Chapter 56 : Of Hugs And Kisses
A/N: For everyone's information, I (kinda) keep track of the date and Chapter 55 is July 31, 54 is 30 and 53 is 29 :))
-
Taehyung's Point of View.
"Uhm," umubo nang peke si Yeri habang nasa hapagkainan kami, "pupunta po rito 'yung mga classmate ko mamaya." para bang nahihiyang sabi niya.
Sa totoo lang, ang pagpapaalam sa magulang na may pupuntang classmates sa bahay ang isa sa pinakanakakahiyang ipaalam sa mga magulang. We all know that but we don't know why.
Pero kapag mga tropa ang pupunta sa bahay, minsan biglaan ang punta nila rito kaya lahat nagugulat, 'yung tipong hindi ko rin alam kaya hindi ko rin naipapaalam kay Mama.
"Sure, anak. Malinis naman ang bahay, unless gusto niyo pang linisin." Parehas kaming prumotesta ni Yeri.
"No way!"
"Nope, lalabas na lang ako."
Natawa naman si Papa sa 'min.
I'm a clean person pero kapag maglilinis ng bahay, tinatamad ako, sa totoo lang. I'm sorry.
"Anong oras naman daw sila pupunta?" tanong ni Mama at maya-maya ay may kumatok sa pinto.
Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan. Sila na ba 'yon? Ang bilis naman.
Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas otso pa lang. What the! At napansin ko ring August 1st na pala ngayon.
Tumakbo roon si Yeri at binuksan ang pinto. Hindi niya mga classmate ang tumambad sa pintuan kundi si Jungkook.
Ang aga naman nitong bumisita.
"Hello, baby!" ngiti nito sa kapatid ko at yakapin sila.
Agad akong umiwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Respeto naman po sa mga single.
"Good morning po, Tita, Tito and future brother-in-law." rinig kong sabi niya.
Lumingon ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin, "Tigilan mo 'ko, Jeon Jungkook, baka masapak kita!" Biro lang 'yon pero mukhang natakot siya.
Nanlaki ang mga mata niya, "Joke lang, Hyung! Kalmahan mo lang." Pabiro ko lang na nirolyo ang mga mata ko.
"Hijo, ang aga mo namang bumisita." sabi ni Papa at uminom ng tubig.
Jungkook grins, "Pasensya na po, medyo pinalayas lang po sa bahay kaya dito ako dumiretso." sagot niya.
"Ang layo ng narating mo ah." singit ko.
Bumalik na rito sa hapagkainan si Yeri at pinagpatuloy ang pagkain niya. Naglakad naman papunta dito si Jungkook.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong pa naman ni Mama.
"Uhm, nagtatalo lang naman po sina Mama at 'yung kapatid kong siraulo tapos sabi ni Hyung sa 'kin lumabas daw muna ako, mamaya na lang daw ako bumalik." tumatawang sagot niya.
"Oh, ang sabi lumabas, hindi pumunta sa bahay ng girlfriend at tropa mo." hinampas ko siya sa braso.
"Okay lang 'yon. Sabi ko nga eh, "Sige, kina Taehyung hyung muna ako," sabay takbo." Tawang-tawa siya.
"Ewan ko sa 'yo!"
"Oh, ang kuya mo pala ang ipinunta ni Jungkook dito eh." pagbibiro ni Papa at nag-pout naman si Yeri. Tumawa lang kami ni Mama.
I love this family.
+++
Kakatapos ko lang maligo at nagulat ako nang dumami ang tao rito sa bahay. Nandito na ang mga classmate ni Yeri, nakaupo sila sa sahig.
At nandito pa rin si Jungkook.
"Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ko sa kaniya. Nginitian niya lang ako na parang loko-loko.
"Yeri, kapatid mo?" tanong ng isa niyang classmate na babae habang nakaturo sa 'kin at tumango naman si Yeri. "Ang gwapo!"
Tumawa nang marahan si Yeri, "Oo naman, gwapo 'yan. At gwapo rin ang gusto." Muntik akong matawa do'n.
"Ay." disappointed na sagot nung isa pang babae.
Nagpaalam ako na lalabas ako pero hindi ko sinabing kina Jimin ako pupunta. I mean, alam naman na nilang kina Jimin ang punta ko everytime na lumalabas ako, except kapag may photoshoot.
Lumabas na ako at sinara ang pinto saka tumakbo papasok sa bahay nila. "Good afternoon!" sigaw ko pagkapasok.
Lahat sila ay nasa sala maliban kay Jimin. Nasaan 'yon?
"Hi, Taehyung!" bati sa 'kin ng nanay niya. Ngumiti ako at bumati pabalik. "Nando'n si Jimin sa kwarto niya."
Tumango ako, "Okay po. Salamat."
Tumakbo ako papuntang hagdanan at umakyat sa kwarto niya. Kumatok muna ako sa pinto saka ito binuksan.
Nadatnan ko siyang nanonood sa Netflix ng cartoon tapos tawa siya nang tawa.
Mga ilang segundo akong nakatayo sa may pintuan bago niya ako mapansin. "Oh, Taehyungie!" he said in surprise, "Come here." Nilahad niya pa ang mga kamay niya sa 'kin.
Sinara ko ang pinto sa likuran ko at umupo sa tabi niya. "Ano 'yan?"
"Puss in Boots." sagot niya habang nakatuon ang mata sa TV.
"Ah, 'yung nasa Shrek?" Tumango lang siya kasi focus na focus siya do'n sa TV na para bang seryosong-seryoso siya.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. May nakakalat na mga damit sa sahig, pati charger at earphones.
Umiling-iling ako at pinulot 'yung charger at earphones. Inayos ko ang mga ito saka nilagay sa pinakaibabang drawer ng cabinet niya na katabi ng TV.
Pinulot ko naman ang mga damit. Mukhang pinaghubaran niya ang mga ito kaya nilagay ko sila sa laundry basket na katabi ng bedside table.
"Jimin, ayusin mo naman ang mga gamit mo. 'Yang mga charger mo at earphones, itabi mo kung hindi mo gagamitin kasi baka masira. At 'yung mga dumihin mo, ilagay mo naman sa basket, ang lapit lang oh." tinuro ko pa ang laundry basket, "Kapag maghuhubad, ihahagis lang sa sahig. Tama ba 'yon? Ang burara!" mahabang sabi ko sa kaniya pero hindi siya sumagot.
(A/N: Jimin is literally me xD)
Wow, thank you, nagsayang ako ng laway.
"Pwede ka nang mag-asawa." biglang sabi niya habang naka-focus pa rin sa TV.
"Asawa mo?" nakangising sabi ko at lumingon naman siya sa 'kin.
"Ayaw kong magkaasawa, pero kung ikaw ang magiging asawa ko, napakaswerte ko naman." he chuckles. Hinila niya ako at pinaupo sa tabi niya. "I would like to spend the rest of my life with you."
Ngumiti lang ako at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. Tumingin kami sa TV at nasa credits na.
Ini-exit na niya ang Netflix at ini-off ang TV. Lumingon siya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. "May nakita akong laro kanina. Game ka ba?"
Kinunot ko ang noo ko, "Anong laro?"
"Bato-bato-pik tapos kapag panalo ka, sasampalin mo 'ko pero kapag panalo ako, hahalikan kita sa pisngi." tumawa pa siya.
Hinampas ko siya sa braso, "Pakyu! Ayoko n'yan. Chansing ka lang eh." Humiga ako sa kama niya at pinatong sa lap niya ang mga paa ko.
Inalis niya ang mga ito mula sa lap niya at hinila ako pabangon, "Dali na."
"Horny ka lang, gago." tumawa ako.
"Slight." tumawa rin siya. "Dali na kasi, gago ka rin." hinila-hila niya pa ako sa hem ng damit ko.
"Oo na, sige, game."
Para kaming tangang naglalaro dito. Hindi pa siya nananalo kaya puro sampal ang naaabot niya mula sa 'kin.
Kawawa naman.
"Masakit na." nakangusong sabi niya habang nakahawak sa dalawang pisngi niya.
Tinawanan ko siya at inalis 'yung mga kamay niya sa mga pisngi niya. "You said you wanna play?" I kiss both of his cheeks, "Better?"
He nods, "One more." Sinampal ko ulit siya. "Aray!" sigaw niya. Tumawa ulit ako.
"Sorry na." I kiss him again on both of his cheeks and hug him, he immediately hugs me back.
"Taehyung," I just hum as a respond. "I suddenly remember my dream about Adrian. And I really wanna know what happened next."
Kumalas ako sa yakap at tumingin sa kaniya, "What happened?"
"What I remembered is that he got stabbed multiple times on his left side and then suddenly, everything went black. Tapos sinearch ko sa google 'yung pangalan niya at ang sabi, they got murdered. Ang weird nga eh, unknown 'yung reason kung bakit sila ni-murder ng unknown suspect. Ano 'yon, trip lang?"
Napanganga ako dahil sa narinig ko at hindi sumagot.
"Pero ang sabi ni Therese, nakatanggap si Teresa ng balita mula sa pamilya ni Adrian na namatay siya dahil sa depression at broken heart. Simula noong napanaginipan ko 'yon, gulong-gulo na ako. Sobrang naku-curious ako." dagdag niya pa.
"Huwag na nating isipin 'yan, sumasakit ang ulo ko." sabi ko habang nakahawak sa ulo ko. Bumuntong hininga lang siya.
"Anak, hanap si Taehyung ng kapatid niya!" rinig naming sigaw ng nanay niya mula sa baba.
Hala!
"Tara na. Maliligo na rin ako kasi hindi pa ako naliligo." sabi niya at tumayo mula sa kama.
"Yikes! Tapos hinalikan at niyakap pa kita kanina? Ew." Tumawa lang siya.
-
A/N
yaaaay! happy 2k reads! <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top