Chapter 54 : Clingy
Yoongi's Point of View.
"Yoongi~" tawag ni Hoseok habang tumatakbo papunta sa 'kin at umupo sa kandungan ko. Nag-hum lang ako bilang sagot.
I almost stumble when he presses his lips against mine. His eyes are closed and I heard him chuckles. I put my hand on his waist and the other on the back of his neck then kiss him back, closing my eyes as well.
After a few seconds, I pull back from the kiss and push him off my lap. "Hoseok!" Tumawa siya nang malakas na para bang wala siyang ginawa kanina.
"Tara na!" umalis na siya mula sa sofa, "Naghihintay na sila doon, baka tayo na lang ang kulang."
"Ang tagal mo kasi."
Natanggap na kasi ni Jungkook 'yung resulta ng exam niya at inimbita kami ng parents niya na mag-dinner sa isang restaurant. As in, biglaan talaga 'to, hindi namin in-expect.
"Okay, tara na!" Lumabas na kami ng apartment at ni-lock ko naman ang pinto.
Pumunta kami sa parking lot ng apartment building at dumiretso sa slot kung nasaan ang aking sasakyan. Ini-unlock ko ito at sumakay na kami sa loob, ako sa driver's seat at siya naman sa passenger's seat.
Nag-drive na ako papunta doon sa restaurant na sinabi sa 'min ni Jungkook. We didn't even bother to fasten the seatbelts.
Mga ilang minuto ang lumipas at nakarating na kami sa tapat ng restaurant. Nakita ko si Jungkook sa labas kasama si Yerim na naka-school uniform pa.
"Parking lot sa likod." he mouthed habang may tinuturo sa bandang likuran.
Tumango ako at nag-drive sa likuran ng restaurant at oo nga, may parking lot nga rito.
Pagkatapos kong i-park ang sasakyan ko ay bumaba na kami ni Hoseok at naglakad papunta sa entrance ng restaurant kung nasaan sina Jungkook at ang girlfriend niya.
"Sorry, medyo late kami." sabi ko at ngumiti nang bahagya.
"Okay lang, walang problema. Nako, wala pa nga rin sina Jimin hyung at Taehyung hyung." umiiling na sagot niya.
Ang dalawang 'yon talaga.
Pumasok na kami sa loob at pumunta sa kung nasaan ang iba. Si Namjoon ay pinaglalaruan pa 'yung table napkins na parang bata.
Akala ko ba 148 ang IQ nito?
May apat na bakanteng upuan at umupo kami ni Hoseok sa dalawa, sa tabi nina Namjoon.
Maya-maya lang ay dumating na 'yung mag-bestfriend at hingal na hingal pa.
"Oh, bakit hingal na hingal kayo?" tanong ko sa kanila at nag-gesture sila ng 'wait' at huminga nang malalim.
"Tumakbo kasi kami pagdating namin do'n sa kanto." Tumawa naman kami sa sinabi ni Jimin.
"Sorry din kasi we're late. Ang sabi ko kasi, alas sais kami aalis. Naknamputa, alas sais na't nag-aayos pa rin, daig pa babae." dagdag naman ni Taehyung.
"Sorry naman." naka-pout na sabi ni Jimin.
"Gan'yan naman talaga 'yan, highschool pa lang. Palaging late, tapos na flag ceremony, saka pa lang papasok." Natawa kami sa sinabi ni Namjoon, maliban kay Jimin.
"Grabe!" protesta niya.
Umupo na sila ni Taehyung sa dalawang bakanteng upuan na katabi ni Hoseok. Ang pagkakasunod-sunod namin ay: (clockwise) Namjoon, Ako, Hoseok, Jimin, Taehyung, Yerim, Jungkook, Jungkook's Mom, Jungkook's Dad, and Seokjin.
Kinuha namin ang menu booklets at nag-usap-usap kung anong oorderin.
Taehyung's Point of View.
Kasalukuyan kaming naghihintay ng order namin. Napakabati talaga ng mga magulang ni Jungkook at inimbita pa kami sa ganito, hehe.
"Congrats pala, Jungkook!" biglang sabi ko sa kaniya.
"Thanks, hyung!" nakangiting sabi niya sa 'kin.
Napansin kong hinawakan ni Jimin ang hita ko sa ilalim ng lamesa. Pervert talaga.
"Jimin?" bulong ko at kinunutan siya ng noo. Inalis ko ang kamay niya sa hita ko. Hindi ko alam kung anong trip nito.
"Wala akong mapatungan ng kamay." bulong niya pabalik at inilagay ulit ang kamay niya sa hita ko.
"Punyeta, may lamesa oh." bumulong ako ulit. Inalis ko ulit ang kamay niya mula sa hita ko at inilagay ito sa lamesa.
"Kamay mo na lang hahawakan ko." Para kaming ewan na nagbubulungan dito.
He grabs my right hand and intertwined his left hand into it then put them below the table, right above his lap.
Nag-init na naman ang mukha ko at pakiramdam ko ay namumula ang mga pisngi ko.
Hindi na ako nagsalita at umupo na lang nang maayos. Nakita ko namang napansin ni Yeri ang mga kamay namin ni Jimin tapos ngumisi siya sa 'kin.
"Hmm, Kuya, ano 'yan?" pang-aasar niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tumawa naman siya nang bahagya.
Maya-maya lang ay isa-isang dumating ang mga order namin. Binitawan ko na ang kamay ni Jimin pero kinuha niya ulit ang kamay ko.
"Jimin!" nilingunan ko siya.
"Kaliwete ka naman eh." ngumiti siya nang malapad at pinisil ang kamay ko nang marahan.
Bumuntong hininga na lang ako at pasikretong ngumiti. He's so cute.
Nagsimula na kaming kumain at heto nga, kaliwang kamay lang ang gamit ko at nakasantabi ang tinidor ko't nakapatong lang ito sa gilid ng plato ko.
Nakikita nila pero mukhang hindi na lang nila masyadong pinapansin. Mahihiya talaga ako kapag may nagsalita tungkol dito.
"Ang sarap ng sinigang na hipon nila." biglang sabi ni Jungkook. "Ma, luto ka nga nito next time." sabi niya sa nanay niya.
"Oh sige, anak."
"Magpaluto rin kaya tayo kay Mama ng sinigang na hipon?" suhestyon sa 'kin ni Yeri.
"Oo nga 'no? Magandang ideya 'yan." tumatangong sabi ko.
Pagkatapos naming kumain ay hindi muna kami umalis at tumambay muna rito. Sayang naman 'yung aircon, hehe.
Napatingin ako kay Jimin nang ipatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Take note: magkahawak pa rin kami ng kamay.
Ang clingy niya ngayon.
"Jimin." Nag-hum lang siya bilang sagot. "Wala lang." tumawa ako nang bahagya.
"Ano 'yan, ha?" pang-aasar ni Hoseok hyung habang nakaturo sa mga kamay namin.
What the heck!
Ngumiti lang si Jimin at tumawa lang ako nang nahihiya.
+++
Umalis na kami ng restaurant at nandito kami ni Jimin sa isang parke malapit sa subdivision namin, nakaupo sa isang bench. Ayaw pa raw kasi niyang umuwi.
Take note ulit, magka-holding hands pa rin kami. Jimin's hand is so soft and warm, I could hold it forever.
"Taehyung," Nilingunan ko siya at nag-hum bilang sagot. "I just wanna tell you I'm so happy to have you."
Heto na naman ang puso ko sa pagtibok nang mabilis.
I smile sweetly and rub his thumb using my thumb, "Me too. You've been my savior ever since the first time we've met. Hinding-hindi ko malilimutan 'yon."
"Kanina ko pa 'to gustong gawin pero... Can I kiss you?" nahihiya niyang sabi at mas lalo akong napangiti.
"Yes." I whisper.
He finally let go of my hand and grab my face. Pumikit ako at hinintay na magdampi ang mga labi namin. Ito na ba talaga 'yon, Lord? Sure na ba 'to?
Nararamdaman kong lumalapit ang mukha niya sa mukha ko at mas bumibilis ang tibok ng puso ko na para bang kahit anong oras ay kakawala ito mula sa ribs ko at lalabas mula sa dibdib ko.
"Taehyung-"
"Aray!" Napaatras ako nang may tumamang bola sa paa ko. Bola ng volleyball.
"Sorry po." May lumapit sa 'ming grupo ng lalaking kabataang sa palagay ko ay teenagers pa lang. Kinuha nila ang bola mula sa lupa at nag-sorry ulit.
"Ayos ka lang?" Tumango lang ako sa tanong niya. Iniangat niya ang paa kong natamaan ng bola at inobserbahan ito. "Sabihin mo sa 'kin kapag nagkapasa. Naramdaman ko 'yung pagtama sa 'yo ng bola, ang sakit no'n." Tumango na lang ulit ako.
"Uwi na tayo." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko.
Nakita ko siyang nag-pout, "Okay." Hinawakan niya ulit ang kamay ko at tumayo na rin mula sa bench.
Bakit ba sa tuwing magki-kiss na kami ay palaging nauudlot? Tadhana, bakit ka gan'yan?
-
A/N
HAHAHA sorry sa lame update omg :(( by the way, malapit na po itong matapos hihi xD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top