Chapter 61 : "Pretty."
Taehyung's Point of View.
Nasa kotse na kami at pauwi na. Mag-aalas nwebe na ng gabi.
Bigla kong naalala si Jimin.
"Yeri." Nag-hum lang siya habang nakatuon ang mata sa cellphone niya. "Nag-kiss na ba kayo ni Gguk?"
Bigla siyang napalingon sa 'kin, "Ano?" malakas na sabi niya. Nakita ko namang namula ang mga pisngi niya.
"Bakit, may mali ba sa tanong ko?" nakatawang sabi ko sa kaniya.
"W-wala naman, nakakagulat lang. Atsaka ang random mo, Kuya." Binaba niya ang phone niya sa lap niya. "Actually...yes."
Biglang nandiri ang mukha ko. "Anong pakiramdam? Awkward ba, masarap ba? Ano?"
"Kuya!" hinampas niya ako sa braso at tumawa lang ako. "Bakit mo ba 'yan tinatanong? Nakakahiya."
Napatingin ako kina Mama at Papa. Alam ko naririnig nila pero hindi lang nila pinapansin.
"Ano nga?" Lumingon ulit ako sa kaniya.
"Uhm, ano... hindi naman awkward, pero masarap sa feeling." Mas lalo siyang namula.
Natatawa ako.
"Anong pakiramdam ng first kiss?"
"Kuya, ayoko na!" hinampas niya ako ulit.
Hinampas ko rin siya pabalik pero mahina lang, "Punyeta naman! Hampas nang hampas."
"Eh kasi... ano ba namang mga tanong 'yan. Try mo na lang para malaman mo." Seryoso lang ang mukha ko at hindi ako sumagot kaya ngumuso siya. "Depende naman sa tao 'yon eh, kung sino 'yung first kiss niya. Mas maganda kapag ang first kiss mo ay ang taong mahal mo talaga. Kasi ang pangit naman kung ang first kiss mo ay isang stranger lang na nakabangga mo lang sa kalsada, kadiri naman 'yon 'di ba?" Natawa ako sa 'stranger' part.
"So, first kiss mo si Jungkook?" Nahihiya siyang tumango. "Ayie!" pang-aasar ko sa kaniya at sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Alam niyo kayong dalawa, habang tumatanda kayo, mas nagiging weird ang mga pinag-uusapan niyo." Napalingon kami kay Mama. "Hindi na talaga mga bata ang mga anak ko!"
Tumawa na lang kami ni Yeri. Bumalik na siya sa ginagawa niya at kinuha ulit ang cellphone ko. Hindi na ako sumilip dahil alam kong ka-text niya si Jungkook base sa ngiti niya.
Bumalik ako sa tabi ng bintana at pinanood na lang ang mga kotseng dumaraan.
Nanlaki ang mga mata ko nang may natanaw akong tindahan ng mga camera. Naalala ko na naman si Jimin.
Pumayag siya na mag-part-time sa coffee shop kasi gusto niyang bumili ng camera, but I want to buy it for him.
Ilang minuto ang lumipas at nakarating na kami sa tapat ng bahay. Nakatulog pa nga ako saglit. Nag-park na si Papa saka kami bumaba.
Nakita ko si Jimin na nakaupo sa tapat ng bahay namin. Anong ginagawa niya roon?
"Jiminnie!" Napalingon siya sa 'kin. Kahit madilim ay nakikita ko ang namumula niyang pisngi.
"Taehyung!" Tumakbo siya sa 'kin at bigla akong niyakap. Ngumiti ako at niyakap siya pabalik.
"Bakit?"
Kumalas na siya sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang braso, "Nag-aaway na naman sila at nagsasawa na ako. Pwede ba akong makitulog ulit sa inyo?"
"Sure! You don't have to ask." Ngumiti siya nang bahagya. Inakbayan ko naman siya, "Tara, pasok na tayo."
Nandoon na sina Mama sa loob.
Pumasok kami ni Jimin sa bahay namin at umupo naman siya sa sofa. Naghubad ako ng sapatos at inilagay ito sa shoerack.
"Hi po, Tita." bati ni Jimin at bumati rin pabalik sa kaniya si Mama.
"Nag-aaway na naman parents mo?" Nahihiya siyang tumango sa tanong ni Mama. "I think you should talk to them, Jimin." Bumuntong hininga lang siya nang malalim.
"Let's go upstairs, Jiminnie!" Hinila ko siya papunta sa hagdanan at umakyat kami sa kwarto ko.
Sinara ko ang pinto at umupo naman siya sa kama ko. Kumuha ako ng pares ng pajama bago maghubad ng t-shirt.
"Taehyung," Napalingon ako kay Jimin at tinaasan lang siya ng kilay bilang sagot. Tumayo siya sa harap ko at tinapik 'yung birthmark ko sa dibdib gamit ang index finger niya, "Pretty." he smiles.
Heto na naman 'yung puso kong hindi makakalma. Tumigil ako sa paghinga saka huminga ulit. Ano na namang ginagawa mo sa 'kin, Jimin?
"Matagal ko na 'tong napansin pero... it's pretty, really pretty." bulong niya habang paulit-ulit na tinatapik ang birthmark ko nang marahan, gamit pa rin ang index finger niya. "But you're prettier." Bigla akong napalunok.
He gently traced his fingers onto my chest down to my stomach, licking his lips. I gulped once more. "Jimin," Tumigil ako ulit sa paghinga saka kaagad ding huminga ulit. "J-Jimin, magbibihis na ako." Umatras ako at napaatras din siya saka umupo ulit sa kama.
"Sorry." mahinang sabi niya habang nakatingin sa sahig.
Nagbihis na ako ng pajama saka nilagay sa laundry basket, na katabi lang ng closet ko, ang mga pinagbihisan ko. Hindi na ako nakapag-skincare, bukas na lang ng umaga.
Nakahiga na ngayon si Jimin sa kama ko at umupo naman ako sa tabi niya saka sumandal sa headboard.
"Okay na ba 'yang kamay mo?" Napatingin siya sa mga kamay niyang may balot pa rin.
"I don't think so. Masakit kapag binubuka ko, lalo na kapag nai-stretch." bumuntong hininga siya.
Tinignan ko siya nang nag-aalala, "Huwag mo nang uulitin 'yon, okay? You're making me worried, Jimin."
He chuckles, "I'll try not to, Taehyung." Hinampas ko siya sa balikat. "Aray!"
"Anong you'll try not to? Just don't." I scold. "Ano ba kasing nangyari?"
He sighs, "Divorced na sina Mom at Dad. I was so annoyed, and then came the adrenaline rush, binugbog ko 'yung pader." Nagulat ako unang sinabi niya na hindi na nag-proseso sa utak ko 'yung sumunod.
"D-divorced na sila? What?" Bigla akong nalungkot.
"Is it because Adrian killed himself so I had to suffer like this?" bigla niyang sabi, "At first, I was fine at the thought of them being divorced, but now that it actually happened, I don't know what to feel. Biruin mo, gano'n-gano'n na lang 'yon? Ginawa niya kaming parang laruan na kapag pinagsawaan na ay iiwan na lang. Putanginang 'yan!"
"Shh." sinuklayan ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
"This is why I hate marriage and I don't like the idea of getting married. The heck!" Napabuntong hininga ako dahil do'n.
"Jimin, stop it. Wala na tayong magagawa, it's their decision." Siya naman ang napabuntong hininga.
"I-I know."
I continued to brush his hair using my fingers. Ang lambot at ang dulas ng buhok niya, ang sarap suklay-suklayin. Nakita kong napapapikit na siya.
Maya-maya ay humiga na ako sa tabi niya. Inilagay niya ang braso niya sa ilalim ng ulo ko kaya mas mababa ako sa kaniya. Napangiti ako saka niyakap siya. "Sleepwell, Jimin hyung."
"Sleepwell, Taehyungie." he whispered.
I sniff into his chest. He smells so nice.
Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang matulog. Ngunit nakalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ako nakakatulog.
I pull away from the hug and I looked up at Jimin and I realized he's already looking at me so I looked away immediately. Nag-init na naman ang mukha ko.
"Uhm, I can't sleep."
Nakapatong pa rin ang ulo ko sa braso niya. He pulls me for a hug. I close my eyes and hide my face on the crook of his neck, hugging him back.
"Good night, Taehyung."
"Good night, Jimin."
-
A/N
i'm literally writing this in the middle of the night,, so good (mor)night as well HAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top