Chapter 52 : What Really Happened To Adrian?

Jimin's Point of View.

Pagkatapos ng insidenteng 'yon ay lumuwas kami ng pamilya ko pabalik sa Amerika.

Masakit pa rin. Hindi ako makatulog nang maayos dahil araw-araw at gabi-gabi kong iniisip si Emilia. Ako dapat 'yon, ako dapat ang tatamaan ng bala ng baril pero humarang siya kaya siya ang natamaan. Niligtas niya ako.

Hindi niya na dapat ginawa 'yon. Hindi niya kinailangang gawin 'yon. Ngunit ginawa niya pa rin.

Muli kong binabasa ang sulat ko para sa kaniya na sana'y nababasa niya mula sa itaas.

Dearest Emilia,

Wherever you are, I hope you're happy. Don't worry about me, I'm fine. Well, not totally fine, but it's getting there. It's been a week since you left me.

Ganun-ganun na lang yun? Pagkatapos ang ilang buwan, ganun lang? I can't really blame Antonio, he just loved you so much. I hope he's fine as well. Alam kong nandun ang kaibigan mo para sa kaniya.

I feel lonely, Emilia. Dapat kasal na tayo. Dapat nagpaplano na tayo. Dapat masaya tayo ngayon pero iniwan mo ako. Masakit pa rin. I'm too nice to blame anyone. Walang dapat sisihin. But I just can't believe that all of these happened in a short period of time. Ang bilis ng mga pangyayari. Kung panaginip lang ito, gusto ko nang magising. I wanna be with you again, my love.

Hintayin mo ako. Magkikita tayong muli kahit anong mangyari. Kahit ilang buhay pa ang magkaroon tayo, hahanapin at hahanapin kita hanggang sa maging masaya tayo sa huli.

Sincerely yours,
Adrian.

Heto na naman ang mga nagbabadyang mga luha sa aking mata. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay maubusan ako ng luhang mailalabas. Sobrang sakit, Emilia.

"Son, you haven't eaten anything. Come downstairs, I prepared lunch." I glanced at the door and saw my worried Mom standing there.

Well, she's not really my Mom. She's my adoptive mother. But she took care of me since I was seven years old so she's like a biological mother to me. And my Dad? Well, he's my adoptive father and I see him as my biological father as well.

Hindi sila makapag-anak kaya nang ampunin nila ako mula sa orphanage ay tuwang-tuwa sila. Masaya rin akong magkaroon ng pamilyang kagaya nila.

Ang kwento sa 'kin, namatay ang mga magulang ko sa sunog. Nasusunog ang bahay namin noon, they tried to save me but they died due to suffocation. Ako lang daw ang nag-iisang nakaligtas sa sunog. After that, they brought me to an orphanage.

If you're wondering why I can speak Tagalog, I'm really an American but my adoptive parents are Filipino and they taught me how to speak their native language.

"Okay, Mom, I'm coming." I sighed as I exited my room.

+++

"Mom? Dad?" I was in total shock when I saw them lying on the floor. I gulped and my hands are shaking.

"Don't tell anyone." A guy in black told me while his index finger is in front of his lips, gesturing a 'shh' signal.

I gasped and ran out of my house. "Help!" Sumigaw ako nang lumabas ako ng bahay. "Help, please?" Nakita kong sinundan ako nung lalaking nakaitim. Hindi ko makita ang mukha dahil nakatakip ito maliban sa mata.

"Please, help! Please, please! My parents are being murdered!" Sinusundan pa rin ako ng lalaki.

Tumakbo ako sa bahay ng kakilala ni Mom, "Please Miss, help! Someone's chasing me and he murdered my parents!"

"What? Adrian—Oh my God!" She covered her mouth and her eyes are widen.

The next thing happened was I felt something being stabbed on my side.

"Please, help my parents- Ah!" Nakita kong kumaripas ng takbo 'yung babae papasok sa bahay nila.

The guy stabbed me on my side many times and I don't think I can make it anymore. "Please!"

Nakita kong natatarantang lumabas ang babae at hinampas pa ng upuan 'yung lalaki kaya nawalan ito ng malay. "Adrian, I already called an ambulance. Please, don't give up! Please!" Iyon ang huli kong narinig bago magdilim ang lahat.

Bigla akong nagising, napasinghap, at napabangon mula sa kama. Pawis na pawis ako.

What happened to Adrian?

Lumingon ako sa kaliwa ko at mahimbing na natutulog si Taehyung. Napansin kong naka-off na ang TV.

I need to go back to sleep. I wanna know what happened next.

Humiga ako at sinubukang matulog ulit. Ilang minuto na ang nakalilipas pero hindi ako makatulog ulit.

"Please, come on. I wanna sleep again." bulong ko sa sarili ko at mas lalong ipinikit ang mga mata ko.

"Jimin?" Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Taehyung na nakaupo na sa tabi ko at nakatingin sa 'kin. "What's wrong?"

Bumango ako at umupo, "I dreamt about myself— I mean, me as Adrian. Naputol ang panaginip ko and I wanna know what happened next." Napabuntong hininga ako.

"Alam mo, nanaginip din ako, me as Emilia. Napanaginipan ko 'yung araw na dapat kasal nila ni Adrian. Kaso naputol din." he pouts. "At ang gwapo ni Adrian. I mean, ikaw din siya pero..."

"Pero ano?" Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin.

"Mas gwapo ka." he grins.

Tumawa na lang ako. "Come on, let's sleep again, baka magpatuloy 'yung panaginip natin."

"Imposible 'yon," Tumingin siya sa digital clock na nasa sidetable, "atsaka baka wala na tayong maitulog mamaya. Tignan mo, mag-aalas syete na." At mukhang na-realize niya 'yon kaya nanlaki ang mga mata niya sa gulat, "Wait, mag-aalas syete na?!"

Tumawa ako ulit, "You should go home now. Baka umuwi na rin ang parents mo."

He chuckles, "Para namang ang layo ng bahay ko."

Umalis na kami sa kama ko at inayos namin ito. Kinuha namin ang cellphone namin na nakakalat lang sa kama bago lumabas ng kwarto ko.

Bumaba na kami sa sala at nakita kong nakauwi na pala sina Mom at Jihyun.

"Oh, Taehyung, nandito ka pala. Dito ka na lang mag-dinner bago ka umuwi." ngiti ni Mom kay Taehyung.

Nahihiya siyang tumango, "Hindi na po, Tita, okay lang. Sa bahay na lang po ako kakain, baka pagalitan ako nina Mama. S-sige po, uuwi na ako." Tumango siya at ngumiti saka tumingin sa 'kin. "See you tomorrow, Jimin."

Ngumiti ako pabalik, "See you tomorrow." I wink at him. Nakita ko namang nag-blush siya kaya natawa ako. Kumaway na siya at lumabas na ng bahay namin.

"Hyung, mag-boyfriend na ba kayo?" Bigla akong napatingin kay Jihyun.

"No, hindi pa." sagot ko. Parang ang sakit.

"Hindi pa? Kung umakto kayo, para kayong mag-jowa." Grabe naman 'to. "I'm telling you, hyung, bilisan mo. I'm not gonna lie, Taehyung hyung is really attractive, kaya bilisan mo na."

"Oo na, oo na." Ginulo ko ang buhok niya, "Ikaw talaga!" Tumawa lang siya.

Bigla kong naalala 'yung panaginip ko. I can clearly remember all of it, hanggang do'n sa nawalan siya ng malay.

Bigla akong napatingin sa kaliwang tagiliran ko dahil may birthmark ako do'n. Hindi ba't nasaksak si Adrian sa parehong parte? Anong ibig sabihin no'n?

Bigla akong napatakbo sa hagdanan.

"Oh, kakain na tayo, mamaya ka na umakyat!" sigaw ni Mom pero nakaakyat na ako.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko ang laptop ko saka binuksan ito. Naghintay ako nang ilang minuto dahil nagre-refresh pa ito. Pagkatapos ay pinindot ko ang google chrome at nagpunta sa Incognito. Ayoko sa cellphone ko kasi maliit ang screen.

"What does reincarnation have to do with birthmarks?" I type it as I say the words.

Nag-scroll ako saglit bago pindutin ang site na medyo interesting sa 'kin. Nag-skim lang ako rito.

Ang sabi rito, ayon sa isang old legend, ang birthmarks daw ay scars or injuries from your past life. At hindi lang 'yon, ito rin ang nagsasabi kung paano ka namatay sa past life mo, depende sa kung gaano kalaki 'yung marka.

Kapag naman wala kang birthmark, it's either namatay ka due to natural causes, no serious injury and accident that happened to lose your life in the past, or probably this is just your first life.

By that being said, ibig sabihin ba no'n ang sumunod na nangyari ay namatay si Adrian? Ibig sabihin, hindi totoong namatay siya dahil sa depression at broken heart?

What the heck!

Pero sabi ni Therese, nakatanggap daw ng balita si Teresa mula sa pamilya ni Adrian na namatay siya dahil nga sa depression at broken heart.

What is the truth?

Paano kung i-type ko ang pangalan ni Adrian sa search bar? Let me try.

"Adrian Solar." I type it as I say it.

(A/N: if you actually search it on google, ang lalabas lang ay solar panel HAHAHAHA)

Pinindot ko ang pinakaunang site na lumabas at nagulat ako nang lumabas ang mukha ko— este, mukha niya.

Ang gwapo ko pala talaga.

One of the mysteries in the history is the unsolved murder case of the Solar family from Chicago, USA. No one really knows why they were murdered. The suspect or the murderer was a bit mysterious as he died without stating his name or even a codename. Many people couldn't really recognized him because he was covered in black, except his eyes.

Adrian Solar is the only son in the family. He died at the age of 25. Such young lad. They didn't deserve this. Although they had got the justice, it's still a mystery why was this family really murdered.

"Oh my God!" Pero bakit ang sabi ni Therese— ah, ewan! Ayoko na nga.

"Hyung, kakain na!" Napatingin ako sa pinto.

"Oo, susunod na." sigaw ko.

"Okay!"

Pinindot ko na ang close button ng google chrome at saka ni-shut down ang laptop. Napakamiserable ko pala noon.
-

A/N

gusto niyo ba ng sm*t? charot HAHAHAHA

sorry kung eto lang kinaya ko, bawi ako sa next update :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top