namjoon hyung! Yoongi hyung!" Lumingon naman silang dalawa sa 'kin. "Baka raw mahuli siya ng dating kasi kakahuha niya lang ng mga singsing niyo at may banggaan daw, medyo traffic din."
"Punyeta!" mura ni Yoongi hyung at tumawa naman kami ni Jungkook.
Seokjin's Point of View.
"Hoseok!" lumundag ako sa tabi niya habang naghuhugas siya sa may salaminan, "Anong pwedeng iregalo kay Namjoon? Isang buwan na lang, birthday niya na."
Tinignan niya ako nang nagtataka, "Akala ko ba bumili ka na?" Nagpagpag siya ng kamay at saka ito itinapat sa hand dryer.
"Eh... galing nga akong Bench pero hindi ko alam kung anong bibilhin ko kaya bumalik ako rito sa CR." I laughed awkwardly.
Nag-poker face siya at tinanggal ang kamay niya sa tapat ng hand dryer. "Next week ka na lang bumili, may isang buwan ka pa naman." Napanguso na lang ako.
Halos 5 years ko nang boyfriend si Namjoon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong bibilhin para sa kaniya. I mean, I know what he likes, pero hindi ko alam kung magugustuhan niya ba kapag niregaluhan ko siya.
For the past 5 years ay nilulutuan ko lang siya ng paborito niyang afritada kapag birthday niya, kahit kapag anniversary namin ay gano'n din. Feeling ko nga ay nagsasawa na siya.
Samantalang siya ay iba-iba ang ginagawa niya sa tuwing birthday ko or anniversary namin.
Anong klase akong boyfriend?
What am I going to do?
Lumabas na kami ng restroom at naglakad pabalik doon sa restaurant.
Nang-aya kasi sina Yoongi na gumala naman daw kami sa mall ulit na magkakasama. Kaya ayon, umabsent si Namjoon, na naman, sa school para makasama. Pero hindi sumama si Jimin kasi gusto niya raw pumasok doon sa trabaho para may sweldo siya. At kung susunod man siya, baka wala na siyang maabutan.
Nakarating na kami sa restaurant at pumunta roon sa pwesto namin kanina. Umupo na ako ulit sa tabi ni Namjoon at umupo naman si Hoseok sa tabi ni Yoongi.
(Ganito 'yung pagkakasunod-sunod namin, pabilog: Namjoon, Ako, Jungkook, Yoongi, Hoseok, Taehyung, at bakanteng upuan. I assume si Jimin doon)
Maya-maya lang ay dumating si Jimin at hingal na hingal pa. "Sorry, I'm late." sabi niya sa pagitan ng paghingal niya.
"Sayang, Jimin hyung, nag-arcade kami kanina. Naglaro kami ni Taehyung hyung ng air hockey." nakangising sabi pa ni Jungkook.
"Akala mo naman magseselos ako, hmp." Tumawa kami dahil do'n. Umupo na siya sa tabi ni Taehyung at nagbulungan naman sila ni Namjoon.
Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero parang pinapagalitan ni Namjoon si Jimin.
Ilang saglit pa ay isa-isang dumating ang mga order namin. Nagugutom na ako.
+++
Hoseok's Point of View.
Tapos na kaming kumain at busog na busog ako. Ang sasarap ng mga pagkain dito. I would highly recommend, 10/10.
"Flowers for you." May waiter na nag-abot sa 'kin ng bouquet ng bulaklak. Iba't-ibang bulaklak ang nakalagay dito.
Nagtataka ko itong tinanggap at saka umalis na siya. "Bakit may ganito?" May nakita akong sticky note na nakadikit kaya kinuha ko ito. "A flower cannot blossom without sunshine, and man cannot live without love." pagbasa ko sa sulat at bigla akong napangiti.
Kilala ko na kung kanino galing ito dahil pamilyar ang handwriting.
"Yoongles!" he cooed, "Thank you!"
"How many times do I have to say, don't call me that. Just Yoongi." he pouted, "You're welcome!" My eyes widen when he grabbed my hands and kissed both of the back of my palms. I blushed afterwards.
"Respeto naman po sa mga single." rinig kong sabi ni Taehyung.
"Respeto naman po sa mga hindi kasama ang jowa nila." sabi naman ni Jungkook.
"Hobi, let's say we go back to the past, 10 years ago. Imagine we didn't meet, imagine we didn't become friends, imagine I didn't meet you." I blinked and furrowed my forehead lightly. "You can't, right? Because me too, I can't imagine my life without you. We've been a couple for almost 6 years but ever since I met you, I never knew I'd love you this much. I really love you, Hobi." he kissed my hands once again.
Lahat ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. He never fail to make me feel loved and cared for. "Stop it, Yoongs, naiiyak na ako." Gusto nang bumagsak ng mga luha ko mula sa mga mata ko.
"Six years are not enough for me to shower you all the love that you deserve. Ever since we first became a couple six years ago, I always dreamt to spend my whole life with you." Nagtaka ako nang may binigay sa kaniya na maliit na box si Jimin. Binuksan niya ito sa harapan ko at tuluyan na nga akong umiyak. "Hindi ako luluhod kasi masyadong romantic 'yon," Natawa ako nang bahagya, "but Jung Hoseok, will you marry me?"
"Shit. Oo na agad."
"Sana all."
"Kinikilig ako, nasaan ba si Yeri?"
Napalingon ako saglit sa mga kaibigan ko bago lumingon ulit kay Yoongi. I nodded at him, "Yes, I will marry you, Min Yoongi."
Narinig ko namang naghiyawan ang mga tao rito sa restaurant. Nakakahiya tuloy.
Pinunasan ni Yoongi ang mga mata ko bago isuot sa kaliwang ring finger ko ang singsing, "I love you." He kissed me on the lips quickly then I just smiled widely.
"Hoy, Namjoon, ano 'yan?" Rinig kong mura ni Seokjin hyung at nakita kong may binigay na papel si Namjoon sa kaniya.
"Mamaya mo na basahin." sabi ni Namjoon at mukhang may kinuha sa sahig. Isang bouquet din ng bulaklak na parehas ng sa akin. "Mga bulaklak din para sa 'yo."
"Tangina niyong dalawa." Tumingin din siya kay Yoongi at hinagisan ng natitirang kanin. Tumawa naman si Yoongi at niyakap ko siya. Tinanggap niya na ang bulaklak.
Magsasalita pa lang si Namjoon pero tinakpan ni Seokjin hyung ang bibig nito. "You know I hate long messages. I actually didn't expect this. Akala ko simpleng gala lang 'to."
Namjoon whined and Seokjin hyung only laughed. Nakita ko 'yung mag-bestfriend na naghahampasan tapos si Jungkook naman ay parang hindi mapakaling bulate sa tabi ko.
"Sige, mamaya na lang sa bahay 'yung long messages." Namjoon kissed Seokjin hyung on the cheeks, "Will you marry me and spend the rest of your life with me, Kim Seokjin?"
Nagulat kami nang biglang niyakap ni Seokjin hyung si Namjoon at hinalikan sa labi nang sobrang tagal.
As in.
Nakita kong tumungo si Taehyung, "Pakisabi kung tapos na 'yung kissing scene."
"May popcorn kaya rito?" sabi naman ni Jungkook. "Kawawa naman ako, napaggitnaan ako ng dalawang couple."
Tumawa naman si Jimin, "Mahiya naman kayo sa mga tao, mamaya niyo na 'yan ituloy."
Mga ilang minuto kaming awkward na nanood sa paghahalikan nila bago sila tumigil, sa wakas.
"Tapos na ba?" tanong ni Taehyung.
"Oo, Taehyung, tapos na." sagot ni Jimin at bumangon naman si Taehyung saka bumuntong hininga.
May binigay si Jimin na maliit na box kay Namjoon. Binuksan niya ito at isinuot sa daliri ni Seokjin hyung ang singsing. "I love you."
"I love you, too." sagot naman ni Seokjin hyung.
Lumingon ako kay Yoongi at nakitang nakatingin na pala siya sa 'kin. Nginitian namin ang isa't-isa at hinawakan ko ang kamay niya na siya namang humawak din sa kamay ko pabalik.
I'm so happy I'm getting married. I can't wait to spend the rest of my life with Yoongi.
-
A/N
yung imagination ko bumaba kaya ganito lang kinaya ko, pasensya na po hihi XD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top