Chapter 53 : Almost Kissed Again

A/N: nakakainis ba yung mga ganitong title ng chapter? mala-spoiler eh no? HAHAHA. anyway, enjoy!! <3
-

Taehyung's Point of View.

"Good morning!" pagbati ko nang pumasok ako sa Kopi Parlor. Kinapalan ko na ang mukha ko, bakit ba?

Dahil do'n ay nagtinginan sa 'kin ang mga tao rito. Kumaway na lang ako sa kanila at awkward na ngumiti.

Pumunta ako sa counter at ipinatong ang kaliwang kamay ko sa cash register ni Jimin. "Hi, babe."

He raises an eyebrow, "Babe?" he chuckles, "Anong order mo?"

"Ikaw." I flash my rectangular smile as well as eyesmile.

He smirks, "I'm all yours." Shit.

Nag-init ang buong mukha ko at namula. This is why I don't flirt with him because it backfires and he flirts back with me.

"Alis na d'yan, may costumer na oh. Kung hindi ka mag-oorder, maghintay ka. Upo ka muna." he scolds.

"Okay." I pout.

Tumabi ako sa may gilid at pinanood lang siya. "Good morning, sir! What can I get for your order today?" he smiles as he speaks.

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kaniya. He has such gentle hands and fingers. I wonder what else could he do with them.

"Taehyung?" Muntik akong mapatalon sa gulat nang may kumalabit sa 'king babae. "Taehyung!"

Kumunot lang ang noo ko habang inaalala ang pangalan niya. "Ah, Seunghee?"

"Yes, it's Seunghee. Kumusta ka na? Oh, and I was shocked to see that Jimin works here." she smiles widely.

Naging classmate namin siya ni Jimin noong highschool for 2 years. Isa siya sa mga schoolmates naming ka-close namin. She's one of our casual friends noong highschool.

Tumawa ako nang marahan at ngumiti nang bahagya, "Ayos naman, I work as a part-time model."

She widen her eyes, "Really? Kaya pala parang nakita kita sa isang magazine, akala ko namamilik-mata lang ako."

"Wow! Gusto ko makita 'yang magazine na 'yan." I laugh, "Seriously."

"Nonpopular magazine siya pero I think mabibili 'yon sa Book Sale. Limitless Magazine ang pangalan." Tumango na lang ako. "Umorder ka na ba or something? Halika, it's my treat. Ngayon na lang tayo nagkita ulit." Hinihila-hila niya pa ako papunta sa counter.

"Nako, 'wag na, okay lang." pagtanggi ko pero mapilit siya at tuluyan na akong hinila sa counter.

"Mahaba ang pila kay Jimin kaya dito na lang tayo." Pumila kami sa counter ng isang babaeng co-cashier ni Jimin.

"Yes, ma'am, sir, ano pong sa inyo?" ngiti nung babae. Napatingin siya sa 'kin saka tumingin kay Jimin bago lumingon ulit sa 'kin at pagkatapos ay ngumiti siya kay Seunghee.

"Hindi ba ayaw mo ng kape?" tanong niya at magsasalita sana ako pero nagsalita siya do'n sa babae. "Isang medium coffee frappe at isang large oreo frappe, please."

"Nakakahiya naman, Seunghee, babayaran ko." Maglalabas na sana ako ng wallet pero pinigilan niya ako.

"Ano ka ba naman! Okay lang, Taehyung. Para namang hindi tayo naging magkaibigan." tumawa pa siya. Bumuntong hininga na lang ako.

Pagkatapos umorder ay umupo kami sa bakanteng pwesto. Tahimik lang ako habang nakasalumbaba sa lamesa at hindi tumitingin sa kaniya.

"Hoy, stay strong sa friendship niyo ni Jimin. Ilang years na ba?" she randomly asked.

"Almost 19 years." maikling sagot ko.

"Wow! 'Yan na siguro ang pinakamatagal na friendship. My gosh, naiinggit ako. Stay strong talaga, jusko!" mabilis niyang sabi.

I chuckle, "Thank you."

Maya-maya lang ay tinawag na siya para sa order niya. "Order for Miss Hyun Seunghee!" Pumunta na siya sa counter para kunin ang order.

Pagkatapos ay bumalik siya rito para ibigay sa 'kin ang oreo frappe. "Uhm, Taehyung, I need to go kasi nag-text sa 'kin 'yung boyfriend ko, nando'n na raw siya sa meeting place namin. It's nice to see you again! Bye." Tinapik niya ako sa balikat saka umalis na.

Ah, may boyfriend na pala siya. Hindi niya nabanggit kanina.

Ininom ko na ang oreo frappe kasi sayang din 'to, libre pa naman. Ang tagal namang mag-break ni Jimin.

"Taehyung!" Oh, ayan na pala.

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti, "Hi."

Umupo siya sa tapat ko at seryosong tumingin sa 'kin, "Bakit ka nilibre ni Seunghee?"

"Uhm, kasi raw ngayon lang ulit kami nagkita." sagot ko. "Bakit?" ngumuso ako.

"W-wala." Umiwas na siya ng tingin.

Ngumiti ako at inilapag sa lamesa ang oreo frappe. "Are you jealous?"

"N-no." Very convincing.

"You're jealous." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumipat sa tabi niya. "My bestfriend is jealous."

"I-I'm not." he bit his lower lip.

"You stuttering is making me refuse to believe that you're not jealous." I laugh.

"Fine!" Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Ito na naman ang puso kong ayaw kumalma.

"Are you going to kiss me?" I whisper. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, halos naririnig ko na. Naririnig din kaya niya?

"Only if you want to." he whispers back. Shit, that's hot.

Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya napapikit ako. He cupped my cheeks and I can now feel his breath.

Napamulat ako nang ma-realize kong maraming tao rito at naitulak ko siya pero agad ko ring hinila. "Shit."

"Aray!" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Sorry." Nag-peace sign pa ako. Tumingin ako sa paligid at may mga nakatingin sa 'min pero agad din silang umiwas ng tingin at nakipagbulungan sa mga kasama nila. "Maraming tao rito."

"So? 'Yon bang inaalala mo?" Hindi ako sumagot. Nagulat ako nang itulak niya ako palabas ng upuan kaya napatayo ako. Tumayo rin siya at hinila ako.

"H-hoy, teka." Tumigil siya at kinuha ko naman ang oreo frappe ko kasi sayang naman 'to.

Hinila niya na ako sa kung saan at tumigil kami sa kusina. "Uhm, a-anong gagawin natin dito?"

He smirks, "Magkakainan."

"Ano?" napasigaw ako sa gulat. Ano raw?

Tumawa siya nang malakas, "Joke lang! Syempre, kakain. Nagugutom na ako." Lumingon siya sa isang lalaking naghahalungkat sa loob ng fridge, "Andy, anong pagkain d'yan?"

Nasa bandang likod kami ng kusina at nasa tapat ng isang mahabang lamesa. Medyo katabi lang din namin ang fridge.

"May left-over cake dito. Tara, kainin natin." Nilapag niya ang cake sa lamesa. Kumuha rin siya ng mga plato at kutsara.

"Naghahalungkat lang kayo sa fridge kapag breaktime niyo?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi naman. Minsan lumabas kami para bumili ng pagkain." sagot ni Jimin at ginawang kutsilyo ang kutsara para panghati ng cake.

Kumunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Shocks!

"O kaya naman ay magpapagawa kami ng libreng kape sa mga barista namin." dagdag niya pa. "Baristas!" sumigaw siya roon sa mga staff na nasa bandang unahan ng kusina at saka kumaway. Kumaway din naman sila pabalik.

Pagkatapos niyang lagyan ng cake ang isang plato ay nilagyan niya rin 'yung isa pa saka binigay sa 'kin. "Kain na."

Humigop ako sa oreo frappe bago mag-slice ng cake.

+++

Tapos na ang shift ni Jimin at naglalakad kami ngayon pauwi habang magkahawak ang mga kamay.

"May photoshoot ka bukas?" Umiling lang ako sa tanong niya. "Okay."

"Bakit?" tanong ko naman at lumingon sa kaniya.

"Wala lang." he smiles. "I miss you."

I smile back. "Halos araw-araw naman tayong nagkikita ah."

"Eh, I always miss you." Kinikilig na naman ako.

"I miss you too." Sasabog na ang puso ko.

"And I love you." Tama na, Jimin, please.

"I love you too."
-

A/N

akala mo talaga may label, hmp. HAHAHAHA

btw, hello :)) kapag naka-2k reads itong book na ito, magdo-double update po ulit ako hehe

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top