Chapter 58 : Taken?

A/N: skip to monday :))
-

Taehyung's Point of View.

"Kuya," Papasok pa lang ako sa CR pero napalingon ako kay Yeri nang tawagin niya ako, "may photoshoot ka ngayon?"

Tumango ako, "Bakit?"

"Sabay ako sa 'yo, hatid mo 'ko sa school. Hindi ako masusundo ni Kookie." nag-pout siya.

"Kawawa ka naman," tumawa ako. "Sige, sige. Magbihis ka na para pagkatapos ko, aalis na tayo."

"Yey! Thank you."

Pumasok na ako sa loob ng CR para maligo.

Inorasan ko ang pagligo ko at halos 10 minutes akong tumagal sa loob. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng CR habang nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya.

Nakita ko si Yeri na naka-school uniform na nga at nagme-makeup sa harap ng salamin.

Umakyat ako sa kwarto ko para isabit sa likod ng pinto ang tuwalya ko saka bumaba sa sala. Kumuha ako ng isang white beret mula sa collection ko ng hair accesories, na nakalagay lang malapit sa salaminan, para mag-match sa outfit ko ngayon.

Simple lang ang suot ko ngayon. Naka-rubber shoes ako na color black, blue jeans at plain white sweatshirt. Nagsuklay muna ako ng buhok bago isuot sa ulo ko ang beret.

Kinuha ko ang cellphone, wallet at earphones ko (I also have airpods but I don't wanna use them) saka ito nilagay sa shoulder bag ko.

"Tara na?" tanong ko kay Yeri at tumango naman siya saka kinuha ang handbag niya.

"Ma, Pa, aalis na po kami." paalam ko sa parents ko na nakaupo lang sa sofa.

"Ingat kayo!" sabi naman ni Papa at kumaway lang si Mama.

Kumaway na rin kami ni Yeri saka lumabas na ng bahay.

"Anong oras na?" tanong ko sa kaniya at tinignan naman niya ang oras sa relo niya.

"10:32 AM." Tumango lang ako. Medyo late na ako pero wala akong pake.

+++

"Ingat ka, ha. Masusundo ka ba ni Jungkook mamaya?" Nasa tapat na kami sa school niya.

"Hindi ko alam, may work na kasi siya eh. Hindi na raw siya magpa-part-time sa karinderya ni Kuya Seokjin, pero depende pa rin daw." Tumango lang ako.

"Mamasahe ka na lang." tumawa ako. "Baka hindi kita masundo kasi mas mauuna ako sa 'yo."

Ngumuso siya saglit at tumango, "Okay. Ingat ka rin. Bye, Kuya!" kumaway siya.

Kumaway rin siya pabalik, "Bye!"

Nag-tricycle ako ulit papunta do'n sa building.

Jimin's Point of View.

"Good morning... or afternoon?" tumawa pa ako. Alas onse na kasi ako pumasok. "Sorry I'm late." I flashed an embarrased smile.

"Okay lang. By the way, who's this?" tinuro ni Therese si Aria na kasama ko ngayon.

"Ah, this is my... uhm, soon-to-be stepsister?" hindi siguradong sagot ko. "She's Aria." Tapos lumingon ako kay Aria. "This is Teresa, the daughter of the owner of this coffee shop." tinuro ko si Therese.

Ngumiti si Aria kay Therese, "Hi."

"H-hello! Nice to meet you." she waved at her and looked at me. "Your Korean is so hot. That was the first time I heard you speak Korean." sabi niya sa 'kin at ngumisi lang ako.

Nakita kong may mga nakapila sa mga counter nina Andy, Tala at Bianca. Pumunta naman ako sa counter ko. "Aria-ssi, come over here, let me take your order."

"Oh, okay." lumapit siya sa counter ko at tumingin sa menu. "Uh... can I have medium-sized caffuccino with two extra shots?" Tumango ako at pinindot sa monitor ang order niya. "Also uhm, one croissant." Pumindot ako ulit sa monitor.

"Would that be all?" Tumango siya kaya sinabi ko na sakaniya ang presyo at nagbayad naman siya. Umalis na siya para maghanap ng upuan.

Maya-maya'y may sumunod na babaeng costumer. "Yes, Ma'am, your order please?"

"You're Korean?" pambungad na sabi niya.

"Half." maikling sagot ko. "Can I now take your order?"

She fucking giggles, "Of course."

+++

"Iced americano for Mister Koreano." Napataas ang isang kilay ko nang may naglapag ng kape sa counter ko.

"Iced americano for Mister Koreano?" pag-ulit ko ng sinabi ni Therese saka tumawa. "Thanks."

Tumawa siya pabalik, "You're welcome!"

"Gawa mo 'to?" Tumango siya. Humigop ako mula sa straw, "In fairness, masarap." ngumiti ako nang bahagya.

"Thank you!" she fucking giggles. "Sige, balik na ako sa kusina." She smiles widely before leaving.

Habang wala pang costumer ay umupo muna ako. Nakita ko namang nagtatalo sina Andy at Tala.

"Kinginang 'yan, square root ng nine ay four? Seryoso ka ba? Bobo ako sa math pero alam kong three ang sagot." malakas na sabi ni Tala kay Andy habang nakatingin sila sa isang cellphone na hawak ni Andy.

"Kingina mo rin! Sorry naman, namali lang ng pindot. Paharang-harang kasi mukha mo." sagot pabalik ni Andy.

"Wow, dinamay mo pa mukha kong maganda." umirap pa si Tala.

"Yabang!"

"Hoy!" pagtawag ko sa kanilang dalawa, "Ang ingay-ingay niyo, wala kayo sa palengke. Ano ba 'yang ginagawa niyo?"

Hinablot ni Tala 'yung cellphone mula kay Andy at lumapit sa 'kin. "Nagsasagot ng random math quiz na dinownload niya." Tapos pinakita niya sa akin 'yung app.

"Ako magsasagot." Kinuha ko kay Tala ang cellphone at sinagutan 'yung mga random na tanong. Pinanood naman nila ako.

"Wow!"

"Ay pucha, ang bilis mo namang mag-compute."

"Walking calculator, amputek."

"Siguro math major ka?"

"Ang galing!"

"Shet, ang galing. Crush na kita, mahilig ako sa mga magagaling sa math."

Sari-sari ang mga sinasabi nila at natatawa na lang ako habang nagsasagot.

Natapos ko 'yung 20 questions in a span of 2 minutes, may timer kasi, at binalik na 'yung cellphone kay Tala. Binigay naman niya ito kay Andy na nakanganga lang.

"Seryoso, crush na kita. Ang galing mo sa math, paano 'yon?" sabi ni Tala at tumawa.

I chuckle, "Grabe. Sorry, taken."

Pagkatapos 'yung random na kaganapan na 'yon ay back to work na kami kasi may pumila na sa counters namin.

"Yes, Sir, may I take your order?"

+++

"Taehyungie!" Nagulat ako nang sumulpot siya sa harapan ko.

"Pa-order nga ng isang ikaw." sabi niya saka ngumiti nang malapad.

Ngumisi ako, "Nag-iisa lang naman ako, ah."

"Kaya nga—ay, oo nga pala, you're mine already." he then winks. Nawala ang ngisi ko at biglang napalitan ng ngiti.

"You're learning, I like it." I tickle his chin and he giggles.

"Ah, siya pala 'yung naka-taken kay Jimin." Napatingin kami kay Andy at mukhang kinikilig naman si Tala sa tabi niya.

May apat na counter kasi rito. Ako ang nasa dulo, and then sunod si Andy, Tala, at empty counter. Doon si Bianca pero sa morning shift lang siya. Minsan nagte-take place do'n si Therese kapag trip niya.

Tumawa lang kami ni Taehyung. Tumingin ako ulit sa kaniya, "So, do you want lemon tea?"

Umiling siya, "Nope. I just visited you galing sa photoshoot."

I hum, "I see. You look great in your outfit today. I mean, you always look great." then I grin.

I saw him blushed kaya lalo akong napangiti. "Thank you." he smiles. "Hintayin na kita, sabay na tayo umuwi. Malapit naman na matapos ang shift mo, 'di ba?"

Tumango naman ako, "Sure. Upo ka na lang muna."

Ilang minuto ang lumipas ay natapos na ang shift ko. Nagpaalam na ako roon sa dalawa at umalis na kami ni Taehyung mula sa coffee shop.

"So, how's your day?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pauwi.

"I'm good, really good. But when I saw you, my day became even better." he then grins.

Tumawa naman ako, "Kanina ka pa, Taehyung."

Tumawa siya pabalik, "I'm just happy, Jimin. I can't stop thinking about you while at the photoshoot, couldn't wait to go home and see you."

I didn't hide my blush. "Really? Well, I'm thinking about you every day and every night. Always." I lick then bite my lips unconsciously.

Nakita kong napalunok siya at hindi na nagsalita. I hold his left hand and intertwined mine into it. "They look puzzle pieces that fit together." I told him and he smiles.

He squeezed my hand lightly, "They really are. Actually, we are like puzzle pieces, we complete each other."

How can someone be so perfect?
-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top