Chapter 60 : Perez Siblings

Taehyung's Point of View.

"Kuya, matutulog muna ako ah." sabi ni Yeri sa 'kin at sumandal saka pumikit.

"Edi matulog ka, bakit sasabihin mo pa sa 'kin?" nakatawang sabi ko.

"Para aware ka." Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. "Gisingin mo 'ko kapag nando'n na tayo, okay?"

"Ayoko nga. Magising ka mag-isa mo." I joked then she made a whining sound. "Joke lang! Sige na, sleepwell." Tinapik ko nang dalawang beses ang ulo niya.

Ayon nga, papunta kami kina Tita, kapatid ni Papa, para bisitahin sina Abuela at Abuelo, at syempre sina Tita rin at 'yung mga pinsan kong hindi ko masyadong ka-close. Pinag-absent muna nina Mama si Yeri ngayon pero nagpadala naman sila ng excuse letter sa school.

Ilang oras din ang byahe bago kami makarating. Nakakatulog nga ako pero nagigising din agad.

Nag-park si Papa sa tapat ng bahay nina Tita. Bumaba na kami ng kotse at naglakad papunta sa may gate.

Kumatok si Mama sa gate, "Tao po! May tao ba d'yan?"

May lumabas na lalaki mula sa pinto na mukhang kaedad lang ni Yeri. Hindi ko maalala ang mga pangalan ng mga anak ni Tita kasi hindi ko naman sila ka-close.

"Hello po." nahihiyang bati niya. "Come in." Pinagbuksan niya kami ng gate at pumasok naman kami sa loob ng bahay nila.

Nahihiya pa kami ni Yeri kasi minsan lang kami pumunta rito at hindi ko sila ka-vibe, sa totoo lang.

Tahimik lang kami ni Yeri na umupo sa sofa.

"Hello!" pagbati ni Tita Perez (last name nila 'yon) at nag-hello na lang din kami pabalik. "I know you probably forgot your cousins' names so, I'll introduce them to you two. This is Mark," tinuro niya 'yung lalaki kanina. "this is Lucas," tinuro naman niya 'yung matangkad na lalaking mukhang mas matangkad pa sa akin. Higante ba 'yan? "and this my eldest, Wendy." tinuro niya naman 'yung babaeng nakaupo sa kabilang sofa.

Hala! Kapangalan pala ng nanay ni Jimin ang isa kong pinsan.

"Mark and Wendy both were born in Toronto, Canada, while Lucas is adopted. Nakuha namin siya sa isang orphanage 15 years ago sa Hongkong noong nagbabakasyon kami do'n." dagdag pa ni Tita.

"Kapangalan ni Tita Park si Wendy." bulong ko kay Yeri at napalingon naman siya sa 'kin.

"Talaga?" bulong niya pabalik saka tumawa. "What a coincidence."

Inimbita kami ni Tita sa hapagkainan para kumain ng lunch. Nahihiya pa kaming naglakad sa dining area.

Nakapwesto na kami rito at maya-maya ay nakita kong bumababa sina Abuela at Abuelo kasama si Tito Perez.

"Mga apo!" Nagulat si Abuela nang makita kami. "Taehyung, Yeri, kumusta na kayo? Namiss ko kayo ah. Lalo na 'yung sunflowers na binibili mo sa 'kin, Taehyung-ah."

"Namiss ka rin po namin, Abuela. Pasensya na po, hindi na ako nakakabili." I smiled a bit. "Oh, by the way, Jimin said hello." My cheeks redden when I mentioned Jimin's name.

"Okay lang, apo." tinapik niya ako nang bahagya sa balikat. "Oo nga pala. Si Jimin-ssi, kumusta na rin?"

"Uhm, ayos lang naman po siya."

Siniko ako ni Yeri bilang pang-aasar kaya siniko ko rin siya pabalik.

Umupo na silang tatlo sa mga bakanteng upuan na natitira saka kumain na kami. Napakatahimik ng paligid, hindi ako sanay.

"So..." panimula ni Wendy, "Taehyung, Yeri, tell us about yourselves."

"Well, uhm, I'm in 4th year college." sabi ni Yeri, "Tumigil ako nang dalawang taon, secret kung bakit." Muntik akong matawa do'n sa 'secret kung bakit' tapos nag-hehe pa siya. "I... uhm,"

"She also has a boyfriend." pagsingit ko.

Nahihiyang tumango si Yeri, "Y-yeah, I have a boyfriend." nagkakamot-ulong sabi niya. "And uhm, I'm taking Psychology course."

"That's nice! You would be able to help many people." ngiti ni Yeri, "But it will take you many years to become a psychologist, but it will be worth it if you'll work hard."

"Thank you!" nakangiting sabi ni Yeri at tumingin sa 'kin, "Kuya, she's so nice."

"Yeah, she seems." I nod.

"How about you, Taehyung, what do you do? Are you still studying or...?" singit ni Mark.

"No, I graduated already. I'm currently a part-time model." sagot ko at ngumiti.

"Really? I'm a part-time model, too." sabi naman ni Lucas, "Maybe someday we could work together or something."

Tumango ako, "Yeah, I think we should." ngumiti ako.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na kaming kumain. Nag-usap-usap kaming magpipinsan, habang nakaupong pabilog sa sahig, para naman daw kahit papaano ay maging close kaming lima.

So, Wendy is a dentist and she has her own apartment na malapit lang sa clinic niya. Umuwi lang daw siya rito dahil nalaman niyang pupunta kami rito.

Si Lucas naman, ayon nga, part-time model siya. Pero hindi lang 'yon, part-time bartender din siya sa isang club pero pang-umaga lang siya. Kapag daw wala siyang photoshoot, probably nandoon siya sa club.

And then, Mark. He's an underground rapper and also part of a street dance group named Dreamies, tapos mahilig silang mag-cover ng sayaw o gumawa mismo ng choreo. By the way, he and Lucas live here in their parents' house. Si Wendy lang ang nag-independent.

Oh, and also, kaedad lang ni Yeri sina Mark at Lucas. Pero bakit gano'n? Sobrang tangkad ni Lucas, parang nasobrahan sa growth hormones.

"Yeri, 'di ba balak mong magpapasta ng ngipin? Magpapasta ka kay Wendy." sabi ko sa kapatid ko at ngumuso naman siya.

"Hala! Nakakahiya naman." Yeri shyly said.

"Hoy, okay lang. Gusto mo ba? Dala ko ang gamit ko." Wendy offered.

"Sige na, anak. Okay lang 'yan." pagsingit ni Mama.

"Hindi, okay lang." nahihiyang sabi ni Yeri, "Next time na lang siguro."

Wendy laughs, "But if you want your teeth to be checked up, don't hesitate to call me, okay?" May kinuha siya mula sa bulsa niya, ang wallet niya. Kumuha siya ng isang card mula roon. "Here's my calling card." Binigay niya ito kay Yeri.

Tinitigan pa niya ito bago tanggapin, "Thank you."

"Who wants some ice cream?" tanong ni Tita Perez.

"Kami!" sabay na sabi nina Mark at Lucas.

"Kami rin!" sigaw naman naming tatlo nina Yeri at Wendy.

"Cuties!" Tita Perez laughs, "Come with me in the kitchen." Kaya tumayo kami at sinundan siya roon.

Para kaming bata pero we can't resist the ice cream. Because it's ice cream.

Jimin's Point of View.

Nakahilata lang ako rito sa kama ko. Namimiss ko na agad si Taehyung.

I-text ko kaya?

Kinuha ko ang phone ko na katabi ko lang at ini-unlock ito. Medyo namamaga 'yung mga kamao ko pero naigagalaw ko pa rin naman, ang kaso lang, masakit.

It's okay, it's my fault anyway.

Taetae 💖

Me:

baby, i miss you already :((

Bumuntong hininga ako pagkatapos pindutin ang 'send' button.

Maya-maya ay nag-vibrate ang phone ko. Ang bilis mag-reply ah.

Tinignan ko ulit ang phone ko at napa-poker face ako nang hindi pala si Taehyung ang nag-text.

Yoongi hyung:

bro, help me propose to hoseok.

Nag-vibrate ulit ang phone ko at may panibagong text.

Namjoon hyung:

I've been thinking about this for a long time and I think I'll finally get the chance. But you gotta help me. I'm proposing to Seokjin.

Sandali lang! Bakit sabay sila?

At bakit sa 'kin sila nagpapatulong? How about the two youngest?

Nireplyan ko sila na nagtatanong kung kasama ba sina Jungkook at Taehyung. Parehas silang nag-reply na group text 'yon. Kumbaga 'send to all' except Hoseok hyung (for Yoongi hyung) and Seokjin hyung (for Namjoon hyung).

Is this a double proposal?

Nag-vibrate na naman ang phone ko and this time, napangiti na ako dahil si Taehyung na ang nag-text.

Taetae 💖:

hoy gago magpo-propose na raw sina yoongi hyung at namjoon hyung AAAAAAAAAA

btw, i miss you too <3

Me:

bakit kailangan mo kong murahin? hmp. at oo nga, nagtext din sila saken, group text daw pala yun HAHAHAHA double proposal amputa, pano yun?

Taetae 💖:

ewan ko pero kinikilig ako skdhsjdksk para akong tanga rito, tagong-tago kilig ko nyemas

Me:

HAHSHSHAHAHA

btw, did you say hello to lola kim for me?

Taetae 💖:

of course :D

text you later, we're watching movie hehehe

Me:

sureee

Ini-lock ko na ang phone ko at nilapag sa tabi ko. What if makisabay ako kina Yoongi hyung at ayain ko na si Taehyung na maging boyfriend ko? I think I'm ready to be in a relationship, as long as it's with him.

I smiled at the thought.
-

A/N

hello! i think it's getting more boring, i'm sorry :(( comment, please?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top